Chamni 9: Master Yinwu
Nakapila ngayon ang 117 na mga baguhan kasama na sa mga ito ang top 100 na mga kabataan at ang itinuturing nilang mga huwaran.
Halos lahat ng mga nasa top 97 napunta sa level 6, 7, or 8. Iyon ay dahil may alam na sila sa pagamit ng kanilang mga kakayahan at mga kapangyarihan.
Nang subukan na ang mga huwaran, namangha ang lahat sa level ni Brix dahil nasa last stage na siya ng Invincible level at magiging Syanra level na siya sa susunod na pag-angat ng level ng kapangyarihan niya. Siya ang kauna-unahang baguhan na napunta sa level 10. At higit sa lahat, isa siyang Top 1 at isa pang huwaran kaya naman mas lalo siyang hinangaan iba pang Chamnian.
Napunta naman sa level 7 class si Brindon at level 8 si Miro. Ngayon naman oras na para sa pagsubok ng bratty gang. At dahil nga special sila na hindi nabibilang sa top 100 kundi huwaran lamang iniisip ng lahat na naiiba ang mga kapangyarihan nila sa iba. Kaya lang, isa sila sa mga kabataang walang nadi-detect na mga kapangyarihan ni hindi man lang lumiwanag ang elemental stone na magsusuri ng kanilang elementong taglay.
Wala ring reaksyon ang magic staff na magsusuri sa kung anong level na ang mga kapangyarihan nila. Kung Invincible Novice ba sila o Syanra level na.
Dahil dito, nagsimula ng magbulungan ang mga Chamnian sa paligid.
"Paano sila nagiging huwaran kung hindi man lang sila nagiging Invincible level?"
"Di kaya dahil ginagamit nila ang kanilang special background?"
"O ba kaya may kakilala lang sila na lumabag sa batas ng CMA para maging huwaran sila?"
"Ito na yata ang unang pagkakataon na nagkaroon ng huwarang walang kapangyarihan ang CMA. Ano kayang pumasok sa isip ni Elder Cid at ginawang huwaran ang mga mahihinang mga kabataang ito?"
Kahit si Elder Cid ay nagulat din dahil walang kapangyarihan sina Steffy at wala ring elemental gift na taglay. At dahil nga sa inaakala ng lahat na hindi pa nagigising ang mga kapangyarihan nila inilagay sina Steffy sa Level 1 class.
Hindi na nila pinansin na pinagtatawanan sila ng iba at itinuturing na masamang Chamnian dahil inaakala ng iba na nandaya sila para maging isang huwaran. Kinasusuklaman ng mga Chamnian ang mga mandaraya lalo na ang sinumang hindi lumalaban ng patas at ang ginagamit ang impluwensya para makapasok lamang sa CMA. Kaya naman ayaw na ayaw nila ngayon sa grupo nina Steffy maliban na lamang sa mga baguhan na isa sa kanilang natulungan.
"Hindi ako tumatanggap ng disipulo na mahihina kaya kung gusto niyong magiging disipulo ko dumaan muna kayo sa akin." Hamon ni Master Yinwu. Ang Master sa mga level 1 disciples ng CMA.
Disipulo ang tawag sa mga estudyante ng CMA. Master naman ang tawag sa mga magtuturo.
"Akala siguro nila madali lang pumasok sa CMA dahil lang sa naging huwaran sila. Nagkakamali sila." Natatawang sabi ni Debora.
Tiningnan naman ni Sioji si Master Yinwu.
"Ikaw? Magiging master namin? Wag kang umasa." Sabi ni Sioji at tinalikuran ang mayabang na lalake.
"Kailangan mo munang dumaan sa mga pagsubok namin saka ka namin kikilalaning Master." Sabi ni Steffy at tinapik-tapik pa ang balikat ng lalake na namumula na ngayon ang mukha sa galit.
"Saka may Master na kami. Gwapo na mas malakas pa kaysa sa mga guro niyo sa lugar na ito." Taas noo ding sagot ni Aya na lalong ikinaasim pang lalo ng mukha ni Master Yinwu.
"Mga walang galang. Magiging aso muna ako bago ko kayo tatanggapin."
"Mukha ka na ngang manok, magiging aso ka pa? Uubusin mo ba ang lahi ng mga hayop?" Sagot ni Rujin.
