Chamni 43: Training ng mga bodyguards
Maayos na ulit ang mga buhok nina Sparr, Spyd, Izu, Lucid, Rave at Dero. Ipinakilala din sila ni Steffy kina Zin, at sa siyam pang tagapagbantay.
"Nga pala, ito si Kuya Zin. Ang personal bodyguards ko. Kuya Zin, ito naman si Spyd, pinsan ko. Rave at Dero na tagapagbantay ko rin ngunit iba ang trabaho nila kaysa sayo." Paliwanag ni Steffy.
Nang ipakilala si Spyd bilang pinsan, itinaas agad niya ang noo at halatang proud sa sinabi ni Steffy. Bagsak balikat naman si Lucid dahil di man lang nabanggit ang pangalan niya.
"E ako? Ano ako?" Tanong ni Lucid.
"Ikaw ang tagagawa sa pinakamapanganib na misyon. Dahil sa kanilang lahat, ikaw ang may pinakamapanganib na kapangyarihan." Paliwanag ni Steffy na ikinaliwanag ng mukha ni Lucid. Siya ang gagawa sa pinakamapanganib na bagay ibig sabihin mas malaki ang tiwala ni Steffy sa kanya kumpara sa iba.
"E ako? Bakit di mo ako isinali sa magiging bodyguards mo?" Tanong ni Izu.
"Dahil prinsipe ka. At di ko gagawing bodyguard ang kapatid ng kaibigan ko. Higit sa lahat, mas kailangan ka ni Izumi kaysa sa akin." Paliwanag ni Steffy. Tumango naman si Izu. Mas kailangan nga siya ng kapatid niya. At hindi rin niya hahayaang may mangyayaring di maganda sa kapatid niya.
"Sina Rave at Dero ang magiging hidden guards ko." Saka napatingin sa naghihintay na si Sparr.
"Hindi ko alam kung ano ang gusto mo kaya ikaw na ang mamimili sa kung saan ka."
"Pansin kong may mga bodyguards ka na, mga sundalo at mga kaibigan at kapatid. Ngunit wala ka man lang naisip na gawing alalay mo kaya maari bang ako nalang?"
"Eh?" Gulat na sambit ni Steffy. Sa dami kasi ng posisyon na pwedeng kunin ni Sparr alalay pa ang naisip.
"Wag kang mag-alala. Magaling akong magluto, maglinis at marami akong kayang gawin." Mabilis na paliwanag ni Sparr sa takot na di tatanggapin.
Isang captain sa bratty army si Sparr pero mas piniling maging alalay kaysa bodyguard o secret guard ba?
Napaisip naman si Steffy. Bilang isang prinsesa ng Zaihan marami siyang mga kawal at hidden guards. Marami rin siyang mga maid na siyang naghahanda sa lahat ng mga kakailanganin niya sa bawat araw. Pero lahat ng iyon ay mas tapat sa mga magulang niya. Ngayong malaki na siya, hindi na niya kailangan ang mga alipin o alalay pero makita ang nakikiusap na mga mata ni Sparr, napabuntong-hininga na lamang siya at tumango na lamang.
"Sige na nga lang. Ikaw na yung utus-utusan ko." Sambit ni Steffy at naisip na may mauutusan na siyang mangunguha ng mga prutas na gusto niyang kainin.
"E ako, anong gagawin ko master?" Tanong ni Jewel na ikinurap-kurap pa ang mga mata.
"Manatili ka lang maging cute, ayos na yun."
"Trabaho ba yun? Mukhang hindi naman." Nagtataka tanong ng munting bata.
"Trabaho din yun. Mahirap kayang panatilihin ang pagiging cute." Sagot ni Steffy.
Tumango-tango naman si Jewel at iniisip kung paano pananatilihin ang ka-kyutan niya.
"Ako naman gusto kong magiging katipan mo." Mabilis na sabi ni Gellian at naka-cross arms pa. Pinitik naman ni Steffy ang noo ng may six years old look na si Gellian.
"Bakit ba? Meron na kaya lahat sayo? Katipan nalang ang kulang. O baka naman gusto mo asawa?" Napaisip ito saglit saka tumango-tango. "Sige na nga lang. Payag na lamang akong maging asawa mo." Seryosong sabi pa ni Gellian.
