Chamni 72: Sumulpot sa Miraha

Sumulpot sina Rujin sa isang makahoy na lugar.

"Woah!" Sambit ni Rujin habang pinipigilan ang sarili na wag malaglag sa ibaba. Muntik na kasi silang malaglag ni Ruhan matuklasang sa itaas ng sanga sila sumulpot.

Inisip kasi ni Rujin si Sioji dahil inaasahan niyang posibleng nakaupo si Sioji sa ilalim ng puno at hindi katulad nina Hyper at Arken na madalas sa sanga o gumagawa ba kaya ng duyan gamit ang halaman. Ngunit bumagsak sila sa isang sanga kung saan nakahiga si Sioji.

Mabuti nalang at mabilis na nakaiwas si Sioji kaya hindi nadaganan ng dalawa.

"Disturbo ka naman Rujin. Alam mo bang matutulog na sana ako?" Asik ni Sioji.

Muntik ng madapa ang isang mandirigma na napadaan sa ibaba ng puno matapos marinig ang sinabi ni Sioji. Sobrang kinakabahan na sila sa paparating na panganib tapos ang kabataang ito may gana pa ring matulog?

Tumingala siya at nakita ang tatlong kabataang may mga mukhang tiyak na habulin ng kababaihan at kaiinggitan ng mga kalalakihan. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad habang napapailing.

"Sino siya?" Tanong ni Ruhan kay Rujin.

"Ah, alalay ko lang yan." Sagot ni Rujin.

Nagdududa namang tiningnan ni Ruhan si Rujin. "Di nga. Ikaw kayang mukhang alalay niya."

'Pigilan niyo ko. Pigilan niyo ko. Baka ilaglag ko na ang lalaking ito.' Rujin thought at sinamaan ng tingin si Ruhan.

Proud namang itinaas ni Sioji ang noo. Saka nakangiting pinagmasdan si Rujin na lalong ikinasama ng tingin ng kaibigan sa kanya.

Inilibot ni Ruhan ang paningin sa paligid. Ang pulang ulap ang agad niyang napansin.

"Portal! Portal ng beastdom yan di ba?" Sambit niya habang dinadasal na sana hindi totoo ang kanyang hinala.

"Anong meron? Bakit may portal?" Tanong ni Rujin at pinagmasdan ang buong paligid. Napangiti agad makakita ng babae. Agad siyang tumalon pababa at  nilapitan si Merrah na nakatingala ngayon sa ulap.

Babatiin na sana ito nang sumulpot sa kinatatayuan niya si Geonei na ikinatumba niya. Bigla siyang napangiti dahil kay Merrah pabagsak ang kanyang katawan.

"Hehehe. Buti ngang hindi ko iniwasan ang paparating na presensya ni Geonei. May dahilan na ako para makayakap ng babae." Malapit na siyang bumagsak kay Merrah at naaamoy na niya ang amoy ng dalaga.

Napapikit siya at niyakap ito. "Yes, nakayakap ako. Ambango bango. Nakadikit pa ang lips ko sa pisngi niya. Hahaha." Ang lakas na ng kanyang tawa sa kanyang isip.

Ngunit napakunot ang kanyang noo dahil wala man lang kahit kaunting boobs ang nayakap. Idinilat niya ang kanyang mata at nakitang si Liwei pala ang nahalikan niya.

Mabilis siyang lumayo at pinunasan ang bibig.

"Kamahalan." Tawag ni Shawn makitang nakatulala ang prinsipe at namimilog ang mga mata. Sabay tingin ni Liwei kay Rujin.

"Ikaw. Minolestiya mo ang pisngi ko?" Hindi makapaniwalang sambit ni Liwei habang nakaturo kay Rujin.

"Nagrereklamo ka pa. Ang alat kaya ng pisngi mo." Reklamo ni Rujin na pinupunasan ang bibig. "Pakiramdam ko magkakabato sa kidney pa ako sayo."

Namula naman sa pikon si Liwei at akmang atakehin si Rujin ngunit natigilan siya dahil hindi nga pala siya nakakagamit ng kapangyarihan.

