Journey to Arciana 12: Dean Kamiro
"Tapusin na kaya natin para hindi na sila manggugulo pa." Sabi ni Rujin habang kumakain.
Nakaupo silang tatlo at kaharap ang mesang may maraming mga nakahandang mga pagkain.
"Hindi pwede." Sagot ni Steffy at napatingin sa lalaking nakatayo sa tapat nila na isa sa inutusan ni Chiko.
"Bakit naman?" Nakataas ang kilay na tanong ni Hyper.
"E di ang boring ng buhay natin. Walang challenge. Sana nga may malalakas na mga Mysterian ang bigla na lamang susulpot para may maka-duel naman ako." Sagot ni Steffy at napanguso.
Pakiramdam kasi niya kakalawangin na yata siya kapag hindi siya makahanap ng kalaban na mas malakas sa kanila.
Si Alder na gusto ng umalis hindi magawang igalaw ang katawan. Naiiyak na siya ngunit nakangiti ang labi niya kahit hindi naman niya ginustong ngumiti. Gusto niyang magsalita ngunit walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Napipilitan din siyang pakinggan ang usapan ng tatlong mga kabataang ito.
Bahagya pa siyang napatulala nang makita ang mga hitsura nila sa malapitan. May kakaibang mga ganda at hitsura ang mga ito. Kaya lang kung gaano sila kaganda gano'n din sila kapanganib.
Ang Arkian na nagpapanggap na waiter napapasulyap kina Steffy at sa iba pang mga kasama na nasa ibang stall namimili ng paninda. Saka wala siyang nakikitang mali sa ugali nila maliban sa katakawan at mahilig magtapon ng pera na parang walang bukas wala naman silang ginagawang di maganda. Hindi nga nila pinatulan ang grupo ng mga estudyante ng Saynah Academy.
Pero ngayong narinig ang sinabi ni Steffy naisip niyang minamaliit ng grupong ito ang Saynah Academy kaya hindi nila pinapatulan. Kanina lang iniisip ng Arkian na ito na wala namang espesyal sa mga kabataang ito pero ngayon naisip niyang nakakatakot ang mga ito dahil nagawa nilang kontrolin ang mga Saynah Academy students na di nila alam kung sino sa kanilang sampo ang nagkokontrol sa katawan ng mga kabataang ito.
***
Nasa loob ng kanyang opisina ang pinuno ng mga Arkian na si Pinunong Kaemon nang magliwanag ang puting papel na nakalatag sa kanyang mesa. Lumitaw mula rito ang mukha sa isang Arkian na inutusan niyang magmanman sa mga kabataang na bisita ng Sai School.
"Pinuno, mga controllers at manipulators po ang mga kabataang ito. Halatang May kakaiba nga silang mga lakas pero..."
"Bakit?" Tanong agad ni Kaemon mapansing nag-aatubiling magsalita ang kanyang inutusan.
Ipinakita ng Arkian ang eksenang ginagawa nina Steffy at sa iba pa.
Eksena ito kung saan makikitang naglalaro ng dice ang apat sa mga kabataan. At makikita ang masasamang tingin ng mga natatalo sa sugal. Sa isang sulok naman walang nakakatalo kay Sioji na naglalaro ng chess. Ang lahat ng nakalaban niyang mga master na sa larong ito madilim ang mga mukha ng umalis.
Ang seryosong mukha ni Kaemon napalitan bigla ng pagtataka. Nakita kasi niyang nakikipaglaro ng tumbang preso sina Rujin at Hyper sa mga bata. Sina Aya at Steffy nakikipaghabulan na sa mga batang babae na halatang natutuwang maging kalaro sila. Masaya namang nanonood sa kanila ang mga magulang ng mga bata.
"Saang parte ba ng pagmumukha at ugali nila ang pagiging mapanganib?" Tanong ni Kaemon.
Sina Chiko at Daven lang naman ang gustong umatake kaso hindi sila pinagtutuonan ng pansin. Ni di nga sila makalapit dahil may harang ang bigla na lamang susulpot kapag balak nilang umatake.
Kung magpupumilit silang makipag-away kahit na ayaw silang kalabanin ng kalaban magmumukha silang hindi makatarungan sa paningin ng iba lalo na kung wala namang ginagawang masama sa kanila ang kabilang parte.
Nang malaman ng Dean na nasa capital city ang grupong nagpahirap sa estudyante niya agad siyang nagpadala ng mga Syanra level na mga elders.