Nagkatinginan naman ang mga kalalakihan sa buong silid. Maging sina Steffy at Sioji. Saka ibinabang muli ni Steffy ang tingin sa batang nakatingala sa kanya. Napatitig siya sa seryosong mukha ni Gellian at sa seryosong mga tingin nito, kasunod nito ang malakas niyang tawa.
"Eh? Ayaw mo rin? Sige na nga. Payag na akong magiging anak mo." Natahimik ulit ang lahat. "Di parin pwede?" Ilang sandali pa'y napayuko siya at saka napabuntong-hininga sabay sabi ng "kung ayaw mo parin uncle nalang. May ama ka na kasi. Marami pa nga e. May ina ka na rin, lolo at lola. May mga kaibigan ka na rin. Katipan, asawa, anak at uncle na lang ang wala." Malungkot nitong sambit. Mapansing wala pa ring kibo si Steffy mas lalong bumagsak ang balikat ni Gellian. Hindi niya napansin ang natatawang mga kasamahan sa paligid.
"Ayaw mo ng Asawa. Ayaw mo rin ng katipan. Ayaw mo rin ng anak. Kaya..." Bumuntong-hininga ulit ito saka sinabing "uncle nalang." He said helplessly na parang sinasabing ito na lang dahil wala na siyang iba pang pagpipilian.
Hinihintay ni Gellian ang sagot ni Steffy ngunit tawa lang ang naririnig niya. At nang tumawa ng malakas si Steffy, hindi na rin nakakapagpigil ang iba at umalingawngaw sa buong silid ang mga tawanan nila.
Muntik pang mahulog sa inuupuang bakal na railings ng bintana si Sioji dahil sa sinabi ni Gellian. Ilang sandali pa'y napatawa na rin siya sa narinig. Ngunit napatigil mapansing nakatingin pala sa kanya ang mga Chamnian sa ibaba ng kanyang kinaroroonan. Kitang-kita kasi siya sa labas ng Inn at nakikita siya ng mga dumadaang mga Chamnian.
"Prinsipe kaya siya?"
"Ang gwapo talaga niya."
"Sabi nila wala ng makakatalo sa Jumei ng Zaihan pero bakit may mas gwapo pa pala sa kanya?" Tanong ng isang babae.
"Hindi kaya siya ang prinsipe sa kaharian ng Jadei?" Panghuhula naman ng isa pang babae.
Kilala sa kagandahan at kagwapuhan ang mga mahaharlika sa bawat kaharian lalo na sa bawat royal clan. Pero mas kilalang may maraming lahi ng magaganda at mga gwapo ang Jadei kingdom na kahit ang mga ordinaryong mga Chamnian sa kaharian ay may natatanging mga ganda.
Kaya kung makakakita sila ng napakagandang babae o lalake iisipin nilang isa itong maharlika o mula ba sa royal na angkan. At kung hindi naman, iisipin nilang galing ito sa Jadei Kingdom.
Mabilis namang umalis mula sa bintana si Sioji at tinakpan agad ang bintana.
Nagsilitawan naman sina Asana at iba pa. Naabutan nilang tumatawa ang mga kasamahan ni Steffy habang si Steffy naman kinukurot ang pisngi ni Gellian. Kung katulad pa dati nag-aalala na sila na baka mabitak pa yung pisngi ng dating munting agila na ito. Ngayon naman, alam nilang kontrolado na ni Steffy ang lakas nito.
"Gellian, bakit ang cute-cute mo?" Tanong pa ni Steffy kay Gellian sabay yakap dito.
"Di mo ba alam na bawal yakapin ng babae ang lalake?" Sabi ni Sioji sa pinsan. Tumango-tango naman si Spyd na sang-ayon sa sinabi ni Sioji. Mahigpit na ibinilin sa kanila na wag hayaang mahulog si Steffy sa kahit sinong lalaki. Kaya kahit ang tinatawag nilang pipit dati at ngayon nasa katawang bata na, ididistansya pa rin nila kay Steffy.
Kaya lang nakatok lang si Sioji sa ulo dahil sa sinabi nito.
"Bakit na naman?" Angal ni Sioji at napahimas sa ulo.
"Baby ko si Gellian kaya walang bawal." Sagot ni Steffy at sinamaan ng tingin ang pinsan. Si Gellian naman napangiti dahil niyakap siya ni Steffy.
"Ako din." Sabi ni Jewel at yumakap din kay Steffy. Para tuloy silang magkakapatid na nagyayakapan.
