Journey to Arciana 11: Saynah Students revenge

Sa palasyo ng Saidore kingdom.

"Kamahalan. Naghain po ng reklamo ang Donfen clan laban sa Sai clan." Pagbabalita ng alalay ng hari sa hari ng Saidore.

Napahilot naman ng ulo ang Hari dahil sa narinig.

Malapit sa Saynah clan ang Donfen at alam ng hari ang alitan ng Sai Clan at ng Donfen. Kung inatake nga ng palihim ng Sai clan ang Donfen hindi naman pwedeng hindi na makialam ang hari.

"Kaya lang alam nating lahat na may Syanra master ang Donfen kaya paanong inatake sila na walang kalaban-laban?" Nagtatakang tanong nito.

Pinaimbestigahan nila kung totoo bang may lumusob sa Donfen ngunit natuklasan nilang ang Sai school ang nilusob ng Donfen clan at umalis ang mga ito na nakabahag ang buntot. Kaya lang, pagkalipas ng limang araw, inatake ang Donfen clan ng misteryosong nilalang na kayang kontrolin ang mga bagay sa paligid.

Gustong malaman ng hari kung nasa Sai School ba ang misteryosong nilalang na ito at gusto niyang tiyakin kung kakampi ba ito o kalaban.

Naghain din ng reklamo ang Dean ng Saynah Academy sa Arkian Court dahil sa sinapit ng kanyang mga estudyante. Ang Arkian Court ay opisina ng pulisya sa Saidore kung saan naghahain ng reklamo ang sinumang mga biktima ng karahasan at pamg-aapi mula sa ibang Mysterian. Maging ang grupo ni Jigo na isa sa mga nasaktan nina Steffy at sinabing mga kabataan silang nagkatawang teenager para manlinlang at mang-api ng kapwa.

Para sa kanila, mga halimaw sina Steffy at hindi dapat manatili sa Mysteria. Sinamahan pa nila ng mga exaggerated na kwento para makumbensi ang mga Arkian na dakpin ang mga kabataang kasama ng mga Sai students sa Deiyo mountain.

"Kung totoong mga Mysterian sila na may malalakas na kapangyarihan hindi natin sila maaaring mahuli ng basta-basta. Pero kung mga halimaw nga sila, kailangang maibalita natin sa mahal na hari ang tungkol sa bagay na ito. Ngunit hindi naman maaaring basta lamang tayo magbibintang na walang ebidensya." Sabi ng pinuno ng mga Arkian habang nag-iisip ng paraan kung paano mapatunayan na totoo ang anumang sinasabi nina Jigo at sa grupo ng mga estudyante ng Saynah Academy.

Mga Arkian sila na nagliligtas sa mga mahihinang Mysterian na inaabuso ng mga mas malalakas sa kanila. Ngunit hindi sila basta-basta nanghuhuli kung wala silang sapat na ebidensya kaya naman nagpadala siya ng mga tauhan upang magmanman sa sinasabing halimaw ni Jigo.

Kung ang Donfen clan ay nasa miserableng buhay at umaasa na lamang ngayon sa tulong ng mga Saynah, ang dahilan naman ng paghihirap nila namamasyal ngayon sa Capital City ng Saidore habang ini-enjoy ang mga street foods at namili ng mga makikitang kakaibang mga bagay.

"Tingnan niyo. May nag-story telling sa gawing yon." Pagbabalita ni Izumi.

Mabilis nilang tinungo ang lugar kung saan may maraming nagtitipong mga Mysterian.

"Alam niyo ba na pagkatapos buksan ng mga Hanaru ang kahon naging kulay asul, pula, at puti na ang kulay ng mukha niya habang nakatingin sa laman ng kahon?" Pagkukwento ng storyteller.

"Bakit? Ano yung laman ng kahon?" Tanong naman ng isang maharlika na nasasabik ng malaman kung ano nga ba ang laman ng kahon. Kung ang susi ba o ang Empire seal.

Alam ng lahat na pinag-aagawan ang Empire seal na halos isakripisyo ng ibang clan ang mga kabataan nila na maglakbay sa labas ng Arciana at ang iba nga'y pumayag na iwan ang pagiging Syanra level para lamang makalabas ng Arciana. Ang mga Syanra level na lalabas sa Arciana awtomatikong nagiging Invincible level, kaya naman, bihira lamang sa mga Syanra level ang lalabas ng Arciana maliban lang kung kinakailangan.