"Kahit magiging aso pa kayo, hindi ka namin gagawing master." Sagot naman ni Hyper. "Hindi ka karapat-dapat."
"Mga walang galang. Hindi ba kayo naturuan ng mabuting asal ng mga magulang niyo?"
"Hindi. Saka walang mga magulang ang nagpalaki sa amin." Sagot ni Rujin.
Wala naman talagang mga magulang na nagpalaki ,kina Hyper at Geonei. Mga guro lamang ng Naicron Academy ang kasama nilang lumaki.
"Elder Cid, hindi ko matatanggap ang mga kabataang ito sa klase ko." Sabi ni Master Yinwu kay Elder Cid.
Isa sa level 5 na guro ang lumapit. "Tatanggapin ko ang mga batang to iyon ay kung pumasa sila sa pagsubok ko." Sabi naman ni Elder Seyan.
"Bago niyo sabihin kung karapat-dapat ba kaming magiging guro niyo bakit di niyo nalang itanong kung karapat-dapat ba kayong magiging guro namin?" Balik sagot ni Shaira.
Kahit mula lamang siya sa isang maliit na kaharian sa labas ng Chamni hindi parin mawawala sa kanya ang pagiging dugong bughaw.
Isa parin siyang prinsesa at ginagalang kahit na pinapahirapan pa siya noon ng stepmother niya pero isa parin siyang prinsesa na niyuyukuan ng mga kawal, mga guro o mga alipin. Kaya kung may magtatrato sa kanila na parang batang naghahanap ng kung sinong pupulot hindi niya maiwasang makaramdam ng galit. Hindi naman nila hiniling na magiging guro sila kaya walang karapatang gumawa ng kondisyon ang mga gurong ito sa kanila.
"Ngayon lang ako nakatagpo ng mga batang kasing arogante ninyo." Natatawang sabi ni Master Yinwu.
"Elder, maari na po ba kaming umalis?" Tanong naman ni Steffy kay Elder Cid. Sumama lang naman sila dahil sa pagpupumilit ni Elder Cid at dahil mabait naman ito kumpara sa mga guro sa paligid nila.
Mapansing napakagalang ni Steffy kay Elder Cid naisip nilang namimili yata ng ginagalang ang mga kabataang ito.
"Sa totoo lang po hindi talaga kami karapat-dapat na pumasok sa paaralang ito kaya wag na po kayong mag-aksaya ng panahon sa amin. Higit sa lahat tataas lang po ang dugo niyo sa kunsumisyon. Kita niyo naman po kung gaano ka mapagmataas ang mga kasama ko. St syempre ako rin. Magpapahuli ba ako?" Sabi ni Steffy at kumurap para payagan na silang umalis.
Hindi niya alam na mas nakuha niya ang loob ni Elder Cid dahil sa ginawa niya at pagsasabi ng totoo. Arogante at mapagmataas nga ang mga kabataang ito pero nakadepende rin sa kung paano sila tratuhin ng iba. Kaya naman kahit na sinasagot-sagot nina Shaira at iba pa si Master Yinwu, hindi siya nagalit bagkus ay natuwa pa siya. Bihira lang sa mga kabataan ang hindi nai-intimidate at natatakot sa mga fierce look nilang mga guro ng CMA maliban sa mga kabataang ito.
"Nakapasok na kayo sa CMA kaya naman iisa lang ang paraan para makalabas kayo dito. Iyon ay ang gumraduate." Sagot ni Elder Cid. Kaysa makuha ng mga Mystikan ang mga kabataang ito bakit hindi nalang niya irecruit sa CMA?
"Ganito nalang. May suhestiyon ako." Sabi ni Master Biel, na isa sa anim na guro sa level 6 class. "Bakit di nalang sila ang papipiliin sa kung anong level ng klase sila papasok tapos susubukan sila kung kaya ba nilang pumasa?"
Sumang-ayon naman ang iba pang mga guro sa suhestiyon niya. Gusto din naman nilang makita kung ano ang kayang gawin ng mga kabataang ito kung bakit ganito na lamang ka confident sa mga sarili.
"Tama ka nga. So, sa anong level niyo gustong pumasok?" Tanong ni Elder Cire.
"Sa level nalang niya." Sabay turo ni Steffy kay master Biel.
