Chamni 48: Imortal Jiro and Steffy
Inalis na ni Jiro ang tingin sa may pintuan saka tagpo ang kilay na tiningnan si Steffy na nakatayo at matalim ang mga matang nakatitig sa kanya. "Steffy, hanggang kailan mo ba papasakitin ang ulo ko ha?"
"Bakit nilagyan mo na naman ako ng seal ha? Gusto mo bang mahuli ako ng mga Mystikan na yun? Alisin mo to alisin mo." Tinaas niya ang wrist at inilapit sa mukha ni Jiro.
"Bakit mo ninakaw ang Mysterian core ha? Pati ang Empire seal, at nang dahil sayo makikipaggiyera na ang mga Mystikan sa mga Chamnian. Alam mo ba kung gaano kabigat ang ginawa mo ha? Gusto mo ba talagang madadagdagan ang parusa mo?" Sabay tulak sa noo ni Steffy.
"Alam mo namang mabigat bakit pinaalam mo sa lahat na kagagawan ko yun? Paano kung patayin nila ako ha?"
Ngumiti namang bigla si Jiro. "Gusto ko lang malaman ang magiging reaksyon ng dalawang matandang yun lalo na si Rushka kapag malalaman nilang naisahan sila ng tulad niyo." Sabay tawa pa nito na parang tuwang-tuwa kapag naalala ang napipikon na mukha nina Rushka at ng pinuno ng mga Mystikan.
"Lika, manonood tayo." Pinaupo si Steffy sa tabi niya at ikinumpas ang kamay. May lumitaw na puting ulap sa tapat nila. At sa mga puting ulap may makikitang mga eksena.
"Siguradong naibalita na ng mga espiya nila ang anumang nakita at narinig nila kanina sa labas ng Academy." Excited niyang sambit.
Pinaningkitan naman ni Steffy ng mga mata ang gwapong lalaking kaharap na halos mas bata pang tingnan kaysa sa kanyang ama. Hindi lang yun, mas bata din ang utak. At kung magbangayan silang dalawa para lamang silang magkapatid.
"Wag mo akong tingnan ng ganyan. Alam kong napakagwapo ko. Pero hindi ako papatol sayo." Muntik ng mapasubsob dahil nabatukan ni Steffy.
"Steffy baka nakakalimutan mong..."
"Ano?"
Napabuga ng hangin si Jiro saka sinabing "wag nalang. Kahit sabihin ko di mo naman maiintindihan kasi di mo dala ang common sense mo." Sagot ng lalaki.
"Sabihin mo nga, sino ba talaga kina ina at ama ang anak mo ha? Bakit parang wala namang namana sayo si ama?" Hindi lang sa walang namana kay Jiro ang ama niya kundi mas mukhang anak lang ng kanyang ama si Jiro.
"Iyon nga din ang tanong ko e. Bakit ba ang boring ng Steffin na yun? Saan ba yun nagmana?"
Pinili na lamang ni Steffy ang manahimik kaysa makipagtalo sa lalaking to. Matatalo lang din naman siya at walang katapusang bangayan lang ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.
Hinding-hindi sila nagkakasundo. Higit sa lahat, ang daming ipinagbabawal ng lalaking ito sa kanya na halos ikakasakal na niya. Kundi lang niya alam, ang lakas makatawa nito kapag may mga kalabang naasar sa kanya. Tulad nalang ngayon.
"Ang mga batang yun pala ang dahilan? Sabi ko na nga ba." Sambit ni Rushka habang naninilim ang paningin malamang kaya pala nagalit sa kanya ang mga Mystikan dahil din pala sa kagagawan ng mga kabataang nanggugulo sa kanya.
Kahit alam na niya ngayon, nangyari na ang lahat. Marami na ang pinsalang naidudulot nina Steffy at ng mga Mystikan sa kanya lalo na sa mga tauhan niya.
"Bakit kasi kayo nagpakita sa kanya? E di sana mas magugulat pa siya kung malaman niyang naisahan siya ng mga bata lang." Hindi kuntentong sambit ni Jiro.
