Chamni 69: Panganib sa Miraha

Hinihintay ngayon ng mga Chamnian ang paglitaw ng mga halimaw mula sa Monsterdom at mga Deiyo beast mula sa beastdom.

Ngayon ang buwan kung saan bumubukas ang mga portal mula sa dalawang kahariang ito. Ang mga halimaw at Deiyo beast na lilitaw mula sa Monsterdom ay ang mga halimaw na ipinatapon ng kapwa halimaw sa ibang lugar dahil sa pagawa ng malaking kasalanan. Ang mga Deiyo beast naman ay nandirito para makakuha ng mga Mysterian at kunin ang mga kapangyarihan nila.

Kung ang mga halimaw at mga Mysterian ay pwede pang magsama, hindi ang mga Deiyo beast. Dahil ang Deiyo beast ay lalakas lamang kung marami siyang nakukuhang mga enerhiya mula sa paligid at mas madodoble ang kapangyarihan nila kapag nakukuha nila ng mga kapangyarihan ng mga Mysterian. Samantalang kailangan naman ng mga Mysterian ang crystal core ng mga Deiyo beast para maging mas malakas sila.

Ang mga Deiyo beast na nagkakaroon ng sariling pakiramdam at pag-iisip, nambibiktima ng ibang nilalang para makuha ang mga kapangyarihan at enerhiya ng mga nilalang na nabibiktima nila. Kaya kung may mabubuo mang Deiyo beast dahil sa malakas na enerhiya mula sa isang lugar, kailangan agad itong lipulin ng mga Mysterian kung ayaw nilang mapahamak.

Nagbigay ng utos ang mga namamahala sa mga independent States ng Chamni na bibigyan ng gantimpala ang sinumang makakasugpo sa mga halimaw at Deiyo beast na lalabas mula sa portal ng Beastdom. Kakaiba at malakas ang enerhiya na nagmumula sa Beastdom kaya tiyak na mas malalakas ang mga Deiyo beast na nabuo mula sa lugar na ito kumpara sa ibang bahagi ng Mysteria.

Makakatulong din sa mga Mysterian ang mga crystal core ng mga halimaw at ng mga Deiyo beast kaya naman kahit mapanganib, handa silang sumubok. Unang-una ay para sa kaligtasan ng kanilang pamilya at tirahan, ikalawa ay para sa reward na matatanggap nila kapag nakapatay sila ng mga halimaw at Deiyo beast na mula sa Monsterdom at ang huli ay ang pakinabang na makukuha nila mula sa mga Crystal core ng mga ito.

"Kung maaari, mananatili lang kayo dito. Wag kayong pumunta sa kampo ng iba lalo na sa may mga pulang mga tent. Hindi sila mapagkakatiwalaan." Tinuro ni Channer ang mga Chamnian na may mga tent na red. May flag sila na may nakaburdang nag-aalab na espada.

"Sa silangang bahagi naman ay ang kampo ng mga Mystikan. Pinagdidiskitahan nila ang mga nakikita nilang magaganda kaya kung pwede wag niyong hayaang makita nila ang mga mukha niyo." Paalala pa niya dahil nag-aalala siya sa ganda nina Asana at Shaira na ibang-iba sa mga nakikita nilang mga Chamnian.

"E ako, kailangan ko din bang itago ang mukha ko?" Tanong naman ni Kwetsy sabay turo sa mukha niya.

"Wag na. Mukha mo palang, naiirita na sila."

Napasimangot naman si Kwetsy sa sagot ng kuya.

"Cute naman ako a. Bakit sila naiirita sa pagmumukha ko?" Sambit niya na nakahawak sa magkabilang pisngi.

Sa totoo lang, ilang ulit na siyang napagdiskitahan at minsan na ring nadukot ng mga Chamnian Traffickers. Kaya lang, sa halip na siya ang maaagrabiyado ang mga Chamnian traffickers ang nakakaawa. Sa problema palang na dala niya sumusuko na sila. Kilala din siyang disaster magnet dahil kahit saan siya mapapadpad, may kamalasan talaga siyang dala.

