Chamni 53: Naisahan ba talaga ako?

"Sigurado ba kayong papasok kayo?" Tanong ni Aneysia na nag-aalala sa bratty gang.

"May nakalimutan nga pala ako. Anong gusto mong pasalubong?" Tanong ni Steffy kay Aneysia na ikinanganga ng babae.

"Ah? Pasalubong?" Naguguluhang tanong ni Aneysia. Pupunta sila sa mapanganib na lugar bakit tinatanong niya ang tungkol sa pasalubong? Hindi naman pasyal ang pupuntahan nila a. Kundi panganib.

"Dalhan mo ako ng cute na monster." Sabi ni Travis.

"Ito o, cute na monster." Sabay pisil ni Steffy sa pisngi ni Aya.

"Steffy. Ikaw ang halimaw hindi ako." Inalis ang kamay ni Steffy sa pisngi niya.

Napatingin si Brix sa grupong ito. Si Yushin naman nakatitig lang kay Steffy. Kilala si Steffy ni imortal Saimar at parang matagal na silang nagkakilala. Kaya naisip niyang si Steffy nga ba ang batang palaging hinahabol ng mga guro dati?

Biglang tumigil ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang tingin nila ni Steffy.

"Hinga ka naman pag may time." Sabi ni Steffy sa kanya.

Saka napansin ni Yushin na napapigil pala siya ng hininga.

"Oo na. Ako nga yun." Nababasa kasi ni Steffy ang nasa isip ni Yushin. "Baka malito ka pa. Ako nga yung batang ginawang uod ang sinturon mo. Saka nire-reverse yung mga kapangyarihan na ilalabas mo. At dahil may kasalanan ako sayo dati, babawi na ako." Isang sinturon ang lumabas sa kanyang palad at inabot kay Yushin.

"Para saan to?" Tanong ni Yushin.

"Isang spatial items. Pwede mong lagyan ng mga mahahalagang bagay at pwede ka ring maglagay ng mga magic beast. Wag lang mga Mysterian kasi iba ang presensya nila sa mga magic beast." Paliwanag ni Steffy at muli ng bumalik sa mga kaibigan.

Napatingin naman si Yushin sa kulay itim na sinturon. Pabago-bago ang kulay nito at umaayon ito sa kung ano ang gusto niyang maging kulay.

"Bakit parang gusto ko ding magawan ni Steffy ng kasalanan? Kapag nagpaapi kaya ako, may ibibigay din kaya siya sa akin?" Tanong ni Brindon.

"Sana pala nagpaapi din ako." Nanghihinayang ding sambit ni Travis.

Dumilim naman ang mukha ni Yushin sa narinig. Maalala ang sinapit niya noon kay Steffy napapangiwi talaga siya ngunit napapangiti rin kung minsan.

Dahil sa isang prinsesa at may nakakakilabot na kapangyarihan, walang nilalapitan si Steffy. May mga bata mang gustong lumapit para makipagkaibigan o makipaglaro sa kanya, nilalayuan ito ni Steffy o ba kaya pinapalayo sila ng mga kawal na nagbabantay kay Steffy. Dahil doon, palaging gumagawa ng paraan ang papansin na batang Yushin. Binabato ba si Steffy o ba kaya hinaharang kapag walang mga bantay.

Ngunit sa huli si Yushin ang palaging umuuwing umiiyak at takot na takot. Pero kahit ganoon, patuloy pa rin niyang inaasar si Steffy kung iyon lang ang paraan para makuha ang atensyon nito. Maalala kung gaano siya kakulit at kapapansin napapangiti na lamang siya at napapailing. Mas lumawak ang kanyang ngiti dahil hindi pala siya nakakalimutan ni Steffy.

"Binigyan ka lang ng sinturon makangiti ka diyan parang wala ng bukas." Sambit ni Travis sabay ikot ng mata.

"Inggit ka kasi." Sagot ni Yushin sabay tago sa hawak na sinturon.

