Chamni 50: Imortal Saimar

Pagpasok nina Elder Cid at iba pa sa silid kung nasaan sina Steffy at imortal Jiro kanina, hindi na nila nakita pa ang bratty gang at si Jiro.

Sa labas naman, kinukulit ng bratty gang si Steffy kung ano ang naging usapan nila ni Jiro.

"Anong sinabi niya?" Pangungulit ni Aya.

"Gaano kalakas ang kapangyarihan niya?" Tanong din ni Arken na gustong-gustong malaman kung gaano ba kalakas ang isang imortal lalo na ang katulad ni Jiro.

"Pinarusahan ka ba niya?" Tanong naman ni Asana.

"Pinagalitan?" Tanong din ni Shaira.

"Bakit parang magkakilala kayong dalawa?" Hindi na rin nagpahuli si pagtatanong si Izumi.

"Di kaya type ka niya?" Sumingit naman si Hyper na halatang nag-iisip ng kakaiba kay Jiro.

"Manahimik kayo o tumahimik kayo?" Banta ni Sioji kaya itinikom agad ng mga kaibigan ang mga bibig.

"Ikaw kasi Geonei ang ingay-ingay mo." Siniko pa ni Hyper si Geonei na siyang nananahimik lang naman sana sa dulo.

"Hyper." Nagbabanta niyang sambit na akma pang batukan si Hyper. "Nanahimik nga ako dito o." Nananahimik na nga siya sa gilid dinadamay pa siya.

"Ang ingay din kaya ng utak mo. Gusto mo din kayang magtanong, di ka lang makasingit." Tukso naman ni Hyper sabay taas-baba pa ng kanyang kilay. Inikot naman ni Geonei ang mga mata.

Tiningnan ni Steffy si Sioji na may nagpapasalamat na tingin. Hindi niya gustong maglihim sa mga kaibigan pero may mga bagay talagang hindi niya maaaring sabihin.

"Nandito na tayo." Sambit ni Steffy. Kaharap na nila ang mission guild ng CMA.

At ang tatlong nagbabantay dati sa labas ng pintuan ang siyang nagbabantay noon. Nakabalik na sila mula sa kanilang hellish training at mas malakas na sila kumpara dati.

Nagulat pa sila nang makita ulit ang grupo ng mga kabataang ito at alam na ng lahat ang ginawa nilang pagtulong sa mga disipulong nakakulong dati sa isa sa village ng Alastanya. Kaya naman, hindi na katulad dati ang pakikitungo nila kundi sinalubong pa nila ang grupo at binigyang daan para makapasok.

Pumunta sina Steffy sa counter kung saan nila ibibigay ang list of mission na natapos nila.

Isang matandang lalaki ang nakaupo at tinatamad na napasulyap sa kanila. "Kung mga low level Deiyo beast lamang ang nakuha niyo, magsialisan na kayo." Inaakala kasi niya na mga estudyante silang low level mission lang ang  kayang gawin. At iyon ay ang pangongolekta ng mga Chamnian herbs at mga magic core ng mga low level Deiyo beast.

Ilang sandali pa'y hindi na niya makita ang mga kabataan dahil sa pinagpatong-patong na mga magic core o crystal cores ng mga high level Deiyo beast na lumikha ng iba't-ibang uri ng liwanag sa buong silid.

Napatigil sa ginagawa ang ibang mga disipulo na nandito para sana kumuha ng misyon o ibigay ang kanilang mga items kapalit ng points. Halos maglaglag na ang kanilang mga panga sa nakita. Ito ang unang pagkakataon na ang dami nilang nakikitang mga magic core. Hindi lang yun, may inilabas ding mga monster crystal cores sina Steffy.

"Saan niyo galing ang mga ito?" Di makapaniwalang tanong ng matanda. Kinusot pa ang mga mata sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya.

"Sabihin niyo? Sinong eksperto ang tumulong sa inyo?" Hindi siya naniniwala na sina Steffy ang siyang nakakakuha nito kundi may makapangyarihang Chamnian ang tumulong sa kanila.