Napabuntong-hininga na lamang si Steffy. Sa mga mata ng lahat, Isang kagalang-galang na panginoon o imortal ang matandang ito pero sa mga mata niya, mas isip bata pa ito sa kanyang ina.
"Ano bang nakita nila sa matandang to at sinasamba nila? Sa mukha lang siya nakakalamang sa iba, saka sa edad. Hindi naman siya matino para sambahin at hangaan."
Tumalim ang tingin ni Jiro. "Alam mo bang rinig na rinig ko ang isip mo?"
Ibinaling na lamang ni Steffy ang tingin sa ibang direksyon.
Ilang sandali pa'y humalakhak si Jiro sabay turo sa isang lalaking hindi makapaniwala sa narinig.
"Bata? Napasok tayo ng mga batang Chamnian? At nakontrol ako ng isa lamang katorse anyos?" Hindi na mahitsura ang mukha ng pinuno ng mga Mystikan maalala ang ginawa ng isang manipulator sa kanya.
Napasabunot pa ito sa buhok sa sobrang galit at gigil.
Hindi nito matanggap-tanggap na pinaglalaruan lamang sila ng mga kabataan. "Mukhang kailangan ko ng bumisita sa CMA." Sambit nito na nanlilisik ang mga mata.
Makita ang mga eksena sa Immortal College, tinapik-tapik naman ni Jiro ang tuktok ng ulo ni Steffy. "Lagot ka ngayon. Maghihiganti na ang matandang yun."
"Mas matanda ka do'n." Sagot ni Steffy.
"Bata pa ako."
"Bata pa nga. Mas isipbata."
"Ikaw..." Sabay turo kay Steffy na naniningkit ang mga mata.
"Kaya ka ba nandito dahil lulusob dito ang mga Mystikan?" Tanong ni Steffy sa lalake.
"Nandito ako para actual kong mapapanood kung paano ka nila papahirapan." Nakangiting sagot ng lalaki na halos maningkit na ang mga mata sa pagngiti.
Napasinghap naman si Steffy. "Lolo ba talaga kita?" Di makapaniwala niyang sambit.
Itinaas lang ng lalaki ang noo at mas lalo pang lumawak ang ngiti.
"Hingang malalim Steffy. Hingang malalim." Pampakalma ni Steffy sa sarili bago itinaas ang wrist. Tinampal naman ito ni Jiro. Muling inilapit ni Steffy ang kanyang wrist na may marka na naman ngunit inilayo na naman ni Jiro sa kanya.
"Tanggalin mo to."
"Ayoko."
"Lolo mo yan Steffy. Lolo mo yan." Paulit-ulit na sambit ni Steffy sa sarili para di sumabog sa galit.
"Tanggalin mo na please." Pakiusap niya at nagpa-cute pa. Kahit alam niyang di ito tatalab sa lolo niya.
"Hindi ako si Yuji kaya wag kang umasang tatalab sa akin yang pa-cute mo." Sabay layo sa mukha ni Steffy sa kanya.
"Lolo sige na please, alisin mo na to." Sabay patulo ng luha niyang pakiusap sa lolo.
"Para iyan upang hindi ka na makagawa pa ng maraming kasalanan. Kaya dapat lang yan sayo nang sa gano'n mababawasan ang parusa mo." Determinadong sagot ni Jiro.
Naningkit naman ang mga mata ni Steffy. "Jiro Heal. Tatanggalin mo to o gagawin kong bulate ang buhok mo?" Sigaw niya na ikinatalon ni Jiro paalis sa kinauupuan.
Nagsiliparan pa ang ilang mga kagamitan sa paligid dahil sa malakas na enerhiyang nanggaling sa nailikhang sound waves ni Steffy.
Napangiwi naman si Jiro habang nakatakip sa tainga. "Mababasag na yata ang eardrums ko kapag nanatili pa ako sa mundong ito." Sambit niya pa bago gantihan si Steffy.
"Steffy! Wag mo ding kalimutang lolo mo ako. Tapos sigaw-sigawan mo lang ako? Ikaw nalang kaya ang maging lolo at ako ang magiging apo?"
