Chamni 71:
Sa Ecclescia...
Galit na galit ang hari ng Ecclescia sa nakita. Gusto mang mangatwiran ni Adira ngunit hindi siya nakakapagsalita.
Hinawakan ni Izumi si Aya dahil pansin niyang kumakawala ang kapangyarihang apoy nito. Nag-alala siya na baka masunog ang mga gusali sa paligid nila at may madamay pang iba.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Kumalma ka muna. Hingang malalim."
Huminga naman ng malalim si Aya saka bumuga ng hangin. Dahan-dahan ding naglaho ang pulang aurang nakapaligid sa kanya.
Hindi man sila naririnig ng iba ngunit nararamdaman naman ng hari ang kanilang presensya. Lalo na noong lumabas ang pulang aura ni Aya.
"Sino ang nandito? Lumabas kayo?" Tanong nito at bigla na lamang nagkaroon ng barrier ang buong paligid. Makikita ang isang scarlet na thin wall na bumalot sa tirahan ng Reyna. Walang makakapasok at wala ring makakalabas.
Naglakad palapit ang hari sa kinaroroonan nina Izumi at Aya. Napatitig naman ang dalawa sa paparating na lalakeng may itim na buhok ngunit pulang mga mata.
"Pamilyar sa akin ang kanyang mukha." Sambit ni Izumi.
Sobrang bilis naman ng tibok ng puso ni Aya habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaking pamilyar din sa kanya. Kinuha ang kamay ni Izumi at inilagay sa kanyang dibdib.
"Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nararamdaman mo ba?"
"Halata naman."
"Di kaya crush ko siya." Biglang sambit ni Aya.
Izumi: "..."
"Kamahalan, hindi magagawa ng anak ko ang anumang nakikita niyo kanina. Posibleng may kumukontrol lamang sa kanya."
Napatigil ang hari sa paglapit sa kinaroroonan nina Aya dahil sa lalaking nagsalita.
Isa ito sa mga ministro ng kaharian at siyang kinikilalang ama ni Adira.
"Sinasabi niyang may kumukontrol sa babaeng iyon ngunit hindi man lang nila napansin na may nagkukontrol lang din sa Reyna? Palibhasa gawa nila e." Sabi ng boses babae.
Napalingon-lingon ang hari dahil sa narinig na boses ng isang babae. Base sa boses nito halatang teenager pa lamang ang nagsasalita. Ngunit parang siya lang ang nakakarinig sa boses na ito at parang nasa loob ng kanyang isip.
"Wag na po kayong lumingon, mapagkakamalan lang po kayong baliw."
"Sino ka?" Tanong niya sa isip lamang.
"Kaibigan ng anak niyo."
"Nga pala. Walang sakit ang reyna. May nagkukontrol lang na isa sa mga alipin niya sa kanyang kapangyarihan. Palitan niyo lahat ng mga alipin at mga kawal niya dahil walang ni isa sa kanila ang tapat sa reyna." Napatingin ang hari sa reyna na nakatulala lamang habang binubulong ang pangalang Aya.
"Hindi siya baliw at hindi siya ang nananakit sa mga nasa paligid niya kundi ang nilalang na nagkukontrol sa kanya."
Napatda ang hari sa nalaman. Masama siyang napatingin sa ama ni Adira. Kilalang isang mabuting ama ang ama ni Adira ngunit dahil sa nakita niyang ginawa ni Adira kay Alvara kanina, naisip niyang isa sina Adira sa dahilan kung bakit nagkakaganito ang Reyna.
"Wala akong nakikitang koneksyon sa kanya at sa asawa-asawa mo. Higit sa lahat, hindi galing sa mundong ito ang enerhiyang pinagmamay-ari ng asawa-asawa mo." Sagot ng boses.
"Takot kayo sa mga estranghero ngunit di niyo ba alam na halos pagharian na ng mga mula sa ibang mundo ang buong kaharian niyo? Sobrang lakas ng Mystic energy sa lugar na ito ibig sabihin, marami ang nakatira ditong hindi mga Chamnian." Dagdag pa nito.
