Chamni 63: Susunod lamang

Sa gawi nina Steffy naman...

"Kamahalan, maghunos-dili po kayo." Pakiusap ni Shawn sa kanilang prinsipe.

"Tantanan niyo na nga ako. Siya lang ang makakatanggal nitong suot ko." Sagot ni Liwei.

Ang sinumang magpapasuot ng pulseras na suot niya ngayon ang siya lang makakatanggal nito. Maliban na lamang kung hindi sila naaapektuhan sa mga restrictions, posible nila itong matatanggal tulad na lamang kay Steffy. Pero nasa isa o dalawa lang ang nakakagawa ng ganitong bagay.

Pupunta si Steffy sa Perzellia, kasama si Ruhan at naisipan ni Liwei na sumama. Ngunit mapanganib ito para sa kanya lalo na at isa siyang prinsipe ng mga Jadeian. Prinsipe ng kalabang kaharian ng Perzellia.

"Salamat at pinalaya niyo kami." Sabi ni Min.

Tumango naman si Steffy saka kinawayan na sila, telling them to go away. Habang naglalakad paalis, palingon-lingon ang mga Vergellian. Makikita ang paghanga sa kanilang mga mata.

Binalak nilang bihagin si Steffy at ibigay sa hari ng Vergellia para maparusahan ngunit ito ang palaging nagliligtas sa kanila sa oras ng panganib.

"Kapag nagkataong nadala natin siya sa Vergellia mapaparusahan kaya siya?" Tanong ni Dianan.

"Mas nag-aalala ako na baka ang hari natin ang mapaparusahan. Saka para na rin tayong nagpapasok ng mapanganib na halimaw sa loob ng ating kaharian." Sagot ni Min na ikinatango naman ng mga kasama niya.

"Pero nagpapasalamat na rin dahil sakay siya sa sasakyan natin. Kung hindi pa baka wala na tayo ngayon." Sagot ni Min.

Binigyan nila ng huling tingin si Steffy bago sila tuluyang umalis.

Ilang ulit namang napapalunok ng laway ang mga mandirigmang mga Ecclescian dahil naglalakad palapit sa kanila si Steffy.

"Mukhang kailangan ko rin kayong tanggalan ng kapangyarihan." Nakangiti niyang sambit.

Pinagpapawisan naman agad ang mga Ecclescian. Gusto nilang tumakbo palayo ngunit sigurado ba silang makakatakas sila?

Dito nila napansin na hindi pala tumapat sa lupa ang mga paa ni Steffy. Naglalakad siya sa hangin at di lang napapansin na hindi dumidikit sa lupa ang mga paa niya dahil isang inch lang ang layo ng mga paa nito sa lupa.

Hindi nila inaatrasan ang kamatayan ngunit ang mawalan ng kapangyarihan, mas mabigat pa ito sa parusang kamatayan.

"Patawarin niyo kami." Sambit ng captain nila at mabilis na lumuhod. Dahil dito, agad ding nagsiluhuran ang iba.

Hinding-hindi nila niluluhuran ang kahit sino maliban sa hari nila. Ngunit sa pagkakataong ito, wala na silang pakialam sa kanilang dignidad bilang mga mandirigma ng mga Ecclescian.

Kapangyarihan ang pinakamahalaga sa Mysteria at kung wala sila nito, siguradong mahirap para sa kanila ang mabuhay sa loob ng ilang araw. At posible pang magkawatak-watak ang mga katawan nila kapag nakakasalubong sila ng mga magic beast lalo na kapag mga Deiyo beast.

May mga pamilyang naghihintay sa kanilang pagbabalik. At kung may mangyayaring masama sa kanila, paano na ang kanilang mga pamilya? At kung mawawalan sila ng kapangyarihan paano sila magpapatuloy sa kanilang mga buhay?

"Pakiusap, wag niyong alisin ang mga kapangyarihan namin."

"Pakiusap dakilang shida."

"Pakiusap, wag niyo pong alisin ang kapangyarihan namin mahabaging shida."

Habang nakikiusap sila, isa sa mga mandirigma ang bigla na lamang kinuha ang dagger at mabilis na umatake kay Steffy.

Para sa kanya, it's a suicidal attack. Handa na siyang mamatay ngunit isasama niya ang babaeng dahilan ng kamatayan niya. Kaya lang, tumigil ang kanyang katawan sa ere at di na magawang igalaw ang kanyang katawan.

Itinaas ni Steffy ang isang daliri at unti-unti namang umangat ang katawan ng lalake.

"Hanga ako sa katapangan mo ngunit, nasa maling nilalang mo ipinamalas." Nakangiting sambit ni Steffy sabay pitik sa ere. Kasunod nito ang malakas na hiyaw na umalingawngaw sa buong paligid.

Bumangon naman ang mandirigmang tumilapon kanina. Paika-ika siyang naglakad pabalik sa kinaroroonan nina Steffy ngunit halos madapa siya makita kung ano ang nangyayari sa mandirigmang umatakeng bigla kay Steffy.

