Chamni 55: Ayaw ng magkaroon ng alalay

Ngayong kaharap ng muli ni Imortal Saimar ang mga kabataan, parang ayaw na niya itong ipadala sa monsterdom. Nag-aalala siya para sa mga halimaw sa loob ng monsterdom at hindi sa mga kabataang ito.

"Punta na po ba kami para sa ikatlong parusa?" Tanong ni Hyper na gusto na ring makitang muli ang mga kaibigan niyang mga halimaw sa monsterdom.

Makitang parang gustong-gusto din ng mga batang ito ang makapunta sa monsterdom mas lalong ayaw na ni Saimar ang ipadala sila sa nasabing lugar.

"Magpahinga na kayo. Tapos na ang parusa." Sambit niya at napahawak pa sa ulo. Naghahanap ng mas maganda sanang iparusa sa mga batang ito.

At kitang-kita nga niya sa mga mata ng Bratty gang ang pagkadismaya sa narinig.

"Ang daya niyo naman po. Excited na sana ako e. Gusto ko din makita ang monsterdom." Reklamo ni Aya at napanguso pa habang sinasamaan ng tingin si Saimar.

"Bayaan mo na yan Aya, paasa lang talaga ang imortal na iyan." Sagot naman ni Shaira.

"Aba naman. Kayo na nga itong pinatawad kayo pa itong nagrereklamo?" Di mapigilang sagot ni Saimar.

"Di naman po kami nanghihingi ng tawad e?" Sagot naman ni Steffy.

"Oo nga po. Di naman po sana namin hiniling na patawarin niyo kami. Bakit niyo po kasi kami pinatawad agad? Di po ba pwedeng magalit nalang kayo palage?" Tanong naman ni Hyper.

"Bakit ba mas gustuhin niyong magalit siya palage sa inyo?" Tanong naman ni Elder Cid.

"Para may dahilan kaming inisin siya." Sagot naman ni Steffy.

"E bakit gusto niyo siyang inisin?" Tanong naman ni Headmaster Nehan.

"E kasi naiinis kami sa kanya." Sagot ni Geonei.

"Pinarusahan niya kami ngunit di man lang inisip ang mga bagay na nagawa namin para sa iba. Mali ang pumatay, alam namin yun. Pero may mga panahon na kailangan naming pumatay para mailigtas ang maraming buhay." Paliwanag ni Arken.

"Ang mga pinatay namin ay mga Dethrin. Mga nilalang sila na may marami ng buhay ang inutang. Isa sa amin ang may kakayahang alamin kung ano ang mangyayari sakali mang mananatiling buhay ang isang nilalang kaya naman alam namin kung kailangan nilang mamatay o hindi." Dagdag niya pa.

May kakayahan si Steffy na tingnan ang past at future ng mga kalaban nila. Kung kaya ni Steffy na iparamdam sa iba ang anumang narararamdaman kaya niya ring ipakita sa mga kaibigan niya ang anumang mga nakikita niya. Kaya alam nila kung magiging panganib ang isang nilalang o hindi o dapat ba siyang hatulan ng kamatayan o hindi.

"May mga pagkakataon na kailangan naming pumatay para mailigtas ang isang buhay o isang kaharian sa pagkasira. Dahil may mga nilalang na siyang magiging dahilan upang magiging masama ang isa sanang mabuting nilalang. Pinipigilan lang namin ang posibleng mangyayari kaya bakit kami mapaparusahan dahil lamang sa pagpatay namin sa isang nilalang na siyang dahilan para magiging miserable ang buhay ng iba at magpapalaganap ng kasamaan sa Mysteria?" Dagdag pa nito.

"Oo nga po. Hindi ba't pumayag kayong mamatay si Tita Kara kahit alam niyong pinili siya? Iyon ay dahil nakikita niyong magiging destruction siya ng Mysteria di ba? Kaya bakit kami mapaparusahan kung ginagawa lamang namin ang anumang nararapat?" Sagot din ni Steffy.

