Chamni 47: Imortal Jiro

"Wala ka bang common sense?" Tanong ng babae at nandidiring pinunasan ang kanyang kamay kung saan nagmano si Steffy.

"Di ko po madala. Di kasi nagkasya sa utak ko." Sagot naman ni Steffy at ngumiti ng pilit.

Makitang para ng sasabog ang babae sa galit mabilis siyang nagtago sa likuran General Hyell.

"Kuya, yung nanay niyo, galit na galit." Bulong niya pa na rinig naman ng lahat dahil sa matatalas nilang pandinig.

"Hindi ko siya nanay." Mabilis na sagot ni General Hyell out of reflex bago maisip ang sitwasyong pinaglagyan ni Steffy sa kanya. At kitang-kita na nga niyang may mga itim na halaman ang bigla na lamang lumitaw mula sa tapat ng babae.

May mga tinik ang mga ito at nababalot ng mga kulay berdeng usok. Isang lason ang usok na nakabalot sa matinik na halamang ito.

"Ah, kaya pala ginagalang niyo siya. Kasi lola niyo siya." Sambit ni Steffy na tumango-tango pa.

Hindi tuloy alam ni Hyell kung matatawa ba siya o mababahala.

"Ibigay mo sa akin ang batang yan ng maturuan ko ng leksyon." Mariing utos ng babae. Lumaki ang halaman at patungo ito sa gawi ni Steffy na nagtatago ngayon sa likuran ni Hyell. 

"Ano bang kaguluhan to?" Sabi ng isang boses na ikinatigil ng lahat. Napalingon ang lahat sa isang lalaking nakalutang sa hangin at lumapag sa tapat nila.

"Woah, ampoge niya. Para siyang imortal na bumaba mula sa langit." Manghang sambit ni Aya.

"Imortal naman talaga siya a." Sagot ni Geonei.

"Ay oo nga pala."

Napatingin ang bagong dating kay Steffy at sa grupo ng mga kabataang nanatiling nakatayo.

Mabilis namang iniluhod ni Hyell ang isang tuhod sabay sambit ng Panginoong Jiro.

Jiro. Pangalang ikinaawang ng mga bibig ng bratty gang. Kahit ang babaeng mataray ay iniluhod din ang isang tuhod at naglaho na ang halamang inilabas niya kanina.

Yumuko naman si Eshra at nanatili namang nakaluhod ang Headmaster at ang mga kasamahan niya maliban kay Elder Cid na hindi magawang igalaw ang katawan.

Kapag pinipilit niyang lumuhod sinasamaan siya ng tingin ni Steffy.

Napapigil hininga sila makitang naglakad palapit ang tinatawag nilang Panginoong Jiro kay Steffy.

Nagsimula namang magbulungan ang mga Chamnian. Hindi nila maiwasang di sulyapan ang mga kabataang nagmamatigas pa rin.

"Lagot na sila. Bakit kasi di nila alam kung saan ilugar ang pagmamatigas nila."

"Paparusahan kaya sila ni Panginoong Jiro?"

"Aywan. Wala pa namang hindi napapaluhod kapag nasa malapit si Panginoong Jiro. Kaya wala pang nakakaalam kung may naparusahan na ba siya sa mga hindi lumuluhod sa kanya."

Ngumiti naman si Jiro na ngayon nasa tapat na ni Steffy.

"Estudyante ka ba ng CMA?" Mahinahon niyang tanong.

"Isa kayong huwaran?" Tanong niyang muli at marahang lumingon sa gawi nina Sioji.

Hindi sumagot ang Bratty gang kaya naman si Zin na ang sumagot na lalong ikinakaba ng ibang mga saksi sa pag-aakalang katapusan na nina Sioji. Hindi lang talaga nakasagot ang bratty gang dahil manghang-mangha pa sila sa nilalang na nasa tapat nila. Lalo pa't may kahawig itong pamilyar na pamilyar sa kanila.

"Mga huwaran po sila Panginoong Jiro." Halos kumawala na sa dibdib niya ang kanyang puso sa labis na kaba. Saka ito ang unang pagkakataon niyang nakaharap at nakausap ang isang legendary immortal ng Mysteria.

"Kung gano'n, hindi dapat lumiliban sa klase ang mga estudyante lalo na kung isa kayong huwaran. Saka dapat wag niyong kalimutang suotin ang uniporme niyo kahit nasa labas kayo. Higit sa lahat, dapat magiging isang mabuting ehimplo kayo sa iba. Hindi yung kayo ang nagpapasimuno ng gulo." Kalmado at mahinahon parin niyang turo kina Steffy.