"So alam mo naman palang lolo kita?" Tumayo si Steffy at nakapamaywang nitong sagot sa lolo niya.
"Steffy naman e. Nilagyan kita ng ganyan para di madagdagan ang mga buhay na mauutang mo sa mundong ito. Gusto mo ba talagang di na makakabalik sa Mystika ha?"
"Sino ba kasing naglaglag sa akin dito para lang magkaroon ng ganitong misyon?" Balik tanong ng dalaga.
"Sino din ba kasing umubos sa life energy ng clan natin kundi ikaw?" Ganti din ni Jiro.
Napaupo namang muli si Steffy st parang balon na naubusan ng hangin. "Lolo naman e. Alisin mo na to. Paano ako makakalaban kung di mo to tatanggalin? Mga imortal sila samantalang ako Mysterian lang."
"Mabuti nga yon e para madali tayong makakabalik." Sagot ni Jiro na ikinatahimik ni Steffy at ikinalungkot ng kanyang mga mata.
Sa mundong iyon, nilalayuan siya at wala siyang siyang matatawag na pamilya. Walang kaibigan, walang kapatid at walang ibang kasama kundi ang lolo lang niya.
Lahat tinataboy siya. Lahat ayaw sa kanya, dahil nga raw halimaw siya. Ibang-iba siya sa lahat dahil sa kakaiba niyang kapangyarihan. Mula siya sa angkan ng mga healer ngunit pangsira at pangwasak ang kanyang kapangyarihan. Kaya naman itinaboy siya at di tanggap ng kanilang bayan.
Para sa kanya, ito ang mundo niya. Nandito ang kanyang pamilya. Ang kanyang mga kapatid at ang kanyang mga kaibigan.
Sa lugar na iyon hindi siya malayang lumabas, sa lugar namang ito, malaya siyang gumala kahit saan.
"Hindi ko kayang iwan ang mundong to." Mahina ngunit seryoso niyang sambit.
"Hindi ko sinabing i-attach mo ang sarili mo sa mundong to. Sa simula palang isa ng pagkakamali ang pagkalaglag mo dito, Haira." Seryosong sagot ni Jiro.
Haira. Magmula noong magiging iisa ang katawan nila ni Steffy ito ang unang pagkakataong may tumawag muli sa kanya ng pangalang ito.
"Hindi ko kayang iwan sina ina at ama. Hindi rin ako aalis hangga't hindi ako siguradong buhay sina kuya Ariel, mama Seyria at papa Seyfro. Hindi rin ako aalis kung ang pag-alis ko ay katapusan din ng lahat ng nandito. Kaya sana, bigyan niyo ako ng sapat na oras para patunayan sa inyo na hindi lahat ng mga Mysterian ay masasama. Pakiusap lolo."
Natigilan naman si Jiro. Matagal na niyang isinuko ang Mysteria. Para sa kanya, hindi dapat nag-eexist ang Mysteria. Isang pagkakamali ang existence ng mga Mysterian. Hindi lang yun, natatakot siya na magiging dahilan ang mundong ito para mas lalong lumakas ang kanilang mga kalaban at ikakapahamak pa ng Mystika.
Dahil kahit isang maliit na mundo lamang ito, nandito halos lahat ng mga yamang kinakailangan ng mga Mystikan para mas lalo silang lumakas. Higit sa lahat, isa ang Mysteria sa magandang training field ng mga Mystikan.
Kundi lang siya nagkamali ng paglagyan ng apo niyang ito e di sana'y hindi sana mangyayari ang lahat ng mga bagay na ito.
Napabuntong-hininga siya nang makita ang naluluhang mga mata ni Steffy.
"Hindi mo pa nakikita ang tunay na kagandahan ng Mystic Land kaya wag mong sabihing ito na ang pinakamagandang mundo para sayo Haira." Sambit na lamang niya.
Nagalit siya sa mga Mysterian dahil sa mga kasamaan nila. Ngunit hindi naman niya kayang patayin ang mga nilalang na ito dahil ikakapanghina ng kapangyarihan niya at mababawasan din ang life energy niya.
