Chamni 61: Change target

(A/N: The missing Chapter 58 ng Chamni part and chapter 60 can be read at Mischievdreamy Wattpad Page. Search niyo nalang sa fb. Ipo-post ko din ulit siya dito kapag okay na ang Wattpad account ko at kung pwede na magdagdag ng new chapter dito. Pero pag hindi na talaga pwedeng maglagay ng new chap, sa ibang book ko nalang ilalagay.)

***

Naghahanap naman ng gagalitin ang mga bratty gang. Naghihiwalay sila ng mga landas. Hindi kasi nila alam kung saan ang lagusan ng limang mga kaharian at ang tanging paraan na naisip nilang gawin para makapasok sa kaharian ng Invincible clan ay ang galitin ang sinumang nanggaling sa mga kahariang iyon.

Magkasama ngayon sina Rujin at Geonei. Sinusundan nila ang isang grupo ng mga mahaharlika ng Perzellia na lumabas ng kaharian para makahanap ng mga Deiyo beast.

"Tingnan mo, base sa mga aura ng mga Chamnian na iyan, sigurado akong mga Perzellian sila." Sabi ni Rujin sabay kalabit sa katabi.

"Ano pang ginagawa mo? Galitin na natin." Sabi naman ni Geonei.

Nakaupo ang mga Perzellian habang tinitingnang mabuti ang buong paligid. May sampung mga kawal ang nagbabantay sa limang mga mahaharlikang mga kalalakihang ito.

"Narinig kong tumakas na naman ang ikatlong prinsipe." Sabi ng isang lalake sa kasama.

"Alam mo bang kasama niyang tumakas ang mga espiya ng Jadei?" Sagot naman ng isa.

"Bakit niyo ba pinag-uusapan ang walang kwentang prinsipeng yon? Bilisan niyo na diyan. Maghahanap na tayo ng mga Deiyo beast." Sagot ng lalaking naglilinis ng kanyang espada. Tumayo na ito kaya nagsitayuan na rin ang mga kasama niya.

Siya si Prinsipe Rumin. Ang panganay na prinsipe ng Perzellia at di nakakasundo ni Ruhan.

Umalis ang mga ito at pumasok sa loob ng isang gubat.

"Tara. Sundan natin." Sabi ni Rujin.

"Magkatawang puno nalang tayo mamaya para makapagmasid ng mabuti." Sabi Geonei.

"Ayoko nga. Baka mamaya iihian lang ako." Sagot ni Rujin. Pipiliin na lamang niyang maging invisible kaysa magkatawang ibang bagay. "Magkatawang kuneho ka nalang kaya."

Dumilim naman ang mukha ni Geonei at namula sa hiya maalala ang ginawa ni Steffy sa kanya noong nagkatawang kuneho siya.

"Wag mo nga yung ipaalala. Sundan na natin sila."

Nakita nilang may natagpuan ng Deiyo beast ang mga maharlikang mga kalalakihan ng Perzellia.

Napangiti si Rujin maisip na nanakawin nila ang anumang makukuhang magic core ng mga Perzellian na ito.

Ilang oras din ang lumipas at napatay na ng grupo ni Rumin ang Deiyo beast. Kukunin na sana niya ang magic core nito ngunit bigla na lamang may dumaang hangin sa tapat niya at naglaho ang magic core na hawak niya.

"Nasaan na?" Gulat na tanong ng kasama.

Saka sila napatingin sa isang sanga ng puno at nakitang may nakaupong lalake rito at hawak na ngayon ang magic core ng Deiyo beast na napatay nila.

"Gusto niyong kunin? Hulihin niyo ako." Naka-smirked na sambit ni Rujin habang tinapon-tapon ang magic core sa ere at sasaluin muli.

"May superspeed ka naman. Bakit di ka nalang maghanap ng Deiyo beast para makakuha ng sarili mong magic core?" Kalmadong tanong ni Rumin.

"E sa tinatamad ako. Mas maganda talagang mang-agaw ng pinaghirapan ng iba. Hindi pa ako mapapagod." Sagot ni Rujin na ikinasama ng mukha ni Rumin at sa mga kasamahan niya.

Susugod sana yung isa pero pinigilan siya ni Rumin.

"Hayaan mo na. Isipin niyo na lang na limos natin iyon sa mahinang katulad niya. Maghanap na lamang tayo ng iba." Sabi ni Rumin at nagsialisan na sila.

Napasimangot naman si Rujin. "Tinalikuran lang ako?"

"May naisip akong paraan." Sabi ni Geonei na parang tarsier na nakayakap sa katawan ng puno.

