Chamni 83: Pupunta sa Vergellia
"E ikaw Steffy? Nakikita mo na ba ang makakatuluyan mo? Sino? Si Prince Kurt ba?"
Napanguso si Steffy sa tanong ni Shaira. Isang imahe ang dumaan sa kanyang isip ngunit naglaho din agad. Sigurado siyang hindi niya ito kilala.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan. May bahagi ng future ang nakikita niya ngunit nababago iyon kapag pinapakialaman nila. Kaya kung ano mang future na makikita niya ngayon, posibleng mababago din naman sa hinaharap.
Ang hindi lang niya maintindihan dahil sa nakikita niya, hindi niya kilala ang halos lahat ng mga imaheng nakikita niya, na siyang nakatadhana sa mga kaibigan niya. Tapos pabago-bago pa. Napapailing na lamang siya.
"Mukhang hindi." Sabi naman ni Asana. "Pero sino talaga ang crush mo?" Kung malapit lang sa kanya si Steffy baka kinakalabit na niya ito.
Ang daming mga mukha ang pumasok sa isip ni Steffy na ikinangiti niya. "Hindi ko na mabilang e."
"Basta cute o gwapo kahit halimaw pa yan, crush na niyan." Sagot ni Hyper.
"Hindi ko naman kayo crush a. Bakit mo sinasabi na basta gwapo?" Kontra ni Steffy.
"Di mo lang pansin dahil palagi mo kaming nakikita." Katwiran ni Rujin. "Di mo pansin na crush mo din kami."
Nag-anyong nasusuka si Steffy. " Baka ikaw diyan. Crush mo ako."
"Eww... Ruhan, nasusuka ako." Sabi ni Rujin kay Ruhan na nag-anyong nasusuka.
"Baka naamoy mo ang mabaho mong bunganga." Bara ni Ruhan kaya naman nabatukan ni Rujin.
"Lang utang na loob. Ako na nga ang nagmagandang loob na pasakayin ka dito tapos iba pa kinampihan mo. I hate you na." Ginaya pa ang tono ni Steffy kapag nagsasabi ng I hate you na sa kanila. Tinawanan lamang siya ng mga kaibigan.
"Nga pala Rujin, bakit si Ruhan lang ang palagi mong isinasama? May gusto ka ba sa kanya?" Pang-aasar ni Steffy na ginatungan naman ni Arken.
"Rujin. Walang ganyanan. Kahit walang magkakagusto sa'yong babae wag ka namang lumihis ng landas at talikuran ang pagkalalake mo. Maawa ka sa future mga anak mo baka di pa sila mabubuo. Ikaw din, at gigiyerahin ka nila." Pang-aasar pa ni Arken. Kasunod nito ang mga tawanan nila.
"Arkeeen." Nanlilisik ang mga matang nakatingin si Rujin sa kaibigan. "Bakit ba ako lage pinagtutulungan niyo ha?"
"Ikaw kasi pinakamaingay." Natatawang sagot ni Asana.
"Ikaw din ang mahilig mambara. Mukhang ayaw mong magpatalo kay Aya." Sagot ni Izumi.
"Bakit nadamay ako? Si Steffy kaya nagturo sa akin ng mga pambabara?" Sagot ni Aya saka kinagat ang pulang prutas na bigla na lang sumulpot sa kanyang kanang palad.
"Ay oo nga no. Amasona ka nga pala at di mapambara." Bawi ni Izumi na ikinatalim ng tingin ni Aya sa kanya. "Di na kita kaibigan. Hmmp!"
Patuloy lamang sila sa pagbabangayan hanggang sa makatanaw sila ng isang kakaibang bundok na nababalot ng mga halamang may sariling pag-iisip.
"Mukhang ito na."
"Dito matatagpuan ang portal? Mukhang hindi naman." Sabi ni Geonei.
Nasa himpapawid parin sila at pinagmamasdan ang kulay berdeng bundok sa ibaba ng kanilang kinaroroonan.
Nagulat sila makitang bigla na lamang nakatulog sina Ruhan, Liwei at Shawn.
"Ipasok sila sa loob." Utos ni Steffy. Bigla namang sumulpot sina Lucid, Sparr at Spyd. Kinuha ang tatlo saka naglaho agad.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Asana.
"Hindi pa natin alam kung kakampi ba sila o hindi. At delikado na may ibang makakaalam na hawak ko ang Haimyr." Paliwanag ni Steffy.
"Haimyr?" Nakakunot ang noong tanong ni Sioji.
"Ah, mukhang nakalimutan kong sabihin. Tawag ko sa space dimension sa loob ng katawan ko." Paliwanag niya.
"May pangalan naman pala ang lugar na iyon, bakit di mo sinabi?" Tanong muli ni Sioji. Kibit-balikat lang ang sagot ni Steffy.
Saka niya naalala na di pa pala nila nasasabi ang tungkol sa sitwasyon ni Aya kaya sinabi na niya.
"Nga pala, kilala na ni Aya ang mga magulang niya. Ngunit pag-uusapan natin iyon kapag natapos na ang dapat nating gawin ngayon." Sabi ni Steffy saka sinimulang hanapin kung saang banda ang portal patungo sa Vergellia.
