Chamni 62: Davlings

(PS: Inspired by Naruto. Actually nabuo talaga ang the Journey of the Bratty Chosen Ones sa panonood ko ng mga anime tulad ng hunter x hunter, naruto, tuaro kagatsu no endix (ewan kung tama ba tong spelling ko.), Gintama, at iba pa. Sa chapter namang ito, Naruto ang pinaka-pinagkukunan ko ng inspirasyon. Sa part kung saan hinahanap nila si Saski or Sasuki.)

***

Tumigil sa isang hotel ang ang bratty gang at nagtanong-tanong kung saan makakakita ng davlings sa Miraha.

"May mga davlings sa kagubatan ng Miraha. Ngunit napailap nila sa kahit sino. Mahirap makahuli ng isang davlings." Sagot ng Chamnian na napagtanungan nila.

"Tawagin nalang natin sina Rujin at Geonei. Mas mabibilis ang mga iyon kaysa sa atin." Sabi ni Asana.

"Sinubukan ko na pero di sila sumasagot." Sagot ni Sioji.

"Sina Aya at Izumi, nasaan na din ba ang dalawang yon?" Sambit ni Shaira.

"Papunta raw sila sa Jerb mountain. May nakasalubong kasi silang mga Ecclescian." Sagot ni Arken.

Sila na lamang ang pumunta sa Miraha forest.

"Ano bang hitsura ng davlings ha?" Tanong ni Hyper.

"May mahaba silang mga buntot ngunit kasing laki lang ng palad ang buo nilang katawan na parang mga ibong tinatawag na dove. May mga puting mga balahibo ang ilan, ngunit kadalasan sa mga ito may royal blue na kulay ng mga balahibo at may halong pula at dilaw ang kulay sa bawat dulo ng kanilang mga balahibo." Paliwanag ni Sioji.

Seryoso namang nakikinig ang mga kaibigan.

***

May grupo naman ng mga Chamnian ang nasa loob ng Miraha forest. Sila ang mga estudyante, missionary, mercenary, sundalo, mga kawal at mga mandirigma na nandito para manghuli ng mga Davlings.

Madali kasing matunton ang lahat ng mga nakatagong lagusan sa buong Mysteria sa tulong ng mga Davlings. Nakakatulong din kasi ang mga Davlings para mahanap ng sinumang Mysterian ang sino o anumang gusto nilang hanapin. Kaya marami ring nagbabakasakaling makakuha ng mga davlings kahit alam nila kung gaano kahirap manghuli ng ganitong uri ng magic beast.

"Kung hindi tayo makakakita ng davlings, walang pag-asang matunton natin ang lagusan palabas ng Chamni." Sabi ni Merrah. Isang maharlikang babae mula sa angkan ng mga Saynah ng Chamni Continent.

"Parang gusto ko ng sumuko." Sambit ni Lyanric na mula sa Zaihan clan.

"Kung ayaw mong mahanap ang mga pinsan mo e di sumuko ka na." Sagot naman ni Daelan. "Basta ako, di ako titigil hangga't hindi ko mahahanap ang kapatid ko."

Umupo na lamang si Lyanric sa damuhan at pinagbubunot ang mga damong nahahawakan.

"Bakit kasi ayaw ituro ni Tita Steffany kung saan banda ang lagusan?"

"Teka, nasaan na naman si Kwetsy ha?" Tanong ni Daelan mapansing naglaho na naman ang pinakamatigas ang ulo sa kanilang apat.

Tumakas lamang sila sa kanilang mga tahanan para maghanap ng mga davlings dahil balak nilang hanapin ang mga mahal nila sa buhay na ilang taon ng nahiwalay sa kanila. Magkalaban ang mga angkan nilang apat pero matalik silang magkakaibigan.

"Ewan, baka may nakita na namang gwapo." Sagot ni Lyanric.

Napailing na lamang sila maisip ang pinakapasaway nilang kababata.

Ang hinahanap naman nila nakasilip na sa isang grupo ng mga teenager na nakita niya.

"Woah, ang gaganda at gagwapo nila." Sambit niya pa na namimilog ang mga mata habang nakasunod ang tingin kina Sioji na kakapasok lamang sa Miraha forest.

Ilang sandali pa'y may humila sa kanyang tainga.

"Saan ka na naman nanggaling ha? Kasasabi lang na wag kang lumabas ng bahay bakit nandito ka na naman?" Mariing sambit ni Chinde makita ang bunsong kapatid.

"A-aray naman Aji, masakeeeet!" Sambit niya at inalis ang kamay ng kuya niya.

"Bakit ka ba namimingot ng tainga ha?" Angal ni Kwetsy ngunit napansin niyang nakatitig lamang ang kuya niya sa mga kabataang sinusundan niya kanina pa.

Ilang sandali pa'y hinila siya nito at sinundan nila ang mga estrangherong mga kabataan.

Kaya lang, bigla na lamang naglaho sa paningin nila ang limang mga kabataan na ipinaghihinayang nilang dalawa.

