Chamni 74: Kaliya

Nakuha ng Delshin clan ang crystal core dahil mas malakas sila kumpara sa iba na nandirito. May malakas nga sana sa ibang grupo ngunit sugatan na ang mga ito dahil sa pakikipaglaban kanina.

Ilang sandali pa'y lumabas na ang pinakahihintay nilang halimaw. Ang snake dragon monster ng Monsterdom. Nakakapaglabas ng blue fire ang nasabing halimaw at nasa Mystic level na rin ito.

Dahil wala namang laban ang iba, pinili na lamang nilang lumayo.

Kaya lang, ilang minuto pa lamang, nasa kalahati na lamang sa limang daang Chamnian na kasama ng Delshin clan ang natira. At sa huli, pinili nilang tumakbo na lamang palayo sa takot na mapatay.

Ngunit nanatili ang mga Chamnian na maapektuhan sakali mang makakalabas ng Miraha Mountain ang mga halimaw. Alam nilang kailangan nilang talunin ang mga halimaw kung gusto nilang magiging ligtas ang kanilang mga tahanan. Isa na dito ang grupo ni Mustapa.

Nagsilabasan na rin ang mga nagkatawang mga hayop o mga halaman at bumalik na sa orihinal nilang mga anyo dahil alam nila na susunod na rin ang mga Deiyo beast na mas mapanganib pa sa mga halimaw lalo pa't nabuo sila mula sa enerhiya ng mga halimaw.

Patuloy naman sa panonood sina Steffy sa posibleng mangyayari.

Dalawa pang Mystic level na halimaw ang lumitaw kasunod nito ang tatlong Mystic level na mga Deiyo beast.

"Alam niyo bang mahina sana ang mga halimaw na iyan kumpara sa mga Chamnian? Sa bilang palang wala na silang laban. Kaya lang, walang pagkakaisa ang mga Chamnian at mas pinapairal din ng iba ang kasakiman." Sabi ni Arken habang nakatingin sa mga Chamnian na sa halip na ang mga halimaw ang inaatake, ang kapwa nila Chamnian ang inaatake nila.

Bumaba na si Chinde at sumali sa pakikipaglaban sa isang halimaw na kinakalaban ngayon nina Channer.

May grupo ng mga Mystikan na rin ang nagsidatingan. Halata sa mga aura nila na mas malalakas sila kumpara sa mga Chamnian.

"Mga walang silbing mga Mysterian. Magsilayas nalang kaya kayo kung ganyan kayo kahina." Sabi ng isang Mystikan sa mga sugatang Chamnian.

"Kanina pa kayo nakikipaglaban ngunit wala man lang kayong nagawa. Bumalik nalang kayo kung saan kayo nagmula at magsanay ng mabuti." Sabi din ng isa na ikinagalit nina Channer, Chinde at iba pa.

"Walangya to." Sambit ni Chinde at susugod sana ngunit hinila siya pabalik ni Channer.

Umatras na lamang sila at hinayaan ang mga Mystikan na harapin ang mga halimaw. Madali lang natalo ng mga Mystikan ang tatlong halimaw ngunit hindi ang Snake Dragon Monster.

Kinalaban ng mga Mystikan ang Snake Dragon Monster.

"Steffy, kamukha ni Kurt yang kasama nila a." Sabay turo ni Asana sa lalaking may katabing magandang Mystikan.

Natisod ang babae kaya muntik na itong madapa ngunit agad namang napigilan ni Kurt.

"Ngayon lang ako nakakita ng gwapo at magaganda na sakit sa mata." Nakasimangot na sambit ni Steffy na ikinalingon nila sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Maganda lang siya mas cute naman tayo." Sagot ni Aya.

"Mas gwapo pa ako sa kanya. Kaya para di ka maiirita sa akin ka nalang titingin." Mayabang na sagot ni Sioji.

Nagtulong-tulong ang mga Mystikan na matalo ang Snake Dragon monster ngunit halatang nahihirapan sila. Makitang tumilapon muli ang babae at sinalo na naman ni Kurt lalo namang napasimangot si Steffy.

"Iyan lang ba ang kaya niyo? Mga Mystikan ba kayo? Bakit parang kulang kayo sa kain?"

Biglang naitulak ni Kurt ang babaeng sinalo niya na ikinahiyaw nito. Napatingala sila at natanaw sina Steffy na nakaupo lamang at nanonood sa kanila na abala sa pakikipaglaban.

