Chamni 46: Pagbibigay galang
Sumulpot naman sina Steffy sa tapat ng gate ng CMA. Nakasabay nila ang iilang mga estudyante na papasok din sa paaralan.
"Magsitabihan kayong lahat. Dadaan ang mga bisita." Sabi ng mga estudyante or disipulong nagbabantay sa gate.
"Woah. Parang mga hari lang ang style a. Biruin mo, lahat kailangan pang tumabi?" Sambit ni Steffy.
"Hindi na mga hari o emperador lang ang dadaan kundi mga imortal kaya tumahimik ka diyan." Siniko pa ni Asana si Steffy para tumahimik na ito.
"Nakaka-curious naman. Sino kaya iyang sinasabi nilang mga imortal?" Sambit naman ni Aya.
"Huy kayo. Bakit nakatunganga lang kayo diyan? Tabi!" Sigaw ng isang lalaki kina Steffy. Inihampas nito sa sahig ang latigong hawak. Nagsiliparan ang mga alikabok sa katawan ng magkakaibigan.
"Dinumihan mo ang damit ko?" Akmang susugod si Aya pero hinila siya ni Izumi.
"Huminahon ka."
Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng mga ubo at nakikitang nakaligo na ng alikabok ang lalaki.
"Kayo!" Nanggigil niyang sambit sabay turo sa grupong painosenteng makatingin sa kanya. Ni di niya alam kung sino sa grupo ang dahilan kung bakit nagtungo sa kanya ang mga alikabok sa paligid.
"Sino sa inyong gumawa nito?" Humakbang siya palapit nang madulas sa isang malagkit at madulas na bagay na ikinaupo niya sa basang sahig. Hinanap niya kung sino ang may gawa ngunit wala siyang makitang posibleng maygawa non kundi ang mga kabataan lamang ito.
Ang totoo napagdiskitahan lang niya ang bratty gang sa pag-aakalang nandito sila para masilip ang mga imortal. Kapansin-pansin kasi ang magagandang tindig at pangangatawan ng grupong ito. Lalo na ang mga mukha. Iniisip niyang baka isa sila sa mga Mystikan na napadpad dito para manggulo sa mga bisita o ba kaya para mag-espiya.
Posible ring mga ordinaryong mga Chamnian lamang sila na gustong makita ang mga bisita ng CMA. Para sa kanya walang karapatan ang mga ordinaryong mga Chamnian na makita ang mukha ng mga special guest nila lalo na ng mga imortal. Hindi niya kilala sina Steffy at wala ang grupo niya sa CMA noong mga panahong nasa CMA pa sina Steffy.
Itinaas niya ang latigo na nababalot na ng Chamnian Tzi para ihampas sa bratty gang nang bigla na lamang may bumuhos na malamig na tubig at sa halip na matanggal ang mga alikabok lalo lamang dumikit sa kanyang mga balat nang mabasa.
Galit na galit siyang napatingin sa grupo ng mga kabataang painosente paring nakatingin sa kanya.
Makitang parang inaapi ang kasamahan nila di na nakapagpigil ang iba at nagsilapitan na rin.
"Bakit niyo pinapahiya si Senior Suien?" Tanong ng isa sa apat na mga disipulo na lumapit.
"May ginawa ba kami? Nakatayo lang kami dito o." Sagot naman ni Hyper at nagkibit-balikat pa.
Makitang mukhang may nanggugulo na naman, lumapit na ang lider ng mga disipulo na nandito upang salubungin sana ang mga bisita.
"Ano ang nangyayari dito?" Tanong ng isang lalaking nakasuot ng red uniform. Kadalasan sa mga nakakapagsuot ng mga kulay red ay mga special students katulad na lamang sa mga Mystikan noon pero sa sitwasyong ito isang CMA disciple ang lalake na may special identity sa CMA.
"Ang mga batang yan, nandito para makita ang mga bisita. Sinabihan ko sila na tumabi, kaso ayaw nilang makinig at pinahiya nila ako." Sagot ni Suien. Hiyang-hiya kasi siya sa sinapit niya ngayon at gusto niyang gantihan ang grupong ito.