Inihanda na ni Saimar ang portal para puntahan nina Steffy. Ang portal patungo sa Frozen land.

Gustong makiusap nina Elder Cid at mg iba pa na baguhin ang parusa ngunit makita ang excitement sa mga mata nina Steffy, pinigilan na nila ang sarili.

Ilang sandali pa'y naglaho na rin sina Steffy.

Makalipas ang ilang minuto, dumating naman si Kreid. Ang imortal ng mga Mystikan at siyang pinuno sa lahat ng mga Mystikan.

Nakalutang siya ngayon sa hangin at papalapit sa kung saan naroroon sina Saimar at Jiro.

"Inaakala kong hindi niyo na ipapairal ang batas niyo. Mabuti naman at kayo na mismo ang nagparusa dahil kung hindi, hihilingin ko sana ang paliwanag niyo sa ginawa nila sa Immortal college." Bungad niya bago lumapag sa lupa ang mga paa.

"Nakakapaghinayang lang dahil kakaunti lang ang nagsu-survive sa loob ng Frozen Land." Dagdag niya pa. Ngunit iniisip na napakabubo ng mga Chamnian dahil sinayang nila ang mga kabataang may kakaibang mga kakayahan. Mga kabataang posibleng kakatakutan nilang mga Mystikan kapag nagpatuloy ang paglakas ng kanilang mga kapangyarihan at kakayahan.

Walang umalis sa bulwagan kung nasaan sila. Lahat, hinihintay ang tatlong oras para makita kung makakalabas bang ligtas ang mga kabataang nasa loob ng Frozen land.

After thirty minutes, nagsimula ng kabahan ang ilan.

Pagkalipas ng isang oras naisip nilang posibleng nagiging yelo na sina Steffy. Pagdating ng tatlong oras walang bratty gang ang lumabas mula sa portal. Pagdating ng apat na oras, nagsara ang portal. Kahit si Jiro, di na naiwasang mapatingin sa portal.

Napatayo mula sa kinauupuan niya si Saimar. Sinubukan niyang gamitin ang summoning ability niya ngunit isang fruit shake ang lumabas na ang ginamit na ingredients ay yelo, mystic fruit at mga maliliit na mga prutas.

Napatingin si Saimar sa fruit shake na umuusok pa sa lamig.

"Ang mga batang yun ang tinawag ko bakit fruit shake ang lumabas?" Tanong niya na nagtagpo ang kilay maisip na pinagtitripan na naman siya.

Mukhang masarap ang fruitshake at may gatas pa. Ngunit may lason parin ang yelo. "Wag mong sabihing gumawa sila ng fruit shake sa loob?" Sambit niya at ikinumpas ang kamay para makita kung ano na ang ginagawa ng bratty gang.

Si Shaira gumagawa ng snow man. Si Arken gumagawa ng snow cart. Gumagawa naman sina Rujin at Geonei ng snow castle. Si Sioji, gumagawa ng snow army at si Steffy ang tagabigay buhay sa mga snow army.

Sina Aya at Hyper ang gumagawa ng fruit shake. At si Izumi ang nagpapatubo ng mga halaman sa puro yelong kapaligiran.

Naikuso nina Saimar ang mga mata. Hindi lang naman siya kundi ang lahat ng mga nakakita sa ginagawa nina Steffy sa frozen land.

"Jiro, sabihin mo nga? Sino ako? Nasaan ako? At totoo ba iyang nakikita ko o nananaginip lang ako?" Hindi makapaniwalang sambit niya.

Kahit sina Lala at Eshra ay halos malaglag na ang mga panga sa labis na gulat.

"Ah, nakalimutan ko nga palang sabihin, hindi nga pala naaapektuhan ang mga pasaway na yun ng kahit anong uri ng lason."

Parang may kung anong sumabog sa pandinig ni Saimar.

"Jiro." Sabay turo sa lalaki. "Kaya naman pala ayos lang sa'yo na parusahan sila. Bakit di mo sinabi na hindi pala sila naapektuhan ng lason?" Matalim ang tingin na ibinigay niya kay Jiro.

