Journey to Arciana 15: Soul Manipulator

Nasa loob na ngayon ng palasyo ng Saidore sina Steffy. Naabutan nila ang bagong dating na grupo na galing sa kaharian ng Alesther. Dito nagkitang muli ang Bratty gang at prince Ashler. Kaya kasama sila ngayon sa pagpupulong na ginanap sa Throne room ng hari.

Nandito ang mga kasapi ng konseho ng hari at may iilan sa kanila na nagtataka kung bakit isinama ng hari nila sa pagpupulong ang grupo ng mga kabataang hindi nila kilala.

Ngunit may iba naman na iniisip kung paano hilahin sa panig nila ang mga kabataang ito. Dahil iniisip nila na hindi makakapasok sa Throne room ang Bratty gang kung ordinaryo lamang ang background na meron sila. Posibleng may mataas na posisyon ang mga kabataang ito kaya sila nandito. At posible ring isa sila sa mga misyonaryo na ipinadala sa Saidore para tulungan ang kaharian sa kanilang problema.

Nanghingi ng tulong ang Alesther sa Saidore ngunit hindi rin alam ng Saidore kung paano makakatulong sa kanila.

"Ang dating kaharian ng mga Akrinian ay nagiging kaharian na ng mga estatwang bato. Wala kang makikita na ni isang nilalang na may buhay ngunit nakakapagtataka kung nasaan na nga ba ang iba pang mga mamamayan sa Akrinian." Paliwanag ni Ashler.

Kaya nahihirapan ang mga Arcianian sa paghahanap sa mga Akrinian dahil hindi nila matukoy ang tamang lokasyon ng kanilang kaharian. Ang dati kasi nilang kaharian ngayon ay inabandona na.

Pinaghihinalaan ng lahat na lumipat sila sa Haru Island, kaya lang may haka-haka rin na may napakalakas na harang lang na nagtatago sa kanila mula sa ibang Mysterian kaya hindi sila natutunton ng kahit sino.

Napatingin si haring Mubiyo kay Hairu pagkatapos sa grupo nina Steffy.

Gusto niyang manghingi ng tulong kina Steffy kaso hindi makaya ng pride niya na hingan ng tulong ang bisita nila lalo na at hindi simpleng bagay ang paghahanap sa mga nawawalang mga Arcianian.

Saka maisip kung paano siya lulusubin ni haring Yuji kapag may nangyaring masama sa mga kabataang ito parang gusto na lang niyang siya na lang ang maghahanap sa mga nawalang mga Arcianian. Kaya lang hindi siya maaaring umalis sa palasyo hangga't hindi pa nagigising ang kanyang asawa.

"Kamahalan, nandito na po ang manggagamot na posibleng makakagamot sa mahal na Hara." Pagbabalita ng isang Aliping lalake.

Halos mapatalon naman sa tuwa ang hari marinig na natagpuan na ang pinakamagaling na manggagamot sa Mysteria.

"Papasukin siya." Utos niya.

Isang lalaking naka-white coat ang pumasok. Lalaking pamilyar kina Steffy ang hitsura.

At katulad nila, gulat din ito nang makita sila sa lugar na ito. Nilagpasan lamang sila nito at nagbigay pugay na sa hari.

"Nakapagtataka. Paanong nakarating dito ang isang Dethrin? At isa pang Hanaru?" Sambit ni Sioji na rinig naman ng mga kasama ang anumang nasa isip niya.

"Hindi ba't ang manggagamot iyan sa Wynx Military Academy?" Tanong naman ni Aya.

Hinding-hindi nila makakalimutan ang mukhang ito, dahil ang mukhang ito ang dahilan kung bakit naisipan nilang magkunwaring maysakit masulyapan lamang ang Doktor na ito.

Mabilis na dinala ng hari si Doktor Lhoyd sa silid ng reyna. Ni hindi na siya nakapagpaalam sa kanyang mga bisita sa sobrang pagmamadali.

Pagdating nila sa loob ng silid, makikita ang isang magandang babae na nakahiga sa kama.

"Kung maaari, walang kahit sinong maiiwan sa silid na ito kapag nagsisimula na akong gamutin siya." Sabi ni Doktor Lhoyd.

Kilala si Doktor Lhoyd na pinakamagaling na manggagamot sa buong Mysteria. Hindi man niya kayang buhayin muli ang patay ngunit may kakayahan naman siyang gisingin ang mga na-comatose.