Wala siyang magawa kundi panoorin na lamang ang paghihirap ng mga Chamnian at iba pang mga Mysterian. Kaya naman gumawa siya ng mga pinili para kahit na wala siya at di mababantayan ang mundong ito may maiiwan naman at siyang magbabantay sa mundo.
Kaya lang, napansin niyang mas nagiging malala pala ang sitwasyon dahil ang mga pinili ng kanyang iniwang mga kapangyarihan, ay nagkakaroon ng di magandang buhay. Nakagawa ng paraan ang mga Mysterian kung paano maagaw ang mga kapangyarihang nararapat sana para sa mga pinili.
At nagawa nila ang mga bagay na iyon dahil sa tulong na rin ng mga kalabang Mystikan na nakapasok ng palihim sa mundong ito. Ang mas malala, hindi na maisasara ang lagusan mula sa Mystic Land or Mystika papasok sa Mysteria kaya naman naisipan ni Jiro na isara na lamang ang lagusan pabalik sa Mystika gamit ang kahuli-hulihan niyang kapangyarihan at lakas.
Magmula noon, hindi na siya maaaring mananatili ng matagal sa Mysteria. Higit sa lahat, gumagamit na lamang siya ng kopya sa kanyang sarili para makapasok sa Mysteria nang sa gano'n makakapasok siya at malaya ring makakalabas dahil enerhiya lamang niya ang kanyang ginagamit at hindi ang kanyang tunay na pisikal na katawan.
Wala namang pinagkaiba sa orihinal niyang katawan ang kopyang katawang ito. Ang tanging pinagkaiba lang ay naglalaho ang katawang ito kapag dumating na ang time limit nito.
Dumaan naman ang lungkot sa mga mata ni Steffy marinig muli ang pagtawag sa kanya ng Haira.
Haira. Pangalang pamilyar yet distant para sa kanya. Isang identity na binaon na niya sa limot at ayaw ng maalala pa. Isang pangalang minsan na niyang ginamit bago siya magiging Seyriel o Steffy ba kaya.
Wala siyang gaanong alaala sa pangalang ito. Ang alam lang niya Haira ay ang identity niya sa Mystika. Pero kung ang alaala ba niya sa bata pa siya ay galing sa Chamni o sa Mystika, hindi na niya alam lalo pa't nagkahalo-halo ang mga alaalang meron siya sa tatlong mundo at sa tatlong buhay na meron siya. Wala siyang matandaan kung alin ang Chamni at alin ang Mystika sa mga alaalang nakikita niya noong six years old siya pababa. Ang tanging malinaw lang sa kanya ay ang may kapatid siyang isang babae at isang lalaki sa mundong ito ngunit may mga kapatid siya bilang Haira mula sa mundo ng Mystika. Na posibleng katulad niya ay napadpad din sa Mystika para lamang mahanap siya.
Napabuntong-hininga na lamang si Jiro makitang nakatulala si Steffy. "Kapag nagawa mong pag-isahin ang mga Chamnian at mga Mysterian, hindi ko na hahayaang wawasakin ng iba ang mundong ito."
Mas lalo namang bumagsak ang balikat ni Steffy. Paano niya mapagkasundo ang bawat kontinente gayong sa isang kontinente pa nga lang wala ng pagkakaisa?
"Para mo na ring sinabing magbigti na lamang ako." Sambit ni Steffy na nawalan na ng pag-asa at isinandal na lamang ang likuran sa upuang gawa sa white Mystic Jade.
"May alam ka ba kung nasaan ang iba ko pang mga kapatid?" Tanong niya kay Jiro.
"Sa dami ng mga naninirahan sa mundong ito, paano ko malalaman kung saan sila? Bakit ka naman mag-alala sa kanila? Mga vessel lang naman ang mga katawang meron sila sa mundong ito at kahit mamamatay pa sila dito, buhay na buhay ang katawan nila sa Mystika. Sarili mo ang alalahanin mo. Isa na lamang ang vessel na may kakayahang suportahan ang kaluluwa mo Steffy. Kaya ingatan mong mabuti."