"Kung maka-kwento ang storyteller na iyan parang nasa akto siya habang nangyayari ang mga bagay na iyon." Sabi ni Asana.

"May mga Mysterian na may kakayahang panoorin ang pangyayari sa paligid. Ngunit limitado lamang sa iilang pangyayari dahil katumbas nito ang enerhiyang taglay nila." Sagot ni Sioji.

"Posible ring isa sila sa mga piling Mysterian na may kakayahang magbukas sa Mystic App. Katulad ng Myllenia." Sagot naman ni Asana.

"Kung ganoon posibleng makikilala tayo ng iba na nakakapagbukas ng Myllenia?" Tanong ni Aya.

"Ang lahat na mga eksenang nakukuha sa miliston ay maaaring mapanood ng kahit sinong may malakas na enerhiya." Tinuro ni Sioji ang maliit na puting bato na nakakalat sa himpapawid. "Sila lang din ang may kakayahang makagawa ng account sa Myllenia."

"Hangga't may miliston sa paligid may makakapanood sa anumang pangyayari sa paligid. Para iyang mata na nakakakita ng mga pangyayari sa buong paligid." Paliwanag pa ni Sioji.

Hindi natapos ang paliwanag niya dahil nagtawanan ang mga Mysterian habang nakikinig sa kwento ng storyteller. Sa pagkakataong ito, may makikita na silang mga imahe sa isang kwadrong tela na nakabitin sa stage. Makikita dito ang mga ekspresyon ng mga Hanaru nang makitang hindi Empire Seal ang laman ng kahon kundi patay na daga.

Napatakip naman ng mukha si Steffy nang makita ang sarili sa mga sumunod na eksena. Kitang-kita ang pagpipigil niya ng tawa habang sabik na sabik ng buksan ng Emperador ng Wynx Empire ang kahon na umanoy pinaglagyan ng susi para sa Empire Seal. At makikita rin ang mayabang na ekspresyon ng mga kabataang nagdala sa kahon.

"Kaya naman pala nahuli ako, halata nga pala sa mukha ko?" Napanguso siya maisip na sa ekspresyon pa lamang niya halatang may ginawa siya sa kahon na dala nina Denaira noon. Kaya naman pala nahuli agad siya ng Emperador.

Muling maririnig ang tawanan sa paligid makita ang parang natatae na sa inis at galit ang mga mayayabang na mga kabataan dahil hindi susi ang laman ng kahon kundi ipot ng isang magic beast.

"Mabuti nalang talaga at ako lang ang nakita nila at hindi kayo nasali." Sambit ni Steffy. Nagpasalamat siya dahil naiiba na ang hitsura niya sa dati kaya kampante siya na hindi makilala na isa siya sa bratty gang na pinag-uusapan ng mga Mysterian na ito.

"Sila iyon." Sambit ng kung sino sa di kalayuan na dahilan kung bakit napalingon ang Bratty gang sa papalapit na grupo.

Natanaw nila ang paparating na grupo na pinamumunuan ni Daven. Sa pagkakataong ito, kasama na niya ang iilan sa mga malalakas na estudyante ng Saynah Academy.

Ang mga nanonood ng palabas napatingin din sa paparating na grupo at sa grupo ng mga kabataang nasa kanilang likuran.

"Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa amin." Sabi ni Daven habang nakaturo ang isang hintuturo kina Steffy.

"Sila ba talaga ang nang-api sa inyo? Hindi ko alam na ganyan na pala kayo kahina." Sambit ni Chiko at mahahalata sa tono ng boses na minamaliit ang grupo ni Daven.

Masyadong mataas ang pride ng mga Saynah students at hindi nila matanggap na may tumalo o mang-api sa sinumang kamag-aral nila kaya kahit hindi nila kasundo ang grupo ni Daven ipaghihiganti parin nila ang mga ito para maipakita sa lahat na hindi dapat kinakalaban ang mga Saynah Academy students na katulad nila.

"Kung lumuhod kayo at humingi ng tawad hindi na namin kayo sasaktan."  Chiko said with a threatening tone. Isa siya sa mga top students sa paaralan nila at hinahangaan ng lahat dahil maaga siyang tumuntong sa pagiging invincible grandmaster sa edad na labing pitong taon.