Nagdadalawang-isip man ang hari ngunit para sa asawa gagawin niya ang lahat. Kaya naghintay na lamang sila sa labas ng silid.

Bago pa man makapagsimula si Doktor Lhoyd sa panggagamot bigla na lamang sumulpot sina Steffy sa loob ng kwarto.

"Sinabi ko na sa hari na hindi ako nanggagamot na may nanonood sa akin kaya kung maaari lumabas na kayo." Seryoso nitong sabi makita sina Steffy.

"Isa kang soul manipulator." Naikuyom ni Doktor Lhoyd ang kamao nang marinig ang sinabi ni Steffy.

Nagtataka siya kung paano nalaman ni Steffy ang kakayahang tanging siya lamang ang nakakaalam.

"Kung ano man ang binabalak mo sa kanilang Hara itigil mo na." Sabi naman ni Asana.

Nang malaman na isang soul manipulator si Doktor Lhoyd naisip nilang hindi panggagamot ang paglapit niya sa Hara kundi upang lagyan ng ibang kaluluwa ang katawang nito. Magigising nga ang Hara ngunit hindi na ang tunay na Hara kundi ang kaluluwa na ipapalit ni Lhoyderick.

Makitang alam ng kabataan na ito ang pakay niya hindi na niya itinanggi pa.

"Wag niyo na akong pigilan. Ibabalik ko lamang ang buhay ng aming Hara."

Napatingin sina Steffy sa isang maliit na bote na hawak ni Lhoyd. Sa loob, makikita ang isang maliit na babaeng natutulog.

"Dahil sa mga Mysterian, nakulong si Reyna Kara sa mundong ito. Ni hindi siya makalabas dahil sa sumpa ng Mysteria. At hindi siya maaaring isilang muli sa ibang mundo kaya ito nalang ang tanging paraang naisip ko."

Kailangan ng kaluluwa ng permanenteng vessel para mananatiling buhay. Kapag hindi compatible ang vessel na papasukan ng kaluluwa mamamatay ang pinasukan nilang katawan sa maikling panahon.

Kaya naghanap si Lhoyd ng paraan para makatagpo ng isang katawang naaangkop sa kaluluwa na gusto nilang muling mabuhay.

"Kailangan niya ng vessel dahil nanghihina na ang kaluluwa niya. Kapag hindi parin siya makahanap baka tuluyan na siyang maglaho. Isa siyang huwarang kaluluwa kaya hindi siya dapat namamatay nalang at naglalaho."

Napatingin si Steffy sa natutulog na kaluluwa sa loob ng bote at sa kaluluwa na nasa loob ng katawan ng Hara ng Saidore.

Nakakulong ang kaluluwa ng Hara ng Saidore sa isang bilog na enerhiya at humihingi ng tulong. Gusto niyang lumabas ngunit hindi niya kayang basagin ang enerhiyang nakapaligid sa kanya.

Gusto din ng Hara na ito na mabuhay at may karapatan din siyang pagharian ang katawang pinagmamay-ari niya. Kaya hindi siya dapat kinukulong sa loob ng isang maliit na espasyo at pagmasdan ang sariling katawan na ginagamit na ng iba.

"Sinabi mo na isa siyang huwarang kaluluwa, ibig sabihin hindi niya gugustuhing mabuhay na may isinakripisyong iba." Seryosong sagot ni Steffy.

Ang totoo, nasasaktan siya maalalang muli ang sinapit ni Reyna Kara ngunit hindi naman maaaring hahayaan din nila ang tunay na may-ari ng katawan dahil lang sa gusto nilang buhayin ang yumaong Reyna.

Sa ilang taon nilang paghahanap, ang Hara lamang ng Saidore ang compatible sa kaluluwa ni Kara kaya naman ikinulong nila sa isang enerhiya ang tunay na kaluluwa ng Hara at hihintayin ang panahon na manghingi ng tulong ang hari ng Saidore sa mga Doktor. Para hindi gaanong halata ang plano nila, hindi sila nagpahalata na gusto nilang gamutin ang Hara ng Saidore.

Ngayon na ang pagkakataong hinihintay nila. At maaari ng mabuhay muli si Reyna Kara ngunit dumating naman ang grupo ni Steffy na tila ba alam ang binabalak ni Lhoyd.

