Chamni 67: Lyanric and Kwetsy

Hinahabol ngayon ni Merrah si Lyanric.

Sina Asana naman nagpatuloy sa paghahanap ng iba pang davlings.

"Ayun! May nakita na ako." Sabi ni Asana at tinuro ang isang davlings sa isang sanga ng puno. Mas malaki na ito kaysa sa una nilang nakita. Inilabas niya ang isang lightning whip at dahan-dahang naglakad sa isang direksyon para maghanap ng magandang posisyon.

Naglabas naman ng blue flame si Sioji.

"Huhulihin mo ba o papatayin?" Tanong ni Asana at sinamaan ng tingin si Sioji. Agad namang naglaho ang apoy sa mga kamay ni Sioji.

Hindi talaga maaasahan ang kapangyarihan niya sa ganitong bagay dahil nasanay siyang makipaggiyera. Tiyak na mamamatay lang ang mga davlings na matatamaan ng kapangyarihan niya.

Umakyat naman si Hyper sa kabilang puno at naghihintay ng go signal ng mga kaibigan.

Nagtago naman sa magkaibang lugar sina Shaira at Arken. Binabantayan kung saan pupunta ang davlings.

"Ano kaya kung atakehin nalang natin?" Tanong ni Arken through telepathy.

"E di namatay. Paano natin mapapakinabangan?" Sagot naman ni Shaira through telepathy.

Inihanda na ni Asana ang sarili.  Inihampas niya ang kanyang lightning whip sa gawi ng davlings. Sobrang bilis ng paghampas niya ngunit may aninong bigla na lamang dumaan kasunod nito ang hiyaw ni Lyanric.

Binato ni Merrah si Lyanric ng ice blade kaya tumalon siya sa isang sanga ng puno para makaiwas. Kaya lang, isang guhit ng liwanag ang papunta sa gawi niya. Tumama ang liwanag sa kanyang baywang at napasigaw sa kuryenteng ibinigay nito sa kanyang katawan.

Hindi nga siya natamaan ng ice blade ng kanyang kaibigan pero nakuryente naman siya.

Hinila pabalik ni Asana ang kanyang latigo at napakunot ang noo dahil may kasama ng malambot na kulay puting pantalon.

Tiningnan niya kung sino ang natamaan at napakip ng mukha makakita ng pisngi ng pang-upo ng lalaking nakabitin sa sanga.

"Patay ka sa akin Lyanric ka." Nanggigigil na sambit ni Merrah habang tumatakbo parin sa direksyong tinakbuhan ng kaibigan. Ngunit may bumagsak sa kanyang ulo kaya natakpan ang kanyang paningin at dumiretso siya sa katawan ng puno at bumangga.

"Aray ko naman. Ano to?" Inalis ang bagay na tumama sa kanyang mukha at natuklasang kasuotang pangloob ito ng mga lalake.

Naramdaman ni Lyanric ang malamig na hanging tumama sa kalahati ng kanyang katawan pababa kaya ibinaba niya ang tingin at nakitang isang sapin nalang ang natira sa pang-ibaba niya na ikinabitaw niya sa sanga at bumagsak pababa.

"Nasaan na ang suot ko?" Agad hinanap ang underwear at napalingon sa gawi ni Merrah na inunat-unat nito ang underwear niyang may sunog na ang kahating parte nito.

Nagkulay kamatis na ang kanyang mukha at gusto ng ibaon ang mukha sa ilalim ng lupa.

"Lord, kunin niyo na ako Lord." Naiiyak niyang sambit nang maramdamang may bumagsak sa kanyang noo. Hinawakan niya ito at tiningnan. Namilog ang kanyang mga mata saka sumigaw ng ubod lakas.

"Aaaaah!"

"Langyang davlings na to, minalas na nga ako, inipotan pa ako?" Naiiyak niyang sambit habang nakatingin sa malagkit na bagay na kumalambitin sa mga daliri.

Si Hyper naman na nasa itaas ng isa pang puno, halos malaglag na sa sanga sa kakatawa.

"Pfft. Hahaha." Ngunit nabali ang sangang inaapaakan dahil ito pala ang natamaan ng ice blade ni Merrah kanina. Hindi lang agad naputol.

"Aaah!" Bumagsak siya pababa na lumikha pa ng alikabok sa paligid.