"Sigurado ka bang dito matatagpuan ang portal Steffy?" Tanong ni Asana.
"Hindi, pero sina Jewel at Gellian, magaling maghanap ng mga bagay. Kung di niyo napapansin, natatagpuan ako ng mga yan kahit saan ko pa sila iiwan at saan man ako naroroon." Sagot niya. Sabay namang nagtaas ng mga ulo ang magkapatid na agila halatang nagmamayabang.
"Di ka kasali Jewel. Si Gellian lang." Bawi ni Steffy. Bahagya namang bumulusok pababa si Jewel ngunit mabilis ding nakabawi. Tiningnan si Steffy ng may naiiyak na mga mata. Bigla itong nagkatawang bata at umupo sa likuran ni Gellian saka tiningnan si Steffy habang nakaibabaw ang ibabang labi.
"Ang cute-cute mo naman." Napahiyaw na lamang si Jewel dahil kinurot siya sa pisngi ni Steffy. Nagsisi tuloy siya kung bakit pa siya nagkatawang bata. Gusto lang naman sana niyang bawiin ni Steffy ang sinabi nito pero nakurot pa ang pisngi niya.
"Oo na. Biro ko lang naman yung kanina. Magkatawang bata ka nalang lage." Sabay yakap kay Jewel na ikinaliwanag muli ng malungkot na mga mata nito.
"Pero mas malakas ako kapag nagkakatawang ibon. Mas madali kitang maprotektahan kung nasa orihinal na anyo ako."
"Alam ko. Pero sa ngayon bumalik ka na muna sa loob ng Haimyr. Tiyakin mong di pa magigising ang tatlo." Utos ni Steffy na sinunod naman ni Jewel.
Tiningnan ang mga kaibigan at nagpaliwanag muli.
"Kailangan ko silang isama sa atin dahil iyon lamang ang paraan para mailigtas ang kanilang mga buhay." Paliwanag niya.
"Pero aminin mo, may koneksyon ba sila sa sinuman sa atin?" Tanong ni Rujin.
"Pansin kong may pagkakapareho kayo ng lahi. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag. Basta kapag magkadugo ang sinumang Mysterian, nararamdaman ko. Ramdam ko ang koneksyon ninyong dalawa. Ibig sabihin lang nito, kundi ka niya kapatid, magkamag-anak kayong dalawa." Paliwanag ni Steffy.
"Kaya naman pala magaan agad ang loob ko sa kanya." Sambit ni Rujin at napayuko.
Lumapag ang mga magic beast na sinasakyan nila sa tuktok ng isang bundok.
"Gellian, sigurado ka bang dito ang lagusan patungo sa Vergellia?" Tanong ni Asana.
"Sigurado ako. Sinundan namin sina Min at dito ko sila huling nakita." Paliwanag ni Gellian.
Napakunot ang noo ni Steffy. Magkapatid sina Min at Zin ngunit di niya nakikita sa alaala ni Zin na minsan na siyang nakapunta sa Vergellia. Ang nakikita niyang alaala ni Zin ay palaging nasa loob ng CMA at sa misyon. Mula pa bata ito, nasa CMA na nakatira. Gano'n din ang mga kasamahan nito.
Nakarinig sila ng lagaslas ng tubig kaya agad nilang hinanap kung saan nagmumula.
"Tingnan niyo." Sabay turo ni Izumi sa isang matayog na talon. May mga nakikita din silang mga naglalakihang bagin na nakabitin mula sa itaas ng bangil pababa sa binabagsakan ng tubig.
May nakita rin silang mga silver haired beast na nakatayo sa tuktok ng talon ngunit mabilis na nagsipagtakbuhan palayo makita ang mga kasama nina Steffy na mga Warrior beast.
"Ano yan?" Tanong ni Aya makita ang isang tubig na may pormang ahas na dragon. Halos itago nito ang katawan sa ilalim ng tubig para di makita.
"Isang water monster na nagbabantay sa lugar na ito." Paliwanag ni Sioji.
"Kaya mo ba pinalabas ang mga flying beast natin?" Tanong ni Geonei.
"May matalas na pang-amoy ang mga flying beast na meron tayo at magdadalawang-isip ang sinuman na harangan tayo kapag warrior beast ang sasakyan natin. Ayaw kong hinaharang ng mga aircraft ng iba kapag sumakay tayo sa defected products niyang Rujin na yan." Sabay turo sa nakasimangot na si Rujin.
Naalala kasi niya ang pang-aambush ng mga Ecclescian sa mga Vergellian. Saka ayaw niyang sumakay sa nakakahilong bangka ni Rujin. Mas mabagal din ang lipad nila kumpara sa mga mutated na nilang mga flying/warrior beast. Gusto din niyang subukan kung hanggang saan ang stamina ng mga flying beast nila.