"Hayaan niyo ng mabuhay ng normal ang mahal na Hara ng Saidore at makasama ang kanyang mga mahal sa buhay." Hindi naman sa ayaw niyang mabuhay muli si Reyna Kara ngunit dapat ay isilang na itong muli sa Mystic Land.

"Ginagawa din namin ang paraan para mabuksan ng muli ang lagusan patungo sa Mystika kaya kung maaari bigyan niyo muna kami ng sapat na oras para mabuksan ng muli ang lagusan at makalabas na ang lahat ng mga kaluluwang nakulong sa mundong ito." Sagot ni Steffy.

"Kaya kung maaari huwag niyo ng ituloy ang plano niyong ito. May karapatan mabuhay si Tita Kara ngunit may karapatan ding mabuhay ang Hara ng Saidore." Sabay turo sa babae na nakahiga sa kama.

Tinitigan ni Lhoyd si Steffy saka hinawakan ang babaeng nakahiga sa kama. Bigla na lamang silang naglaho sa mga mata nina Steffy.

Sumulpot si Doktor Lhoyd sa isang silid kasama ang walang malay na babae.

Alam niyang hindi niya kayang saktan si Steffy kaya iisa lang ang paraan para magawa niya ang kanyang gusto, ang ilayo ang katawan ng babaeng ito. Balak sana nilang panatilihin ang katawang ito sa Saidore bilang espiya nila. Kaya lang kailangan na nilang baguhin ang plano dahil kina Steffy.

"Sabi ko na nga ba may binabalak siyang di maganda." Iiling-iling na sambit ni Steffy.

Pagpasok ni Doktor Lhoyd nagdududa na agad sila sa dahilan kung bakit ito nakarating sa Saidore. Kaya naman naisipan niyang kontrolin ang isang royal eunuch na walang kahit isang nakakaalam.

"Pero Steffy ang mahal na Hara." Nag-alalang tanong ni Izumi.

"Ayos lang siya."

"Umalis na muna tayo dito." Pagkasabi nito ni Steffy bigla silang nawala.

Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto at halos mawala na ang hari sa sarili makitang wala na si Doktor Lhoyd at ang Hara sa loob ng silid.

"Hanapin niyo ang Hara ngayon din." Utos ng hari at hinanap ang kanyang asawa.

Ilang oras din silang naghanap at natagpuan nila ang Hara sa isa sa mga silid ng palasyo.

"Ama, isang soul manipulator po ang lalaking iyon at posibleng narito siya upang palitan ang kaluluwa ni ina ng ibang kaluluwa." Paliwanag ni Hairu na ikinahina ng tuhod ni Haring Mubiyo. Hinangad lamang niya ang kaligtasan ng asawa ngunit hindi niya inaasahan na siya pa ang magiging dahilan kung bakit ito tuluyan ng mawala sa kanila.

Agad siyang inalalayan ni Hairu ngunit napakunot ang noo habang nakatitig sa anak.

"Paano mo nalaman ang mga bagay na iyan?" Tumingin naman si Hairu kina Steffy.

Naglakad naman palapit sina Steffy sa gawi nila.

"Sila po ang mga kabataang hinahanap niyo ama. Ang maaaring makatulong kay ina." Namilog ang mga mata ng hari sa nalaman. Ang hinahanap na grupo nandito na pala at kaharap kaso hindi niya nakilala.

Halos lumuhod na si haring Mubiyo sa mga kabataan kaharap ngayon.

"Napansin kong parang may mali kanina kaya inutusan ko ang isa sa mga utusan niyo sa palasyo na ilipat ang katawan ng Hara. At ang nakita niyo kanina ay ilusyon lamang. Isang ilusyon na hindi niyo mapapansin ang kaibahan maliban lamang kung isa kang Mystikan."

"Pero paano? Hindi kayo umaalis sa kinaroroonan kanina a." Naguguluhang tanong ng Hari.

"Kaya kong ipasa ang kakayahan ko sa mga nilalang na kinokontrol ko." Paliwanag ni Steffy.

Bigla namang lumuhod ang hari at ilang ulit na nagpasalamat. Napatago naman si Steffy sa likuran ni Sioji sa sobrang bigla.

"Wag na po kayong lumuhod. Kailangan muna naming alisin ang enerhiyang nakakulong sa kaluluwa ng inyong asawa." Paliwanag ni Asana.