"Oo nga. Wala sa inyo ang pagiging huwaran kaya paano kayo nagiging huwaran sa Academy?" Sagot naman ni Eshra at tiningnan sina Steffy at ang iba pa.

"Kasi huwaran kami sa kagandahan." Agad na sagot ni Aya at inilagay pa ang dalawang palad sa magkabilang pisngi. Nagawa ng sumagot dahil tapos ng magpantasya.

"Kagwapuhan." Sabay poge sign din ni Rujin.

"Kakisigan." Nakapamaywang na sagot Geonei.

"At kakyutan." Pahabol naman ni Steffy.

"Baka 'ka niyo sa kahanginan." Sagot ng babae.

"Kahanginan din." Pagsang-ayon ni Prim at mabilis na itinikom ang bibig makitang napatingin ang lahat sa kanya. Mabilis siyang nagtago sa likod ni Zin.

"Saka sa pagawa ng kalokohan." Dagdag naman ni Hyper.

Sina Sparr naman kasama sina Spyd, Rave, Dero, at Izu napapadasal. Nasa tuktok sila ng pader ng CMA at naka-invisible sa mga mata ng lahat.

"Wala ba talagang kinatatakutan ang mga yan?" Tanong ni Spyd.

"Aba malay ko. Di nga sila natatakot sa mga halimaw, sa mga imortal pa bang iyan na ang gaganda ng mga mukha?"  Sagot ni Rave. Tumango-tango naman ang mga kasama bilang pagsang-ayon.

"Ano kayang kinatatakutan ng mga yan?" Tanong ni Sparr.

"Dumi." Sagot ni Spyd maalala na umiyak lang si Steffy dahil nadumihan.

"Saka panget. Takot sila sa panget." Biglang sabi ni Rave. Sinamaan naman siya ng tingin ni Dero. Naalala kasi ni Dero ang unang pagtatagpo nila sa pasaway na batang to.

"Hay, salamat na lang na hindi na tayo ang kalaban nila. Baka hinimatay na ako ngayon sa pikon." Pagpapasalamat niya pa.

Makitang napalingon sa gawi nila si Panginoong Jiro mabilis silang bumalik sa dimension space at ikinuwento kay Orion ang nangyayari sa labas. Ngunit napatigil din makitang nanonood pala ang lalaki. Kaya naman nanood nalang din sila.

Napakunot naman ang noo ni Jiro saka tiningnan muli ang mga kabataang ito.

Si Elder Cid naman gusto ng mahimatay sa mga pinagsasabi ng mga pasaway na mga kabataang ito.

"Magmula ngayon, mag-aral na kayong mabuti at wag ng gumawa pa ng mga kalokohan. Isa kayong huwaran kaya alisin niyo na ang pagiging pasaway niyo. Ako mismo ang magtuturo sa inyo." Sabi niya saka naglalakad na papasok sa gate.

Makitang hindi sumunod sina Steffy tumigil siya sa paglalakad at tiningnan sila.

"Pumasok na kayo. Ano pang ginagawa niyo?" Sabing muli ni Jiro.

"Tuturuan mo talaga kami?" Tanong ni Steffy.

Tumango naman si Jiro.

"Ah, gano'n po ba." Sabay ngiti ni Steffy ng pilit. Maya-maya pa'y nagsalitang muli. "Hindi na po kami estudyante ng CMA. Expelled na po kami." Mabilis niyang sambit at tatakas na sana. Kaso may pwersang humila sa kanya palapit kay Jiro.

"At saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Jiro na may nagbabantang tono ang boses.

"Mamamasyal." Agad na sagot ni Steffy.

"Mamamasyal o magbibigay perwisyo sa iba?" Tanong muli ni Jiro.

"Sinabi kong mag-aral ka. Mag-aral kang mabuti. Bawal gumawa ng mga gulo at mga kalokohan." Sabi ni Jiro na hawak na ang likod ng kuwelyo ni Steffy. Napayuko naman si Steffy at napanguso.

"Wala akong ginawang kalokohan." Katwiran niya.

"Wala? Sino ang nagsunog sa tore ng mga Mystikan? Sino ang nagkontrol sa Pinuno nila? At sino ang nag-alis sa portal ng Chamni? At sinong pumatay ng maraming assassin ha?" Sunod-sunod na tanong ni Jiro na ikinasinghap ng mga nakarinig.

Pinalobo naman ni Steffy ang magkabilang pisngi at nakayukong pinagmasdan na lamang ang puting sahig dahil totoo lahat ang sinabi ni Jiro.

Bawal silang pumatay at alam niya yun pero wala na siyang pakialam sa anumang mga parusang igagawad sa kanya oras na malaman ng nakatataas ang ginawa niya.