"Wag mong gamitin sa ikalawang pagkakataon ang vessel na iyan para iligtas ang ibang nilalang o ang mundong ito. Hindi ito ang mundo mo." Dagdag pa ni Jiro.
Naiyuko naman ni Steffy ang ulo. Kapag nanatili pa ang mundong ito, tiyak na mas lumakas pa ang mga kalaban. Ang mga kalabang Mystikan na dahilan kung bakit nababalot ng galit ang kanyang puso. Ang puso ng batang Haira at ng batang Steffy.
"Nanghihina ang katawan ng mga magulang mo sa Mystika. Kapag hindi sila nakakabalik agad, mamamatay sila."
"Kaya ba hinahayaan niyo na lamang na maghihirap ang mga Mystikan? At hinayaan niyo kaming maranasan ang pagpapahirap ng mga Mysterian?" Wala na ang pilyang ngiti sa mga labi ni Steffy.
"Hindi namin kayo hinayaan. Wala lang talaga kaming maitutulong sa mga panahong iyon. At wala na rin kaming ibang paraan kundi ang isakripisyo ang isa sa inyong dalawa. At paglayuin kayong magkakapatid."
Naikuyom ni Steffy ang kamao. Oo at iisa lang ang kaluluwa nilang dalawa ni Haira ngunit hindi ibig sabihin nito na walang sariling pakiramdam at pag-iisip si Haira. May sarili din itong pamilya, may sariling katawan at may sariling buhay.
At kung hindi naman pumasok ang mga magulang niya sa mundo ng Mystika ang katawan ng mga magulang niya sa mundong ito, malamang, wala na ang tinatawag na mga Emperatris at Emperador ang Chamni.
Mga doppelganger lamang ng mga magulang niya ang katawan ng mga magulang ni Steffy sa lugar na ito, ngunit napilitan silang iwan ang mga orihinal nilang mga katawan sa Mystika para lamang matiyak ang kaligtasan ng mga anak ng mga doppelganger nila sa mundong ito. Ngunit ang ilang araw o taong pananatili nila sa mundong ito, ay kapalit na ng ilang taong buhay nila sa Mystika. Kung maaga silang makakabalik sa mundong iyon, matitigil na rin ang pagbawas ng kanilang mga lifespan.
"Ang pananatili ng mundong ito, ay patuloy na pagbawas ng lifespan ng buhay namin, buhay natin Haira. Tandaan mo, hindi ito tunay na mundo. Training field lamang ito. Isang mundong nabuo mula sa kapangyarihan ko. Kaya wag mo itong gawing mundo mo dahil hindi ito ang mundo mo Haira. May mas malaking mundo pa ang naghihintay sa'yo. Mundo kung saan ka nararapat."
"Para sa inyong mga Mystikan, isa lamang itong training field. Entertainment. Mission world. Isang mundo na binuo para pagkatuwaan ninyong mga Mystikan at training ground para mas lumakas. Pero para sa amin na lumaki sa mundong ito, ito ang mundo namin. May mga buhay din kami, may mga sariling pakiramdam. Totoo lahat ng mga nararanasan namin sa mundong ito hindi lang ilusyon. Kaya hindi rin madali para sa amin na hahayaan lamang ang mundong ito. Hahayaan ang mga mahal namin sa buhay na para sa mga mata ng mga Mystikan na katulad niyo, mga entertainer lamang, mga puppet, mga nilalang na isinilang para gawing katuwaan ng mga Mystikan, gawing mga training object. May mga damdamin ang mga Mysterian sa mundong ito. Hindi sila mga bagay."
"Oo at nabuo sila mula sa mga makasalanang mga Mysterian na ipinatapon sa mundong ito, pero ilang henerasyon na iyon. Wala ng kinalaman sa mga kasalanan ng mga ninuno nila ang mga Mysterian sa henerasyon ngayon." Ayun sa alala ni Haira. Ang mundong ito ay tapunan ng mga Mysterian na nagkakasala. Ang ilan pang mga nilalang na nabuo sa mundong ito ay nagmumula naman sa enerhiya ng Mysterian core.
At ang isang araw sa mundo ng Mystika ay katumbas na ng isang taon sa mundong ito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top