Journey to Arcian 26: Final battle competition

Sa Myrtle Kingdom, pinapanood ng mga mamamayan ng Myrtle City ang mga kaganapan sa Arciana.

Isang babae ang nakasuot ng maid outfit ang tumigil sandali upang makapanood sa malaking screen.

"Siya ang batang nagligtas sa atin di ba?" Sabi ng isang ginang na galing sa exiled land. Nasa Myrtle Kingdom sila ngayon at dito na maninirahan.

"Ang ating reyna. Siya ang ating reyna hindi ba?"

"Ang galing talaga ng reyna natin."

"Tama, turuan mo sila ng leksyon reyna Steffy."

Mangilan-ngilan lamang ito sa nga naririnig ni Solaira.

Napatingin siya sa simbolo na nakaukit sa kanyang wrist.

"Minsan na kitang pagtangkaan ng masama pero bakit isa pa rin ako sa mga napili mong maging protector mo?" Sambit niya. "Para ba hindi na kita masasaktan pa?"

Naaalala niya ang mga sakit na nararamdaman niya sa mga nagdaang mga araw. Sa bawat panahong may mangyayaring hindi maganda kay Steffy mararamdaman niya ito. Mararamdaman din niya kapag masaya ito. Isa din sa mga kakayahan ng mga protektor ang maramdaman kapag nalalagay sa panganib ang kanilang mga dapat protektahan.

Noong una akala niya mas malakas siya sa pinsan niyang ito, ngunit ngayon alam na niya na sobrang layo ng agwat ng kapangyarihan at kakayahan nilang dalawa.

"Solaira." Tawag ni Stella na ngayon ay nakadamit na katulad sa mga kasuotan ng mga ordinaryong Mysterian para hindi makilala ng iba.

"Bakit nakadamit ka ng pangkasambahay? Ano na naman bang ginagawa mo dito?" Nag-aalalang tanong ni Stella.

"Gusto ko lang pong makatulong sa mga mamamayan ng Myrtle City. Marami-rami na rin po kasing mga galing sa ibang kaharian ang pumarito para lumipat sa Myrtle city, dinadalhan ko lang po sila ng makakain at ang mga nag-aasikaso sa kanila." Paliwanag ni Stella.

"Hindi mo na iyon kailangan pang gawin. Ang gusto ni Steffy ay magbagong buhay ka at maging masaya. Hindi para magpagod." Sagot ni Stella.

Nang biglang sumulpot si Solaira sa tapat nila, agad nilang narinig ang boses ni Steffy sa kanilang mga isip. Ipinaliwanag nito kung bakit niya ipinadala si Solaira sa Myrtle Kingdom.

Napayuko naman si Solaira. Ramdam niya ang pag-aalala sa boses ni Stella. Hindi niya naramdaman na may nag-alala sa kanya noon kahit pa ang kanyang ina at ama. Ngunit sa ilang araw na pananatili niya sa Myrtle City at pakikisalamuha sa mga Mysterian sa lugar na ito, alam na niya ang pakiramdam na kung may nagmamalasakit at nag-aalala para sa kanya.

Sobrang saya din niya kapag may natutulungan siya at buong pusong nagbibigay pasalamat sa kanya. Noong malakas pa ang kanyang kapangyarihan, at kabilang sa mga tinitingala at kinatatakutang Dethrin, mas nakikitaan niya ng takot ang sinuman na titingin sa kanya sa halip na mamangha at matutuwa sa lakas na ipinapamalas niya.

Napagtanto din niyang hindi lang lakas ng kapangyarihan ang pinakamahalaga sa mundo kundi ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

Kailangan niya ng lakas para maprotektahan ang sarili at mga mahal sa buhay ngunit aanhin ang kanyang lakas kung wala naman siyang pagmamahal at walang nagmamahal sa kanya? Para kanino ang lakas na meron siya? Ngunit ngayon alam na niya kung para saan ang lakas na ipagkakaloob sa kanya. Dati kasi, ang lakas na meron siya ay para lamang lumusob sa mga kaharian at makipaglaban sa mga ayaw magpasakop sa mga Hanaru. At para hindi siya apak-apakan ng iba.

Ngunit ngayon alam na niya kung para saan talaga ang lakas na tataglayin niya.

