Chamni 82: Pinsan na hindi

Nasa himpapawid na ngayon sina Steffy sakay ng kani-kanilang mga flying beast.

"Sabi ko na nga ba, may koneksyon kayo ni Kwetsy. Kaya naman pala parehong-pareho kayo." Biglang sabi ni Asana.

"Hindi ko alam kung paano sabihin. Pinsan ko sila na hindi." Sagot naman ni Steffy.

"Anong pinsan na hindi?" Tanong ni Shaira.

"Hindi sila kadugo ng katawan na ito. Ngunit pinsan ko sila."

Napuno ng question mark ang ulo ng mga kaibigan. Ngunit nagsitahimik makita ang malungkot na aurang nakapaligid kay Steffy.

Nakatingin si Steffy sa mga tanawin sa ibaba ng kanilang kinaroroonan. Napangiti siya maalala noong unang beses siyang isinakay sa isang magic beast ng kanyang ama. Kanyang ama na hindi niya na matatandaan kung sa kaninong ama. Ama ba ng katawang meron siya ngayon, ama ba ni Haira o ama ng ibang siya?

Naibaba niya ang tingin maalala na pinili ng isa sa mga ama sa kanyang alaala, ang maging makatarungan at sundin ang batas ng mga Chamnian bilang isang Emperador ng Chamni. Kailangan nitong ilayo ang sinuman sa mga anak na may napakalakas na kapangyarihan. Ngunit lahat ng mga anak niya ang may kakaibang lakas at posibleng ikakapanganib ng kapwa nila Chamnian.

Ipinadala sa Hariatres ang panganay, dinala naman sa mundo ng mga tao ang pangalawa at ang bunso iniwan sa Arciana.

"Ano ang dahilan ama? At ano ba talaga ang kinatatakutan niyong mangyari? Ngayong mas malakas na kami, kailangan pa rin ba naming lumayo?" Sambit niya at napabuntong-hininga.

Alam niyang hindi siya sasagutin ng kanyang ina at ama kahit magtatanong pa siya. Dahil ang gusto nila ay ang siya mismo ang makakatuklas sa anumang lihim na gusto niyang malaman.

Naramdaman na lamang niya ang mga yakap ng mga kaibigan niya. At ang sigaw ni Gellian.

"Ano ba. Umalis kayo sa likuran ko. Exclusive ang likuran ko. Bawal sa inyo." Pagtataboy nito ngunit walang nakinig.

Nakayakap na ngayon sina Sioji, Asana at ang iba pa kay Steffy na halos ikaipit na nito.

"Mabuti pa sila, mahal nila ang isa't-isa." Sambit ni Liwei habang nakatingin kina Steffy.

Bilang isang prinsipe ng Jadei, kailangan niyang magiging formal at dumistansya sa iba. At di rin niya makakasundo ang mga kapatid at pinsan niya sa ama.

Lalo na ngayong pinag-aagawan nila kung sino ang magmamana sa trono ng hari. Kung sino ang magiging kakampi ng piniling tagapangalaga ng Jadei ay ang siyang magmamana sa trono. Alam ni Liwei na hindi magiging maganda ang buhay niya at ng mga mahal niya sa buhay kapag ang mga kapatid niya sa ama ang magiging hari ng Jadei.

"Tama. Kapag magpapatulong ako kina Steffy baka hindi magiging masama ang kahihinatnan ko kahit na hindi ako magiging tagapagmana ng Jadei Kingdom." Sambit niya ngunit natahimik maalala ang sinabi sa kanya ng kanyang ama.

"Hanapin mo ang huling tagapangalaga ng ating lahi kung ayaw mong tuluyan ng maglaho ang ating angkan sa mundo ng Mysteria." Kaya siya pumunta sa Perzellia para makuha ang isang artifact na makakatulong sa kanila para mahanap ang isang pinili. Dahil nasa mga pinili ang tagapangalaga ng kanilang kaharian at may kakayahang kontrolin ang mga kapangyarihan ng iba pang mga Jadeian.

Tahimik namang nanonood si Ruhan. Nagbabangayan na ngayon ang magkakaibigan. Hindi niya maiwasang mainggit kay Rujin dahil may mga kaibigan itong katulad nina Steffy.

Muntik na siyang malaglag nang bigla na lamang siyang yakapin ni Rujin mula sa likuran at nakangusong isinilip ang mukha sa kanya.

"Ruhan, inaapi nila ako o. Panget daw ako. Para na rin nilang sinasabi na panget tayo. Papayagan mo ba yun?" Sumbong nito sa kanya.

"Kung panget ka, pakialam ko? Ikaw naman yun hindi ako." Sagot ni Ruhan sabay ikot ng mga mata.

"Anong ako lang? Kung panget ako e di panget ka rin kasi magkakahawig tayo." Sambit ni Rujin at inirapan si Ruhan.

Bigla namang natigilan si Ruhan. Napalingon kay Rujin at pansin niyang may pagkakahwig nga sila. Magkaiba lang ang aura na nakapaligid sa kanila. At ang mga facial expressions nila. Kung siya palaging mukhang malungkot, si Rujin naman palaging nakataas ang noo na parang sinasabi na "ang gwapo-gwapo ko."

"Nga pala Steffy, bakit mo ba naisipan na kailangan nating naghiwa-hiwalay ha?" Tanong ni Asana.

"Oo nga Steffy. Bakit di nalang tayo magkakasama-sama?" Sagot ni Aya.

"Kapag isa sa atin ang nakapasok sa mga kaharian nila mapapasok na nating lahat ang mga kaharian nila." Paliwanag ni Steffy.

