Chamni 79: Octo-Monster

"Ilang libong taon na rin ang nakalipas at nakalabas na rin ako sa Wamilan." Sabi ng isang halimaw na may mga tentacles at umalingawngaw sa buong paligid ang nakakabinging tawa nito na ikinatakip ng tainga ng mga Chamnian.

Wamilan ay ang tawag ng mga halimaw sa Monsterdom. Monsterdom naman ang tawag ng mga Mysterian sa Wamilan.

"Huli na ba para tumakbo?" Sambit ni Mustapa. Napalingon siya sa mga kasamahan na nagpaiwan at sa direksyon ng halimaw. Ang lahat ng nakapaligid sa octo-monster ay nagiging abo na. Ano pa kaya ang tulad nila?

Nahagip ng kanyang tingin si Steffy na siya na lamang nananatiling nakatayo sa harapan nila. Nakahalukipkip ito at nakakunot ang noo makitang iniwan siya ng mga kaibigan.

"Langyang mga kaibigan na iyun, tinakbuhan na naman ako." Di makapaniwala niyang sambit.

"Steffy, solohin mo na yan. Ang panget e." Sigaw ni Hyper bago naglaho sa paningin nila.

"Anong sosolohin? Gusto ba nilang mamatay ang kaibigan nila?" Sambit ng isang mandirigmang Chamnian.

Napadpad sina Asana sa hangganan ng Miraha mountain kasama ang grupo nina Kwetsy.

"Bakit niyo iniwan si Ele sa lugar na iyon?" Tanong ni Kwetsy kina Asana. Inalis na rin ang kamay ni Aya na nakahawak sa kanya. Ito kasi ang humila sa kanya palayo kanina.

"Paano kong matatamaan siya ng black flame ng halimaw?" Nag-aalalang sambit ni Merrah.

"Halimaw lang yun, di naman yun mga imortal na Dethrin o Mystikan." Sagot ni Hyper.

Napatingin naman si Liwei sa suot na pulseras. Kung mamamatay si Steffy tiyak na wala ng pag-asa pang maaalis ang suot niyang ito kaya nag-alala siya na baka mapano si Steffy.

"Bakit di niyo siya tulungang lumaban sa halip na iwan?" Tanong naman ni Daelan. Inaakala pa naman niya na close sa isa't-isa sina Steffy at ang mga kaibigan niya pero bakit iniwan nila ito?

"Imortal level ang kalaban. Magiging sagabal lang kami kay Steffy kaya kailangan naming lumayo. Saka kita mo ang mukha ng halimaw? Halimaw talaga. Parang pinitpit na pusit at pugita." Sagot naman ni Asana na tila nakakain ng maasim na mangga ang hitsura.

"Makasabi ka ng halimaw lang, hindi mo ba alam na mapanganib ang halimaw na iyon? Alam mong halimaw iyon, tapos nila-lang mo lang? Hindi mo pa ba nasubukang makipaglaban ng mga halimaw ha at sasabihin mong halimaw lang iyon?" Hindi makapaniwalang sambit ni Chinde ngunit tinawanan lang siya ng bratty gang na lalong ikinadilim ng mukha niya.

"Ako? Hindi pa nasubukang makipaglaban sa mga halimaw? Halos lahat na yata ng uri ng pakikipaglaban kasama sila, nagawa ko na." Iiling-iling na sambit ni Hyper na inaakala naman nina Chinde na nag-exaggerate lang siya.

"Hahayaan niyo nalang ba sila doon?" Tanong naman ni Lyanric.

Napatingin sila sa bratty gang na naghahanap ng mapupwestuhan at may malaki ng screen ang nasa kanilang tapat kung saan makikita ang eksena sa labanan ng octo-monster at mga Chamnian na naiiwan sa gitna ng Miraha mountain.

Sa gawi naman nina Steffy, naglalaway ang octo-monster makita ang mga Chamnian na nakatingala sa kanya. Nanginginig ang mga tuhod ng ilan, habang pinagpapawisan naman ang iba. Napapapigil pa ng hininga ang mga ito sa bawat hakbang na gagawin ng octo-monster.

