Chamni 7: Sumama kay Miro

Pagkatapos ng pagbibigay ng award pinayagan ang mga kabataan na umuwi na muna sa kanilang mga tahanan upang makapagpahinga ng ilang araw. Ang mga hindi nagiging kabilang sa top 100 kinuha ng mga prestihiyosong paaralan sa kani-kanilang mga kaharian at lungsod na kanilang pinagmulan. Ang iba bumalik sa dati nilang paaralan.

Kinaiinggitan naman ang mga nagiging kabilang sa top 100 at halos sambahin na ang mga naging huwaran.

Sa gawi ng mga huwaran naman, nakatingin lamang sina Steffy sa sasakyang maghahatid sa kanila pabalik sa kanilang pamilya.

"Saan kayo nakatira?" Tanong ni Zin kina Asana.

Sabay-sabay na itinuro ng magkakaibigan si Steffy. "Ah, iisa lang ang lugar niyo? Magkapatid ba kayo?"

"Hindi." Sagot ni Geonei.

"Magkapitbahay?"

"Hindi rin." Sagot ni Aya.

"Eh?" Naguguluhan na ang kawal sa mga batang ito. "Kung ganon nakitira kayo sa kanila?" Sabay turo kay Steffy.

"Parang ganon na rin." Sagot ni Asana.

Sa loob ng space ni Steffy sila nakatira kaya para na rin silang nakitira kay Steffy. At kung tungkol sa mga magulang nila ang pag-uusapan, hindi nila alam kung saan at kung sino.

"Kung gano'n ihahatid ko na kayo." Sabi ni Zin.

Nag-aalinlangan namang pumasok si Steffy. Saan naman sila pupunta? Kung pupunta siya sa palasyo, paano kung may gagawing masama sa mga kaibigan niya ang nilalang na iniiwasan niya. Kailangan munang maibabalik ang dati nilang kapangyarihan bago siya magpakilala.

Saka maaalala ang kanyang ama napapailing siya. Ayaw niyang makulong sa palasyo at gagawing crowned princess. Antayin muna niyang magbabalik na ang kanyang kuya bago siya magpakilala. Saka hahanapin na muna niya ang mga pamilya ng mga kaibigan niya bago siya babalik. Ikukulong lang din naman siya ng kanyang ama o ba kaya ihaharap na naman sa altar dahil sa pagkitil niya ng buhay at di pagsunod sa batas ng mga Chamnian.

"Nakatira ako sa Alastanya. Don na muna kayo." Sabi ni Miro mapansin ang ekspresyon ni Steffy na tila ba nahihirapang magdesisyon.

"Game." Mabilis na sabi ni Steffy at nag-thumbs up pa kay Miro. Sanay na si Miro sa kakaibang pananalita ni Steffy pero hindi si Zin. Ngunit mapansing tila naiintindihan naman ng iba ang sinabi ni Steffy hindi na niya ito pinagtuonan pa ng pansin at sinamahan na ang grupo ni Steffy na pumasok sa kanilang spacecraft.

Nakatayo naman si Elder Cid habang pinagmamasdan ang papalayong spacecraft.

"Ang mga batang iyon, pamilyar na pamilyar sa akin." Sambit ni Elder Cid. Sinadya niyang hindi ipakilala ang mga bata dahil sa mga pangalan nila na katulad sa mga pangalan ng mga kabataang itinakas nila sa Mysteria para hindi mapapahamak sa lugar na ito.

"Master, kamukha po ng punong guardian ang isa sa kanila. Kamukhang-kamukha po niya ang anak niyo." Sabi ng isa sa disipulo niyang si Firan.

Naalala naman ni Elder Cid ang mukha ni Arken. Ngunit umiling siya.

"Imposibleng buhay pa si Gurdina at ang anak niya." Sabi ni Elder Cid.

Pinagsisihan niya ang mga araw na pinilit niyang maghiwalay ang kanyang anak at si Gurdina. Ngunit ginawa lang niya iyon para sa kaligtasan ng kanilang pamilya. Makitang naglaho na ang spacecraft sumakay na rin si Elder Cid sa space craft niya at bumalik na sa capital city ng Zaihan.

***

Ilang minuto lang ang pananatili nina Steffy sa spacecraft, lumapag na sila sa syudad ng Alastanya.

"Dito ako nakatira." Sabay turo ni Miro sa isang malaking tahanan.

Nagpaalam na ang mga kawal na kasama ni Zin ngunit naiwan si Zin at nagbabantay sa labas.

"Hindi kayo aalis?" Nagtatakang tanong ni Steffy sa kawal.

"Utos ni Elder Cid na bantayan kayong mabuti para matiyak ang kaligtasan niyo." Namilog naman ang mga mata ng bratty gang.

"May bantay talaga ang lahat ng mga kabilang sa top 100 lalo na sa mga huwaran." Paliwanag ni Miro.

"Kung babantayan mo kami wag ka dito sa labas. Pwede ka namang pumasok sa loob." Sabi ni Steffy.

"Tungkulin naming protektahan kayo. At wag niyo na po akong alalahanin." Sabi ni Zin.