"Mukhang mali ang pasya mo Steffy. Kasi di ko na alam kung saan natatakot ang mga magic beast na iyan. Sa mga flying beast ba natin o sa pagmumukha natin?" Tanong ni Hyper. Naalala kasi niya kung paano magsitakbuhan palayo ang mga halimaw sa monsterdom kapag nakakasalubong sila. Takot na takot ang mga halimaw sa kanilang dalawa ni Steffy.
"Baka pareho." Sagot naman ni Arken.
"Pamilyar sa akin ang lugar na ito." Sambit ni Izumi habang pinagmamasdan ang talon na bumabagsak pababa.
Tinaas niya ang palad. Isang transparent na harang ang nakita nila. Ngunit naglalaho kapag ibinababa ni Izumi ang kamay.
"Kung hindi ako nagkakamali, sa likod ng talon na iyan ang portal." Sabi niya.
"Pasok na muna kayo. Susubukan kung buksan ang portal kasama si Izumi." Sabi ni Steffy. Mabilis namang naglaho ang mga kaibigan kasama ang mga flying beast nila. Naiwan si Izumi at Steffy na nakalutang ngayon sa hangin. Nasa Haimyr na rin sina Gellian at ang flying beast ni Izumi.
Tumagos si Steffy sa transparent barrier ngunit bumangga si Izumi.
Isang spell ang naalala ni Izumi na bigla na lamang pumasok sa kanyang isip. Binigkas niya ang spell. Isang liwanag ang lumabas mula sa dibdib niya at tumama sa harang. Kumalat ang liwanag sa harang at unti-unti itong napunit at nagka-pira-piraso na parang cellophane saka naglaho.
"Ang dali lang naman pala." Masiglang sambit ni Izumi at pumasok na. Pagpasok niya, muli na namang bumalik ang naglaho na sanang harang na agad ding di na makita ng kanilang paningin.
Umatakeng bigla ang kaninang tahimik na water monster sa kanila ngunit nabasag bigla at muling bumagsak sa tubig nang tingnan ni Steffy.
"Dahil wala na sina Gellian ang tapang-tapang mo na." Nakangiting sambit ni Steffy at binalot ng kapangyarihan niya ang kulay blue na liwanag na nagmamadaling lumayo.
"Ano yan?" Tanong ni Izumi makitang ipinasok ni Steffy sa Spirit sack niya ang blue na liwanag.
"Spirit ng water monster kanina." Sagot ni Steffy.
Makitang walang laban ang water monster kay Steffy mabilis na nagsitakbuhan palayo ang mga silver haired beast.
Umatake naman ang mga bagin sa kinaroroonan nina Steffy ngunit bigla silang nabasag na parang salamin.
"Kapag talaga kasama kita, naiisip kong napakahina ko." Nakangusong sambit ni Izumi.
"Kung hindi tayo nagmamadali, ipinaubaya ko na sana sila sayo e." Sagot ni Steffy ngunit biglang napangiti sa naisip na bagong ideya.
Dinagdagan niya ang harang sa paligid.
"Ano ang ginagawa mo?" Tanong ni Izumi.
"Walang makakapasok kapag hindi dumaan sa atin. Hahaha. Parang nakikita ko na ang mga reaksyon ng mga Vergellian. Mukhang masaya to." Sabi niya sabay tawang muli.
Wala ng mga bagin ang umatake sa kanila. Ang tubig naman na bumabagsak pababa ay nahati sa dalawa.
"Kung hindi ako nagkamali, may sariling buhay ang tubig na ito." Sambit ni Izumi. Tumango naman si Steffy. Kaya hindi madali ang makapasok sa Vergellia, iyon ay dahil sa kalikasang nakapaligid sa portal nito. Ang lahat ng mga intruder ay mahihirapang pumasok dahil inaatake sila sa lahat ng mga kalikasan sa paligid dagdagan pa sa mga magic beast at water monster na nagbabantay sa portal.
Makikita na ang isang puting liwanag na parang pintuan sa pagitan ng nahating tubig sa talon.
Inilabas naman ni Steffy ang maliit na halaman mula sa Haimyr.
"Aanhin mo yan?"
"Supling ito ng halaman galing sa Deiyo mountain ng Arciana. Sila ang ipapalit ko na magbabantay sa lugar na ito." Masigla niyang sambit at naglabas ng ilang daang Deiyo butterfly at iilang mga halaman na galing din sa Deiyo mountain.
Ang sinumang magpupumilit na makapasok o makalabas sa Vergellia ay dadakpin ng mga halamang ito at ibalita kay Steffy. Kaya naman nilang tawagin si Steffy gamit ang isip.
"Let's go." Yaya ni Steffy kay Izumi saka sila nagsipasukan sa portal.
Pagpasok nila, naroroon ang kaba, excitement at curiosity sa kung ano mang naghihintay sa kanila sa isa sa mga tinaguriang Invincible clan ng Mysteria.
Sa bawat hakbang na ginagawa nila mas lalo namang bumibilis ang tibok ng kanilang mga puso.
"Sa wakas, nakapasok na rin tayo." Sambit ni Steffy sabay libot ng paningin sa buong paligid.
"Izumi, welcome to Vergellia." Nakangiti niyang sambit na naka-open arms pa.
End of Volume 3
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top