"Sino ka? Paano ako maniniwala sa mga sinasabi mo?" Sagot ni Haring Algryn habang hinahanap kung nasaan ang nagsasalita.
"Maniniwala ka man o hindi alam kong batid mo kung ano ang totoo."
Ramdam na ramdam ng hari na parami ng parami ang Mystic energy sa paligid ngunit hindi niya alam kung paano nangyari at bakit? At wala siyang sapat na ebidensya na nagsasabing isang Mystikan ang Ecclescian na nakakasalubong niya.
At ilang taon na rin ang lumipas, wala namang kilos mula sa mga Mystikan kaya nagiging kampante na siya. Hindi niya inaakala na palihim na palang kumikilos ang mga kalaban nila, dati pa. At ang mga biktima ay ang mga anak niya at ang kanyang Reyna.
Tinawag ni Ministro Giyowem ang hari ng ilang beses ngunit nakatulala parin ito habang palinga-linga sa paligid na tila ba may hinahanap tapos matutulala na naman.
Napalingon-lingon siya sa paligid at hinanap kung sino ang posibleng hinahanap ng hari ngunit wala naman siyang nakitang kakaiba sa paligid.
"Maaari ko bang makita ang anak ko? Tanong ng hari sa boses na naririnig. Maririnig ba niya ako kapag nagsasalita ako?" Tanong ng hari sa kanyang isip. Kumakabog naman ang kanyang puso maisip ang posibilidad na nagsasabi ng totoo ang nilalang na ito. Ngunit nananaig pa rin ang paniniwala niyang isa itong makapangyarihang Mystikan na nagbabalak na linlangin siya.
"Naririnig ka niya ngunit mas mabuti sigurong hindi muna siya lalabas hangga't hindi pa ligtas ang paligid. Tiyakin niyong walang miliston sa paligid niyo para hindi makikita ng iba ang mga ginagawa niyo. Higit sa lahat, kailangan munang makilala ang nag-utos sa babaeng iyan bago mo ipahalatang buhay pa ang iyong mga anak."
Sinabi ng boses ang mga dapat gawin at hindi. At kung paano matuklasan ang tunay na mastermind sa likod ng pagkasunog ng dati nilang palasyo.
Napatingin ang reyna sa sugat ng mga kamay niyang unti-unting naghilom. Naramdaman din niya ang enerhiyang dumaloy sa buo niyang katawan at nagpanumbalik sa kanyang lakas.
"Anak, Aya ikaw ba yan?"
Tatalikod na sana si Aya matapos gamutin ang reyna ngunit napatigil siya at parang dinurog ang kanyang puso sa narinig lalo na makita ang naluluhang mga mata ng babae.
Flashback...
"Gusto mo siyang gamutin hindi ba?" Tanong ng boses ni Steffy sa kanyang isip.
"Nakakaawa kasi siya." Sagot ni Aya.
"Gamutin mo na."
Matapos marinig ang sagot ni Steffy mabilis siyang lumapit sa Reyna at ginamot ito. Ngunit habang ginagamot ang Reyna may mga alaala ang pumasok sa kanyang isip.
Dahil isa siyang anak ng hari at reyna at may marka ng pagiging pinili, kinailangang ihiwalay ang kanyang tirahan mula sa ibang mga Ecclescian sa pag-aalalang biglang magwawala ang kanyang kapangyarihan.
Gumawa ang hari ng bagong palasyo at doon isasagawa ang mga pagpupulong tungkol sa mga isyu sa kanilang kaharian ngunit pagkatapos ng trabaho niya bilang hari bumabalik siya sa dati nilang palasyo kung nasaan ang kanyang anak na prinsesa at asawa.
Ngunit isang araw, umalis ang hari ng Ecclescia dahil nagkagulo sa Zaihan Empire. Ang kahariang maituturing nilang siyang may pinakamataas na katungkulan sa Chamni.
Kailangan ng mga pinuno ng mga kaharian na magbotohan kung paparusahan ba ng kamatayan ang nagkasalang prinsesa ng Zaihan.