"Mahabaging Poon. Siya na ba ang piniling tagapagwakas?" Tanong niya makitang isang pitik lang ni Steffy sa daliri, unti-unting nasusunog ang balat ng mandirigma.

Nasusunog ang katawan nito ngunit naghihilom naman agad at paulit-ulit na nasusunog habang hindi mawawala ang sigaw nito sa labis na sakit na nararamdaman. Paulit-ulit na tinutupok ng apoy ang mga balat. Dahan-dahan ngunit paulit-ulit.

"Curse magic?" Pinagpapawisan niyang sambit.

Curse magic lamang ang may kakayahang magparamdam ng sakit ng paulit-ulit ayun sa kagustuhan ng curse magic caster.

"Pakiusap po, tigilan niyo na ang pagpapahirap sa kanya. Ako nalang po ang parusahan niyo. Ako po ang captain nila. Kaya ako nalang po ang parusahan niyo. Tigilan niyo na ang mandirigma ko." Pakiusap ng captain.

Nagboluntaryo naman ang mga kasamahan niya na sila na lamang ang parusahan kaysa makita nilang mahihirapan ang kanilang kasamahan.

Kung ibang Chamnian pa iyon ay mata-touched sa brotherhood ng mga mandirigmang ito ngunit hindi si Steffy. Dahil alam niyang kung siya ang nabihag nila at nagkataong mas mahina siya baka siya na ngayon ang nagmamakaawa sa kanila.

"Ang parusang para sa kanya ay para sa kanya. Iba ang para sa inyo." Sagot niya at pumitik sa ere.

Ilang sandali pa'y napahawak sila sa mga ulo at namimilipit sa sakit.

Ang mga Jadeian naman napapaatras sa takot. Iniisip na sila na naman ang susunod.

Di maiwasang mapaupo ng ilan nang lumingon sa gawi nila si Steffy.

"Katapusan ko na."

"Katapusan ko na."

Ito ang pumasok sa mga isip nila.

"Umalis na kayo bago pa man magbago ang isip ko." Sabi ni Steffy. Kaya naman halos magkandarapa na sila sa pagtakbo palayo.

Ngunit naiwan si Shawn dahil hinihila niya ang prinsipe nilang hindi natitinag sa kinatatayuan.

"Kamahalan. Pakiusap, umalis na tayo." Pagmamakaawa niya. Ngunit nakatayo parin si Liwei na hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"Umalis na kayo kung gusto niyo. Kailangan ko munang maiaalis ang pulseras na ito." Sagot ni Liwei.

Napatingin si Shawn sa wrist ng prinsipe nila at naisip na wala ngang makakaalis sa pulseras na ito maliban kay Steffy. Higit sa lahat, wala namang balak pumatay ang babaeng ito. Dahil kung meron pa, siguradong kanina pa patay ang mga Dethrin at ang mga Ecclescian na ito.

Bumagsak sa lupa ang katawan ng mga Ecclescian at nakabaluktot parin ang mga ito habang hawak ang mga ulo. Nawala na ang sakit na nararamdaman nila ngunit nananatili parin ang alaala nito at parang tandang-tanda parin ng kanilang mga katawan.

Saglit lang ang sakit na iyon ngunit habang buhay nilang matatandaan.

Ilang oras din ang lumipas bago nanumbalik ang kanilang lakas. Agad silang nagsiupo ngunit agad ding nakaramdam muli ng matinding takot nang makita ang mga tingin ni Steffy sa kanila.

"Alam niyo bang hindi lahat ng pagsasakripisyo ay nakakabuti o mabuti? Lalo na sa maling nilalang niyo ginawa?" Sambit niya at sinulyapan ang lalaking nanginginig parin sa takot habang nakabaluktot parin ang katawan sa lupa.

Napatingin ang mga Ecclescian sa kasamahan nilang nakahiga pa rin ngayon sa lupa. Agad nagsilapitan ang tatlo sa kanila at tinulungang makatayo ang kasama.

"Sabagay, inatake niya ako at isinaalang-alang ang buhay niya, sa pagnanasang mailigtas kayo. Ngunit nagkamali siya ng desisyon dahil wala talaga sana akong balak saktan kayo. Gusto ko lang sanang sabihin sa inyo na hindi niyo na dapat sinasaktan at inaatake ang mga kapwa niyo Chamnian."

"Pinaalis ko na ang mga Vergellian at ganoon din sana ang gagawin ko sa inyo. Ngunit dahil sa ginawa ng kasamahan niyo, ipinaramdam ko rin sa inyo ang sakit. Para kung maisipan niyong manakit ng katulad ko at nang kahit sinong inaakala niyong mas mahina sa inyo, maaalala niyo ang sakit. Maaalala niyo ako. Maaalala niyong hindi lahat ng mukhang mahina ay mahina nga. At hindi niyo makakalimutan na minsan niyong nakaharap ang isang Steffy Myrtle Zaihan."

"Steffy Myrtle Zaihan?" Sambit ng Captain ng Ecclescian ngunit namilog ang mga mata nang may naalala.

Napaatras-atras siya at muntik ng matumba sa tindi ng gulat sa natuklasan.