Isa sa dahilan kung bakit ayaw niya kay Saimar at mas gusto niyang galitin ito dahil isa si Saimar sa mga imortal na pumigil sa mga Elder ng Chamni na tulungan at iligtas si Kara. Iyon ay dahil nakikita niyang magiging susi si Kara para sa pagkawasak ng Mysteria.

"Nakaya niyo ngang hatulan ang isang katulad ko kaya bakit di niyo kayang hatulan ang mga Dethrin sa lugar na ito? Kami lang ba ang paparusahan niyo dahil sa tingin ni'yo ay mas madali kaming hulihin at parusahan?" Sagot ni Steffy. Ang hatol na tinutukoy niya ay ang nangyari noong bata pa siya. Ang namuno sa paghahatol sa kanya ay si Saimar mismo.

"Oo nga naman. Nagawa niyo kaming parusahan bakit di niyo kaya sa mga tunay na makasalanan? May oras kayo para sa paghatol sa amin bakit wala kayong oras para maipalaganap ang sinasabi niyong batas sa buong Chamni nang sa gano'n wala ng mga kabataang mapapariwara katulad namin." Sagot din ni Sioji.

"Marami paring mga Chamnian at mga inosenteng mga nilalang na nangangailangan ng tulong, at maraming mga pangyayaring mas nararapat pagtuonan ng pansin pero bakit nagpakabulag kayong lahat? Ngunit nakikita niyo ang mga mali namin pero di niyo nakikita ang mga dapat makita ng inyong mga mata." Sagot naman ni Asana. Syempre kapag nagseryoso ang isa magseseryoso silang lahat.

"Ang CMA ang pinamamahalaan ko at sa CMA kayo nag-aaral kaya dumaan kayo sa parusa ng paaralan kapag nakakagawa kayo ng isang pagkakamali." Paliwanag ni Saimar.

"Bakit mas gusto naming suwayin ang batas ng mundong ito? Iyon ay dahil..." Pabitin na sambit ni Steffy.

"Ano?" Tanong ni Saimar.

"Para magalit kayo. Gusto kong magalit kayo." Taas noong sagot ni Steffy.

"Alam niyo bang pwede ko kayong patayin sa mga sinasabi niyo sa akin? Tandaan niyo isa akong imortal." Nakataas na ang kilay ni Saimar.

"Hindi ka maaaring pumatay kaya paano mo kami mapapatay? Saka wag niyong ipinapakitang natatakot kayo sa mga Mystikan dahil kapag kami napuno na sa'yo, sa kanila talaga kami kakampi at hahayaan silang pagharian ang mundong ito." Sabi ni Steffy.

"Binabantaan mo ba ako?" Cold na sagot ni Saimar. Halatang ayaw na ayaw na binabantaan.

"Sinasabi ko lang ang totoo." Sagot naman ni Steffy.

"At paano mo naman gagawin 'yon?" Nakataas kilay na tanong ni Jiro na sumingit na sa usapan.

"Mamanugangin ko ang hari nila." Pangako ni Steffy.

"Asa ka. As if magugustuhan ka ng anak nito. Hindi ka papatulan ng prinsipe nila. Sa ugali mong yan, wag nalang." Sabay ikot ng mata ni Jiro at tiningnan pa ang katawan ni Steffy na sinasabing hindi siya papasa.

Napasimangot naman si Steffy. "Kapag di ako papasa e di ang alalay nalang ng anak niya. Problema ba 'yon?"

Sa isang rooftop naman may mga nilalang na hindi makikita ng ibang mga Mysterian. Tiningnan ng isang lalaki ang katabi at sinamaan ng tingin.

"Sa susunod wag ka ng sumama pa sa akin. Magmula ngayon ayaw ko ng magkaroon ng alalay." Sabi ni Kurt aa katabing si Shinju.

"Kamahalan, bodyguard niyo po ako." Angal ni Shinju.

"Kahit na. Napagkakamalan ka paring alalay kapag magkatabi tayo. Do'n ka na nga kina Rinju." Taboy niya sa katabing lalake.