"Tingnan mo nga naman, may mga pagkain agad ang naghihintay sa akin." Sabing muli ng octo-monster makita ang limampung Chamnian ngunit sumama ang tingin marinig ang boses na nanlait sa kanya.

Mula sa malayo nagkatinginan sina Rave, Sparr at Dero.

"Lalabas na ba tayo? Pero wala din tayong laban sa halimaw na yan." Sambit ni Dero.

"Tayo na yata ang mga hidden guards na walang ginagawa. Kasi mas mahina pa tayo sa binabantayan natin." Sambit naman ni Rave.

"Kapag nakita ko na ang katawan ko, magiging mas malakas na rin ako." Sagot naman ni Yunic.

"Lalabas na ba tayo? Paano kung may masamang mangyayari sa pinsan ko?" Tanong ni Spyd.

"Anong laban mo sa halimaw?" Nakataas ang kilay na tanong ni Izu.

"Wala. Pero pwede akong maging pain." Sagot ni Spyd.

Humiga naman si Yunic sa isang sanga ng puno at pumikit na.

"Magiging sagabal lang tayo kapag nagpapakita tayo." Sagot ni Rave.

"Tama naman si Spyd, pwede tayong maging pain. Tandaan niyo, mamamatay tayo kapag namamatay si Steffy ngunit hindi tayo mamamatay-matay hangga't buhay siya di ba?" Sagot naman ni Izu.

"Oo nga no. Pwede tayong makipaglaban sa octo-monster na yan hanggang kailan natin gusto." Nagliwanag ang mga matang sagot ni Spyd.

"Ang ingay niyo. Matutulog pa ako. Gisingin niyo nalang ako kapag umalis na sina Steffy." Sabi naman ni Yunic.

"Walangyang bantay na ito. Sasabihin ko kay Steffy na sesantehin ka na." Sabi ni Dero at inirapan si Yunic.

"Sa palagay mo ba hindi pa tumakbo si Steffy kung wala siyang laban?" Sagot naman ni Yunic at inikot ang mata.

Natahimik naman sila. Sila na yata ang mga palihim na nagbabantay na pachill-chill lang. At malaya pang pumunta kahit saan nila gusto.

Lumingon naman pakaliwa at pakanan ang octo-monster para mahanap kung sino ang nanlait sa kanya kanina. Kaya lang nasa malayo na si Hyper at pinapanood lamang siya. Bukod sa limampung mandirigma wala na siyang nakita pang iba.

"Ang lakas niyong laitin ang tulad ko. Ako ang pinakagwapo at pinaka makisig na Oktoperian." Sabi niya at tinapik ang dibdib gamit ang isang galamay.

"Ew." Sambit nina Asana at iba pa.

"Pfft. Mas masikmura ko pa nga ang puwet niya kaysa mukha niya." Sambit ni Rujin.

"Yak naman." Rinig niyang mga boses na nasa paligid lang na lalong ikinapanget ng panget ng mukha ng octo-monster.

"Papatayin ko na talaga kayo." Sambit pa nito at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa limampung mga Chamnian.

"Mamili kayo. Ialay niyo sa akin ang sarili niyo o pagpipirasuhin ko kayo?" Sabi nito. Kundi lang mukhang hayop ang mukha nito, baka halata ang smirked sa mga labi nito. "Hmmp. Tingnan natin kung malalait niyo pa ba ako." Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kinaroroonan ng mga Chamnian na ikinaatras naman nila.

Humalakhak ito makitang takot na takot ang mga Chamnian sa kanya.

Ilang ulit na napapalunok ng laway at napapadasal sa kani-kanilang mga pinapanginoon ang mga Chamnian.