"Kaya dito lang kayo. Chinde, bantayan mo itong kapatid mo baka maghahatid na naman ng panganib kapag pinaalis mo." Paalala ni Channer sa kakambal.

"Bakit ako na naman? Di ba pwedeng ikaw nalang?" Angal ni Chinde.

"Dahil pareho kayong puro kapalpakan na lang ang dala. Kaya dapat wag na kayong gumala." Sagot ni Channer bago umalis.

Nang makaalis na si Channer, isa sa mga mandirigmang kasama sa grupo ni Channer ang lumapit.

"Pumayag lang kaming manatili kayo dahil kasama kayo ni Chan. Bilang kapalit bakit di niyo pagsilbihan ang ilan sa mga kapatid namin? Napaka-boring na rin kasi. Wala na kaming nakakaparehang mga babae." Sabi nito na nakangiti. May hitsura ito ngunit halatang hindi mapagkakatiwalaan ang mukha.

Hahawakan sana ang mukha ng nanahimik na si Shaira ngunit isang espada ang dumikit sa kanyang leeg.

Napatayo ang mga kasamahan niya ngunit napatigil dahil idiniin ni Firm ang espada sa leeg ni Rino. Ramdam nila ang napakalakas na enerhiyang nagmumula sa lalaking may hawak na espada.

"Nagbibiro lang naman ako. Bakit di niyo sinabing may kasama pala kayo?" Sambit ni Rino na ngumiti ng pilit. Itinaas ang dalawang kamay at napasulyap sa espadang nakadikit sa kanyang leeg. Muntik na siyang mapaupo dahil sagana sa Mystic energy ang nasabing espada.

Isa ito sa mga sandata na maaaring magpapalit ng anyo ayon sa kagustuhan ng may hawak nito. Higit sa lahat, maaari itong kontrolin gamit lamang ang isip. Napatingin siya kay Shaira na hindi man lang nag-angat ng tingin at tila ba hindi siya nakikita. Nilalaro ng dalaga ang isang damo malapit sa kinauupuan.

"Hayaan mo na muna siya." Mahinang sambit ni Shaira. Agad namang umatras si Firm at muli ng maglaho bago pa man matingnan ni Rino.

Halos tumakbo na si Rino pabalik sa mga kasamahan niya.

"Ano yun?" Gulat na sambit ni Chinde na palipat-lipat ang tingin kina Shaira, at kina Asana.

"Hidden guard." Maikling sagot ni Asana.

"Ang cool naman. May mga hidden guards pala kayo? Siguro mga mula kayo sa angkan ng mga hari ano?" Tanong ni Kwetsy.

Napatingin-tingin naman sa paligid sina Merrah at iba pa. Hinahanap kung saan posibleng nagtatago ang mga hidden guards ng bratty gang.

"Sana pala di ko nalang tinakasan ang mga hidden guards ko para pag may aatake sa akin, sila na ang bahala." Nanghihinayang na sambit ni Kwetsy.

"Oo, at sila naman ang kawawa." Sagot ni Merrah.

"Kawawa nga. Dahil panay hanap na rin ng mga bodyguards mo sayo." Sagot din ni Kwetsy. Napanguso naman si Merrah. Maalala ang magiging parusa ng mga bodyguards niya, napapadasal na siya na sana di sila mahihirapan ng husto.

"Sana pala isinama ko nalang sila. Mapaparusahan parin naman kami pareho e." Sambit niya pa.

Makitang may hidden guards pala sa panig ng mga kabataang kasama ni Channer, wala ng nagtangkang manggulo sa grupo nila.

Pinagmasdan nina Asana ang ibat-ibang grupo ng mga nilalang na naririto. Makikilala ang bawat grupo ayun sa mga ipinatayong mga tent na may magkakakaibang mga flag na may nakaukit na simbolo mula sa mga pinagmulang lahi.