Agad namang pumunta si Shinju sa kinaroroonan nina Shinnon at Rinju na naka-desguise ngayon na mga ligaw na halaman.

"Magsialis na nga kayo. Sasakit pa ang ulo ko sa inyo e." Taboy ni Saimar sa Bratty gang.

Mabilis naman silang nagsialisan kasama ang iilan pang mga Chamnian at mga Elder. Sina Jiro at Saimar na lamang ang naiwan sa silid.

Pabagsak na umupo sa upuan niya si Saimar na parang naubusan ng lakas. Ang totoo naapektuhan siya sa mga sinabi ng mga batang iyon.

"Kaya ba siya ang napili mo dahil sa may kakayahan siyang tingnan ang nakaraan at kasalukuyan ng iba?" Tanong ni Saimar kay Jiro.

"Hindi ako ang pumili sa kanya kundi ang kapangyarihan mismo. Siya ang pinili ng kapangyarihan ni Haira."

"Malapit na tayong maglaho, at mahihirapan na tayong makabalik sa lugar na ito. Sa tingin ko naman, kaya na nilang magpasya para sa mundong ito." Ilang sandali pa'y sambit ni Saimar.

Nandito siya para makita ang mga pinuno ng mga pinili at para masubukan kung karapat-dapat ba ang mga ito sa mga tungkulin nila. Hindi niya inaasahan na ang mga piniling ito, ginagaya ang paraan ng mga Mysterian para makaligtas ng ibang buhay. Kaya nilang pumatay na ikinadismaya ni Saimar.

Para sa kanilang mga Chamnian, hindi nila kailangang pumatay ngunit maaari silang magparusa sa ibang paraan. Ang golden rule nila ay ang hindi pinapatay ang mga masasama kundi pinapabago. Hindi tinatapos ang mga buhay nila kundi hahanapan sila ng paraan para mapagbabayaran ang kanilang mga kasalanan bago pa man sila mamatay in a natural way.

Walang likas na mabuti sa mundo ng Mysteria ngunit wala ring likas na masama. Ang lahat ng isisilang sa mundong ito ay posibleng maging mabuti at masama depende sa landas na tinatahak nila habang nagkakamalay sila sa mundong ito.

Nagagalit sila kapag pinapatay ang mga masasama iyon ay dahil hindi pa nito nababayaran ang mga kasalanang nagawa nila. Death is not a punishment for Saimar, it's a blessing actually. Dahil natatakasan ng mga makasalanang ito ang kasalanang dapat nilang pagbayaran. Higit sa lahat, may pag-asa pang magbago ang mga masasama kapag buhay pa sila kaya ipinagbabawal ang pagpatay kahit sa mga Mysterian na may napakalaking mga kasalanan.

Kung deserve ng mga makasalanan ang pagbayaran ang mga kasalanan nila, deserve din ng mga ito ang second chance. Pero ang ginawa ng Bratty gang, lahat ng assassin na nakakasalubong nila na pinamamahalaan ni Rushka, pinapatay nila.

Hindi lang naman talaga ito ang mga kasalanan nila. Ninakaw nila ang mga espiritu na ikinulong ng mga Chamnian sa spirit pagoda.

"Sa palagay mo ba handa na talaga sila sa kanilang tungkulin?" Tanong ni Jiro.

"Ayaw kong magkamali ng pagpapasya sa ikalawang pagkakataon. Ngunit kung di na talaga makakaya pang iligtas ang mundong ito, mas pipiliin ko pang mawasak na lamang ito kaysa sa dumami pang mga inosente at mabubuting nilalang ang mahahatak sa kasamaan. Sa palagay ko, handa man sila o hindi kailangan nilang gampanan ang kanilang tungkulin sa mundong ito at harapin ang mga pagsubok na magpapatuloy na nandiyan sa bawat landas na kanilang tatahakin." Sambit ni Saimar.

Hindi ang mga Mystikan ang tunay na kalaban ng mga pinili at hindi ang mga Dethrin kundi ang mga nilalang na siyang dahilan kung bakit nabuo ang mga Dethrin Organization at kung bakit nagiging masama ang mga Dethrin.