"Ganyan ba kayo? Nakikita niyong nahihirapan na ang iba ngunit di niyo man lang magawang tumulong?" Sabi ng isa pang babaeng Mystikan.

"Mahihina kami. Hindi kami kasing lakas niyo kaya anong maitutulong namin? Magpapakain kami sa mga halimaw ganun? Hindi rin naman sila mabubusog sa amin. Hanggang ngipin lang kami." Sagot ni Steffy.

"Oo nga. Kaya ano pang hinihintay niyo, laban na." Sagot ni Hyper.

Dumilim naman ang mukha ni Kurt makitang napapagitnaan nina Ruhan at Liwei si Steffy. Mabilis siyang umiwas sa blue flame na ibinuga ng Snake Dragon sa kanya.

Isang Mystikan ang nadaplisan ng blue flame na ikinahiyaw nito.

"Mystikan ba kayo o Mysterian? Bakit ang hinahina niyo?" Gatong naman ni Kwetsy.

"Kulang ba kayo sa kain? Kumain nalang kaya muna kayo? May tirang buto pa kami dito o." Pang-aasar naman ni Rujin at pinakita pa ang buto ng magic beast na nakita niya lang.

Pikon na pikon naman ang mga Mystikan sa narinig. Kung di lang sila abala sa pakikipaglaban sa Snake Dragon Monster baka kanina pa nila inatake sina Steffy.

Isa na naman sa mga Mystikan ang napahiyaw sa sakit nang matamaan ng blue flame. Kundi lang nagamot agad ng kasama baka tuluyan na itong nalusaw.

"Para kunting sunog lang, para ng inihaw na baboy kung humiyaw. Napakahina niyo naman. Bumalik nalang kaya kayo sa mga pinanggalingan niyo at magsanay ng mabuti. Di yung hihiyaw-hiyaw kayo dito. Wala dito nanay niyo uy." Ganti ni Steffy sa lalaking minamaliit ang mga Chamnian kanina.

Lalo lamang nagalit ang mga Mystikan sa narinig.

"Magpapakamatay ba iyang mga kaibigan ng kapatid mo?" Tanong ni Amelon kay Channer ngunit natatawa dahil nakaganti rin sila sa mga mayayabang na mga Mystikang nanghamak sa kanila kanina.

Isa sa mga Mystikan ang lumipad patungo sa kinaroroonan nina Steffy.

"Ikaw, kung ayaw mong mamatay, itikom mo yang bibig mo." Galit na sigaw ng lalake.

"Di ko alam na napakababaw ng mga Mystikan. Kaysa harapin ang mga makapangyarihang mga halimaw, nagawa pang makipagtalo sa mga bata at pagbantaan pa dahil lang sa mukha silang mahihina. Wag mong sabihing mga mahihina lang ang kaya niyong talunin? Tsk, tsk, tsk." Iiling-iling pa si Arken. "Akala ko pa naman malalakas kayo at makapangyarihan. Yung mas mahina lang pala sa inyo ang inyong kinakalaban. Ang duduwag niyo din naman pala."

Muntik ng malaglag sa sinasakyang espada ang lalaking Mystikan sa tindi ng galit. Ngunit kung aatake siya e di totoo ang inaakusa sa kanya? Lalo pa't kinakawayan pa siya ng mga kabataang ito at nilalabasan ng dila.

"Kung marinig ko ulit ang boses niyo, ipapakain ko talaga kayo sa mga halimaw." Banta niya bago lumipad pabalik sa mga kasama.

"Nanghihinayang ang halimaw sa mukha namin kaya di niya kami kakainin. Mga tulad mo lang daw gusto niya. Kamukha mo kasi." Sagot ni Hyper.

"Ang lakas ng loob nilang ikumpara ang mukha ko sa halimaw." Nagngingitngit niyang sambit. Bago pa man makabalik sa kinaroroonan nina Steffy natamaan na siya ng buntot ng Snake Dragon na ikinalaglag niya pababa.

"Ang dami ng sugat ng halimaw ngunit bakit parang wala lang sa kanya?" Nagtatakang tanong ni Kaliya.

"Iyun din ang napapansin ko." Sambit ni Kurt at napasulyap kina Steffy. Naniningkit ang mga kilay niya makitang pinupunasan ni Liwei ang pawis ni Steffy sa noo.

Ibinaling na ulit niya ang tingin sa Snake Dragon. Inilabas ang kanyang Puting pakpak at lumipad sa gawi ng Snake Dragon. Mas malakas kasi siya sa ganitong anyo dahil nagagamit niya ang buo niyang lakas.