"Mahabaging Poon, tatakbo na ba kami o kakalabanin ang halimaw na ito? Kapag aalis kami paano naman kung makakalabas siya sa bundok na ito at atakehin ang mga nayong nakapaligid sa lugar ba ito?" Sambit ni Mustapa.

"Dakilang maylikha, wala pa po akong syota, kaya ayaw ko pang mamatay. Hindi ko pa napapatino ang mga pasaway kong mga kapatid, kapag namatay ako, baka aatakehin sa puso ang mga magulang ko hindi dahil sa pagkamatay ko kundi dahil sa kalokohan ng dalawang iyon. Bigyan niyo po ako ng palatandaan kung lalaban ba ako o tatakbo katulad ng palaging ginagawa ng mga kapatid ko?" Sambit naman ni Channer na napapapikit pa.

Ang mga naiwang mga Chamnian naman tinitingnan kung tatakbo din ba si Steffy. Kanina kasi bigla itong naglaho kasama ang iba pa ngunit sumulpot ding muli na mag-isa nalang dahil hindi na nagsibalikan pa ang mga kasama. Ang gusto lang sanang ilayo ni Steffy ay sina Liwei, Ruhan at iba pa kaya lang nagsialisan din pala ang mga kaibigan niya. Ilang segundo ng pag-teleport niya kina Liwei at Ruhan, wala na rin sina Asana at iba pa pagbalik niya. At mukhang walang balak samahan siya.

"Tingnan mo nga naman ang swerte. Mukhang mabubusog ako ngayon." Masayang sambit ng octo-monster. Ngunit napatigil bigla sa paglapit makita ang nag-iisang nilalang na pinakamaliit sa lahat ng mga nakikita niyang mga barakong mga Chamnian. Hindi niya napansin kanina dahil mas maliit ito at mas mababa sa mga kalalakihan. Nakahalukipkip ito at nakatingin diretso sa kanya.

"Bakit nandito ang salot sa Wamilan?" Napaupo pa siya sa sobrang gulat at tatakbo na sana palayo ngunit bumangga siya sa isang salaming harang.

"Bumalik ka sa pinanggalingan mo o pagpipirasuhin ko ang mga galamay mo saka itapon pabalik?" Malumanay ngunit puno ng pagbabantang tanong ni Steffy.

Naiiyak na lumingon sa kanya ang halimaw. "M-master. Babalik na po ako. Babalik na." Gumapang ang octo-monster palayo habang nanginginig ang mga tuhod. Ngunit hindi na nakapagpatuloy pa dahil sa di nakikitang harang na pumipigil sa kanya sa pag-alis.

Namilog ang mga mata ng mga Chamnian marinig na tinawag na Master ng halimaw si Steffy. Hindi lang yun, kita nila kung paanong napaupo ang halimaw sa panghihina ng mala-paa nitong mga galamay at halatang takot na takot ito sa babaing nasa tapat nila ngayon.

Ang salitang salot sa Wamilan o monsterdom ang nakatatak sa kanilang isipan. Ibig ba nitong sabihin na minsan ng naghasik ng lagim sa Monsterdom ang babaeng ito? Ang mas ipinagtataka nila ay dahil bata pa si Steffy at di nila nakikita ang level ng kapangyarihan nito kaya paanong kahit imortal level na halimaw ay takot din sa kanya? Tinawag pa nitong Master si Steffy.

Isa itong malaking imposible para sa kanila.

"Master, wala na akong yaman. Isa na lamang akong mahirap na Oktoperian." Utal-utal na sambit ng octo-monster.

"Ang tapang-tapang mo nga kanina e. Saka nakakapagsalita ka na rin sa lengwahe ng mga Chamnian." Naka-smirked na sabi ni Steffy habang naglalakad palapit sa halimaw.

Napayakap naman ang halimaw sa sarili na halos maiyak na.

"Kung wala ka namang pakinabang e di pagpipirasuhin na lamang kita." Sambit ni Steffy at itinaas ang isang daliri. May maliit na puting liwanag ang nabuo mula sa ibabaw ng isang daliri nito.