Kung katulad pa si Asana sa dating siya, baka nanginginig na ang kanyang mga tuhod kapag nararamdaman ang malalakas na mga enerhiyang nagmumula sa mga nilalang na nakikita niya.

Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit marami ang may gustong makuha si Steffy noon. Iyon ay dahil sa kakaibang kakayahan nito na wala sa iba. Kakayahang palakasin ang mga mahihina at bigyan ng abilidad at kapangyarihan ang mga walang kakayahan.

Sa totoo lang, maliban sa pagkontrol sa elementong hangin at pagawa ng portal, wala na siyang ibang kakayahan. Ngunit dahil kay Steffy, nakilala niya si Luimero na nagturo sa kanya sa pagamit ng spell. Pagawa ng mga potion at elixir at natuto siyang makipaglaban. Hindi rin sana niya makilala ang hari ng Arizon at hindi sana magiging ganito kalakas. Hindi sana niya makikilala ang mga kaibigan at hindi sana magiging kabilang sa grupo ng bratty gang.

Kaya lang napapaisip siya kung bakit kailangan nilang maghihiwalay para makapasok sa limang kaharian ng Chamni?

"Tingnan niyo. May lumabas ng portal." Sambit ni Daelan at tinuro ang isang kulay pulang liwanag na sumulpot sa himpapawid. Umiikot ito at palaki ng palaki.

"Teka, di ba dati itim ang lumitaw? Bakit pula naman ngayon?" Tanong ni Merrah.

"Masama to. Hindi Invincible o Syanra level ang lalabas kundi Mystic level pataas." Sambit ni Chinde.

Kapansin-pansin ang takot ng ibang mga Chamnian at ang iba naman bumigay na ang mga tuhod dahil sa lakas ng pressure na nararamdaman ng kanilang katawan. Para silang dahan-dahang binabagsakan ng mabigat na bagay.

Ang iba naman, pinagpapawisan na sa mabigat na pressure na tila ba may isang invisible na bagay na nakadagan sa kanila.

"Ang lakas ng aura nila." Sambit ni Kwetsy na pinagpapawisan na rin.

Unti-unti na ring nakaramdam ng malakas na pwersa sina Asana. Ibang-iba sa nararamdaman nila kung nandirito si Steffy. Hindi sana nila mararamdaman ang mabigat na pwersang ito na nagmumula sa portal na nasa himpapawid ng Miraha Mountain.

"Na-miss kong bigla si Steffy." Sambit ni Hyper.

"Nami-miss mo lang siya kung nagigipit ka." Sagot ni Shaira at inikot ang mata.

Bumalik si Channer sa kinaroroonan nila na nag-aalala.

"Mukhang isang Mystic level pataas ang paparating kaya kailangan niyong makaalis dito." Sabi niya at tiningnan sina Kwetsy at ang mga kaibigan nito.

"Dito lang ako. Gusto kong manood ng laban." Sagot ni Kwetsy.

"Gusto mo bang mapahamak ha?" Lumakas na ang boses ni Channer.

Naglabas naman si Kwetsy ng isang red teleportation stone. " Magte-teleport kami agad kapag nalalagay kami sa panganib." Sagot niya. Tumango naman sina Merrah, Daelan at Lyanric.

"Kaya naming mag-teleport kaya wag kang mag-alala." Sagot ni Lyanric.

Napatingin naman si Channer kina Sioji. Pansin niyang hindi sila gaanong naaapektuhan sa mabigat na pressure na nagmumula sa bumubukas na portal.

"Wag kayong mag-alala sa amin. Tatakas nalang kami kapag masyado ng mapanganib." Asana assured.

Bumuntong-hininga na lamang si Channer bago sila iwang muli.

"Wag niyo ng pansinin si Channer. Tinuturing lang talaga niya kaming mahihina at mga bata. Napakaseryoso masyado kaya nga napagkakamalan siyang matanda e." Sabi ni Chinde.