Ngunit umasim ang mukha makitang walang ni isa man lang sa sampung mga kabataan ang pumansin sa kanya. Nang dumating kasi ang grupo nila hindi na sila pinagtuonan pa ng pansin nina Steffy.

Si Izumi namimili ng mga hairpins na naka-display sa isang stall. Si Steffy nasa food stall na naman kasama si Hyper at Rujin. Nag-order na nga ng makakain. Si Shaira namimili na ng bagong sapatos. Si Aya nakikipaglaro na sa mga batang paslit na nakita sa gilid ng kalsada. Si Asana abala sa pagkukuha ng larawan sa paligid. Sina Sioji at Arken ang naiwan ngunit nakatuon lamang ang mga tingin sa mga nagtitinda sa paligid.

Naikuyom ni Chiko ang kamao. Kanina lang kaharap lang niya sina Steffy ngunit pagkatapos niyang magsalita bigla na lamang silang nawala at abala na sa kani-kanilang ginagawa.

"Natakot yata sila kaya kunwari hindi ka nila narinig." Sabi ng isang kasama niya na sinang-ayunan naman ng iba. At dahil napahiya siya nagpakawala siya ng enerhiya at lumikha ng mainit na hangin. Isa ito sa kakayahang kaya niyang gawin dahil sa pagiging double elementalist niya. Kaya niyang kontrolin ang apoy at hangin at isa sa kakayahan niya ang gumawa ng nag-aalab na hangin.

Hinihintay niya na mapapaso sina Arken at Sioji sa likha niyang mainit na hangin na nakapaikot ngayon sa dalawa. Hindi nakikita ang enerhiyang ito sa mga Mysterian na nasa ibaba ng Syanra level. Makakaramdam lamang ng abnormal na init ang katawan ng sinumang matatamaan nito at posibleng mapaso ang balat o buong katawan na parang manok na nililitson.

"Kung makapagyabang ng kapangyarihan akala ko sobrang lakas na. Tsk." Sambit ni Arken at tumalikod na.

Nanlaki ang mga mata nina Daven lalong-lalo na kay Chiko. Dapat dahan-dahang sinusunog ng kapangyarihan niya ang katawan nina Arken at Sioji kaso bakit parang hindi man lang sila naapektuhan?

Namula naman ang mukha ni Chiko at nakabuka-tikom na na rin ang kanyang mga kamao. Sa buong buhay kasi niya ngayon lang siya napahiya ng ganito at maliitin ng kung sino. Lumaki siya na palaging pinupuri at hinahangaan lalo pa't nauna siyang naging invincible grandmaster sa ibang mga kabataang kaedad niya. Kya hindi niya matatanggap na mapapahiya siya ng ganito.

"Sandali. Ang lakas ng loob niyong talikuran ako. Hulihin sila at dalhin sa tapat ko ngayon din." Utos niya sa mga kasama.

Kikilos na sana ang mga kasamahan niya ngunit kusang naglakad sa ibang direksyon ang kanilang mga paa. Anim sa kanila ang tuloy-tuloy na nagtungo sa direksyon kung saan nagtungo ang mga bratty gang.

Iniisip ni Chiko at Daven na natakot lang ang iba kaya sa ibang direksyon nagpunta habang ang anim ay sumunod sa utos ngunit laking gulat nila dahil sila pa ang nagbayad sa mga binili ng dapat nilang turuan ng leksyon.

"Akala ko mabubugbog na ang mga kabataang iyon, nilibre lang pala sila." Sabi ng isang Mysterian na nanonood sa drama.

Naaawa pa sila kanina sa sampung kabataang balak gantihan ng mga Saynah students iyon pala ililibre lang nila.

Si Chiko naman gustong-gusto ng magwala sa tindi ng galit. Kaya naman hinabol ang papalayong pigura nina Arken at Sioji at inatake ang dalawa mula sa likuran kaya lang bumangga siya sa matigas na bagay na hindi niya nakikita at dumausdos siya pababa na may dugo ang ilong at namamagang pisngi na siyang bumangga sa harang na di nakikita ng mata.

Mas lalong sumidhi ang galit niya kaya naman lumikha siya ng hangin na kasing nipis at kasing tulis ng karayom at pinatama sa direksyon nina Arken at Sioji kaya lang parang bula na bigla na lamang naglaho ang mga airblades niya ni di alam kung saan na ito napunta.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top