"Inggit ako. Kaya ako din." Makikisali din sana si Hyper pero may humila sa kuwelyo niya palayo. Napanguso na lamang siya at sinamaan ng tingin si Sioji.
"Nasaan na ang mga alaga niyo?" Tanong ni Steffy makitang walang kasama sina Asana paglabas nila.
"Natutulog parin sila." Sagot ni Asana. Pagpasok nila kanina, hindi nila agad natagpuan ang mga warrior beast nila. Iyon pala nagkahiwa-hiwalay ang mga ito at natutulog sa iba't-ibang parte ng Haimyr. Natuklasan din nilang mas lumawak ang kalupaan ng Haimyr.
Nag-expand din ang white fog na bumalot sa buong lugar. Kung saan makikita ang white fog doon matatagpuan ang hangganan ng dimension. Natuklasan nilang hindi sila makakadaan sa white fog na ito. At di nila alam kung ano pa ang meron sa kabila ng white fog. Hindi alam ni Steffy ang pinagkaiba ng dimension dahil isang beses lang naman nakapasok ang katawan niya dito. At kapag consciousness lamang niya ang kanyang ipinapapasok, limitado lang din ang lugar ang kanyang mapupuntahan. Kaya di rin niya alam kung ano pa man ang nasa loob.
Nang lumabas sila ng Inn, laking gulat ng innkeeper makitang nadagdagan na sila. Ni hindi nila alam kung saan pumasok ang anim pang mga kasama nina Steffy. Ngunit pinili na lamang nitong manahimik dahil ramdam na ramdam niya ang malakas na aurang nangggaling sa anim pang mga kalalakihang ito.
Ilang araw din ang lumipas. Noong una ay ginugulo ng mga halimaw at iilang magic beast ang Alastanya ngunit ngayong mga nagdaang mga araw, walang ni isa man lang na mga magic beast o mga halimaw ang may gustong tumapak sa lugar na ito. May iilang naglalakas ng loob na tumapak dito ngunit hindi para manggulo kundi para makipagkaibigan sa makapangyarihang grupo.
May isang guild din ang nabuo. Iyon ay ang misteryosong guild na walang nakakaalam kung sino ang pinuno. Natuklasan din ng iba na ang mga miyembro sa guild na ito ay isa sa mga nagwasak sa assassin guild na binuo ni Rushka.
May mga markang H ang sinumang kabilang sa guild na ito. Kilala ang guild na ito bilang bratty guild. Ito kasi ang ipinangalan ng kung sino mang walang maisip na magandang pangalan na lider ng nasabing guild.
"Next target. Rushka." Sambit ni Steffy. Gusto niyang masanay ang katawan ng mga bodyguards na ito sa pakikipaglaban sa mga mas malakas.
"Mag-training kayo." Sabi niya sa bagong mga bodyguards.
Hindi inaakala nina Zin at iba pa na ibang training pala ang mararanasan nila dahil sa unang pagsasanay nila nakikipaglaban na agad sila sa kinatatakutang grupo ng Chamni.
Hindi rin nila alam kung bakit kahit saang lupalop ng Alastanya nagtatago ang mga kriminal at mga takas na mga makasalanang Chamnian, natatagpuan parin sila ng grupo nina Steffy. Ang ikinagulantang nila ay ang unang araw na inutusan silang makipag-duel kay Rushka.
Kinatatakutan nilang ex-grand prince ng Perzellia. Ilang ulit talaga silang halos mamamatay na sa mga kamay ng lalake ngunit sa tuwing maisip nilang katapusan na nila saka naman sila maglalaho at parang panaginip na lamang ang mga sakit na kanilang nararamdaman. Hanggang sa nasanay na rin sila sa sakit sa ilang ulit nilang pakikipaglaban at sa ilang ulit din nilang pagkatalo tapos gagamutin din agad nina Steffy.
"Kung ayaw niyo na maaari na kayong umatras at umalis. Hindi lang katulad niya ang makakalaban niyo sa hinaharap kaya kailangan niyong masanay sa ganitong uri ng labanan." Sabi ni Sioji kapag napapansin niyang namimilog ang mga mata nina Firm at iba pa sa takot kapag naiisip na si Rushka ang kakalabanin nila.
