Journey to Arciana 14: Paghingi ng tawad
Tumango ang hari kina Saiyuchi at Saiyura bilang acknowledgement niya sa dalawa.
"Paumanhin kung hindi naging kaaya-aya ang naging pagtanggap sa inyo ng mga nasasakupan ko. Bilang pagbawi, bibigyan ko kayo ng lugar na matutuluyan at ibibigay ang inyong lahat na kailangan. Maaari rin kayong humiling. Ibibigay ko kahit ano basta't makakakaya ko." Seryosong sabi ng hari. Wala man lang nakapansin na ilang ulit siyang napapalunok at kanina pa pinagpapawisan na ng malamig. Hindi nila alam na kung gaano ito kaseryoso ganon naman kaseryoso ang kabang nararamdaman niya.
"Ayos lang po yon. Natutuwa nga po kami e. Saka nakapagsanay rin ang mga kaibigan ko dahil sa mga nasasakupan mo." Sagot ni Steffy na di mawala-wala ang kislap ng mga mata. Nangingislap sa tuwa.
Gusto tuloy maubo ng hari sa narinig. Naging tools lang pala ang mga nasasakupan niya sa pagsasanay ng mga kabataang ito. Parang nakarinig na siya ng ganitong pangyayari.
"Katulad na katulad siya ni Steffany. Sana lang hindi iyon ang kanyang ina." Maisip lang ang pangalan na iyon napapayakap na siya sa sarili.
Makitang kahit ang hari humingi ng paumanhin sa mga kabataang ito, mabilis na nagsiluhuran ang mga Elders ng Saynah Academy maging ang mga estudyante lalo na sina Chiko at Daven. Bumibigay na din naman kasi ang mga tuhod nila sa tindi ng takot.
"Paumanhin po mahal na hari. Patawarin niyo po kami." Halos panabay nilang sambit.
"Sa palagay ko hindi kayo sa akin dapat humingi ng tawad." Sabi ni haring Mubiyo.
Agad na lumapit ang Dean kina Steffy at humingi ng tawad. Kaya lang tinaasan lang sila ni Steffy ng kilay.
"Sa totoo lang, wala kayong kasalanan sa amin kundi sa Sai School kaya sa kanila kayo dapat humingi ng tawad."
Mabilis naman silang lumapit kina Saiyura at Saiyuchi na makikitaan ng tuwa ang mga mata. Alam kasi nilang mabilis magpatawad ang magkapatid na ito. Mabilis naman silang pinatawad ng magkapatid. Ngunit muling nagsalita si Steffy.
"Sa palagay niyo ba sa kanila lang kayo may kasalanan? Kung luluhod kayo sa tapat ng Sai school sa loob ng tatlong araw palalagpasin namin ang ginawa niyo pero kung hindi..." Hindi tinapos ang sinasabi at ngumiti ng matamis.
"Sumusobra na kaya kayo. Wala ngang nasaktan sa inyo e at kami pa nga ang naagrabiyado." Hindi napigilang sigaw ng isang lalaking Elder.
"Kung hindi kami mas malakas sa inyo natitiyak kong binaboy na kami ng mga estudyante niyo. Higit sa lahat, siguradong hindi lang pagluhod at paghingi ng tawad ang dinaranas namin ngayon at sa mga Sai School. Posible pa ngang wala ng Sai School ngayon." Sagot ng tahimik sanang si Arken.
Kapag mahina sila, malamang hindi lang bugbog ang aabutin nila sa mga elders na ito. Kukunin pa ang lahat ng meron sila at posibleng papatayin pa sila matapos pakinabangan at pahirapan. Kaya hindi sila dapat pinapatawad kaagad. Dapat silang parusahan.
"Isang insulto na parusahan ang nasasakupan ng isang hari sa harapan niya mismo." Mabilis na sabi ni Asana makitang itinaas ni Steffy ang kamay habang nakatingin sa lalaking nagreklamo kanina.
"Okay." Sagot ni Steffy kaya napahinga ng maluwag si Asana. Ngunit napaawang ang bibig dahil sa narinig na sigaw mula sa likuran ng hari.
Kaya napalingon ang lahat sa Elder na nagpagulong-gulong ngayon sa lupa dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman. Parang pinagpipira-piraso ang kanyang mga kalamnan na di niya alam kung bakit bigla na lamang niyang nararamdaman.
"Anong ginawa mo? Sumang-ayon ka na di ba? Bakit mo parin ginawa yan?" Asana ask with a helpless look.