May anak na prinsesa din ang hari ng Ecclescia kaya hindi siya bumoto. Dahil dito kinutya siya ng sarili niyang mamamayan bilang isang unfair na pinuno ng isang kaharian. Nagprotesta ang mga Ecclescian, hindi lang sila, pati na rin ang mga mamamayan ng ibang kaharian. Hindi na nakinig ang mga Chamnian sa dati nilang tinitingalang mga hari at reyna ng kaharian maging sa Emperador at Emperatris ng Chamni.
Pumayag ang Emperador at Emperatris na parusahan ng kamatayan ang kanilang anak ngunit bilang kapalit, lahat ng mga magkakasalang Chamnian paparusahan din katulad sa parusang iginawad sa kanyang anak. At dahil hindi nakikinig ang mga Chamnian sa Emperador at Emperatris, magmula sa araw na iyon, hindi na sila under sa proteksyon ng pamilyang Zaihan.
Ang sinumang manghihingi ng tulong gamit ang kanilang pangalan o ang pangalan ng kanilang mga anak ay magkakaroon ng sumpa. Hihiwalay na rin ang Zaihan sa pamahalaan ng Chamni. Iniisip kasi ng mag-asawang pinuno na hindi nga nila kayang protektahan ang kanilang sariling mga anak, ano pa kaya ang buong Emperyo? Tinalikuran nila ang Emperyo, at magmula noon parang mga anak na inabandona ng mga magulang ang buong Chamni.
Noong una ay ikinatuwa ng iba na wala ng Emperador o Emperatris na mas mataas sa kanila. Ngunit isang araw pa lamang bago mangyari ang pagpapasyang parusa sa prinsesa ng Zaihan, sunod-sunod na mga sakuna ang nangyari sa iba't-ibang bahagi ng Chamni.
Pabalik na ang hari ng Ecclescia sa kanyang kaharian nang matuklasan niyang nagiging abo na ang buong lungsod kung nasaan nakatayo ang palasyo na tinitirhan ng kanyang anak at asawa.
Iyon ay dahil sa hindi nakontrol ng prinsesa ang malakas niyang kapangyarihang apoy. Ngunit walang nakakaalam na pag-alis pala ng hari at ng mga malalakas na mga mandirigma ng Ecclescia, may lumusob sa lungsod kung saan nakatayo ang palasyo tinitirhan ng mag-ina at pinaslang ang lahat ng mga naninirahan dito saka sinunog ang mga kabahayan. Nilusob nila ang palasyo at pinaslang lahat ng mga kawal at aliping nakikita. Ang sugat na natamo ng Reyna ay hindi dahil sa likha iyon ng sariling anak na prinsesa iyon ay dahil may nagtangkang pumatay sa prinsesa kaya ipinagtanggol niya.
Nang makitang nahihirapan na ang ina, kumawala ang kapangyarihan ng batang prinsesa kaya nasunog ang lahat ng mga nakapaligid maliban sa kanya at sa kanyang ina. Napatay niya ang lahat ng mga lumusob sa nasabing lungsod ngunit wala siyang pinaslang na inosenteng mamamayan ng Ecclescia. Kaya lang, walang naniniwala sa kanya maging sa kanyang inang reyna.
At dahil napag-usapan ang parusang kamatayan kailangan nilang isuko si Aya sa mga nakakatanda ng kaharian para danasin ang heavenly punishment.
Bago pa man dumating ang heavenly punishment ni Aya, itinakas siya ng ina papunta sa mundo ng mga tao ngunit nasundan parin sila. Ilang taon silang nagtatago hanggang sa isang araw nahuli nila ang Reyna samantalang nakatakas naman si Aya hanggang sa mapadpad sa forbidden forest at naisumpa ni Gurdina kaya nagiging isang Rabbit. Ngunit nakatulong ang kanyang pagiging kuneho dahil hindi na siya natunton ng mga nilalang na gusto siyang makuha. Hanggang sa makilala sina Steffy, Izumi at Asana.
End of Flashback...
Naalala na ni Aya ang lahat. Hindi na siya nakakapagpigil at niyakap ang ina.
Naramdaman na lamang ni Alvara na may dumaang hangin kasunod nito ay ang mahigpit na yakap ng kung sino sa kanyang baywang mula sa likuran. Hindi man niya nakikita ngunit ramdam na ramdam niya ang init ng mga yakap sa kanya ng kung sino.