Madali lang naman sa kanila ang alisin ang enerhiyang nagkulong sa kaluluwa ng Haria kaya sobrang laki ng pasasalamat ni Haring Mubiyo.

Samantalang si doktor Lhoyd naman nagwala matuklasang isang ilusyon lamang ang dinukot niya kanina. Nang ipasok na sana ang kaluluwa na hawak niya naglaho na lamang bigla ang katawan.

"Steffy! Bakit kailangan mo pa talaga kaming kalabanin?" Sambit na lamang niya at napahawak sa ulo.

Napatingin siya sa hawak na bote.

"Paano ko siya mabubuhay muli kung wala ang katawan ng Hara ng Saidore?" Sambit ni Lhoyd.

Ang Hara ng Saidore ay ang fourth soul o ang ikaapat na kaluluwa ni Kara. Maituturing na ang ina ni Hairu ay isa sa doppelganger ni Kara sa Mysteria. Nang mamatay si Kara dapat sa ina ni Hairu mapupunta ang kapangyarihan nito o ba kaya sa dalawa pang doppelganger nito ngunit napunta ang kapangyarihan ni Kara kay Steffy. Iyon ay dahil aksidenteng nakuha ni Steffy ang kapangyarihan ni Kara bago ito mamatay.

Mula man sa iisang Mystikan soul ang Hara, magkaiba sila ng ugali, gusto, pamumuhay, at kinalakihan. Magkaiba pa rin sila. Kapag mag-merge naman ang dalawang kaluluwa, posibleng isa sa dalawang soul ang mawawala at walang maalala. Posibleng mabubuhay muli ang isang Kara at tuluyan ng maglalaho ang Reyna ng Saidore. Mula man sila sa parehong kaluluwa ngunit magkaiba pa rin silang dalawa. Si Kara ay si Kara at ang Hara ng Saidore ay ang hara ng Saidore.

Kaharap ngayon ni Steffy ang natutulog na Hara ng Saidore.

"Pareho kayo ng hitsura ng kaluluwa, halatang magkapareho kayo ng pinagmulan. Kapag nag-merge ang mga kaluluwa niyong dalawa magiging iisa kayo at posibleng wala ng maalala ang isa sa inyo. Tiyak na ikaw ang mawawala dahil buburahin ka ni Lhoyd sa mundong ito."

"Wag kang mag-alala. Makakalabas ka na ulit diyan."

Nakita niyang mas lalong kinakalampag ng kaluluwa ng babae ang enerhiyang nagkukulong sa kanya.

"Am I a merge soul too?" Sambit ni Steffy maisip ang sarili.

May malakas na enerhiyang nagkukulong sa kung anong bagay sa katawan niya. Sa bawat tanggal niya ng seal may mga nagbabalik na mga alaala sa kanyang isipan. May mga pumapasok na mga kaalaman na hindi naman kanya at madalas pang tila may nagsasabi sa kanya ng kung ano ang dapat gawin.

"Ang ibang ako ba ay nakakulong sa loob ng katawan ko katulad ng babaeng ito?" Sambit niya pang muli.

Childish man siya sa paningin ng iba, ngunit may sekreto siyang itinatago na siya lamang ang nakakaalam.

"If I am Seyriel and I am Steffy too, pero ako rin si— then sino ako sa kanila? Sino naman sa kanila ang mga magulang ko?" Sambit ni Steffy maisip na si Kara at siya ay may pagkakapareho.

Ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay sigurado siyang si Kara ang namatay, ngunit sa sitwasyon niya hindi niya alam kung sino sa katauhan niya ang wala na.

Some side of her brain telling her na ang mga Zaihan ang kanyang mga magulang ngunit may part din na sinasabing anak siya nina Hisren at ng asawa nito. Ngunit buo naman ang loob niyang sinasabing anak din siya nina Seyria at hindi ampon. Kung hindi siya ampon kung ganoon sino ba talaga siya?

Malabo ang alaalang meron siya mula anim na taong gulang pababa. Lalo pa't lumalabo na rin ang mga alaalang meron siya tungkol sa pamilya niya sa mundo ng mga tao. Ang malinaw lamang sa kanya ay ang huling sandaling nakasama niya ang mga magulang o kuya Ariel niya sa mundo ng mga tao.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top