"Chindeeee!" Sigaw ng panganay nilang kapatid na sasabog na sa galit.

"Ano ang inutos ko sayo ha?" Tanong ni Channer na may matalim na tingin kay Chinde.

Napalunok naman ng laway ang dalawa.

"Nasaan na ang Chamnian na pinasundan ko sayo?"

Saka naalala ni Chinde na hinahabol nga pala niya ang Chamnian na nagnakaw sa mga gamit nila.

Pilit siyang ngumiti sa kuya at mabilis na tinuro si Kwetsy.

"Si Kwetsy kasi e. Nakita ko siya kaya nawala sa isip ko ang hinahabol natin." Mabilis niyang sagot.

Saka napansin ni Channer na nandito rin ang pasaway nilang kapatid na babae.

"Kwetsy, ano na naman bang ginagawa mo dito?"

"May nakita akong magaganda at mga gwapo kaya nandito ako." Nakangusong sagot ni Kwetsy habang iniiwas ang tingin sa nakatatandang kapatid.

Marinig ang salitang magaganda at mga gwapo dumilim pang lalo ang mukha ni Channer. Pinagpawisan naman agad si Chinde.

"Kaya naman pala hindi mo nahuli ang magnanakaw na iyon dahil may nakita ka palang maganda ha?" Nanggigigil niyang sambit sabay habol sa dalawang kapatid na kumaripas na ng takbo. Kilala niya ang mga nakababatang kapatid na ito. Mahihilig sa mga magaganda at gwapo.

"Bumalik kayo dito!" Tawag niya sa mga pasaway na mga kapatid.

Sina Sioji naman, may nakita ng isang munting davlings.

"Davlings!" Sambit ni Sioji at tinuro ang isang maliit na magic beast na parang ibon ngunit parang buntot ng ibong Adarna ang buntot nito.

May tinutuka ito sa damuhan at parang maamong ibon naman.

Dahil sa excitement, mabilis na tumalon sina Hyper at Sioji. Ngunit may nagbabantay din palang galing sa magkaibang direksyon na nakasabay nila sa pagtalon, na dahilan upang nagkauntugan sila.

"Aray. Bakit para tayong dumami?" Sambit ni Merrah na umiikot pa ang paningin habang nakaupo sa lupa at himas ang noo.

"Dumilim bigla ang paligid." Sambit naman ni Lyanric.

"Ang dami kong nakitang bituin." Sambit ni Hyper na naduduling pa.

"Nahuli ko na." Sambit naman ni Daelan.

"Loko, paa ko ang hawak mo." Sambit ni Sioji sabay tulak sa sino mang nasa harap.

"Bakit ka ba nanunulak ha?" Inis na singhal ni Lyanric dahil siya ang natulak sa halip na si Daelan. Doble-doble pa ang paningin ni Lyanric kaya nang gumanti at sinapak ang nagtulak sa kanya, si Hyper ang natamaan. Sa galit naman ni Hyper, tinadyakan si Lyanric kaso si Daelan ang napasubsob sa damuhan.

"Magsitigil na kayo o ako ang tatadyak sa inyo?" Banta ni Asana na ikinatigil naman ng mga boys. Luminaw na rin ang kanilang paningin at napansing napakaganda nina Asana at Shaira.

Makitang na-loves struck ang mga kaibigan pinagbabatukan sila ni Merrah.

Nang matauhan, agad na inayos nina Daelan at Lyanric ang mga buhok at pinagpagan ang mga damit nang makatayo na.

"Ako nga pala si Lyanric magandang Haria." Pakilala agad ni Lyanric kay Shaira.

"Wow. Mukhang matino." Namamanghang sambit ni Merrah kaya sinamaan siya ng tingin ni Lyanric bago nito ngitian muli si Shaira.

"Magandang Haria, Daelan nga pala." Sabay lahad ng kamay para makipag-shake hands kay Asana. Hahawakan na sana ni Asana ang kamay nito kaso dumaan sa gitna nila si Sioji.

Si Arken naman hinila na palayo si Hyper na parang baliw na nakatunganga kay Merrah. Si Merrah naman napapatulala nang mahagip ng kanyang tingin si Arken.

"Ang cool niya." Sambit niya sa sarili.

Natigilan sila nang makarinig ng sigaw.

"Tulong!" Sigaw ni Chinde na patakbong papalapit sa gawi nila at mabilis na nagtago sa likuran nina Daelan at Lyanric.

Si Kwetsy naman mabilis na nagtago sa likuran nina Asana at Shaira.

Dumating naman ang hinihingal na si Channer pero agad na pinigilan ang pagkahingal at kalmadong tiningnan ang mga kapatid.

"Lumabas kayo diyan." Mariing sambit niya na hinahabol ang hininga ngunit pinipilit na maging kalmado ang boses.

"Wag kayong umalis, maaabutan ako ni Aji. Lagot ako." Pagsusumamo ni Kwetsy. Hindi naman kumilos sina Shaira at Asana habang nasa likuran nila si Kwetsy.