"Wag kayong magsinungaling. Sabihin niyo ang totoo. Kung hindi, ire-report ko kayo sa nakakatataas."

"Hays, bakit ba ang gulo ng mundo ng mga matatanda? Kapag mahina sasabihin sa'yong magsanay kang mabuti at magpalakas. Kapag sobrang lakas mo naman sasabihing halimaw ka. At kapag nahihigitan mo sila sasabihing may tumulong sa'yo. Bakit? Matatanda lang ba dapat ang may kakayahang makaipon ng ganito karaming mga crystal core?" Tanong ni Steffy at ikinumpas ang kamay. Naglaho naman agad ang namumundok na sanang mga magic or crystal cores.

Sabay lapag sa mga papel na listahan ng mga mission na natapos nila.

"Tara na nga." Nagsialisan na sila at naiwan naman mag-isa sa counter ang matanda.

Naibaba niya ang tingin sa nagkakapalang mga papel sa mesa. Nakita niyang ito yung listahan sa mga misyon na naglaho, tatlong buwan na ang nakakalipas.

"Ang mga batang yun? Tinapos nila ang mga pinakamapanganib na misyon sa loob lamang ng tatlong buwan?" Hindi makapaniwalang sambit niya na halos pakiramdam niya ay hihimatayin siya.

Nakaupo naman ngayon sa malatronong upuan si Saimar habang pinapakinggan ang report ni Elder Lingshi sa kanya. Nakayuko naman ang lahat makitang galit na galit siya.

Siya si Imortal Saimar, isa sa mga makapangyarihang imortal na nagpoprotekta sa CMA. Kinalimutan siya ng lahat dahil sa biglaang pagsulpot ni Jiro at nang dumating siya sa may gate tatlong kawal lang ang sumalubong sa kanya at di pa siya nakilala. Napagkamalan pa siyang impostor. Kaya ayan, galit na galit siya.

Sa left side niya ay ang natutuwang si Eshra at sa right side ay ang tinatamad na si Jiro. Upuan ni Lala ang kinuha niya kaya naman napaupo si Lala kasama ang mga staff ng CMA.

"Ano pang nangyayari?" Tanong niya kay Lingshi?

"Hinuli po nila ang mga spirits sa spirit pagoda. Ginamit din ang thousand years candle at pinasabog ang tore ng mga Mystikan." Ito ang mga major mistakes ng bratty gang kaya sinali niya sa listahan.

"Pero sila po ang nagligtas sa buhay ng mga estudyante..." Hindi pa man natapos sa pagsasalita si Headmaster Nehan pinutol na ito Saimar.

"Gagantimpalaan sila ayun sa nagawa nilang kabutihan at paparusahan sila ayun sa nagawa nilang kasalanan." Walang kahit sino ang makakapagpapabago sa anumang pasya niya.

Nag-alala sina Headmaster Nehan, Elder Cid, at iilan pang mga guro para sa mga pasaway na mga kabataang ito habang natutuwa naman ang iba at nasasabik pang makitang maturuan ng leksyon ang mga kabataang ito.

Napatingin naman ang Headmaster kay Jiro kung ano ang opinyon nito ngunit tinatamad lang itong nakahiga sa upuan.

"Imortal Saimar, sa kabila ng mga sakit ng ulong ibinigay nila marami rin silang naitulong sa paaralan. Hindi ba pwedeng bawasan ang kanilang parusa?" Pakiusap ni Elder Cid.

"Marami silang nilabag na batas ng CMA kaya nararapat lang silang parusahan para magtanda. Paano na lamang kung gagayahin ang mga pagkakamali nila ng ibang mga disipulo? Hindi iyon maganda kaya nararapat gantimpalaan sila at parusahan ayun sa mga nagawa nila." Napayuko na lamang si Elder Cid sa sagot ni imortal Saimar.