"May mga crystal cores po ako. Saka mga magic plants sa Wamilan. Magagamit niyo po ito sa pagawa ng mga sandata at potion. May retro stone din ako na mabisang sangkap para sa pagawa ng mga magic artifact." Mabilis nitong sagot. Makitang walang imik si Steffy mabilis siyang lumuhod at nagmakaawa.

"Master, alam kong nagkamali ako. Tumakas lang ako sa Wamilan dahil ninakaw ko ang mga bagay na iyan sa palasyo ng hari. Iyan nalang po ang meron ako."

Napangiwi si Steffy makitang lalong pumangit ang mukha ng halimaw dahil sa pag-iyak nito.

Kinuha ni Steffy ang belt na nasa baywang ng halimaw at sinuri ang laman ng space sa loob nito.

Bagsak balikat ang halimaw makitang hawak na ni Steffy ang mga kayamanan ng Monsterdom na ninakaw niya. Ninakaw na nga niya ang mga yamang ito ngunit nanakaw lang din naman pala sa kanya.

"Dahil dito, hahayaan kitang mabuhay. Pero bumalik ka na sa pinanggalingan mo kung ayaw mong gagawin kong spirit ng sandata ko ang kaluluwa mo."

"Babalik na. Babalik na." Sambit nito ngunit napatingala sa portal. "Master, hindi ko maabot." Sambit niya sabay turo sa portal sa himpapawid. Namilog ang mga mata niya makita ang isang paa ni Steffy na papalapit sa kanya. Naramdaman na lamang niyang may tumama sa kanyang pang-upo at parang shooting star na lumipad patungo sa portal at naglaho.

Itinaas ni Steffy ang kamay. Unti-unting nagsara ang portal hanggang sa tuluyan ng naglaho. Naging maaliwalas ng muli ang langit ng Miraha at naging puti ng muli ang kulay ng ulap.

"Kaya mong isara ang portal?" Tanong ni Channer na namimilog ang mga mata sa gulat. Kapansin-pansin naman ang pagkaestatwa ng mga Chamnian dahil sa nasaksihan nila kani-kanina lang.

Maliban kay Channer, tila hindi pa rin nagigising ang mga kasamahan.

Ang ilan sa kanila sinampal-sampal ang sarili para magising sa kanilang mga panaginip. Habang ang iba ilang ulit na kumurap. May kinusot ang mga mata at meron namang halos di na maikurap ang namimilog na mga mata habang nakaawang ang mga bibig.

"Madali lang naman yun." Sagot ni Steffy.

"E bakit di mo isinara kanina bago pa man magsilabasan ang mga halimaw at Deiyo beast?" Di makapaniwalang tanong ni Mustapa na nabalikan na rin ng huwisyo. Kung maagang isinara nina Steffy ang portal hindi na sana kailangan ng mga kasamahan nila ang mamatay. Wala sanang malalagay ang buhay sa panganib.

"Sayang ang mga crystal cores nila saka sayang din to no." Sabay taas ng belt na galing sa octo-monster kanina.

Napatitig siya kay Mustapa makita ang bahagyang paninisi nito kung bakit hindi agad isinara ni Steffy ang portal.

"Ang mga pumanaw ay karapat-dapat lang mawala. Kundi mo napapansin, bakit pa kayo nabubuhay? Akala niyo ba dahil umatras kayo kanina? O dahil nagtungo kayo sa inaakala niyong safe zone? Sa palagay niyo ba hindi pa bumigay ang katawan niyo dahil sa pressure pa lamang mula sa halimaw?" Panimula ni Steffy.

"Kinailangan naming harangan ang pressure na nagmumula sa mga Mystikan, Deiyo beast at mga halimaw para mananatili kayong buhay hanggang ngayon. Ginawa lang namin ito dahil nakikita namin ang kabutihan sa inyong puso at pansin namin na kahit may pagkaarogante at masama ang iba sa inyo, may kabutihan parin na nakatago sa kanilang mga kalooban at may pag-asa pang magbago." Tiningnan niya ang mga piraso ng mga damit ng mga namatay kanina. At ang mga dugo sa lupa.