Kaya naman pala atat na atat ang mga batang yun dahil wala palang epekto sa kanila ang kahit gaano mang kalakas at kapanganib na lason sa frozen land.

Lumipas ang gabi st nakita nilang patuloy parin sa pagiging abala ang mga kabataan na nasa frozen land. Hanggang sa naisipan na rin ni Saimar na magpahinga.

Kinabukasan tinanong niya sina Eshra kung ano na ang ginagawa nina Steffy.

"Naglalaro po sila ng ice hockey. May ginawa po silang malawak na court sa tapat ng kastilyong yelo."

Tila naubusan ng lakas si Saimar at muling bumagsak ang katawan sa kama niya.

Next day...

"Nagmamakaawa na ba sila?" Tanong niya sa isang kawal.

"Nagpapadulas po sila mula sa tuktok ng mga bundok na yelo papunta sa ibang bahagi ng frozen land."

Dumoble ang panghihina ni Saimar at muling ibinagsak ang katawan sa kama niya. Ayaw na niyang bumangon.

Another day...

"Ano na?" Nanamlay niyang tanong.

"Nakagawa na po sila ng underground palace."

"Paano?" Sambit niya at ibinagsak ulit ang katawan.

Three days passed wala siyang kinausap na kahit sino.

Next day again nakangiti na siya. "Siguro naman, nagsisi na ang mga batang yun sa mga pagkakamali nila at magiging matino na sila magmula ngayon." Nakangiti niyang sambit.

Tinawag si Headmaster Nehan at tinanong kung ano na ang nagaganap sa loob ng Frozen Land. Para sa kanya, kahit hindi naaapektuhan sa lason sina Steffy, pero naaapektuhan din naman sila sa lamig ng paligid at imposibleng hindi sila mapapagod kung palage nilang ginagamit ang kanilang Chamnian Tzi.

"May ten thousand ice soldiers na silang nailikha." Excited na pagbabalita ni Headmaster Nehan na may halong pagmamalaki ang tono ng boses.

"No, no, no. Nasa panaginip pa ako. Hindi pa ako nagigising." Muli siyang humiga at pumikit.

Nang idilat ulit ang mga mata, nakitang muli ang Headmaster.

"Ano na?"

Kumurap-kurap muna ang Headmaster bago alanganing nagsalita.

"May mini kingdom na po sila sa frozen land."

"Sabi ko na nga hindi totoo ang narinig ko kanina. Nananagip lang talaga ako." Natatawa niyang sambit. "Sino ba kasing makakagawa ng ANOYUN?" Gulat niyang sambit ma-realize ang sinabi ni Headmaster Nehan.

"Gumawa sila ng Frozen Kingdom sa Frozen land."

"Nasan ba ako? Nasa panaginip ba ako o nasa Mystika na? Sino ba ako? Ano ba ako? Bakit nakakarinig ako ng mga bagay na imposibleng-imposible?" Sambit niya at napahawak sa ulo.

"Mas mabuti na po sigurong bumangon na po kayo diyan para makaligo na. Hindi ikaw ang mamamatay kundi kaming makakaamoy sa'yo." Sagot ni HM Nehan at mabilis na kumaripas ng takbo makitang ang sama ng tingin ni Saimar sa kanya.

Nang muli siyang pumunta sa bulwagan kung saan makikita ang eksena sa loob ng Frozen land natuklasan niyang totoo nga ang mga narinig at ibinalita sa kanya araw-araw.

Kung ang portal ng monsterdom ay malilikha lamang ng mga piniling mga Mysterian, ang Frozen land naman ay maituturing na mini dimensional space ni Saimar. Ginawa niyang punishment space ang Frozen Land para matakot ang mga Chamnian na lumabag sa batas ng Chamni. Pero ang dimension space niya ay pinaghaharian na ngayon ng mga kabataang dapat sana ay paparusahan.

"Naisahan ba ako o talagang naisahan lang ako?" Di makapaniwala niyang sambit?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top