Ilang sandali pa'y dumating ang mission guild Elder at ikinuwento ang nangyari sa mission guild.

"Kaysa sabihin nila kung sino ang makapangyarihang master na tumulong sa kanila mas pinili nilang kunin lahat ng mga items na dala nila at umalis." Dagdag pa ng matanda.

"Hindi ba't bawal angkinin ang pabuya sa isang misyon na di naman sila ang tumapos? Isa itong malaking pandaraya sa paaralan." Sabi pa ng matanda na sinang-ayunan naman ng lahat. Ang lahat ng misyon na tatapusin ng sinuman sa CMA kung may tumulong man sa kanila, dapat bibigyan din nila ng merit ang sinumang tumulong sa kanila. Hindi yung sosolohin nila ang pabuyang makukuha nila.

Nang malaman na ang bratty gang na naman ang may gawa sa bagay na ito, pinatawag ni imortal Saimar sina Steffy.

"Kailangan niyong pumunta sa Mystic Hall ngayon din." Sabi ng isang kawal sa kanila.

"Kung sino ang may kailangan siya ang lumapit." Sagot ni Steffy na ikinabigla ng kawal.

"Bakit kung sinabi nilang pupunta kami kailangan na naming pumunta?" Sagot naman ni Aya. Badtrip na badtrip pa siya sa matandang nagbabantay sa counter ng mission guild. Sila pa naman ang tipong tamad magpaliwanag lalo na sa mga nilalang na walang tiwala sa kanila. Para sa kanila aksaya lang iyon ng laway kaya mas minabuti na lamang nilang umalis.

Hindi nakasagot agad ang kawal. Hindi niya inaakala na ganito ang isasagot ng grupong ito.

Napatingin siya kina Zin. "Alam niyong may pananagutan din kayo sa nangyayari kaya bumalik na kayo sa Knight compound bago pa man kayo hulihin ng mga kapwa niyo Arkian." Paalala niya kina Zin na hindi man lang nag-report sa lider nila ngayong nakabalik na sila sa CMA.

At kung may nagagawa mang mga kasalanan ang mga disipulo na binabantayan nila, mapaparusahan din ang mga Arkian na tulad nila, dahil hindi nila nabantayang mabuti ang kanilang mga binabantayan. Kaya nga madalas strict ang mga tagapagbantay sa mga binabantayan nila. Dahil ang kasalanan ng mga binabantayan ay magiging kasalanan din ng mga nagbabantay.

Magre-report sana sina Zin pagkarating nila sa CMA kaso pinigilan sila nina Steffy at sinabing mapaparusahan lang sila kaya bakit nila iaalay ang kanilang sarili para maparusahan?

Dalawa lang naman ang kanilang kahihinatnan at pinaghahandaan na nila ito. Mapapaalis o mapaparusahan lang naman. Kaya mas pinili nilang magre-resign na lamang.

Nasa Mystic hall pa si General Ding na siyang namamahala sa mga Arkian na katulad nila kaya hindi pa nila ito makakausap. Kaya naman, hindi pa sila makakapagretiro sa ngayon.
Makitang walang balak pumunta sa Mystic Hall sina Steffy napilitang bumalik ang kawal.

"Nasaan ang pinatawag ko sayo?" Cold na tanong ni Saimar.

"Ang sino daw pong may kailangan ay ang siyang dapat lumapit."

Dumilim lalo ang mukha ni Saimar samantalang pinagpapawisan naman ang mga Elders at mga guro sa paligid.

"Lapastangan! Sino silang magsasabi ng ganyan?" Sigaw ng isang Elder.

"Ganito ba ang itinuturo ng paaralang ito sa mga estudyante?" Cold na sambit ni Saimar.

"Tatlong araw lang nandito ang mga batang iyon at lumabas na sila sa CMA na walang paalam kaya hindi namin sila naturuan ng mabuti." Mabilis na sagot ni Master Lingshi.