****

"Tahan na." Pampakalma ni Daelan sa kaibigan na ayaw tumigil sa kakaiyak.

"Uwaaah!" Atungal pang muli ni Lyanric at mas lalo pang nagngawa. Sinilip ang mga kaibigan at ang mga bagong kakilala, at nakita niyang nagpipigil pa rin sila ng tawa kaya mas lalo lamang siyang naiyak.

Si Hyper naman ginagamot ni Shaira ang kanyang pang-upo dahil bumagsak siya kanina sa mga halamang may maraming mga tinik.

Napahilot si Asana sa noo. Magmula noong nakasalubong nila ang grupo ng mga kabataang ito, minamalas na talaga sila.

Sina Sioji, Arken, Kwetsy at ang iba pa hindi tinitingnan si Lyanric. Kasi kapag titingnan nila ito matatawa lang sila. Naiisip parin kasi nila ang pagkahubad ng suot nito at tumakip pa sa mukha ni Merrah tapos nang malaglag ito sa lupa, inipotan pa ng davlings. Ito na yata ang pinakamalas na naranasan ni Lyanric sa tanang buhay niya.

Sumasakit na ang tiyan nila sa kakapigil ng tawa.

"Pagpasensyahan niyo na ang kapilyuhan ng mga kasamahan kong ito. Mga sakit talaga sila ng ulo." Pagpapaumanhin ni Channer.

"Wag kang mag-alala. Mas malala pa diyan ang ugali ng mga kasama ko. Lalo na kapag nandito ang lima pa naming mga kaibigan baka makakasundo pa nila iyang mga kasamahan mo. At sabay-sabay pang gagawa ng kababalaghan. Buti nalang talaga at di nagkasalubong ang landas nila." Sagot ni Asana at huminga ng maluwag.

Gumawa sila ng tent para mapagpahingahan.

"Ano kaya kung magpapatulong tayo kina Steffy?" Tanong ni Shaira.

"Wag na. Magagawa din natin to. Kundi lang talaga sa mga sagabal na yun." Sabay turo ni Hyper sa grupo nina Kwetsy.

"Anong sagabal ka diyan? Ito sisihin mo." Sabay turo ni Kwetsy sa nananahimik na sanang si Lyanric.

At dahil natuon na naman ang atensyon kay Lyanric, nagsitawanan na naman ang magkakaibigan maalala ang nangyari dito.

"Sige, pagtawanan niyo lang ako." Maktol nito. Nakarinig na naman ulit siya ng tawanan na lalong ikinasama ng tingin niya.

"Hahaha. Hindi talaga ako makakaget-over. Biruin mo, nahilamos pa ni Merrah ang pangloob mo." Tukso muli ni Kwetsy kaya dumampot ng piraso ng lupa si Lyanric at binato sa kaibigan. Umiwas naman si Kwetsy at nasyot ang piraso ng lupa sa platito ni Chinde na kakasandok lang sa sabaw ng nilalaga nilang magic beast meat.

Napalunok ng laway sina Kwetsy at Lyanric makitang ang sama ng tingin ni Chinde.

"Kwetsy! Lyanric." Tawag niya. Kumaripas naman ng takbo palayo ang dalawa at naglaho agad sa kanilang paningin.

Ilang minuto ang nakalipas naramdaman nila ang pagyugyog sa lupa. Kasunod nito ang sigaw nina Kwetsy at Lyanric.

"Nagbibigay talaga ng sakit ng ulo ang dalawang ito." Huminga ng malalim si Channer at inihanda ang sarili para sa paparating na panganib.

Natatanaw na nila ang higanteng magic beast na may katawang katulad sa isang scorpion.

Naibuga ni Chinde ang hinihigop na sabaw makita ang paparating na higanteng magic beast.

"Gusto ko lang naman kumain bakit ayaw akong pagbigyan ng dalawang pasaway na ito?" Naiiyak na niyang sambit. Ibinaba niya ang platito at kinuha ang kanyang espada na nakasandal sa isang bato.

Galit na galit na hinabol ng giant scorpion magic beast ang dalawang mga kabataang bumato sa kanya kanina.