"Hindi nga lahat ng pagawa ng kabutihan ay nakakabuti. May iba din na ginagawa ang kabutihan para makasakit ng kapwa. May iba naman na nagagamit ang kabutihan sa maling paraan. May iba naman na sa maling nilalang nakagawa ng kabutihan." Sambit ni Jiro. Naalala niya ang labis na kabutihan ng mga Chamnian sa mga Mysterian. Lalo na si Reyna Kara.

Ang labis na kabutihan nito ang naging dahilan kung bakit umusbong ang kasakiman sa kaibuturan ng puso ng mga Mysterian.

***

Sinalubong naman sina Steffy nina Brix, Travis at iba pa.

"Steffy, ang cool niyo talaga. Hanga talaga ako sa inyo." Masiglang salubong ni Brindon.

"Ang galing niyo. Wala pang Chamnian ang nakakagawa sa ginawa niyo." Natutuwa namang sambit ni Sheena.

Nahihiya namang lumapit si Aneysia kaya pinagmamasdan lamang ang grupo nina Steffy na kausap ang mga kaibigan niya.

"Ang totoo, may pasalubong kami sa inyo." Sabi naman ni Izumi na may mga ngiti sa labi.

"Talaga? Wag mo nga kaming paasahin, ang bilis ko pa namang umasa." Sabi ni Travis.

Inabutan naman siya ni Aya ng isang espadang gawa sa yelo.

"Wag kang mag-alala. Hindi yan basta-bastang nababasag. May enerhiya iyan na nanggagaling sa Frozen dimension. Magiging yelo ang sinumang matatamaan ng espadang iyan." Paliwanag ni Aya at iniwan na ang nakatulalang lalaki bago pumunta sa iba para iabot ang gift na inihanda niya sa iba.

"Palasong yelo?" Tanong ni Brix makitang inabutan siya ni Steffy ng isang piraso ng palaso.

"May sariling pag-iisip ang palasong ito at tatama lang sa kung sino ang gusto mong matamaan kahit nasa gitna pa siya ng libo-libong mga sundalo." Paliwanag ni Steffy.

Nakatitig lang si Brix kay Steffy. Ilang sandali ring nakatulala bago inabot ang palaso at tiningnang mabuti. Bahagyang humaba ang isang sulok ng labi ngunit sandali lang iyon bago sinabi ang salitang "salamat."

Sa isang lugar naman napahinga ng maluwag si Shinju.

"Mabuti na nga palang mas maaga akong lumayo sa tabi ng kamahalan. Salamat nalang talaga." Sambit niya pa at sinulyapan ang kamahalan niyang sobrang sama na ng tingin sa isang direksyon.

"Nagtitigan pa talaga? Binigyan pa ng regalo? Hindi pa niya ako nabigyan ng regalo kahit minsan pero ang iba binigyan na niya?" Madilim ang mukhang sambit ni Kurt na halos butasan na ang likuran ni Brix habang nakatitig siya sa lalaki.

Inilabas niya ang garapang binigay sa kanya noon ni Steffy. Ito ang kauna-unahang bagay na ibinigay sa kanya ni Steffy noong nasa forbidden forest sila.

"Nagngitian pa talaga? Shinju, sabihin mo, sinong mas gwapo sa aming dalawa ng isang yan?" Tanong niya ngunit walang sumagot. "Shinju?" Napalingon siya at nakitang wala siyang katabi saka naalalang pinalayas niya nga pala ang kasama.

Mapansing may malakas na mental energy ang papalapit sa gawi niya, mabilis siyang umalis bago pa man matuklasan ng iba na nandito siya.

May mga Chamnian na may malalakas na mental energy, at ang enerhiyang ito ay kakayahang maramdaman kung may mga nilalang sa paligid na di nakikita ng mga mata.

"Nakapagtataka. May nararamdaman akong nilalang sa gawing ito kanina." Sambit ni Eshra na nakatayo na ngayon sa lugar na inuupuan ni Kurt kanina. Umiling lamang siya at umalis na ulit.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top