"Ina, patawad po. Patawad kong hindi ko kayo naprotektahan." Ang naluluhang sambit ni Aya sa nanginginig na boses.
Hindi agad nakakilos ang Reyna. Para siyang itinirik na kandila sa kinatatayuan marinig ang boses ni Aya.
"Anak? Aya? Ikaw ba itong naririnig ko?" Mahina niyang sambit.
Naluluha ang hari makitang lumuluha ang asawa habang kausap ang hangin. Ngunit naiinggit rin dahil gusto din niyang makausap at marinig ang boses ng anak. Ngunit alam niyang hindi ngayon ang tamang panahon. Iba naman ang nasa isip ng mga nakapaligid. Inaakala nila na tuluyan na ngang nabaliw ang reyna dahil kausap nito ang hangin. Lalo pa't madalas nitong kinakausap ang sarili kaya naisip nilang tuluyan ng nasiraan ng bait ang kanilang Reyna.
"Ina, ingatan niyo ang sarili niyo. Nandito lang ako. Babantayan ko kayo. Aalamin muna namin kung sino ang nasa likod ng nangyaring aksidente dati. Hindi mo pa ako makikita ngayon dahil hindi pa pwede."
Kinausap ni Aya si Steffy na kung maaari ay magkaroon silang mag ina ng life and death contract katulad sa ginagawa ni Steffy sa kanila at sa iba pang gusto nilang protektahan. Kaya lang, si Aya ay hindi si Steffy. Maari siyang magkakaroon ng life and death contract sa mga magic beast, halimaw, o sa mga sacred beast ngunit hindi sa kapwa niya Mysterian o sa kanyang sariling ina.
"Pero Aya, sigurado ka ba? Mamamatay ang iyong ina kapag may nangyayaring masama sa akin."
"Ngunit wala na akong nakikitang ibang paraan para malaman ang kanyang kalagayan. At para matiyak kung ligtas ba siya o hindi."
Pumayag naman si Alvara sa hiling ng anak kahit hindi niya nakikita ang mga nag-uusap at kahit siya lamang ang nakakarinig, ngunit nararamdaman niya ang koneksyon niya at kay Aya kaya naman alam niyang anak nga niya ang babaeng yumakap sa kanya.
Ang mas ikinatuwa niya ay dahil makakausap niya ng muli ang anak kahit kailan niya gusto.
***
Ipinakulong ng hari si Adira sa madilim na piitan ng Ecclescia. Samantalang kumalat naman sa buong kaharian ang tuluyan ng pagkabaliw ng kanilang Reyna at dahil dito, napagpasyahan ng hari na tatanggalin na sa posisyon ang Reyna ng Ecclescia.
"Axen! Ano bang nangyayari sayo? Hibang ka na ba talaga?" Sigaw ng isang babaeng nakasuot ng pulang bestida at pulang kapa. Nakasakay siya sa pulang espada at mabilis na pinana ang hari ng Ecclescia.
Umiwas naman ang hari at mabilis na nagtago sa likuran ng kanyang trono. Sa lahat ng kinatatakutan niya, takot siya sa Ate niya.
"Lumabas ka diyan. Magpapakalalaki ka. Bakit mo pinaalis sa trono ang Reyna ha? Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya naghihirap ng ganito bakit siya ang papaalisin mo sa trono ha." Sinipa nito ang trono at natuklasang wala na doon ang kapatid.
"Axzyl Rien!" Nanggigigil nitong sigaw. "AXEEEN!"
"Ano ka ba? Wag mo ngang ibagsak ang pangalan ko? Hari ako, hari. Wag mo naman akong ipahiya sa harap ng mga nasasakupan ko." Sambit niya habang nagtatago sa likuran ng isang estatwang leon. Ngunit nang tingnan ang paligid, mag-isa na lang pala siya sa throne room. Nagsitakbuhan na palayo ang mga Chamnian sa loob ng Throne Room kanina pa.
Hindi takot ang mga Ecclescian sa hari nila ngunit takot sila sa kapatid ng hari. Kung di lang sa kapatid ng hari matagal na sanang napalitan ang hari ng Ecclescia. Kung nasa Ecclescia lang sana ito noon hindi sana mangyayari ang disaster ng Ecclescia dati.