"Di kaya yan sa harapan? Di ba sa likuran naman?" Inosenteng tanong ni Steffy.
Napatampal si Asana sa noo. Nakalimutan niya na minsan umaandar ang pagka-slow ng kasama.
"Anong nangyayari sa kanya?" Curious na tanong ni Daerin. Iyon din naman ang tanong ng lahat kaya napatingin sila kay Steffy at hinihintay ang sagot niya.
"Inflicting pain. Isa sa curse magic na maaari mong iparamdam sa target ang anumang sakit na gusto mong maramdaman niya. Ngunit ang ginawa ko ay iparamdam lang sa kanya ang anumang gusto niyang iparamdam sa amin." Sagot ni Steffy.
Dahil dito, sincere ng nanghingi ulit ng tawad ang Saynah Academy sa takot na matulad sila sa Elder na sumisigaw parin ngayon sa sakit.
Sa totoo lang, wala talagang curse magic na ganon. Gawa-gawa lang iyon ni Steffy dahil ayaw niyang malaman nila na kaya niyang magnakaw at kumopya ng kakayahan ng iba.
Ang pagtaas niya ng kamay ay upang tanggalin ang kapangyarihan ng Elder na ito ngunit nabasa niya ang isip nito ng di sinasadya. At binalak nitong pasekretong lalapit sa kanila at iparamdam sa kanila ang sakit kapag magkakaroon na siya ng pagkakataon.
Inflicting pain to someone na mahahawakan niya. Ito ang kakayahang taglay ng elder na ito. At balak nitong gamitin sa Sai clan, Sai School at sa bratty gang. Kaya naman, ibinalik lang ni Steffy sa Elder ang gusto nitong iparamdam sa kanila.
"Alam kong napapagod na kayo bakit hindi nalang kayo sumama sa akin para mailibot ko naman kayo sa kahariang ito?" Sabi agad ni Hairu na umaasang matuon sa ibang bagay ang atensyon nina Steffy.
Alam ng bratty gang ang gusto niyang ipahiwatig ngunit kusa din naman silang sumama.
Pinatawag naman ng hari si Deoseyn na alam niyang nandito na rin ulit sa capital city. Sa Saynah City kasi naninirahan ang kanyang angkan at malayo ito sa capital city. Ang Saynah Academy sa lugar na ito ay branch lang din ng Saynah Academy sa Saynah City.
***
Nakaluhod ngayon ang Dean sa tapat ng kanilang Young Master.
Kung pinagpapawisan siya nang matuklasang may makapangyarihang background ang mga kabataang balak turuan ng leksyon, mas pinagpapawisan siya ngayong kaharap niya ang Young Master ng Saynah clan. Hindi niya inaakala na darating ito sa Saynah Academy. Nagkataon pa talagang may nagawa silang hindi maganda.
Pinakita sa kanya ang mga eksena kung saan nagkatagpo ang landas nina Daven at ng Sai School. Kung bakit nagalit sina Daerin at ang iba pa. Nakita nila na binalak bastusin at pagsamantalahan ng mga Saynah Academy ang mga kababaihang kasama nina Daerin kaya naman nagalit ang kanilang grupo at tinuruan ng leksyon ang Saynah Academy sa tulong nina Steffy at iba pa.
"Hindi ko alam na ganito na pala ang Saynah Academy dito." Sambit ni Deoseyn at matalim ang mga tinging ibinigay kay Kamiro.
"Patawarin niyo po ako Shide. Nararapat lang po akong parusahan." Halos hindi na niya magawang iangat ang mga mata sa sobrang hiya at pagsising nararamdaman. Ngunit sa kaloob-looban, sinisisi niya ang mga gurong nagpapasok kina Daven sa Saynah Academy at unti-unti ring nabuo ang pagkamuhi sa kanyang puso sa mga estudyanteng lumabag sa batas ng kanilang paaralan lalong-lalo na kina Daven na pinakadahilan kung bakit siya nakaluhod ngayon.
"Magmula ngayon hindi ka na isang Dean ng paaralang ito. At magsasagawa ako ng isang pagsusulit sa lahat ng mga estudyante. Ang sinumang mahuhuli kong nakagawa ng isang pagkakamali at lumabag sa batas ay hinding-hindi na maaaring umapak pa sa paaralang ito."
Isa sa batas ng mga Saynah na wag gamitin ang pangalan ng angkan para makakuha ng benepisyo o espesyal na pribilehiyo. At hindi maaaring ginagamit ang lakas sa pang-aapi kundi para sa pagliligtas sa mga inaapi at nangangailangan ng tulong. At para mailigtas ang sarili at mga mahal sa buhay laban sa kapahamakan, hindi para gipitin ang kapwa Mysterian.