Si Steffy Myrtle Zaihan, ang panganay na anak na babae ng Emperatris ng Chamni. Ang batang kinatatakutan ng mga Chamnian at sinasabing magiging katapusan ng kanilang mundo. Ang batang mas makapangyarihan pa kaysa sa piniling tagapagwakas siyam na taon na ang nakakalipas. Ang pangalan na ang sinumang babanghit ay magkakaroon ng di magandang kapalaran. Ang pangalan na dating itinuring na tagapagligtas ngunit bigla na lamang naging pangalang isinumpa.

At ang pangalan na isa sa dahilan kung bakit kinatatakutan ang mga Zaihan.

Kung gulat ang captain halos himatayin naman ang mga kasamahan niya. Sa dinami-rami ng mga makakasalubong at makakalaban nila, ang cursed Chamnian pa?

"Umalis na kayo. Bago pa man magbago ang isip ko." Sabi ni Steffy at naglakad na palayo.

Wala naman sa sariling naglakad papunta sa ibang direksyon ang mga Ecclescian.

Sa pagkakatanda nila, naka-sealed na ang kapangyarihan ng panganay na prinsesa ng mga Zaihan at ipinatapon ito sa mundo ng mga tao para hindi na makakapinsala ng mga Chamnian, ngunit hindi nila inaakalang makakatagpo nila ito sa ganitong paraan. Hindi lang iyon, mas lumakas pa ang kanyang kapangyarihan.

Ni hindi nila alam kung ano ang level ng kapangyarihan nito.

Si Shawn naman halos maiyak na makitang sumunod si Liwei kina Steffy at Ruhan.

"Wow! Ang galing mo. Kailan mo aalisin ang seal sa katawan ko?" Tanong ni Ruhan na excited ng makakagamit din ng kanyang kapangyarihan na walang limitasyon.

Iilan lang kasi sa enerhiya at kakayahang nagagamit at nagagawa niya, dahil sa seal na pumipigil sa pagamit niya ng kanyang kapangyarihan. Dahil dito, nakilala siya bilang basura at talunan ng buong Perzellia.

Pinili niyang makilala bilang bubo at tangang Prinsipe para hindi na pagtuonan ng pansin ng kanyang ama at ng iba pa. Lalo na sa mga kapatid niyang gustong maging susunod na hari ng Perzellia. Wala siyang balak maging hari, ang gusto lang niya ay ang mahanap ang kanyang mga kapatid sa ina na ipinatapon sa labas ng Chamni.

"Kamahalan. Mabuti at natagpuan na rin namin kayo." Mangiyak-ngiyak ng sambit ng Captain ng Perzellia. Makakabalik na rin sila sa Perzellia nito.

Natigilan ang mga Perzellian dahil nakita nila sina Steffy at Liwei. Nakataas ang noo ni Liwei at inikot pa ang mata makita ang mga Perzellian.

"Prinsipe Ruhan, bakit niyo kasama ang mga Chamnian na mula sa ibang kaharian?" Tanong ng captain ng Perzellia.

"Gusto ko lang. Bakit? May angal ka?"

"Pero mahal na prinsipe."

Tiningnan ni Ruhan si Liwei at Shawn .

"Di ko sinabing sasama ka." Sabi ni Ruhan at tiningnan ng masama si Liwei.

"Sinong maysabing sasama ako? Susunod lang ako no. Kala mo naman."

Ruhan: "..."

Steffy: Parang pamilyar ang linyang ito a.

Shawn: Bakit parang kumakapal na yata ang mukha ng cold naming prinsipe?

"Di kaya dahil nalaman niyang isang maharlikang Zaihan ang inaakala naming simpleng Haria lamang?" Tanong ni Shawn sa kanyang isip.

Nagpatuloy naman sa paglalakad si Steffy kaya sumunod agad si Ruhan.

Nakasalubong nila ang iba pang mga kawal na naghahanap din kay Ruhan.

"Kamahalan!" Tawag nila makita si Ruhan na kasama na ngayon ang kanilang captain at napahinga ng maluwag. Ngunit natigilan makitang may iba pang kasama ang kanilang prinsipe at captain.

Ang magandang Shida na palangiti at ang gwapong lalaking may napakaputing balat na halatang isang Jadeian at si Shawn na isang elite warrior ng Jadeia.

"Mahal na prinsipe, bakit kayo sumasama sa kanila?" Tanong ni Changpu. Ang vice captain ng mga kawal humahabol kay Ruhan.

"Gusto niyo akong bumalik sa Perzellia di ba? Kaya wag na kayong magreklamo." Sagot ni Ruhan.

Wala silang magawa kundi hayaan si Ruhan na isama si Steffy sa Perzellia. At gaya ng sinabi ni Liwei, nakabuntot nga sila kina Steffy.

Habang naglalakad, palingon-lingon naman sina Changpu at ang mga kasamahan niya. Iyon ay dahil kapareho ang enerhiyang ibinibigay nina Liwei at Shawn sa mga enerhiya ng mga nanghimasok sa kanilang kaharian kamakailan lang. Na siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkakataong makatakas mula sa palasyo si Ruhan.

***

(Revised and republished)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top