"Kung makapagtaboy kasi parang nantataboy ng aso. Ganito ba kayo magtrato ng junior niyo?" Sagot naman ni Shaira.
Napatingin sila kay Shaira at sa lalaking nakapula. Kapansin-pansin ang pagkakapareho ng mga mata ng dalawa.
Si Steffy naman palipat-lipat ng tingin sa nakapulang lalake at kay Shaira. "Shaira para kayong match made in heaven. Bagay na bagay kayong dalawa." Sambit ni Steffy.
Nang marinig naman ang sinabi ni Steffy nagpalipat-lipat naman ang tingin ng apat na mga disipulo kina Shaira at ng nakapulang lalake.
Tumango-tango naman ang isa sa apat. "Oo nga Jaiden, bagay na bagay kayo."
"Magsitigil nga kayo." Sagot ni Jaiden at seryosong tiningnan ang mga kasamahan na ikinatikom ng mga bibig nila. Ibinalik ni Jaiden ang tingin sa mga batang mukha namang hindi narito para manggulo. Ang ipinagtataka lang niya dahil hindi man lang nai-intimidate sa presensya nila lalo na sa kanya ang mga kabataang ito.
"Gusto ko lang sabihin na kailangan niyong umalis kung wala naman kayong importanteng pakay sa lugar na ito. Kailangan naming matiyak na malinis ang daan na dadaanan ng mga bisita kaya sana lumayo-layo kayo." Paliwanag ni Jaiden makitang palapit na ang mga karwaheng sinakyan ng mga imortal.
Napalingon sina Steffy sa mga ordinaryong mga Chamnian na nakapila sa malawak na espasyo sa labas ng CMA. Halos di na nila matanaw ang dulo ng mga Chamnian na naghihintay sa mga bisita ng CMA.
"Bakit parang pinapanginoon nila ang mga imortal na yan? Di naman sila mga panginoon a." Sambit ni Sioji na nakakunot ang noo.
Napakunot din ang noo ni Jaiden sa narinig. Para sa kanila katulad na sa panginoon ang mga imortal kaya walang dapat ginagalang ang mga ito at di pagsalitaan ng di maganda.
Mula sa likuran, lumabas na sina Zin mapansing mas magiging malala ang sitwasyon. "Tsilde Jaiden, nandito kami para bumalik na sa loob ng CMA."
Nagulat pa ang mga disipulo lalo na si Suien makita sina Zin. Ang disipulong si Elder Cid mismo ang nagturo.
"Arkian Zin?" Sambit ni Jaiden sabay tingin sa siyam pang mga Arkian. Saka naalala ni Jaiden ang sinabi ni Shaira na junior. Kung gano'n mga junior nila ang mga kabataang ito?
"Mas mabuti na sigurong wag kayong nanghuhusga agad. Dapat nagtanong muna kayo e." Sabi naman ni Geonei.
"Wala na akong ganang manood ng prusisyon ng mga imortal na yan. Pasok na tayo." Sabi naman ni Rujin na sinisipa-sipa ang maliit na batong nakita.
"Oo nga. Tara na. Gusto ko ng makuha ang points ko." Masiglang sambit ni Steffy maalala ang points na makukuha nila mula sa mga misyong kanilang tinapos.
"Points?" Tanong ni Jaiden. Mga estudyante lang na nasa class level 11 to level 20 ang pwedeng makalabas para tumapos ng misyon kaya lang hindi niya nakikitaan ng mga malalakas na enerhiya ang mga kabataang ito. Ngunit maalala ang sinabi ni Geonei na wag manghusga agad bahagya ulit siyang napahiya.
Hindi nga siya nagtanong at bigla na lamang siyang nanghusga. Ang dami na kasing nagpapanggap na estudyante ng CMA nang malaman ng lahat ang pagdating ng mga bisita. Kaya naman hindi niya pinansin ang sinabi ni Shaira na junior sila.
"Kahit mga binabantayan niyo pa sila, kailangan niyo paring magpakita ng ID or identity token man lang bago makapasok." Sabi ni Jaiden. Gusto lang niyang makasiguro.
Inilabas nina Sioji ang badge nila sa pagiging huwaran. Inilabas naman ni Steffy ang token na ibinigay ng Headmaster sa kanya.