Dito nasaksihan ni Kaemon na walang ni isa sa sampung Syanra level ang may laban sa sampung mga kabataan. Bago pa man sila makaatake naglaho ang kanilang mga kasuotan kaya naman mabilis silang nagsialisan dahil sa hiya. Sino ba kasing may ganang makipaglaban kung nakahubad tapos maraming mga mata ang nakatingin?
Dahil sa kahihiyang tinamo ng mga elders ng Saynah Academy personal ng nagpunta ang Dean sa kinaroroonan nina Steffy.
Naglalaro ngayon ng slide sa isang park sina Steffy kasama ang mga isipbata niyang mga kaibigan na sina Rujin, Hyper, at Aya. Halos lahat ng mga larong pambata na nakikita nila sinubukan na.
Napapabuntong-hininga naman si Asana dahil ang hihilig maglaro ng apat na mga kasama kahit na may misyon silang dapat pagtuonan ng pansin.
Napaangat sila ng tingin makita ang mga pigura na lumilipad sa langit at patungo sa kanilang kinaroroonan.
Ramdam na ramdam din nila ang malakas na aura sa paligid. Napatakbo palayo ang mga Mysterian na nasa invincible level lamang sa lakas ng pressure na nararamdaman dahil sa malakas na aura ng mga bagong dating.
Nakasakay ang Dean sa isang malaking piraso ng balahibo ng flying beast na may kulay silver at halatang malambot ang balahibong ito.
"Parang ang gandang gawing pamaypay." Sambit ni Steffy at iginalaw ang isang kamay.
Biglang naglaho ang balahibong sinasakyan ng Dean kaya nalaglag siya pababa. Mabilis niyang kinuha ang kanyang nakakalipad na espada upang masakyan saka dahan-dahang lumapag sa lupa.
Umasim ang mukha ng Dean makitang ginawang pamaypay ni Steffy ang kanyang flying artifact.
"Isuli mo ang flying artifact ko." Mariing utos niya ngunit ngiti lang ang makikita sa mukha ni Steffy.
"Saynah Academy. Hindi niyo ba naisip na dinudumihan niyo ang sagradong pangalan ng angkan na iyan?" Tanong ni Steffy habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Dean Kamiro.
"Bakit hindi nalang kayo humingi ng tawad at pagbayaran ang mga kasalanang ginawa niyo sa pagpapahiya sa mga elders at pang-aapi sa mga estudyante ko?" Cold na tanong ng Dean.
"Ang mga estudyante niyo ang unang nagnanais gumawa ng di maganda tapos kung magantihan sila sasabihin niyong sila ang inaapi? Wag niyong sabihin na dahil Saynah kayo hahayaan naming mabastos at masaktan ng mga estudyante niyo? Anong klaseng katarungan ang hinihiling niyo?" Sabi ng bagong dating.
Napalingon ang lahat sa bagong dating na si Haejae na kasama sina Daerin at ang iba pa. Kasama rin nila ang young master ng Sai clan na si Saiyuchi at ang Young miss na si Saiyura.
"Ang mga estudyante niyo ang unang humarang sa amin at pinilit kaming ibigay ang mga babae namin sa kanila. Kung ganon papayag kayong mambastos ng mga babae ang mga estudyante niyo dahil lang sa mga Saynah Academy students sila?" Sabi ni Haejae.
Hindi siya palasalita ngunit kapag kinakailangan, nagsasalita din siya.
"Kung totoong nagkasala ang mga estudyante ko paparusahan sila ayun sa parusang igagawad niyo ngunit pinahiya ng mga kabataang ito ang mga Elders ng paaralan ko para na ring pinahiya niya ang buong Saynah clan kaya paparusahan din sila ayun sa batas ng Saynah clan." Sagot ni Dean Kamiro.
"Sa simula palang kasalanan niyo na ang lahat at kung di kayo nagbabalak ng masama sa amin hindi sana mapapahiya ng ganon ang mga Elders niyo. Wag niyo ring idadamay ang Saynah clan na sinasabi niyo. Kung tunay na makatarungan ang Saynah clan na iyan, kayo ang dapat nilang parusahan." Sagot ni Aya na naka-cross arms pa.
"Gusto naming mang-api e ano ngayon? Kung gusto niyo ng laban sige atake na." Hamon naman ni Steffy na ikinalingon ng lahat sa kanya.
"Gusto mo bang mamatay?" Gulat na tanong ni Daerin. Sa halip na pawiin ang galit ng Dean mas ginalit pa kasi ni Steffy.