"Lahat sila deserve mamatay. Iyon ay dahil posibleng makakahila pa sila ng mabubuting nilalang na maging masama nang dahil sa kanila. Hindi lang yun, wala silang pakialam sa buhay ng iba kaya madali lang sa kanila ang pumaslang. Ayaw kong darating ang araw na ang lahat ng mga mabubuting Chamnian ay pinaslang na at ang holy clan ay tuluyan ng nagiging walang kasing sama dahil sa galit at sa paghihiganti. Ang isa sa kanila ay makakahikayat ng libo-libong Chamnian para magiging masama. Kaya bakit ko sila tutulungan at poprotektahan?"

Natigilan naman si Mustapa sa narinig. Hindi niya inaakala na ang palangiti na mukhang isipbata kanina ay may ganitong mindset.

Kadalasan nga sa mga Chamnian na hindi na sumusunod sa kanilang batas ay dahil din naman sa mga karanasan nila at sa mga paghihirap at masasakit na nakaraan na naging dahilan ng galit nila hanggang sa pinili na lamang suwayin ang batas ng Chamni. Lalong-lalo na sa mundong ito, ang siyang may mabuting puso ang siyang malalagay sa alanganin at maghihirap. At siya ring unang mamamatay. Kapag namatay ang lahat ng mga mabubuti dahil sa kagagawan ng mga masasama, paano nalang ang kanilang mundo? Paghaharian na ito ng kasamaan.

"Pero alam mong, ang mga Chamnian na nakapatay, sinadya man o aksidente ay mahihirapang makabalik sa Mystika. Marami silang mga pagsubok na dapat lagpasan bago maisilang muli ang kanilang kaluluwa sa Mystika. Handa mo bang harapin ang ilang libong buhay dahil lang sa paniniwala mong iyan?" Tanong ni Mustapa.

"Inaamin kong kasalanan ang pagpatay. Kung ang pagawa lamang ng kasalanan ang magiging paraan para maprotektahan ang mga pure hearted Chamnian, ayos lang sa akin ang magiging makasalanan at siyang mapaparusahan ayon sa batas ng mundong ito." Seryosong sagot ni Steffy.

Bumuka-tikom ang bibig ni Mustapa sa narinig. Gusto niyang magsalita ngunit walang katagang lumalabas sa kanyang bibig.

"Kaysa naman dadami ang mga Chamnian na hindi na maisisilang muli sa Mystika dahil sa naging masama sila at nakagawa ng mga kasalanan dahil lang din naman sa kasamaan ng iba. Ang Chamni ay para sa mga mabubuting puso at di para sa mga masasama. Kailangang ubusin ang masasama bago pa man makahawa ng iba."

Mahihirapang pumasok ang kaluluwa ng mga Chamnian sa Mystika kapag nilabag nila ang batas ng Chamni. Kung gaano karami ang kasalanang ginawa nila higit pa doon ang dami ng pagsubok na dapat nilang malagpasan bago mabubuhay muli bilang isang Mystikan.

Maaaring isilang silang muli sa ibang mundo o ba kaya ma-transmigrate sa ibang mundo ng ilang ulit para mapagbabayaran ang mga kasalanan nila. Kapag nabayaran na nila saka naman sila maisisilang muli bilang isang Mystikan.

Mystikan ay ang mundong tunay nilang pinagmulan. At kung bakit napadpad sila sa Mysteria iyon ay dahil din sa mga Mystikan.

"Isa ka ba sa mga Mystikan na hindi nakakalimot o isa ka sa mga Mystikan na ipinadala sa mundong ito?" Biglang sambit ni Mustapa.

"Isa sa dahilan kung bakit nabuo ang mundong ito." Sabi ng nakapamulsang si Orion na bigla na lamang sumulpot sa tapat ni Steffy.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top