Matatalo na sana niya ang mga kinakalaban niyang mga Chamnian kanina kundi lang biglang sumulpot ang dalawang ito. Kaya galit na galit niyang hinabol sina Kwetsy at Lyanric.

Napapreno ang higanteng magic beast makitang may iba pa palang mga kasama sina Lyanric at Kwetsy.

"Tulong. Tulong." Hinihingal na sambit ni Kwetsy at nagtago agad sa likuran ni Channer.

"Umalis na kayo. Mapanganib ang magic beast na ito." Sabi niya kina Asana.

Si Shaira naman sinuring mabuti ang magic beast kung paano ito naging mas mapanganib.

"Di ba nasa Syanra level lang ang magic beast na iyan?" Tanong ni Shaira.

"Ni-la lang mo lang ang Syanra level na magic beast. Di mo ba alam na kaya ka niyang pagpipira-pirasuhin niyan?" Sagot ni Daelan.

Itinaas ng magic beast ang isang pansipit nito at ibinagsak sa kinatatayuan ni Asana.

"Mag-iingat ka." Sigaw nina Channer at Chinde. Itinaas ni Asana ang isang kamay at may wind blade ang lumipad patungo sa pansipit ng magic beast. Para lamang itong isang guhit na liwanag na biglang naglaho at naputol agad ang mahabang pansipit nito. Umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw  ng higanteng magic beast.

Isang itim na laway ang lumabas mula sa bibig nito ngunit bago pa man maitapon nahati na sa dalawa ang katawan ng magic beast. At dahan-dahang nagiging abo ang buong katawan.

Nakatulalang napalingon sina Channer at iba pa kay Sioji na may isang blue flame na nag-aalab sa daliri nito. Hinipan ni Sioji ang blue flame at ibinulsa ng muli ang kamay.

"Ang ingay-ingay kasi." Sabi pa nito at umupo na sa gilid ng isang puno.

Palipat-lipat naman ang tingin nina Channer, Chinde, Kwetsy at iba pa, kina Asana, Sioji at sa magic beast na magic core nalang ang natira.

Tumunog ang tiyan ni Chinde kaya naalala niya ang niluluto niya. Mabilis siyang tumakbo palapit sa palayok. Kaya lang, wala ng laman. Sinilip niya ito at wala ng kahit sabaw ang natira.

May nag-burped na ikinatingala niya at nakitang himas-himas ni Hyper ang tiyan. Pinupunasan naman ni Arken ang bibig at mamasa-masa pa ang mga labi nito.

Nakarinig siya ng ngumunguya kaya nilingon niya kung saan. At nakitang kumakain sina Kwetsy at Lyanric kahit pinagpapawisan pa sa kakatakbo kanina.

"Yung pagkain ko!" Sigaw niya.

Napaubo naman si Kwetsy at mabilis na tinuro sina Hyper at Arken. "Sila ang naunang kumain. Tira lang ang sa amin." Sagot ni Kwetsy.

Guilty namang napangiti ng pilit si Arken. Nasanay na kasi silang maghanap ng makakakain kapag nakakaamoy sila ng laban.

"Mahabaging Poon. Gusto ko lang namang kumain. Bakit niyo ba ako pinapahirapan ng ganito?" Naiiyak ng sambit ni Chinde at niyakap na lamang ang palayok.

Kinabukasan, dinala ni Channer sina Asana at ang grupo nina Kwetsy sa kanilang kampo. Kung saan nagkakampo ang grupo ng mga mandirigma at iba pang mga missionary na may kanya-kanyang misyon sa Miraha Mountain.

"Channer. Bakit nagdala ka ng mga bata dito? Alam mo namang mapanganib ang lugar na ito? Paano nalang kung magiging pabigat lang sila sa atin?" Sabi ni Amelon kay Channer.

"Wag po kayong mag-alala. Hindi po magiging pabigat ang mga kabataang ito." Sagot ni Channer.

"Siguraduhin mo lang." Sabi ni Amelon at tumalikod na.

Nahihiya namang napatingin si Channer sa mga kasamang mga kabataan na kalmadong nakatingin sa kanya.

"Ayos lang yun. Nasanay na kaming minamaliit dahil lang sa bata pa ang edad namin." Sabi ni Asana. Inilibot nila ang paningin sa mga tent ng mga Chamnian na nagkakampo sa lugar na ito.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top