Hinayaan na ng mga Saynah clan ang kanilang paaralan dahil wala namang nangyayaring di maganda sa mga nagdaang mga taon, ngunit sa pagkakataong ito kinailangan ni Deoseyn na dumalaw sa kanilang paaralan dahil nalalapit na ang annual battle competition ng Arciana.
Kailangan nila ang susi sa lagusan papunta sa Haru Island dahil sa hinala nilang dito tinatago ng mga Akrinian ang mga Mysterian na bigla na lamang naglalaho. Isa sa hinahanap nila ay ang kapatid ni Saiyura na si Hakuah na bigla na lamang naglaho. Kailangan nila itong mahanap bago pa man mabihag ng mga Akrinian.
Nabalitaan din nilang kumpirmadong nasa Haru Island ang hinahanap kaya lang nasa pinakagitna ito ng nasabing isla na napapaligiran ng mga kalabang tribu. Marami na rin ang nakakulong sa lugar na ito at isa na doon ang mga misyonaryo, mga kawal, sundalo at mga Arkian na nakapasok sa Haru Island.
Ang sinumang makakakuha ng susi ay may kakayahang maglabas-pasok sa Haru Island anumang oras ngunit ang mga pumasok dito na hindi hawak ang susi ay hindi na makakalabas pa.
Kaya naman sa mga panahong ito, ang Alesther lamang ang may kakayahang maglabas-pasok sa lugar na ito. At gaya ng napag-usapan, kailangan nilang mananalong muli kung gusto nilang manatili ang susi sa kanilang mga kamay.
Kaya lang, kasama din sa battle competition na ito ang mga Akrinian at kung sa kanila mapupunta ang susi, tiyak na wala ng pag-asa pang maililigtas ang mga nakakulong ngayon sa Haru Island.
Kailangan ni Deoseyn na mamili ng magagaling na mga kabataang maaaring sumali sa paparating na competition. Ngunit hindi niya inaasahan na ang mga magagaling na estudyante sa henerasyon ngayon ay may ganitong pag-uugali. Masyado siyang nadismaya. Wala siyang mapipili sa main branch dahil sobrang babata pa nila at di pa sapat ang kakayahan nila para sumali sa competition at ang branch nalang ang pag-asa niya ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari.
***
Napatingin sina Daerin sa mga kabataang nakaluhod ngayon sa tapat ng kanilang paaralan. Nakayuko ang mga ito at paulit-ulit na humihingi ng tawad.
"Hindi ko alam na darating ang araw na luluhod kayo sa tapat namin ngayon." Naka-smirked na sambit ni Hasim. Matagal na silang galit sa mga mayayabang na estudyante ng Saynah Academy. At hindi nila inaasahan na darating din ang panahon na sila na naman ngayon ang hihingi ng tawad sa Sai School.
Dati kasi, palage na lamang nilulunok ng Sai School ang pride nila dahil alam nilang wala silang laban sa Saynah Academy lalong-lalo na noong hindi na makakagamit pa ng kapangyarihan ang kanilang Young Master dahil sa sugat na natamo. Wala ng magtatanggol sa kanila at nawala rin ang prestige ng Sai clan.
Maraming mga bagong usbong na clan ang nagbabalak agawin ang Sai clan at isa na dito ang Donfen clan. Ngunit dahil sa mga bisitang bigla na lamang dumating sa Sai School, hindi na banta ang Donfen clan ngayon sa Sai clan dahil wala na silang sapat na yaman at kapangyarihan na maipagmamalaki.
At kahit ang Saynah Academy students, Elders and Dean, nandirito ngayon upang manghingi ng tawad sa kanila. Hindi maiwasan ng mga nasa Sai School ang matuwa dahil tila ba nabaliktad ngayon ang sitwasyon nila. Hindi na sila ang palaging nagpaparaya at nagpapakumbaba. At hindi na nila kailangan pang itago ang mga estudyante ng Sai School na gusto nilang protektahan.
Madalas kasing nilulusob ng mga Saynah student ang Sai School at hinahanap ang mga estudyante ng Sai School na minsan nilang nakaaway o nakagalit, upang parusahan. Madalas ding dumadalaw ang mga Elders o mga council member sa Sai School upang manghamon ng friendly duel or friendly competition ngunit ang totoo, nanggugulo lang talaga sila.
Gusto lang nilang guluhin ang nananahimik na paaralan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top