Nagbuga ng blue flame ang ang Snake Dragon na agad naman niyang naiwasan. Saka niya tinusok ang mga mata nito bago lumipat sa likuran ng halimaw at pinutol ang ulo nito.

"Ang lakas niya." Manghang sambit ng mga Chamnian na may halong takot ang makikita sa mga mata.

"Prinsipe iyan ng mga Mystikan." Sambit ni Mustapa. Nagpapasalamat siya makitang natalo ang Snake Dragon Monster ngunit nag-alala dahil mga Mystikan ang nakatalo rito.

Tumingala naman ang mga Mystikan sa gawi nina Steffy na halatang pinagmamalaki ang ginawa ni Kurt.

Tumingala naman sina Steffy sa portal na hindi pinapansin ang mga Mystikan.

"Huy, mga halimaw. Magsilabasan na kayo. Ganyan na ba kayo kahina para magtago sa likod ng portal? Mga Mystikan lang natatakot na kayo? Kung takot kayo bumalik na kayo sa tiyan ng nanay niyo. Magsilayas na kayo at wag ng bumalik pa."

Mukhang nainis ang mga mga halimaw na nasa kabilang portal pa at lumabas ang isang Mystic rank master level na halimaw mula sa portal.

"Ikaw lang mag-isa? Natatakot ba ang ang mga kasama mo? Sabihin mo sa kanila bumalik na sila sa tiyan ng nanay nila kung ayaw nilang lumabas." Sigaw pa ni Steffy. Dahil sa galit, nagsilabasan ang sampu pang mga nasa Mystic grandmaster level na mga halimaw.

"Bakit kayo lang? Nasaan ang mga Deiyo beast? Wala ba silang mga kain at mga Mystikan lang kinatatakutan na?" Sabi pa ni Steffy na nakatingala pa rin sa portal.

"Katapusan na natin."

"Ito na yata ang huling araw natin."

"Wala na tayong pag-asa pa."

Ito ang mga nasa isip ng mga Chamnian na halos mahihimatay na sa tindi ng takot makita ang mga halimaw at mga Deiyo beast na sabay-sabay na nagsilabasan.

Nagcross-arms naman si Steffy at tiningnan ang mga nakatulalang mga Mystikan.

"Malalakas kayo di ba? Bakit nanginginig kayo? Sabihin niyo nalang kung di niyo kaya at tutulungan namin kayo." Hamon ni Steffy sa mga Mystikan.

Nanlilisik ang mga matang nakatingin ang mga Mystikan kay Steffy. Isa sa kanila ang nagsalita.

"Siya ang huwaran na nagpahiya sa Imortal college." Sabi nito sa mga kasamahan.

"Siya naman pala. Papuntahin niyo sa gawi nila ang mga halimaw para makita nila ang hinahanap nila." Sabi ng isang lalake.

Napatingala si Kurt sa higanteng mga halimaw na halos lumilim na sa kanila.

"Wag niyo ng pansinin ang nga bata. Magpokus na lamang kayo sa ating misyon." Sabi niya.

Muli na nilang hinarap ang mga halimaw. Tumulong na rin ang mga Chamnian.

Habang abala ang lahat sa pakikipaglaban nag-ihaw naman sina Steffy ng mga magic beast. Bigla tuloy nagutom ang mga naglalaban sa kanilang naamoy. Ilang ulit pa silang na-distract na naging sanhi kung bakit sila natatamaan.

At kahit anong gawin nila, para lang mapagawi ang halimaw sa kinaroroonan nina Steffy, umiiwas talaga ang mga halimaw at tila ba iniiwasan nilang makalapit sa gawi nina Steffy.

Napapalingon tuloy ang mga Mystikan sa grupo ng mga kabataang parang nagpi-piknik na ngayon.

"Wala ba kayong balak tumulong dito?" Tanong ni Chinde na gumagapang na ngayon sa lupa. Kundi siya tinulungan ni Channer baka namatay na siya sa mga kuko ng Deiyo beast na kinakalaban nila.

"Wala. Kung gusto mong maligtas lumapit ka dito." Sabi ni Shaira.

Mabilis namang gumapang paakyat si Chinde.

Pansin ng mga Chamnian na hindi nilalapitan ng mga halimaw ang bundok kung saan sina Steffy kaya naman dito sila nagtutungo kapag napapagod na sila.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top