Ngunit hindi sila susuko. Mga miyembro ng Royal clan ang pinoprotektahan nila kaya hindi lang mahigit isang katulad ni Rushka ang makakalaban nila sa hinaharap. Gusto rin nilang maging mas malakas kaya gagawin nila ang lahat para mas lumakas pa. At di bibiguin ang tiwalang ibinigay ng mga kabataang ito sa kanila. Saka napansin nilang totoo nga ang sinabi ni Steffy na hindi sila mamamatay hangga't hindi si Steffy ang nalalagay sa alanganin.
Napilitan naman si Rushka na lumipat ng lugar na mapagtataguan dahil hindi lang ang mga CMA, Perzellian at mga Vergellian ang naghahabol sa kanya kundi meron pang mga Mystikan at ngayon naman ay ang Bratty guild na ito. Noong una inaakala niyang binubuo lamang ito ng mga mahihinang Chamnian ngunit nang subukan niyang bigyan ang mga ito ng leksyon, muntik na siyang makulong sa isang ilusyon na di man lang nakita kung sino ang kanyang kalaban.
At magmula noon wala ng araw na walang umaatake sa kanya kahit saan siya magtago. Kapag malapit na niyang matalo ang sinumang aatake sa kanya dahil mas mahina ang mga ito sa kanya, bigla naman silang naglalaho. At kung kailan iniisip niyang mamamatay na siya saka naman sila aalis.
Tulad na lamang ngayon. May umaatake sa kanya ngunit wala siyang makikita kung sino.
"Bakit di niyo na lang ako patayin ha?" Sigaw niya at may tumama na namang kamao sa kanyang mukha.
Ganito makipaglaban ang mga kaaway niya. Kaya inaakala niyang galing ang mga ito sa Jadei Kingdom kasi kaya nilang maglaho sa paningin ng lahat. Bihira lang ang nakakagawa ng ganitong bagay maliban sa mga Jadeian. Sa kanila lang naman ang may maraming mga Chamnian na may kakayahang itago ang mga presensya at pisikal na katawan sa mga mata ng iba.
"Sayang. Bihira lang ang may lakas na katulad mo. Kapag nawala ka paano namin matutuklasan kung ano pa ang mga kahinaan namin kapag may nakakasalubong kaming katulad mo sa lakas?" Sagot ni Aya na nakalutang sa hangin habang umiikot-ikot sa paligid.
Natuklasan ni Rushka na ginawa lang siyang training object ng grupong ito. Kaya naman hindi siya pinatay ng mga ito. Totoong imortal siya at hindi namamatay ngunit may hangganan ang parte na hindi siya mamamatay. May mga paraan naman kasi para mamatay siya at siguradong alam ng kabilang parte ang paraan para mawala siya. Ngunit di nila ginawa.
"Manggulo ka na ulit. Di kami mangingialam pero wag sa Alastanya o sa saan mang bahagi ng Zaihan kingdom dahil di ako papayag." Sabi naman ni Steffy malapit sa tainga ni Rushka.
"Sino ka ba? Sino ba kayo?" Tanong nito habang iwinawasiwas ang espada sa hangin.
Base sa boses na naririnig, sigurado siyang mga teenagers pa ang mga ito. Ngunit ang mga grupo ng mga nagpapakita sa kanya noon, sigurado siyang hindi ang mga naka-invisible na ito. Ang ipinagtataka lang niya kung paanong sa bawat oras na mapapatay na niya ang mga ito bigla-bigla lang silang naglalaho. Tapos iba na naman ang darating at susubukan din siya.
"Sobrang lakas mo nga. Kaya sa susunod na lang tayo muling magkita. Maglalaban ulit tayo kapag naabot ko na ang rank ng kapangyarihan mo." Sabi ni Steffy at nawala na ang boses nito ganon na rin ang mga boses sa paligid.
Inis na inis namang ibinato ni Rushka ang espada sa isang pader. Tumarak ang kanyang espada sa matigas na pader at halos bumaon na ang buong blade nito.
Pakiramdam niya ilang araw siyang pinaglalaruan ng grupong ito. At parang hawak nila ang kanyang buhay na kahit ano mang oras nila gustong tapusin ang buhay niya matatapos agad nila.
Kaya naisipan niyang iwasan na muna ang grupong ito hangga't maaari. At narinig niyang walang pakialam ang mga ito sa ibang kaharian maliban lamang sa Zaihan kaya naisip niyang siguro mula ang grupong ito sa lahi ng Emperador at Emperatris na ipinadala sa Alastanya para balaan siyang wag manggugulo sa kahariang nasasakop ng Zaihan.
***
(Revised)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top