Chamni 52: Advance Punishment
Nagulat na lamang ang Elder dahil pinaalis siya sa posisyon niya bilang Elder ng mission guild.
"Dahil sayo nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga huwaran at imortal Saimar."
"Bilang isang Elder hindi mo dapat hinusgahan agad ang mga kabataan dahil sa mukha silang mahina at dahil sa mura nilang edad. Kaya para hindi na maulit ang nangyari matatanggal ka na ngayon sa pagiging Elder at magiging ordinaryong Chamnian ka na lamang." Sabi ni Headmaster Nehan sa guild Elder.
Alam nilang kaya isinumbong ng Elder sina Steffy iyon ay dahil sa pinagdidiskitahan niya ang mga crystal cores na inilabas nina Steffy. Balak nga sana niyang magtago ng iilang piraso nito kaso bago pa man niya nagawa, naglaho na sa kanyang harapan.
Sinabi niyang may tumulong kina Steffy at inisip na nandaya ang mga ito dahil sa dami ng mga crystal cores na hawak nila. Iyon ay upang magkaroon din siya ng dahilan para makuha mula sa mga kamay ng mga mukhang inosenteng mga kabataang ito ang iilan sa mga high level crystal cores na pinag-aagawan ng mga Chamnian.
Nababasa nina Steffy ang nasa isip niya kaya naman nagalit sila. Hindi kasi nila inaakala na ang iniisip ng mga Mysterian na banal na nilalang ay may tinatago ring kasakiman. Kaya naman kinuha nilang muli ang mga crystal cores at umalis.
At nang malaman na paparusahan sila dahil sa ginawa nila sa mga Mystikan at sa mga assassin na nagbabalak pumatay sa mga CMA disciples, lalo lamang silang sumabog sa galit.
Gagantimpalaan sila dahil sa kanilang pagliligtas at paparusahan dahil sa pagpatay sa mga assassin. Na di man lang inisip ng mga Chamnian na ito na posibleng walang makakauwi sa sinuman sa mga disipulo kung hindi nila pinatay ang mga assassin na iyon.
Kaya naman ayun ginalit nila ng husto si Saimar.
"Naparusahan na ang dapat parusahan kaya oras niyo na." Sabi ni Saimar sa kanila.
"Tatlong parusa ang ibibigay sa inyo. Una, ay ang itapon kayo sa monsterdom, pangalawa sa frozen land at ikatlo sa bloody river." Sabi ni Saimar.
Napasinghap naman ang mga Chamnian sa narinig.
"Imortal, mapanganib po ang tatlong lugar na ito. Pakiusap, wag niyo po silang ipatapon sa lugar na iyon. Utang po namin sa kanila ang aming buhay at kapag naparusahan sila dahil sa pagliligtas sa amin paano kami patatahimikin ng aming mga konsensya?" Sabi ng team captain ng mga disipulo na minsang nailigtas nina Steffy.
"Pakiusap po, wag niyo po silang ipatapon sa mga lugar na iyon. Kami na lamang po ang ipadala niyo. Kami naman po ang dahilan kung bakit sila mapaparusahan." Pakiusap naman ni Yushin.
"Kung may aangal parin, dodbolehin ko ang parusa nila." Banta ni Saimar na ikinatahimik ng mga may gustong umangal.
"Paano yan? Anong gagawin natin?" Nag-aalalang sambit ni Travis.
"Isama niyo nalang po kami kung ganon." Sabi naman bigla ni Brix.
"Brix, wala pang nakakauwaing buhay sa lugar na iyon." Di makapaniwalang sabi ni Lyka.
"Kung hindi na po magpapabago ang pasya niyo hayaan niyo na lamang pong sumama kami." Sabi ni Dennis.
"Sinusuway niyo na ba ang utos ko ha?"
"Ayon sa batas ng Chamni hindi dapat sinusuklian ng kasamaan ang isang kabutihan. Utang po namin ang aming buhay sa mga kabataang ito kaya naman isama niyo na lamang kami sa kanila." Sagot ni Dennis.