"Sa tingin ko galing kayo sa magkaibang angkan?" Tanong ni Asana.

Tumikhim naman si Channer at pasekretong pinandilatan ng mga mata ang dalawang kapatid.

"Mula kami sa lahi ng mga Effiria ng Independent States at Zaihan ng Zaihan Empire." Sagot ni Channer.

Isinilip naman ni Kwetsy ang ulo at nakangiting kinawayan sina Asana at Shaira. "Kumusta magagandang Haria." Nakangiti niyang sambit.

Nagkatinginan naman sina Asana at Shaira.

"Bakit parang nakakita ako ng Steffy the second?" Sambit ni Asana na sinang-ayunan naman ni Shaira. Parehong-pareho kasi ang ngiti nina Steffy at Kwetsy. Kundi lang nagpapalit lagi ng anyo si Steffy, tiyak na may pagkakahawig talaga sila ni Kwetsy mula sa paniningkit ng mga mata kapag ngumiti, may mga pilyang ngiti din sa labi, mukhang kasing kulit din ni Steffy at tila kasing pasaway din.

"Pansin kong pareho tayo ng kailangan. Bakit di nalang tayo magpatuloy sa paghahanap ng mga davlings?" Tanong ni Sioji.

Saka nila naalala ang hinuhuli nilang davlings.

"Yung davlings, nasaan na?" Gulat na sambit ni Lyanric maalalang hindi nila nahuli ang davlings.

"Kayo kasi e." Paninisi niya kina Sioji at Hyper.

"Anong kami? Kayo kaya ang bigla-bigla na lang sumusulpot?" Sagot ni Hyper.

"Buti pa maghanap nalang tayo kaysa magsisihan." Sabi naman ni Asana.

Kaya naman hinanap nila ang davlings na hinuhuli nila kanina.

"Ayun o." Turo ni Channer sa isang puno. May isang davlings na nakadapo sa itaas ng sanga.

Mabilis na umakyat sa puno si Lyanric na takot na maunahan. Naghanap na lamang sa ibang lugar ang iba.

Makitang nakalimutan sila ng kuya agad ding sumunod sina Chinde at Kwetsy.

Naiwan namang mag-isa si Channer. Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng excited na sigaw ni Chinde.

"Nakahuli ako ng isa."

Mabilis na tumakbo si Channer sa kapatid gano'n na rin sina Merrah at Kwetsy.

"Saan? Saan?" Sabik na sabik na tanong ni Merrah.

"Nakahuli ako ng isa. Isang balahibo—aray." Nabatukan ito nina Merrah at Kwetsy nang ipakita ang nakuhang balahibo.

"Tulungan niyo ako. Baka makawala." Sabi ni Lyanric na nakahawak sa nakataob na sumbrero sa isang sanga ng puno.

Napatingala sila at nakitang mahigpit na nakahawak sa sumbrero si Lyanric. "Bilisan niyo. Baka makatakas." Seryoso at nag-aalala nitong sambit na halatang takot ngang makawalan ang nahuli niyang davlings.

Agad namang nagsi-akyatan sina Kwetsy, Merrah at Daelan. Muntik pang malaglag si Lyanric dahil sinungkit ni Kwetsy ang pwetan niya.

"Kwetsyyyy!" Sigaw niya sa kaibigan. Nilabasan lang siya ng dila ng dalagita.

Nakagapang na sila sa mga sanga na malapit sa kinaroroonan ni Lyanric.

"Pag-inalis ko na ang sumbrero siguraduhin niyong mahuli ito." Sabi ni Lyanric. Seryoso namang tumango-tango sina Merrah, Daelan at Chinde na bigla na lang sumulpot.

"Isa."

"Dalawa."

Pagbilang ni Lyanric at pagkasabi ng tatlo, itinaas niya ang sumbrero sabay namang hinuli ng mga kaibigan ang nasa loob nito.

Ilang sandali pa'y napatingin sina Merrah, Chinde at Daelan sa mga kamay.

"Nahuli na namin." Masiglang sambit ni Lyanric ngunit napatigil makita ang malagkit na bagay sa mga kamay ng mga kaibigan.

"Saan?" Napatigil si Kwetsy makita ang nahuli ng mga kaibigan. "Anong nahuli ka diyan e dumi yan ng davlings e."

"Ito ba ang nahuli sayo? Dumi ng davlings!" Panabay na sigaw nina Merrah at Daelan.

"Kayo nga e kahit dumi wala kayong nahuli." Sambit ni Lyanric kasunod noon ay tumalon na siya pababa ng puno sabay karipas ng takbo.

"Lyanriiiiiiiic! Bumalik ka ditoooooo!" Sigaw ng tatlo at hinabol si Lyanric.

"Hahaha." Halos malaglag naman si Kwetsy sa kakatawa  at mabilis na tumakbo makitang binato sa kanya ni Chinde ang sumbrerong may dumi.

"G*go ka talaga Lyanric. Bumalik ka dito at babalatan kita." Nanggigigil na sigaw ni Merrah.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top