"Sa level ko?" Napaubo ng bahagya si Master Biel. Di niya alam na sa pagsalita niya sa klase na niya gustong pumasok ang batang ito. "Bakit mo naman napagdesisyunan ang bagay na iyan?"
"Kayo lang kasi ang nagsalita ng resonable at may sense." Sagot din ni Steffy na ikinaasim ulit ng mukha ng iilang mga guro.
"Talaga namang nakakataas ng dugo ang pananalita ng mga batang to." Sambit naman ni Elder Cid sa isip.
Habang kausap ng grupo ang mga guro ang mga kabataan naman na hindi pa umaalis at nanonood sa mga mangyayari sa grupo nina Steffy, nag-uusap naman sila kung mapapatapon ba sina Steffy sa outer part ng Academy at magiging outer disciples o mapapaalis ng paaralang ito.
"Ni hindi nga sila matatanggap sa level 1 tapos mangangarap pa sila ng level 6?" Sabi ng isang lalake.
"Wag ka ng magsalita diyan. Tiyak na sa labas ng main campus ang bagsak nila." Sabi ng kasama niyang babae.
"Bakit kaya wala silang mga kapangyarihan? Ang nakapasa nga sila sa exam sa Jinoma di ba? Saka sila kaya ang nagligtas sa atin?" Sambit naman ni Sheena. Si Rujin ang nagligtas sa kanila ni Aneysia noong may umatake sa kanilang Deiyo beast.
"Nakapagtataka din. Malakas sila kaya lang bakit wala silang mga kapangyarihan?" Tanong din ni Brindon.
"Pustahan tayo, mapapaalis na ang mga yan sa CMA." Sabi naman ng level seven disciple.
Alam kasi nila na ayaw na ayaw ng mga gurong ito ang mga kabataang arogante at nasobrahan ng confident tapos wala namang maibubuga.
"Ayaw namin sa mga kabataang puro salita lang kaya kung sa kanyang klase mo gustong pumasok kailangan mo munang patunayang karapat-dapat ka." Sabi ni Master Seyan.
"Bago kayo makapasok sa klase ng ibang level kailangan niyo munang dumaan sa level ko. Kaya dumaan muna kayo sa akin." Taas noong sabi ni Elder Yinwu at tinapik-tapik ang dibdib.
"Bibigyan ko kayo ng tatlong moves. Kung matamaan niyo ako saka kayo mapupunta sa master ng level 2." Sabi pa nito.
"Sa kahit anong paraan namin gawin?" Tanong ni Shaira.
"Sa kahit anong paraan." Sagot ni Yinwu.
"Sige na. Kahit sabay-sabay pa kayo."
"Ano na? Natatakot ba kayo?" Hamon niya sa sampong mga kabataan na nakatingin sa kanya na tila sinasabi na ang weak niya.
"Ano pang hinihintay niyo?"
Ilang sandali pa'y may tinapon na powder sa kanya si Shaira kasunod nito ang pagbagsak niya sa lupa at umalingawngaw sa buong paligid ang kanyang sigaw na parang iniihaw na baboy.
"Aaah! Tulong. Tulong." Sigaw nito na ipinagtataka ng mga nakapalid.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong ni Master Seyan.
"Binato siya ng potion na kakagawa ko lang. Gusto kong malaman kung ano ang epekto nito sa mga Syanra level. Ngayon alam ko na, nasasaktan din pala sila katulad sa inaasahan ko." Sagot ni Shaira na nakangiting pinagmamasdan ang Master na nagpagulong-gulong na ngayon sa sahig.
Nagkatinginan naman ang mga guro. Hinding-hindi nila naisip na magiging testing subject lang pala sila sa potion na gawa ng isang fifteen years old na babaeng ito.
Makita ang walang pake na ekspresyon ng siyam pang mga kabataan saka nila naisip na kaya pala may tiwala si Elder Cid sa mga batang ito, iyon ay dahil kahit wala silang mga kapangyarihan, mapanganib din sila. Isang halimbawa na ang nangyayari ngayon kay Master Yinwu na kahit namimilipit na ngayon sa sakit hindi man lang nakikitaan ng takot o pag-alala ang mga mukha ng mga bata. Isang katangian na wala sa mga Chamnian at katangiang hinahanap nila para matalo ang mga kalabang mula sa ibang lahi at kontinente.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top