"Salamat po."

"Para saan na naman iyan? Palagi ka nalang nagpapasalamat."

"Salamat dahil kahit naging kabilang ako noon sa mga Dethrin, kinupkop niyo pa rin ako at tinanggap ng buong puso. Maraming salamat talaga lola." Naluluhang sambit ni Solaira.

"Ano ka ba? Halimaw nga tinatanggap namin ikaw pa ba na ang ganda-ganda?" Sambit ni Stella.

"Saka tandaan mo, kahit ano mang mangyari, apo pa rin kita Solaira. Hindi ka namin pababayaan. Kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami. Nandito lang din si Steffy at Sioji kahit na palaboy ang mga iyon at sakit sa ulo, mapagkakatiwalaan mo ang dalawang iyon. Hindi ka nila pababayaan." Sagot ni Stella.

Naagaw ang kanilang atensyon marinig na ang sigawan ng mga manonood. Kaya napatingin silang muli sa malaking screen.

"Ang batang iyon, wala na talagang balak magtago." Sambit ni Stella.

"Kapag magsilabasan na sila, paano na sina Steffy?" Tanong ni Solaira maalala ang dahilan kung bakit kailangan ni Steffy na magpalit ng pagkakakilanlan.

"Kapag may mangyaring masama sa kanya, manganganib ang buong Mysteria." Napapikit na lamang si Stella nang may maalala.

Mas gusto niya ang isip batang Steffy kaysa sa tunay na Steffy kung saan naalala ang lahat.

Nang makita niya kung paano dinurog ni Steffy ang mga daliri ng kalaban gamit ang paa nito pagkatapos ay gagamutin na naman at dudurugin muli, napagtanto niyang umiiral pa rin ang dating Steffy sa loob ng kanyang apo.

Nag-aalala siya na baka magising ang dating katauhan ni Steffy. Paano kung hindi makakayanan ng kanyang apo na labanan ang galit na dinadala ng batang iyon? Pipiliin pa rin ba nitong wasakin ang Mysteria? O pipiliin pa rin nitong protektahan ang mundong ito?

"Steffy, sana kung maaalala mo na ang lahat, at kung sino ka talaga, sana, pipiliin mo pa rin kung ano ang mas nakakabuti." Sambit niya sa isip. Batid niyang kahit anumang oras, matatanggal na ang lahat ng mga seal na nasa katawan ni Steffy. Ngayong may mga mula sa ibang mundo na ang nakarating sa Mysteria, kailangan ni Steffy na maialis na ang lahat ng restriksyon na meron sa katawan nito bago pa man mangyari ang kinatatakutan nina Stella.

***

Arciana

Napagpasyahan ng Arciana battle competition administrator na isagawa na ang final competition na sa susunod na araw pa sana isasagawa. Ipinagpatuloy na nila dahil kunting oras lang naman ang nawala sa paglalaban ng Bratty gang at ng Superian.

"Saidore versus Akrinian." Sabi ng emcee.

Umakyat naman sa stage ang sampung Akrinian ganon na din ang sampung Bratty gang members.

Si Aya hawak ang lasong pula, si Asana hawak ang moon ring blade. May dala namang pana si Izumi. Si Hyper may dalang espada, may music box naman si Geonei.

"Bakit music box ang dala mo?"

"Sabi ni Steffy para may background music daw." Sagot ni Geonei. Pinagawa kasi siya ni Steffy ng music box noong mga araw na gumagawa siya ng mga magic artifact.

Napalingon sila kay Steffy na may nakasabit ng sling shot sa leeg nito. At wala siyang ibang sandatang dala kundi prutas lang na kinakain na naman.

Dart naman ang bitbit ni Arken.

"Hindi ka naman sanay gumamit ng dart bakit iyan ang kinuha mo?" Tanong ni Shaira.

"Gusto ko lang, para kunwari may sandata din akong dala." Sagot niya.

Napataas ang kilay ng mga Akrinian makitang parang wala lang sa grupong ito na makaharap sila.

"May labanan ba talaga? Bakit sa tingin ko parang hindi sila pupunta sa labanan kundi sa pamamasyal lamang?" Tanong ng isang Akrinian sa mga kasama.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top