"Prince Rumin. Bakit mo ba hinahayaan lang ang lalaking iyon?" Reklamo ni Benjo.

"Hindi naman yun kawalan. Maghanap nalang tayo ng iba." Sagot ni Rumin.

Ang totoo ayaw ni Rumin na mapalaban dahil pansin niyang may kakaiba sa presensya ni Rujin. Hindi rin niya nakikita ang aura nito at kung ano ang level ng kapangyarihan nito. Ni wala man lang silang nagawa nang kunin nito ang magic core na hawak niya.

"May ulan ba?" Tanong ni Lan nang may tilamsik ng tubig ang tumulo sa kanilang katawan.

Napahawak si Rumin sa nabasang pisngi at napansing kakaiba ang amoy ng tubig kaya inamoy niya ang kamay.

"Amoy ihi?" Sambit ng katabi niya. Hinanap nila kung saan nanggaling ang tubig na tumilamsik sa kanila.

Napatingala sila at nakita ang mga dahon na tinamaan ng nasabing tubig bago ito tumalsik sa kanila.

Saka nakita ang isang teenager na nakatayo sa isang sanga ng puno at inaayos ang zipper ng pantalon nito.

"Huuuy! Ikaw!" Nanggigil na sigaw ni Benjo habang tinuturo si Geonei.

"Oh! May Chamnian pala sa baba? Sorry ha?" Nakangiti niyang sambit na ikinagalit ng limang lalake.

Naninilim na rin ang mukha ni Rumin at namumula na ito sa tindi ng galit.

Hindi pa siya kailanman nakaligo ng anumang dumi dahil isa siyang prinsipe ng Perzellia at may pinakamataas na ranggo sa lahat ng mga prinsipe ng Perzellia. Ang maagawan siya ng magic core kanina ayos lang para sa kanya pero ang makaligo ng ihi ng iba ay hinding-hindi niya mapapalagpas. Kaya naman, ang pinakakalmadong prinsipe ng Perzellia ay sumabog na ngayon sa galit.

"Hulihin siya at ipakain natin sa mga halimaw." Utos niya sa mga kawal niya.

Tumakbo naman agad si Geonei na hinabol na ngayon ng mga kawal. Sumunod na rin ang limang mga kalalakihan na nanggagalaiti rin sa galit.

Kung sila nagtagumpay na para galitin ang target nila, sina Aya at Izumi naman, napakamot ngayon sa ulo.

"Ay, hindi galit?"

"Mukhang mabait." Bulong naman ni Izumi.

"Change target tayo." Sabi ni Aya at hinila na si Izumi paalis pero hinarang sila ng mga Ecclescian na ginalit nila.

"Bakit gusto niyo kaming magalit? Wala naman kayong balak na masama pero bakit pinili niyong galitin kami?" Tanong ni Erwan. Isa siya sa mga galing sa maharlikang angkan ng Ecclescia.

Habang sakay kasi siya ng puting unicorn kanina bigla na lamang nagwala ang puting unicorn niya, gano'n na rin ang mga magic beast ng apat pa niyang mga kasama.

Nilaglag sila ng mga magic beast nila at nagsitakbuhan na ito palayo. Hinanap nila kung sino ang may gawa at nakitang ang dalawang teenager na mga babae na nakataas ang mga noong nakatingin sa kanila na bumagsak sa lupa. At para bang ipinagmamalaki pa ang mga kasalanang ginawa.

Sa halip na magalit sila, sinabihan lang nila ang dalawang babae na hindi nila iyon dapat ginawa dahil masama ito. Saka, baka may mapahamak pang iba sa pagwawala ng mga magic beast nila.

Hinabol ng tatlo ang mga magic beast at tiyakin na walang masasaktang iba ngunit natuklasan nilang kumalma naman agad ang mga magic beast. Nilaglag lang sila ng mga ito at tumakbo pero tumigil naman sa di kalayuan kaya wala namang napahamak na iba dahil maamo parin naman ang mga magic beast.

Napatingala sina Aya at Izumi sa dalawang matatangkad na lalaking nakaharang sa kanilang daraanan.

"Mukhang mababait nga. Mali tayo ng target." Sambit ni Izumi.

"Oo nga. Wala akong nararamdamang negatibong emosyon sa paligid nila. Nagkamali tayo." Sagot din ni Aya. Mabilis silang yumuko at agad na humingi ng tawad.

"Patawad po kung napagtripan namin kayo." Sabi agad ni Aya.

"Patawad po sa ginawa namin kanina." Sabi din ni Izumi.