"Tapos sasabihin mong wala kang ginawang kalokohan?"

Marinig ang mga ginawa nina Steffy napapigil sa hininga ang mga Chamnian maging ang mga guro. Kaya naman pala galit na galit ang mga Mystikan kay Rushka at may alitan ngayon ang dalawang panig, ang mga kabataang pala ito ang dahilan?

Parang gustong-gusto nilang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng lider at ni Rushka kapag nalamang naisahan sila sa grupo ng mga kabataang maituturing na mga bagong silang palang.

"Kalokohan ba yun? Taktika yon." Katwiran ni Steffy pero napingot sa tainga na ikinanganga niya at ikinangiwi na rin sa sakit.

"Mag-usap tayo. Para malaman mo kung gaano kalaki ang gulong pinasok mo." Sabi ni Jiro at mabilis na silang naglaho sa paningin ng lahat.

Nagkatinginan ang mga Chamnian.

"Bakit parang magkakilala ang batang yun at si Panginoong Jiro?" Tanong ni Headmaster Nehan at napatingin kina Sioji.

Kaya lang bago sila mapakapagtanong mabilis na sinundan ng bratty gang sina Steffy at Jiro.

Makitang naiwan sila, agad na sumunod sina Zin at ang mga kasama.

Nagkatinginan din ang mga Elders bago mabilis na humabol.

Naiwan naman sina Eshra at Lala na siyang dapat nilang sinundo ngayon at di si Jiro.

After awhile...

Nakadikit ang mga tainga nina Sioji sa isang higanteng pintuan.

"Ano na kaya ang ginagawa nila sa loob?" Tanong ni Rujin na sinisikap ns makarinig ng kahit kaunting tunog mula sa kabilang pintuan kung saan pumasok sina Steffy at ang imortal na si Jiro.

"Di kaya nagkagusto ang matandang iyon kay Steffy?" Napasinghap pa sila sabay takip ng mga bibig sa mga naiiisip na kababalaghan.

Sa pagkakaalam nila ilang libong taon na ang existence ni Jiro Heal sa Mysteria. Kaya lang, bihira itong nagpapakita sa mga Mysterian. Kaya kahit mukha pa itong nasa twenties para kina Rujin sobrang tanda na nito para magkagusto sa magfi-fifteen years old pa lamang.

"Di kaya pinarusahan na niya si Steffy?" Nanlalaki ang mga matang sambit ni Shaira.

"Kung pinarusahan siya at may masamang nangyari sa kanya malamang kanina pa tayo nakahandusay ngayon." Sagot ni Arken na ikinatango nilang lahat.

Sila kasi ang nasasaktan kapag nasasaktan si Steffy physically.

"Bakit pa ba kayo nakikinig diyan? Siguradong may sound barrier ng inilagay ang matandang iyon." Sabi naman ni Sioji.

Hindi niya kilala ang matandang iyon, pero sigurado siyang wala naman itong gagawing masama kay Steffy kaya hinayaan na niya.

"Tanda!" Rinig nilang sigaw ni Steffy. Napalayo pa sila sa may pintuan at napatakip sa tainga.

"Walang sound barrier pero mukhang kailangan nating gunawa ng sound barrier kung ayaw nating masira ang eardrums natin." Nakangiwing sambit ni Asana.

Hindi nila alam na sisigawan ni Steffy at tatawagin pang matanda si Jiro. Ang masaklap dahil may sound wave ang nilikha ng sigaw na iyon posibleng makakapanakit ng nasa mas mahina ang kapangyarihan.

"Buti nalang talaga at tayo-tayo lang ang nandito." Sambit ni Asana ngunit napatalon makita ang mga Elders na bumagsak sa sahig dahil sa pagdaan ng sound wave sa paligid.

Yung mga may malalakas na kapangyarihan, nasa gilid pala ng pader.

Saka naibaba ng bratty gang ang mga tingin at nakita sina Headmaster Nehan at Elder Cid na kunwari napapadaan lang ngunit halos idikit na ang mga tainga sa pader.

Muntik pang mapatalon sa gulat ang Bratty gang.

"Shh, wag kayong maingay. Baka mahuli tayo." Sambit ng Headmaster at nakalagay ang isang daliri malapit sa bibig.

"Sinabi ng wag na wag mo akong tawaging tanda." Boses naman ito ni Jiro.

"Bata." Tawag muli ni Steffy.

"Pfft." Natatawang sambit ni Elder Cid kasunod nito bigla na lamang silang nilipad ng hangin palayo kasama ang mga bratty gang.

At magmula no'n wala na silang maririnig mula sa loob.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top