"Kung wala sila, matagal na sana kaming namatay sa Jinoma mountain. Sila ang ang dahilan kung bakit marami ang nakauwing ligtas kaya hayaan niyo na pong sa pagkakataong ito, masuklian naman namin ang kabutihang ibinigay nila sa amin."
"Kung gusto niyong mamatay kasama sila magsilapit kayo at pagbibigyan ko kayo."
Hindi inaalala ni Saimar na isang daang mahigit sa mga estudyante ang humakbang palapit. Kahit nanginginig ang mga tuhod sa takot, pinili parin nilang lumapit. At mahigit sampung mga guro kasama sina Elder Cid at iba pa ang lumapit din.
Nagsilapitan din ang mga disipulo na iniligtas nina Steffy sa Alastanya. At ang mga kawal na tapat kina Steffy.
"Bakit parang pupunta sila sa giyera at hindi para maparusahan?" Sambit ni Master Biel makitang ang pinakamagaling na mga guro at mga estudyante ang nagsihakbangan palapit at handang ialay ang buhay para sa mga kabataang pasaway.
"Hindi ko alam na ang buhay ng mga kabataang ito ay kapalit sa daang-daang buhay ng mga Chamnian." Sambit ni Lala. Hindi niya inaakala na sa kabila ng talas ng dila ng mga kabataang ito may mga Chamnian din palang handang mag-alay ng buhay para sa kanila.
"Sa murang edad nila nagawa na nilang makaligtas ng ganito karaming buhay. Parang naku-curious ako sa kung gaano nga ba sila kalakas." Sambit naman ni Eshra.
Maalala ang sinapit ni Saimar, naisip niyang imposibleng maaantig ang puso ng imortal na ito kahit ilang Chamnian pa ang magtatanggol sa bratty gang.
"Steffy, sobrang mapanganib ang monsterdom. Hindi lang yun, wala ring nakakaligtas sa lason na meron ang mga yelo sa frozen land. Ang lahat na makakalanghap sa hangin ng Frozen land ay mamamatay. At sa bloody river naman, nag-aagawan ng mga water monsters ang sinumang mapapadpad sa tubig." Sabi ni Miro.
Si Saimar naman hinihintay lang ang pagmamakaawa ng mga batang ito at nag-smirked pa, nang marinig ang sinabi ni Miro. Inaakala niyang matatakot na ang mga munting halimaw na ito.
Sa totoo lang, munting halimaw ang tawag niya noon kay Steffy. Iyon ay dahil para siyang susugod sa giyera sa bawat panahong pupuntahan niya si Steffy para sa training nito. Hinding-hindi rin ito nanghihingi ng tawad o makiusap man lang kapag may nagawang pagkakamali. Kaya para sa kanya munting halimaw ang batang ito.
Kaya lang, sa halip na matakot at manghihingi ng tawad, nagniningning naman ang mga mata ni Steffy.
"Gaano ka mapanganib ang hangin sa frozen land? Saka gaano kadami ang mga halimaw sa bloody river?"
"Steffy! Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko? Isang langhap mo lang sa hangin doon tigok ka na agad. At sobrang dami rin ng mga halimaw sa bloody river kaya bakit mukhang excited ka diyan?" Di makapaniwalang sambit ni Miro.
"Pwede kayang maglaro doon ng ice hockey?" Sambit naman ni Aya.
"Pwede naman siguro mag-slide." Sambit naman ni Rujin.
Napawi ang smirked ni Saimar. Bakit ibang-iba sa inaakala niya ang reaksyon ng mga kabataang ito?
Ang balak niyang 30 minutes lang na pananatili ng mga kabataang ito sa tatlong lugar ginawa niyang tatlong oras. Tingnan niya kung magsu-survive ba sila sa loob ng tatlong oras.