Pumasok na sila sa loob ng bahay at naiwan naman sa labas si Zin.

"Bakit napadpad ka dito? Akala ko ba sa Wynx Academy ka pupunta?" Tanong ni Asana kay Miro.

"Hindi ko alam kung bakit sa halip na sa Wynx Empire ako mapapadpad, dito ako napunta. Noong una naguguluhan ako hanggang sa matuklasan kong isang Chamnian teleportation stone ang ibinigay ninyo sa akin." Paliwanag ni Miro.

Napatingin sila kay Aya. Sa kanya kasi nanggaling ang pulang teleportation stone na binigay nila noon kay Miro bago sila umalis sa Norwegian kingdom.

"Galing kay ina ang batong yon at di ko alam na kaya pala nitong ihatid ang sinuman dito sa Chamni." Sagot ni Aya.

Ikinuwento ni Miro sa kanila ang nagiging sitwasyon niya sa Chamni.

Pagdating niya sa Chamni, isang taon siyang hindi nakakagamit ng kapangyarihan ngunit nakakagamit naman siya ng magic spell at enchantments. Hindi rin nawawala ang innate ability niya na hindi nangangailangan ng Mysterian o Chamnian energy. Nagagawa parin niyang lumipad kahit hindi siya nakakagamit ng kapangyarihan.

"Nagagamit parin naman pala ang mga kakayahan natin na hindi umaasa sa mga enerhiya bakit di ko naisip na gumamit ng spell para makalipad? Ang bobo ko talaga." Sabi ni Steffy sabay pitik sa noo ni Rujin na pinakamalapit sa kanya.

"Bakit ako pinitik mo?" Reklamo ni Rujin at gaganti sana kaso lumayo na si Steffy kaya naman sinapok ang pinakamalapit sa kanya na si Geonei.

Bago pa man makatakbo nasipa na si Rujin sa tuhod na ikinaluhod niya.

"Bakit niyo ba ako inaapi ha? Sabagay nakakainggit naman kasi ang kagwapuhan ko." Sabi ni Rujin at isinuklay pa ang mga daliri sa buhok.

"Anong gagawin natin ngayon? Kailangang may identity tayong maipakita at magiging palatandaan na hindi tayo galing sa ibang kontinente." Tanong ni Arken na ikinaseryoso nila.

"Bakit di nalang kayo pumasok sa CMA? Makakalabas naman kayo kapag ipapadala kayo sa isang misyon." Suhestiyon ni Miro.

"Kapag hindi?" Tanong ni Izumi.

"Hindi kayo makakalabas." Sagot ni Miro.

"Bakit ba binabantayan tayong mabuti ng CMA? Ano bang meron?" Tanong ni Shaira.

"May grupo ng mga Mystikan ang dumating sa Chamni. Hindi sila makalabas ng Chamni at di rin makakabalik sa Mystic Land. Pero nagiging banta ang presensya nila sa Chamni at ang pinaka malala, nire-recruit nila ang mga kabataang may may mga malalakas na mga kapangyarihan at ang hindi papayag dinudukot nila. May mga Chamnian ng pumanig sa kanila at ang iba naman tumutol sa mga pamamaraan nila. Ayaw man ng mga Chamnian sa paghahari-harian nila pero mga Mystikan sila at mas malakas sa atin." Paliwanag ni Miro.

"Siguro kung wala ang CMA baka lumaganap na ang kanilang impluwensiya sa buong Chamni." Dagdag pa ni Miro.

Naiintindihan na ngayon nina Steffy kung bakit binabantayan sila ng mga kawal at bakit tinitiyak ng mga ito na ligtas na makakauwi ang mga kabataan sa kanilang mga tahanan at dadalhin ulit pabalik sa CMA.

"May mga magbabantay sa mga pamilya ng mga estudyante habang nasa paaralan sila. May usapan ang mga Chammian at Mystikan na ang sinumang magpapasakop sa bawat panig ay di pipigilan ng kabilang panig at di papakialaman pero mas gustong makasiguro ng mga CMA at matiyak na walang mangyayaring masama sa mga estudyante nila kaya naman pinoprotektahan nila ang mga estudyante kahit ang buong pamilya nito."

Maisip ang salitang pamilya napatungo ang bratty gang. Lahat sila parang mga ulila na walang mga magulang at guardian maliban kay Steffy na may adopted na ama, at kuya.

Kailangang mas mapalakas pa sina Histon at iba pa para sakali mang lulusubin ng Mystikan ang Mysteria, may magliligtas naman sa Mysteria at iyon ay ang mahigit tatlong daang mga sundalo nina Histon at Hisren.

Kung papasok sila sa CMA, paano kung isang taon pa bago sila makakalabas? Sa anong paraan nila lihim na mahanap ang mga pamilyang hinahanap nila?

Nagpahinga na muna sila ngunit kinabukasan, sinundo na silang muli ng mga kawal. Iyon ay dahil sa pangambang matutunton ang tinitirhan ng mga huwaran at ng top 100 ng mga Mystikan. Mas ligtas kasi ang mga ito sa loob ng CMA.

Wala namang reklamong sumama ang Bratty gang sa mga kawal.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top