"Sakit sa ulo ang mga batang iyon kaya kahit kami walang magawa." Dagdag naman ng iba pa.

"Ayun sa natuklasan ko galing sila sa labas ng Chamni kaya naman pala may ugali silang katulad sa mga Mysterian." Sabi ng isang guro. "Kaya sana, wag niyo po sanang idamay ang mga gurong ginawa naman ang lahat para maturuan sila ng tama."

"Kaladkarin sila papunta rito. Nasaan na ba ang mga tagapagbantay nila? Sabihin niyong pumunta sila dito ngayon din." Galit na galit ng utos ni Saimar.

"Hay, salamat naman. May magpapatino na sa batang yun." Sambit naman ni Jiro at huminga pa ng maluwag na kala mo nabunutan ng tinik.

"Alam mo ba ang tawag ng mga Mysterian sa mga batang iyon?" Biglang tanong niya kay Saimar.

"Ano naman?" Wala sa mood na sagot ni Saimar.

"Bratty gang. Bratty. Kaya kung mahina ang puso mo idaan mo nalang sila sa santong usapan hindi sa ganyan. Na parang anumang oras kakainin mo na sila." Suhestiyon niya sa kaibigan. Kung nandito pa si Jiman baka kanina pa nito inikot ang mga mata sa kanya.

Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Kapag nalaman ni Jiman na bumalik siya sa Chamni gamit ang kanyang doppelganger tiyak na magtatalak na naman iyon. Minsan na siya nitong mapagbantaan na kapag patuloy pa rin siya sa paglalakbay mula Mysteria to Mystika, ipapadala talaga ni Jiman ang katawan ni Haira sa Mysteria. Kapag nangyari iyon, posibleng may isa kina Haira na Mystikan at Steffy na Mysterian ang maglalaho.

Pero kahit ganoon, palihim pa rin sa pagpunta sa Mysteria si Jiro kahit kapalit nito ay ang life span niya.

Alam ni Jiro na mababait naman ang mga batang yun kapag pinapakitaan ng sincere na kabaitan.

"Teka nga lang. Kilala mo ba ang mga batang yun?" Tanong ni Saimar kay Jiro.

"Napapanood ko sila minsan kaya alam ko kung ano at sino sila. Kaya kong mahina ang puso mo maging mabait ka nalang sa kanila." Alam niyang walang nangyayaring maganda sa sinumang gumalit sa grupo ng mga kabataang iyon.

Pinayuhan niya si Saimar dahil kaibigan niya ito sa mundong ito. Kundi pa, hinding-hindi niya ito papayuhan. Kaya lang mukhang wala itong balak makinig kaya naman ininjoy na lamang niya ang pag-inom ng alak na nasa mesa niya.

Ilang oras na ang lumipas wala pa ring nakakabalik sa inutusan ni Saimar kaya muling nagpadala ng iba pa.

Mapansing walang ni isa man lang ang nakakabalik pinadala na niya si Elder Cid dahil siya ang nagdala sa bratty gang sa CMA at masasabi ring mas pinapakinggan siya ng mga ito kumpara sa iba.

Ngunit pati si Elder Cid ay di na nakakabalik.

Ginamit ni Saimar ang kapangyarihan niya para makita kung nasaan na sina Steffy kaso isang makinis na pisngi ng puwet ang sumalubong sa kanyang paningin.

Ang sino mang lalapit sa kinaroroonan nina Steffy nawawalan ng saplot. Ang di maintindihan ni Saimar dahil nakokontrol ng bratty gang saan pwedeng makita at di makita ng iba o ng tulad niya na ginagamit ang kapangyarihan para alamin kung ano ang nangyayari sa kinaroroonan ng bratty gang.

Naibuga naman ng ilan ang kanilang iniinom makita ang malulusog na pisngi ng mga kawal na inutusan niya kanina.

Napahawak naman si Saimar sa ulo. Madilim ang mukha nito nang biglang tumayo. Ilang sandali pa'y naglaho agad siya sa kinauupuan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top