"Napipilitan lang siyang magseryoso sa pag-aalalang maagang tatanda sina ina at ama sa kaisipbata namin ni Chinde. Puro nalang daw gulo ang dala namin. Di ko naman nadadala iyang gulo, kusa lang talagang sumasama sa akin. Si Chinde siguro, mukha palang, mukha ng gulo." Sagot ni Kwetsy.

"Ako? Mukhang gulo? Ikaw kaya ang palaging gumagawa ng gulo sa akin?"

Pinakiramdaman nina Asana ang buong paligid. Dito nila napansin na bukod sa mga Chamnian na nakikita nila at may mga tent, may iba pang nakatago sa paligid na gumagamit ng iba't-ibang mga anyo. May nagkatawang mga halaman at mga hayop. Ang iba naman nasa anyong bato o mga bagay. May iba din na nagtatago sa mga liblib na bahagi ng bundok na ito.

"Ang sinumang unang makakapatay sa lalabas na halimaw ay siyang makakakuha sa crystal core nito. Kaya posibleng maglalaban ang mga Chamnian na ito at pag-aagawan ang crystal core ng bawat halimaw o Deiyo beast na mamamatay." Sabi ni Daelan. "At dito na magsisimula ang tunay na panganib kapag may ganitong pagtitipon."

"Tama ka. Kaya kapag pinag-aagawan na nila ang Crystal core saka natin nanakawin." Sambit ni Kwetsy at sumuntok pa sa ere. Sumang-ayon naman agad si Lyanric.

Napatingin si Arken kay Asana. "Sinapian kaya siya ni Steffy?"

"Baka sinapian siya ni Aya." Sagot naman ni Asana.

"Ganyan na ba kasama ang tingin niyo kina Aya at Steffy?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sioji.

"E kasi para silang sina Aya, Rujin at Steffy. Ganito ang maiisip ng tatlong iyon." Sagot agad ni Asana.

"Ganyan din naman ang iniisip ko a." Sagot ni Sioji.

"Ako din." Panabay na sagot nina Hyper at Shaira na nakataas pa ang mga kaliwang kamay.

Napangiwi na lamang si Asana. Wala na yatang ibang iniisip ang mga kaibigang ito kundi ang mandaya ng pinaghirapan ng iba.

Nagiging pula na ang buong paligid ng Miraha Mountain. Sa ibaba naman ng bundok, sobrang tahimik ng mga kabahayan. Nakatago ang mga mag-anak sa loob ng kanilang mga bahay habang ang mga kalalakihan naman, inihanda ang mga sarili sakali mang may mapapadpad na mga halimaw sa kanilang tahanan.

Nasanay na silang may ganitong eksena sa Miraha Mountain pero ito ang unang pagkakataon na hindi kulay itim ang mga ulap sa ibabaw ng bundok kundi pula. Na galing sa pulang aura ng mga nasa Mystic level pataas na mga halimaw o Deiyo beast ng Monsterdom. Kaya naman, labis silang nabahala dahil ito ang ikalawang pagkakataon na Mystic level ang makakalaban ng mga Chamnian na haharap ngayon sa mga halimaw.

At posibleng mauulit na naman ang dati na halos maubos ang mamamayan ng Miraha dahil sa mga halimaw noon. Buti nalang, nagtulong-tulong ang mga limang Invincible clan para magapi ang mga halimaw. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Magkalaban na ang bawat angkan, lalong-lalo na ang limang Invincible clan. Paano na lamang silang mga mamamayan na mas mahina pa sa limang Invincible clan?

Napatingin si Mustapa sa pulang portal na halos magkulay dugo na ngayon. Saka sa mga nilalang na nandito para patayin ang mga halimaw na susulpot.

Nasa pangangalaga niya ang bayan ng Miraha ngunit hindi na siya sigurado kung makakaligtas pa ba siya at makakalabas pa ba siya sa bundok na ito.

Kung kanina ay confident silang matalo ang sinumang paparating na halimaw. Ngayon naman ay hindi na. Sa lakas pa lamang ng aura nito, halos mahihirapan na silang huminga.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top