"Hahayaan ko kayong manatili sa bawat lugar ng tig-tatlong oras." Sabi niya.
"3 days." Sabi ni Steffy. Kung ibang dimension din ang mga lugar na iyon ibig sabihin lang nito na si Saimar lamang ang nakakaalam kung paano makalabas at makapasok sa lugar na ito kaya susulitin na nila ang pagkakataon para mag-enjoy.
"Kayo na nga binigyan ng chance kayo pa ang ayaw?" Di makapaniwalang sambit ni Saimar.
"Mukhang hindi niyo nga alam kung ano ang nakakabuti sa inyo." Iiling-iling naman na sambit ni Eshra.
"4 hours." Sabi ulit ni Saimar.
"4 days." Sagot naman ni Steffy.
"Gusto niyo ba talagang mamatay ha? Kayo na nga itong tinutulungan kayo pa itong tumatanggi? Mapanganib ang lugar na iyon, hindi niyo ba alam?" Hindi na napigilan ni Saimar ang magalit. Gusto lang niyang takutin ang mga batang ito at wala siyang balak patayin sila.
Kahit sila na mga imortal, hindi nakakatagal sa tatlong lugar na ito pero ang mga batang ito nagre-request pa na i-extend ang parusa?
"E bakit ikaw? Nagpaparusa ka ba talaga? Kapag nagparusa ka sagad-sagarin mo na. Saka i-extend na namin ang parusa namin para sa gagawin naming kasalanan sa future. Marami pa akong mga batas na susuwayin kaya kung parusahan niyo kami ngayon isali niyo na rin yung para bukas at sa hinaharap para naman hindi na kami mapaparusahan sa susunod. Kasi nauna na ang bayad namin bago kami nakagawa ng kasalanan."
Saimar: "????"
Everyone: Sinong mga nilalang bang nanghihingi ng advance punishment?
Si Sioji naman napatanong. "Sigurado ka bang iyon ang parusa namin? Ang pagpunta sa mga lugar na iyon?"
Pakiramdam nila parang may mali sa tanong ni Sioji.
"Ano bang ibig mong sabihin ha?" Tanong ni Saimar.
"Kala ko kasi ang lalakas ng mga Chamni tapos ganitong parusa lang pala kinatatakutan niyo na?" Sambit ni Sioji at Iiling-iling pa.
"Oo nga po. Pinaparusahan niyo po ba talaga kami o ipinapapasyal?" Nagtataka ring sambit ni Arken.
Para sa lahat ng mga Chamnian ang pagpapatapon sa kanila sa alinman sa tatlong lugar na ito ay ang worst punishment na ipinapataw lamang laban sa mga Chamnian na nakagawa ng pinakamalaking kasalanan.
Nagdadalawang isip tuloy si Saimar sa naisip na parusa. Napatingin siya kay Jiro ngunit nakasandal lang ang lalake sa upuan nito at ini-enjoy ang iniinom na mystic fruit juice.
Hinarap naman ni Asana ang mga Chamnian na nagmamalasakit sa kanila.
"Salamat sa pag-aalala na ipinapakita niyo pero ayos lang kami. Wag kayong mag-alala, babalik kami na ligtas. Pangako yan." Pangako niya sa mga Chamnian na nag-aalala sa kanilang kaligtasan.
Makitang parang excited pa ang bratty gang, hindi nila alam kung magagalit ba sila sa kainosentehan ng mga batang ito, o maaawa ba kaya o matatawa nalang.
"Wala lang ba silang alam o wala lang talaga silang kinatatakutan?" Sambit naman ni Dennis.
"Kailan kami pupunta?" Atat na tanong ni Aya kay Saimar.
"Nasaan na ang portal? Saan kami dadaan?" Tanong naman ni Hyper.
Parang gusto ng sipain ni Saimar ang mga batang to. Sila na nga itong dadalhin sa mundo ng kapahamakan sila pa itong atat na atat na maparusahan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top