"Mamaya ka lang kung nawala na ang pulseras na ito at makakaganti rin ako sa'yo." Sambit niya sa isip saka napatingin sa paligid.

Natigilan siya makita ang pulang ulap. Napalingon siya kina Rujin at Geonei.

"Bakit niyo kami dinala dito? Gusto niyo ba kaming mamatay?" Hindi talaga siya makapaniwala na dito sila dadalhin sa kung saan lalabas ang mga halimaw ng beastdom.

Mahigpit na bilin sa kanya ng ama na huwag magpunta sa alinmang lugar kung saan posibleng susulpot ang portal mula sa Beastdom tulad nalang sa Miraha Mountain at Jinoma Mountain. Ang dalawang lugar na ito ang palaging nilalabasan ng mga halimaw mula sa beastdom. Hindi niya inaasahan na dito siya dadalhin nina Geonei.

"Ulap lang naman yan a. Ano bang ikinakatakot mo? Baka nga gagawin pa iyang pink ni Steffy e." Mayabang na sagot ni Rujin.

Nakarinig naman sila ng tawa dahil sa sinabi ni Rujin. Kaya napalingon sila kay Merrah na kanina pa pala tumatawa ng mahina noong nahalikan ni Rujin ang pisngi ni Liwei.

Naramdaman niya kanina na may pwersang paparating at nagmumula ito sa kinatatayuan niya. Palatandaan na may magti-teleport sa kinatatayuan niyang lugar kaya naman, mabilis siyang umalis. At di nga siya nagkamali, sumulpot sa dating kinatatayuan niya sina Liwei at Geonei.

"Wag kang lalapit sa pagmumukhang yan. Di yan mapagkakatiwalaan." Sabay turo ni Hyper kay Rujin.

"Hyper, sino ba ang kaibigan mo ha? Bakit mo ako sinisiraan?"

Nilabasan lang siya ng dila ni Hyper na ikinasamang lalo ng loob niya.

"Nandito na pala kayo. Bakit may mga kasama na naman kayo?" Tanong ni Asana makitang may tatlong kasama pa ang mga kaibigan.

"Ang daming mga gwapo dito. Parang gusto ko ng sumali sa grupo niyo." Sambit ni Kwetsy ngunit may humila na sa tainga niya palayo.

"Aji naman e. Di ko pa nakilala ang mga gwapong kasama nina Asana e." Reklamo niya kaso ipinasok na siya ni Chin sa loob ng kanilang tent.

Pinapakalma naman ngayon ni Izumi ang malungkot na kaibigan.

"Bakit di ko pwedeng ilayo si Ina sa lugar na iyun? Paano kung may mangyayaring masama sa kanya?" Naluluha niyang sambit.

"May mas malakas na nilalang ang nasa likod ng concubine na iyun. Kailangan muna nating malaman kung sino. Mas maganda kung hindi muna nila tayo makilala para madali lang sa atin ang palihim na magmanman sa Ecclescia." Sagot ni Izumi.

Lumitaw naman sa tapat nila si Steffy. "May kakayahan ding magkontrol ng kapangyarihan ng iba ang nagku-kontrol sa kapangyarihan ng iyong ina, Aya. Kaya posibleng katulad natin siya o ba kaya isa siya sa sinaunang pinili." Paliwanag ni Steffy.

Napayuko naman si Aya. Kinabahan maisip na posibleng mas malakas pa sa kanila ang kalaban. Kundi siya pinigilan ni Izumi kanina, baka nagpakita na siya sa ina. At kung mangyari yun, siguradong mas manganganib ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

"Gustong-gusto ko talagang pahirapan ang concubine sa tindi ng aking galit. Kaya nainis ako nung kontrolin mo siya at hinayaang mapalo niya si Ina. Susunugin ko kasi sana ang lamang loob niya hanggang sa mamatay siya."

Binalak na ni Aya na pahirapan si Adira ngunit bigla na lang itong kinontrol ni Steffy at pinalo pa ang kanyang ina na ikinagalit niya.