Gusto nilang maghakot ng galit pero sa mga piling Mysterian lang. Pero mas gusto talaga nila ay ang mga nararapat lang na galitin at pasamain ang loob hindi ang mga mababait at mga nilalang na may mabubuting kalooban tulad nina Erwan at Jinju.

"Hindi ko rin kayo nakikitaan ng masamang hangarin pero bakit gusto niyo kaming galitin?" Tanong naman ni Jinju. Nasanay na sila na iiwas ang sinumang mga Chamnian na makakakita ng mga nanggaling sa Invincible clan, pero ang mga kabataang ito, binalak pa silang galitin.

"Hindi mo ba kami nakilala? O di niyo napapansin ang mga aura namin?" Tanong ni Erwan.

May mga faint na kulay dilaw na aura sila palatandaan na isa sila sa mga mamamayan ng Ecclescia. Makakaramdam din ng matinding init ang sinumang mapapalapit sa kanila. Lalo na kung may malakas na kapangyarihang apoy ang isang Ecclescian tulad nila. Pero tila ba hindi naaapektuhan ang mga kabataang ito kahit na sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Ngayon lang po namin kayo nakita bakit namin kayo makikilala?" Tanong ni Aya.

"Ang gusto kong sabihin ay kung paanong hindi kayo natatakot sa amin gayong isa kaming Ecclescian? Di ba kayo nag-aalala na baka magiging abo kayong bigla?" Sagot ni Erwan.

"Hindi naman kayo maaaring pumatay kaya titiyakin niyong hindi kami magiging abo." Confident na sagot ni Aya.

Natahimik tuloy sina Erwan at Jinju saka nagkatinginan. Hindi nga sila maaaring pumatay ngunit hindi ibig sabihin noon na hindi na sila marunong pumatay at hindi na nakakapatay.

Nakabalik na rin ang tatlo nilang mga kasama.

"Ayos lang ang mga magic beast." Pagbabalita ng isa sa tatlong lalaking humabol sa mga magic beast.

"Mabuti naman. Kailangan na nating pumunta sa Jerb Mountain. Kinakailangang mahanap natin ang lunas." Sabi ni Erwan.

Tumingin siya kina Aya at Izumi. "Maiiwan na namin kayo. Kailangan na kasi naming umalis." Sabi ni Erwan at umalis na sila.

Nagkatinginan naman sina Izumi at Aya.

"Lunas daw. Kaya siguro sila nandito para mahanap ang lunas na sinasabi nila." Sambit ni Aya at napahawak pa sa chin. "Ano kaya kung sundan natin sila?" Nang tingnan niyang muli si Izumi wala na pala sa tabi niya.

Hinanap niya ito at natuklasang nakasunod na pala kina Erwan. Nakasakay na ito sa magic beast niyang may katawang usa.

"Aba naman. Iniwan ako?" Di makapaniwalang sambit ni Aya bago habulin ang kaibigan.

Sina Arken, Asana, Shaira, Sioji, at Hyper naman, may naisip na ibang paraan.

"Narinig kong may magic beast daw na kayang ituro sa atin ang lahat ng mga lagusan sa buong Mysteria." Sabi ni Sioji.

"Talaga? Ano naman yon? Saan natin posibleng matagpuan?" Tanong naman ni Shaira.

"Sa Miraha. Isa sa mga Independent States ng Chamni." Sagot ni Sioji.

"Kilala ang magic beast na ito bilang davlings. May puting mga balahibo at may katawang ibon na kasing laki lang ng isang palad. Kapag napapaamo na sila, sasabihin mo lang ang lugar na gusto mong puntahan at ituturo na nila ang direksyon papunta sa nasabing lugar." Paliwanag niya pa.

"May ganyan naman pala. Bakit di mo sinabi agad?" Sagot ni Asana.

"Hindi pa ako nakakakita ng tunay na davlings. Saka mahirap daw hulihin ang mga davlings." Sagot naman ni Sioji.

Naglakbay na sila papunta sa Miraha para makahanap ng davlings. Hindi na hinanap ang mga kaibigan na mahilig maghanap ng gulo.

"Sigurado ka bang ito ang daan papunta sa Miraha?" Tanong ni Arken. Nakasakay sila ngayon sa isang maliit na barkong panghimpapawid. Isa sa transportasyon na ginagamit ng mga Chamnian.

"Minsan na akong nakapunta sa Miraha at ganito din ang sinakyan namin kaya wag ka ng mag-alala diyan." Sagot ni Sioji.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na rin sila sa main gate ng Miraha.

"Bago kayo makapasok kailangan niyong ipakita ang inyong identity token." Sabi ng isang kawal.