"Mga huwaran?" Sabay-sabay nilang sambit. Kahit si Suien ay di makapaniwalang huwaran pala ang balak niyang itaboy kanina. Hindi lang yun, ang hawak ni Steffy na puting token na may carvings ng CMA logo ay isa sa tatlong token na meron ang Headmaster. Ang isa ay hawak ng pinagkakatiwalaan ng Headmaster at ang pangalawa ay nasa Headmaster at di nila alam na hawak ni Steffy ang ikatlo.
"Ipagpaumanhin niyo kung naging masama man ang aming pakikitungo sa inyo kanina." Sambit ni Jaiden at nag-bow ng bahagya bago hinayaang makadaan sina Steffy.
Siya ring pagdating sa mga bisita at pagdating ni Headmaster Nehan kasama ang iba pa.
Nang makita nina Elder Cid at Headmaster Nehan ang grupo nina Steffy mabilis silang nagsilapitan.
"Saan na naman kayo gumala ha? Bakit ang tagal-tagal niyong bumalik?" Sabay pitik sa noo ni Steffy na siyang pinakamalapit sa kanya.
Napahimas naman si Steffy sa noo. "Bakit ba ako lage ang unang napapansin?" Saka napalingon sa mga kasama. Kaya naman pala siya ang napitik ng Headmaster sa noo dahil nakatago sa likuran niya ang mga kaibigan niya.
"Mabuti naman at nakabalik na kayo. Ilang buwan kasi kayong nawala." Sabi naman ni Elder Cid.
Nagkatinginan naman sina Jaiden at ang mga kasamahan niya. "Malapit pala sa Headmaster ang mga kabataang iyan?" Tanong ng isa at napatingin kay Suien.
"Buti nalang talaga at di natin sila ginalit. Lagot sana tayo kay Headmaster at Elder Cid." Sambit din ng isa at nakahinga ng maluwag.
Binundol naman ng kaba ang puso ni Suien sa takot na isumbong siya nina Steffy kay Elder Cid. Napaka-overprotective kasi nito sa kanyang mga disipulo.
"Master, Mukhang may nakalimutan kayo." Sambit ni Steffy.
"Ikaw ang nakalimot. Kinakalimutan mong iniwan mo ang master mo sa Academy. Ni di ka man lang nagparamdam." Para kasi sa kanya, personal disciple na niya si Steffy at mas nangibabaw ang feeling master niya nang tawagin siya nitong Master. Kahit hindi siya nito tinawag na Ele ayos na sa kanya ang kilalanin siya nitong Master.
May tumikhim naman sa gilid saka nila napansin ang isang lalaking may gintong buhok.
Saka naalala ng Headmaster at Elder Cid na nandito nga pala sila para salubungin ang mga bisita.
"Panginoong Eshra." Mabilis silang nagsiluhuran matapos banggitin ang pangalang Eshra.
Makitang nagsiluhuran ang Headmaster at ang mga kasama nitong mga Elders ng CMA nagkatinginan sina Steffy.
"Akala ko pangalan ng babae ang Eshra." Sambit pa ni Steffy.
"Kala ko din." Tumango-tangong sagot ni Rujin na ikinadilim ng mukha ng lalaking tinawag nilang Panginoong Eshra.
Luluhod din sana sina Zin at ang mga kasama niya ngunit naalala nila ang sinabi ni Steffy na di nila kailangang lumuhod sa kahit sino basta nasa mundong ito. Saka hindi naman sila naaapektuhan sa malakas na pressure na binibigay ng kaharap nilang imortal ngayon.
"Magbigay galang kayo bilis. Kailangan niyong lumuhod." Sabi ni Elder Zisu.
Napatingin naman si Elder Cid kay Steffy at sa mga batang kasama niya. Maiintindihan niya kung di luluhod ang mga batang to. Pero ang mga Arkian na mga tagapagbantay nila bakit hindi rin luluhod? Gusto ba nilang mamatay?
"Magbigay galang kayo kay imortal Eshra." Sigaw ng bantay ni Eshra.