"Kinausap ko na ang ina at ama mo tungkol sa plano ko. Saka hindi naman umiyak ang ina mo tungkol sa latigo dahil hindi na siya nakakaramdam ng sakit. Nasaktan lang siya maisip na nasa paligid ka lang ngunit di ka niya makita at mayakap. Umiyak siya dahil sa tuwa, pananabik at kalungkutan. Ngunit hindi tayo dapat magpadalos-dalos. Natuklasan kong ang kaharian ng Perzellia at Ecclescia ay palihim ng nasasakop ng ibang nilalang. At posibleng ganun din ang nangyayari sa iba pang mga kaharian. Mga bata lang tayo. Wala pang gaanong alam sa mundong ito at sa tunay na kalagayan ng Chamni kaya hindi tayo dapat magpadalos-dalos." Paliwanag ni Steffy.

Ang mahalaga ngayon, naging kakampi na nila ang hari at reyna ng Ecclescia. Ngunit problema pa din ang mga magulang ni Rujin sa Perzellia.

Napatingin siya sa kinatatayuan nina Liwei na kasama na ngayon nina Asana.

Kung magiging kakampi nila ang Jadei, sa pamamagitan ni Liwei, madali nalang sa kanila ang paghahanap sa ina ni Shaira. Kaya lang, hindi niya alam kung may pag-asa bang magiging kakampi nila ang hari ng Jadei. At posible ring may kinakaharap na problema ang Jadei Kingdom.

Napatingin siya sa mga halaman sa paligid. Kung di siya lumikha ng isolation barrier posibleng may nakarinig na sa pag-uusap nina Izumi at Asana kanina. At delikado iyun sa kanila.

Dumampot siya ng isang bato at binato sa isang baging.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Izumi.

"May nakitsismis kasi sa usapan natin. Nga pala, ang halos lahat ng nakikita niyo sa paligid ay hindi tunay na halaman."

"Sa susunod kailangan niyong lumikha ng sound barrier o isolation barrier bago kayo mag-uusap." Sagot ni Steffy.

Naglakad na sila palapit sa kinaroroonan ng mga kaibigan. Nakasunod naman ang tingin ng mga Chamnian na nadadaanan nila.

"Magpapakamatay ba ang mga kabataang ito?" Tanong ng isang Chamnian na nadaanan nila.

"Steffy, miss na miss na kita." Sabay yakap ni Hyper kay Steffy.

Nakarinig naman sila ng malakas na ungol na umalingawngaw sa buong paligid. Kaya napatingala sila sa langit.

Nakita nila ang isang nilalang na may nag-aapoy na katawan at may mahabang buntot na lumapag sa lupa. Bahagyang lumindol ang lupa dahil dito at lumikha pa ng malakas at mainit na hangin sa paligid na ikinatilapon ng ilang mga Chamnian.

May sumulpot na naman na isang halimaw na may katawang katulad sa isang paniki at lumipad ito sa himapapawid ng bundok.

Sumakay sa kanilang mga flying artifact ang mga Chamnian at kinalaban ang halimaw na paniki na mas malaki pa sa kanila ng ilang ulit. Samantalang inatake naman ng iba ang fire monster.

May dumating pang iilang mga halimaw na siyang kinalaban naman ng iba pang mga Chamnian.

"Ang mga halimaw na ito, iniisip na pagkain nila ang mga katulad natin. Kaya kung makalaban niyo man sila, wag kayong maaawa." Sabi ni Sioji sa mga kaibigan ngunit kay Steffy nakatingin.

Napanguso naman si Steffy. Sa totoo lang, kahit na alam niyang may mga halimaw na lumalakas lamang sa pamamagitan ng pagkain sa mga Mysterian hindi niya iniisip na masasama sila. Pero may pagkakataon lang talaga na hindi pwedeng magsama sa iisang mundo ang mga halimaw at mga Mysterian dahil isinilang na talaga silang magkalaban at mabubuhay lang ng payapa ang isa kapag nawala na ang isa.

Ngunit kung may masama mang halimaw may mabuti rin naman at gano'n din ang mga Mysterian. May mga Mysterian din naman na mas masahol pa sa mga halimaw.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top