Inilabas nila ang token na palatandaan na isa silang huwaran.

"Huwaran?" Gulat na sambit ang tatlong bodyguards at mabilis silang pinagbuksan. "Maaari na po kayong pumasok." Magalang na sabi ng isang kawal kabaliktaran sa ugaling ipinakita nito kanina.

Mabilis namang nagsipasukan sina Asana.

***
Sa gawi naman ni Steffy.

"Alisin mo to." Sabay lapit ni Liwei sa wrist niya kay Steffy. Ngunit nilabasan lang siya ng dila.

"Inuutos ko, alisin mo ito ngayon din." Seryoso na nitong sambit. Hindi pwedeng may pampigil sa kapangyarihan niya. Paano kung may darating na mga assassin? Hindi niya mapoprotektahan ang kanyang sarili.

"Dahil ba inutos mo susundin ko na? Tandaan mo, bihag kita." Sagot ni Steffy.

"Kailan pa?"

"Ngayon lang." Sagot ni Steffy. Tumayo siya at tiningnan ang mga Chamnian na nandirito.

"Sa oras ng pagdating niyo." Sagot ni Steffy.

Nagkatinginan ang mga Jadeian, Vergellian at Ecclescian. Iniisip na kung maaari ba silang tumakas para makalayo sa time bomb na ito. Para sa kanila parang time bomb si Steffy na anumang oras ay sasabog. At kapag sasabog, kundi sila mawawalan ng kapangyarihan baka liparin din sila palayo tulad sa nangyari sa sinipa nitong Jadeian.

Makitang pinagpapawisan sila bigla na lamang napangiti si Steffy sa naalala.

"Bakit pa nga ba ako magpapakunwaring bihag? Bakit di ko nalang sila takutin para maituro sa akin ang lagusan patungo sa tatlong kaharian?" Sambit niya sa isip.

Inakbayan niya si Ruhan na ikinagulat ng binata.

"Punta tayo sa kaharian niyo."

"Hindi pwede. Kakalabas ko lang doon ibabalik mo agad ako? Ayoko." Sagot niya.

Hindi naman sumagot si Steffy dahil nakikita niya ang buhay ni Ruhan sa loob ng palasyo ng Perzellia.

Isa nga siyang prinsipe ngunit prinsipeng tinaguriang walang silbi at pinakamahina. Hindi ginagalang ng kahit sino maging ng mga tagapagsilbi ng palasyo. Pinakabobo at tatanga-tanga rin. Isa sa napansin ni Steffy ay ang seal na tila kadenang nakapaikot sa puso nito.

"Hindi siya mahina. May nagpipigil lang talaga sa kapangyarihan niya. At di rin siya tunay na tanga. Kailangan lang niyang magtatanga-tangahan para di na mapagdiskitahan at di mapagtuonan ng pansin ng mga kapatid niya at ng sinumang itinuturing siyang karibal o kaagaw. Woah! Parang war in the palace ang buhay niya. Gusto ko tuloy pumunta sa kanila." Sambit ni Steffy sa isip at tiningnang maigi si Ruhan.

"Kapag dadalhin mo ako sa kaharian niyo, tutulungan kitang maalis iyang nagpipigil sa kapangyarihang nakatago sa katawan mo." Sabi ni Steffy na ikinagulat ni Ruhan.

Walang ibang nilalang ang nakakaalam sa kalagayan niya maliban sa kanyang ina at sa Chamnian na nag-sealed sa kanyang kapangyarihan. Hindi rin ito napapansin ng kahit sinong healer o ng mga makapangyarihang Perzellian pero ang kinatatakutan nilang shidang ito, nalaman agad ang kalagayan niya.

"May nakikita rin ako sa memorya mo na may hinahanap kang kapatid. Matutulungan kita sa bagay na iyan pero kailangan ko munang malaman kung ligtas ba siya kapag nakilala mo na. At kung pwede na ba siyang bumalik sa kahariang pinagmulan niya." May pagkakahawig kay Rujin ang batang nakikita niya sa alaala ni Ruhan. Saka medyo magkahawig sina Rujin at Ruhan. Kaya naisip ni Steffy na baka may koneksyon sina Rujin at ang lalaking ito.

Ngunit parang hindi maganda ang kalagayan ni Ruhan sa Perzellia kaya hindi hahayaan ni Steffy na magiging magulo ang buhay ni Rujin kapag nakilala na ito ng tunay niyang pamilya.

Natuklasan din ni Steffy na tumakas si Ruhan sa palasyo, iyon ay para mahanap ang kanyang kapatid na matagal ng nawalay sa kanya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top