"Naisip kong ito ang mas nakakabuti sa kanya. Nagbabaka-sakaling gagaling siya kapag hindi na niya pasan ang pressure na dulot sa kanya sa pagiging isang Reyna." Paliwanag ni Axen.
Natahimik naman si Aizy sa narinig. Sa totoo lang matagal na rin niyang gustong pagpapahingahin si Alvara kaya lang ayaw lang talaga niyang pagbigyan ang mga kalaban sa kagustuhan nila. Kapag pinaalis niya sa pagiging Reyna si Alvara tiyak na pipilitin nila ang hari na maghanap ng kapalit na posibleng lalo pang ikagulo ng kanilang kaharian.
"Akala ko ba wala ka ng balak lumabas sa lungga mo?" Tanong ni Axen makitang tahimik na ang kapatid.
"Malapit na sana akong umangat sa Immortal level pero nabalitaan ko ang ginawa mo. Pahamak ka talagang hari ka." Napayuko si Axen habang tinuturo ng nakatatanda niyang kapatid. "Alam mo namang kailangan kong magpalakas para may kakayahan na akong makalabas sa kontinenteng ito. Kailangan ko rin namang mahanap ang pamilya ko." Sagot ni Aizy at bahagyang humina ang boses nang banggitin ang salitang pamilya.
"Matagal ng naglaho ang dating harang ng Chamni. Maaari ng lumabas at pumasok ang iilang piling mga Mysterian." Sagot ni Axen na ikina bitaw ni Aizy sa hawak na pana.
"Bakit di mo sinabi agad?"
"Paano ko sasabihin e di ko nga alam kung saang lupalop ng kontinente ka na nagtatago." Sagot nito ngunit napangiwi dahil binatukan.
"Ganyan ka ba kumausap sa nakakatanda mong kapatid ha?"
Napahimas si Axen sa batok. "Kahit kailan talaga napakaamasona mo parin. Kailan ka ba magbabago ha?" Mabilis na lumayo makitang babatukan na naman siya ng kapatid.
Napapadasal pa siya na sana hindi namana ng mga anak niya ang pagka amasona ng mga babae sa lahi nila.
"Paano raw naglaho ang dating harang?" Tanong ni Aizy.
"Aba malay ko-" napangiti siya ng pilit makitang sinamaan na naman siya ng tingin. "a noong ginanap ang annual examination ng CMA. Hindi ko alam kung bakit naglaho. Nag-iimbestiga pa ang mga Chamnian." Sagot niya.
"Nanganib ang buhay ng mga kabataang pumasok sa loob ng Jinoma Mountain ngunit may iilang mga huwarang estudyante ang nagligtas sa kanila. Kaya kaunti lang ang pinsalang naibigay nito."
Iniisip naman ni Aizy ang mga huwaran. Kahit gaano man kalakas ang mga kabataang Chamnian imposibleng makakaligtas sila sa mga kamay ng mga Mystic level na mga halimaw, magic o Deiyo beast?
"Lalabas ako ng Ecclescia. Pupunta ako sa CMA para magturo." Sabi nito matapos pulutin ang nahulog na pana at umalis na.
Napahawak naman sa dibdib si Axen. Nagpasalamat na rin na umalis na ang brutal niyang kapatid. Maisip na magiging guro ito sa CMA bahagya siyang kinilabutan. Baka araw-araw nabubugbog ang mga estudyante nito.
"Sana naman, matagal-tagal pa siyang bumalik." Dasal niya sa sarili saka inayos ang kanyang natumbang trono at umupo. Sasandal na sana siya nang makitang muli ang pigura ng kapatid na ikinalaglag niya sa kinauupuan.
Kinuha lang pala ang palaso na tumarak sa gilid ng kanyang trono at tumalikod ng muli.
Nang tuluyan ng makaalis ang kapatid saka pa siya tila ba naubusan ng lakas at pahigang umupo sa kanyang trono habang tinapik-tapik ang dibdib.
***
(I-edit ko nalang uli to pag may time.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top