Kaya sila hindi nakakapasok sa loob ng ibang mga kaharian dahil hindi nila nakikita sa kani-kanilang mga isipan ang alin man sa lugar sa kaharian ng mga Invincible clan kung saan sila dapat susulpot. Kung nasa Ecclescia ang isa sa kanila, iisipin lang nila ang sinumang nasa Ecclescia at susulpot sila sa kung saan naroroon ang sinumang iniisip nila.

"Ngunit alam mong sa Miraha ang bagsak namin. Sinadya mo ba yun?" Tanong ni Sioji.

"Nakikita kong makakasalubong niyo sina Lyanric, ngunit hindi ko alam kung saang lugar. Isa siyang half-Zaihan kaya inaakala ko na posibleng sa Zaifiria kayo mapapadpad."

"Zaifiria?" Sambit ni Asana na nakakunot ang noo.

"Ang paaralan ng mga Zaihan at Effirian. Matatagpuan ito sa gitna ng kagubatan ng Effir. Nasasakop ito sa Zaihan kingdom." Sagot ni Steffy.

"Nakikita ko rin na mamamatay sina Channer at ang iba pa. Iyon ay kung wala kayo."

"Mamamatay rin sina Tito Erwan kapag natalo sila nina Baldimor. Iiwan sila sa isang bundok na sugatan at wala ng lakas para lumaban. Di ko alam kung saan ang bundok na iyon. Matatagpuan sila ng mga Deiyo beast na siyang papatay sa kanila. Nakikita ko ring may mangyayaring masama kay Ruhan ngunit mababago iyon kung may isa sa atin ang makakatulong sa kanya. Kaya lang, sabay-sabay na mangyayari ang mga bagay na ito kaya kailangan nating maghihiwalay at hayaan na ang kapalaran ang mag-decide kung paano kayo magkakatagpo."

"Ang galing naman ng kakayahan mo Steffy. Sabihin mo nga, nakikita mo na ba ang future husband ko? Alam mo ba kung sino? Ano ang hitsura niya?" Pangungulit ni Aya. Nakaharang ang kanyang fire Phoenix sa daraanan ni Gellian.

Napatitig si Steffy kay Aya at isang imahe ang bigla na lamang pumasok sa kanyang isip. Isang makisig na lalake at may matinong ngiti. Matinong ngiti. Napasulyap siya kay Rujin.

"Ba-bakit ka nakatingin sa akin ha? Walang ganyanan. Ayaw ko sa amasona. Imposibleng-imposible yan." Ipinagkrus pa ang mga daliri.

"Kung ikaw din lang naman, wag nalang. Si Steffy nalang pipiliin ko." Sagot ni Aya at binigyan pa ng masamang tingin ang kaibigan.

"Huy, daming gusto iyang si Steffy. Magiging kabit ka lang niyan." Napahiyaw si Rujin dahil binanggaan ni Jewel ang kanyang sinasakyang magic beast.

"Bakit mo ba ako dinadamay ha?" Tanong ng magic beast ni Rujin. Nakakapagsalita na rin kasi ito katulad nina Jewel. At kaya na ring magkatawang tao.

"Nilait niya ang Master ko. Tapos di mo siya nilaglag." Sagot ni Jewel bago sumabay kay Gellian.

Bumuga na lamang ng hangin ang magic beast ni Rujin. Hindi rin naman niya maaaring galitin ang Master niya. Baka kukuryentehin pa siya nito. Tatanggalan na naman siya ng buntot at gagawing pamaypay. Ayaw na niyang mangyari ang mga bagay na iyon.

"Hay, buti nalang si Peachy inaway niya at di ako. Ayaw kong maipotan ng langyang alaga ni Steffy." Sambit ni Rujin sa isip.

Kung siya nagpapasalamat, si Peachy naman masama ang loob. Bakit kasi hindi si Feng ang tinawag o ba kaya ang kasama nilang pulang warrior beast? Bakit siya pa? Ayan tuloy siya na naman ang naaapi ng dalawang mapang-aping agilang ito. Ang dalawang agila ding ito ang dahilan kung bakit lumalakas ng wala sa oras ang mga Magic beast sa loob ng Haimyr. Kapag hindi aangat ang mga level ng kapangyarihan nila, tiyak na sila palagi ang mapagtitripan ng dalawang agila kaya naman sinikap nilang mas lumakas ng wala sa oras. Matakasan lang ang dalawang agilang ito na palaging nanghahamon ng laban sa kanila o nagyayayang maglaro. Larong bugbog naman ang aabutin nila.

"Bakit ba napaka-defensive niyong dalawa? Maginoo ang makakatuluyan ni Aya. Gwapo, makisig, at may maaamong mga mata. May matamis na ngiti, hindi ang isipbatang tulad mo." Sagot ni Steffy.

"Kita mo na?" Sabi ni Aya at nilabasan ng dila si Rujin.

"Makakakita rin ako ng nakatadhana para sa akin no. Kala mo siguro ikaw lang." Nilabasan din ng dila si Aya.

"Bakit pakiramdam ko hindi tumutubo sina Rujin?" Bulong ni Asana.

"Ulo lang lumalaki. Hindi utak." Mahinang sambit ni Sioji. Sinulyapan sina Aya at Rujin na nagbabangayan pa rin.

"Maliit. Payatot." Panlalait ni Rujin.

"Palito." Sagot din ni Aya.

"Anong palito? May may laman mga braso ko."

"Alam mo bagay kayo." Biglang sabi ni Ruhan.

Aya and Rujin: "..."

"HINDING-HINDI MANGYAYARI YUN!" Biglang sigaw ni Rujin na halos magtagpo na ang mga kilay sa inis.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top