Dalawang kawal ang nakatutok ng hawak nilang espada sa gawi nina Steffy kaya naman mabilis na nagsalita si Elder Cid.
"Ipagpaumanhin niyo. Hindi ko naturuan ng mabuti ang mga disipulo ko. Sana nama'y..." Di niya natapos ang ninais sabihin dahil nagsalita agad si Sioji.
"Hindi mo kailangang manghingi ng tawad para lamang sa amin." Sabay tingin sa lalaking tinatawag nilang Panginoong Eshra. " Imortal ka lang at di ka panginoon. Kung pinapanginoon ka ng iba at niluluhuran, hindi naman siguro dapat luluhod ang mga Chamnian na di ikaw ang itinuturing na panginoon di ba?" Kalmadong sagot ni Sioji.
Pinagpawisan namang bigla ang mga Elders nang marinig ang sinabi ni Sioji.
"May iba pang dadaan. It's either magpatuloy kayo o pumagilid kayo." Sabi naman ni Asana.
Magsasalita sanang muli ang alalay ni Eshra pero itinaas ni Eshra ang isang palad. Sinubukan niyang lakasan ang pressure sa paligid ngunit bakit ang mga Elders lamang ang naaapektuhan at hindi ang mga kabataang ito?
Nilapitan naman ni Steffy si Elder Cid. "Tinawag po kitang Master kaya para ka na ring ama ko. Hindi ka dapat lumuhod sa kahit sino maliban na lamang sa tunay na panginoon." Pinatayo niya si Elder Cid na ngayon nakahinga ng maluwag dahil di na naramdaman ang mabigat na pressure na tila nakadagan sa kanya kanina.
Maalala ni Elder Cid ang Emperatris, siguradong tutustahin sila nito kapag pinaluhod nila ang kanyang anak sa kahit sino. Kaya lang hindi niya alam kung ano ang iisipin ng iba at kung ano ang posibleng gagawin ni Eshra kina Steffy. Kaya naman, nag-alala siya. Si Eshra pa naman ang tipo ng mga imortal na nagpaparusa kung kailan niya gusto.
Hindi naman niya maaaring sabihin na isang Zaihan princess si Steffy dahil ayaw niyang pangunahan sina Steffy para maipaalam sa lahat kung sino siya. At alam niyang may dahilan din kung bakit hindi ipinaalam ni Steffy sa lahat kung sino siya.
"Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng mga batang ito. Maaari mo ba silang ibigay sa akin Headmaster?" Request ni Eshra.
Sino lang ba si HM Nehan para tanggihan ang hiling ng isang imortal? Pero mas pinili niyang hindi magsalita.
Siya ring pagdating sa isa pang grupo. "Sandali. Kayo yun." Natutuwang sambit ni General Hyell nang makita sina Steffy.
"Kahit saan-saan namin kayo hinanap. Sabi ko na nga ba dito namin kayo matatagpuan." Masiglang sambit nito.
"Kilala mo sila?" Tanong ni Eshra.
"Imortal Eshra. Sila po ang mga kabataang hinahanap namin. Kaya kung ano mang kasalanang nagawa nila sana naman palagpasin niyo na muna. Alang-alang kay Master." Sabi ni General Hyell.
"Tinuturuan ko lang ang mga estudyanteng nag-aaral sa aking paaralan. Ano bang masama don?" Sagot ni Eshra.
"Master, siya ba ang may-ari ng CMA?" Tanong naman ni Steffy sabay turo kay Eshra.
"Isa siya sa founder ng CMA." Sagot ni Elder Cid.
"Hindi ko alam na hindi na pala marunong magbigay galang sa nakatatanda ang mga estudyante ng Chamnian Mystic Academy?" Sabi ng isang babae na nakasuot ng black na bestida.
Mabilis namang lumapit sa kanya si Steffy sabay mano.
"Mano po lola."
Everyone. "???"
"Anong ginagawa mo?" Nanlalaki ang mga matang sambit ng babae.
"Nagbibigay galang." Sagot naman agad ni Steffy.
Mabilis namang nagsiyukuan ang mga nagpipigil ng tawa habang sina Sioji naman nagsitawanan talaga na lalong ikinadilim ng mukha ng babae.
****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top