"Hindi. Pero gusto kong makalaban ang Dean kasi ang lakas ng kapangyarihan niya." Nagniningning pa ang mga mata habang sinasabi yun. "Teka lang pwede naman kaming maglaban di ba kahit na hindi kami magkalaban?"
Lahat tuloy sila hindi alam ang sasabihin. Hindi ba alam ng babaeng ito na para siyang tumalon sa apoy sa ginagawa niyang ito.
"Ninakaw ko ang flying artifact mo, di ba dapat galit ka sa akin? Saka kinontrol ko ang mga estudyante mo at inubusan ng mga pera, ako din ang naghubad sa mga Elders niyo tapos ay wala na pala. Bakit ba kasi kunti lang ang mga pagkakamaling ginawa ko?" Napanguso pa siya maisip na di gaanong nakakapikon ang ginawa niya.
"Dapat siguro pinakagat ko nalang ng langgam ang mga itlog nila para lumubo." Mahahalata sa boses niya ang panghihinayang dahil kulang pa ang ginawa niya. Unti-unti namang namula ang kalmado sanang Dean.
Naningkit ang mga mata ni Dean Kamiro habang nakatingin kay Steffy. Kahit nagagalit siya sa babaeng ito hindi parin niya maiwasang humanga sa ganda nito at sa lakas ng loob.
"Shida. Hindi mo ba alam kung ano ang naghihintay sayo dahil sa punagsasabi mong iyan?" Tanong niya kay Steffy.
"Ipagpaumanhin niyo po ang batang ito. Ako na po ang nanghihingi ng paumanhin para sa kanya." Mabilis na sabi ni Saiyuchi sa pag-aalalang may masamang mangyayari kay Steffy.
Nalaman niyang ang mga kabataang ito ang nagligtas sa Sai School kaya ayaw niyang may mangyayaring masama sa kanila. Alam nila kung gaano kalakas si Dean Kamiro lalong-lalo na ang mga Saynah. Siguradong wala silang laban sa sagradong clan na ito.
"Wag kang mag-alala sa akin. Gustong-gusto ko talaga siyang maka-duelo. Hindi na kasi ako nakakapagsanay e."
Gusto tuloy nilang hampasin si Steffy para magising. Gusto ba naman kasing gawing pagsasanay ang pakikipaglaban kay Dean Kamiro?
"Maaari ka namang magsanay sa ibang paraan mahal na shida." Sabi naman ni Saiyuchi.
"Ibang-iba kasi kapag tunay na labanan." Sagot ni Steffy.
"Bakit hindi nalang kayo manghingi ng paumanhin at isuko ang sarili niyo kaysa manghamon ng labanan? Ayaw kong masabihang nang-aapi ng mas mahina kaya sumuko nalang kayo para mas mapadali ang usapang ito." Sagot ni Dean Kamiro matapos humugot ng ilang malalim na hininga.
"Kala ko pa naman ako lang ang makapal ang mukha. Mas makapal pa pala ang mukha niyo. Ang lakas ng loob niyong wag masabihang nang-aapi ng mas mahina. Aware naman pala kayong mas malakas ang kapangyarihan niyo pero kung makapagpadala kayo ng mga Syanra level parang hindi na iyon pagpapakitang mas malakas kayo a. Kung wala ka naman palang balak lumaban mabuti pang lumayas nalang kayo. Hindi yung kunwari ayaw niyong mang-api ng mas mahina e ginagamit niyo nga ang koneksyon niyo sa Saynah clan para mang-pressure ng iba. Wag ka ng magmalinis. Ako nga inaamin kong makapal ang mukha ko kaya amin-amin na din pag may time." Sagot ni Steffy na ikinapulang muli ng mukha ng Dean sa tindi ng galit.
Kung kanina balak lang parusahan ang mga kabataang ito, ngayon naman balak ng pahirapan kaya pumayag na siyang makipaglaban kay Steffy.
"One tenth lang ng kapangyarihan ko ang gagamitin ko." Sabi ni Dean Kamiro ngayong kaharap na ang batang mayabang na ito.
"Wag ka ng magkunwaring mabait. Wala ka naman non e."
Talaga namang gustong-gusto ng tirisin ng Dean ang maliit na kutong ito na palaging gumagalit sa kanya.
"Bata. Sumusobra na ang yabang mo kaya ako na ang magtuturo ng tamang asal sayo sa ngalan ng mga magulang mo." Sabi nito kay Steffy.
"Magkaroon ka muna no'n bago mo ako bigyan." Hamon ulit ni Steffy.
"Mukhang hindi ka nga matututo hangga't hindi maturuan ng leksyon." Pinakawalan niya ang kanyang kulay silver na aura.
"Anong gagawin mo ngayon habang pinapasan ang pressure na likha ko diyan sa ibaba?" Mayabang niyang tanong na inaakalang hindi nakakalipad si Steffy dahil isa lamang siyang invincible average level.
Itinaas ni Steffy ang kamay. Bigla na lamang nabalot ng kulay berdeng bagin ang mga paa ni Kamiro. Isang silver energy ang pinakawalan ni Kamiro at pinatama sa berdeng bagin ngunit tila sinisip lang nito ang enerhiyang pinakawalan niya.
Nagpakawala siya ng apoy at pinatama sa bagin. Nasunog naman ito na ikinahinga niya ng maluwag saka binato ng mga bolang apoy si Steffy. Kaya lang ina-absorb lamang ng babae ang mga bolang apoy. Ilang sandali pa'y may hawak na siyang bagin na nababalot ng apoy at inihampas ito sa direksyon ni Kamiro. Mabilis namang nakaiwas ang Dean saka bumulusok pababa para atakehin si Steffy.
Para siyang kidlat na bumulusok pababa habang nababalot ng apoy ang kanyang kamao at sigurado siyang hinding-hindi siya maiiwasan ng shidang ito.
"Masama to. Mapapahamak siya." Sambit ni Saiyura. Ngunit huli na para tulungan nila si Steffy. Nabutas ang lupang tinamaan ng kamao at abot langit ang usok na nalikha sa sumabog na lupa. Nang mawala na ang usok nakita nila si Kamiro na nakatayo at nanlalaki ang mga mata.
Maliban sa bratty gang, inaakala ng lahat na wala na si Steffy ngunit laking gulat nila makitang wala na ito sa dating kinatatayuan.
Hinanap nila kung nasaan na siya at nakitang buhat-buhat nito ang isang ginang na muntik ng matamaan ng tumilapong bitak ng bato kanina. Matapos mailayo ang ginang saka siya naglakad pabalik sa gawi ni Kamiro.
Hinihingal na si Kamiro ngayon dahil sa enerhiyang nawala sa kanya.
"Kapag lumuhod ka at manghihingi ng tawad dahil sa pagkampi mo sa mga makasalanan mong mga estudyante hindi na kita gagalitin at papatulan pa." Sabi ni Steffy na naglalakad na ngayon sa hangin.
Kaya lang sino ang may gustong matalo lamang sa isang katorse anyos na babae? Siya na tinitingalang Dean ng Saynah Academy matatalo lamang ng isang bata? Hinding-hindi niya iyon matatanggap. Kaya inilabas niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan at nababalot na siya ngayon ng dark purple aura.
Unti-unting nalalanta ang mga halamang natamaan ng kanyang aura. Nagsiatrasan naman ang mga manonood at malayo na sila ngayon sa kinaroroonan nina Steffy at Kamiro.
Sumuntok si Kamiro sa hangin at isang bilog at dark purple na enerhiya ang patungo sa kinaroroonan ni Steffy. Mabilis naman itong sinalubong ni Steffy ng suntok.
"Bakit niya sinuntok? Magpapakamatay ba siya?" Gulat na tanong ni Nana ngunit nanlaki ang mga mata dahil nawasak ang enerhiyang likha ni Kamiro.
Bigla na lamang naglaho si Steffy sa kinatatayuan kaya naman agad na inihanda ni Kamiro ang sarili sakaling bigla siyang atakehin ngunit makalipas ang sampong minuto wala paring Steffy ang sumulpot kaya naman hinanap niya ito.
Natagpuan nila itong kumukuha ng larawan at ang background ay ang mga royal knight na nanggaling sa palasyo.
"Ang ganda ng formation nila. Maka-selfie nga muna." Selfie siya ng selfie na may iba't-ibang posisyon at ekspresyon.
Ang mga royal knight na nauuna sa lahat nagkatinginan saka ibinalita sa hari nila na may nangyayaring kaguluhan at may katorse anyos na babae ang nakalutang sa hangin habang kumukuha ng larawan.
Umasim ang mukha ng Dean makitang hindi siya siniseryoso ng kanyang kalaban kaya lumipad siya sakay ng kanyang espada patungo sa gawi ni Steffy ngunit natigilan makita ang karwahe ng hari. Muntik na siyang malaglag sa sobrang gulat ngunit mabilis na lumapag sa lupa at agad na lumuhod upang manghingi ng tawad.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top