Chamni 40: Nanggugulo
"Oras na rin ng training niyo." Sabi ni Steffy kina Zin. May golden thread of energy ang lumabas mula sa mga daliri ni Steffy at nagtungo ito sa katawan ng sampung kawal.
"Isa itong life and death contract. Mamamatay lang kayo sakali mang mamamatay ako. Ibig sabihin, hangga't buhay pa ako, walang masamang mangyayari sa inyo. At kahit gaano man kalakas iyang makakalaban niyo, hindi kayo mamamatay hangga't buhay pa ako. At di niyo na kailangan pang matakot sa mga death energy nila dahil may golden energy na rin kayo." Paliwanag ni Steffy.
Kung wala siyang mailalabas na Mysterian energy kailangang dugo niya ang ipainom kina Zin ngunit ngayong may enerhiya na ulit siyang magagamit, bigyan lang niya ng golden light energy ang sinumang ayaw niyang mapahamak. Kailangan nga lang ng mga nakainom ng dugo niya o naka-life and death contract niya ang panatilihing ligtas siya at buhay, dahil kung mamamatay siya, mamamatay din sila.
Sa sitwasyong ito, mas nakakabuti kina Zin ang makipag-life and death contract sa kanya para matiyak ang kaligtasan nila. Ngunit maaari naman niyang alisin ang contract na ito pagkatapos ng labanan, kaya di na niya tinanong pa ang opinyon ng mga kawal. Balak kasi niyang alisin nalang mamaya ang golden light na mula sa kanya.
Naramdaman nina Zin ang kakaibang lakas na bumalot sa buong katawan nila.
"Bakit pakiramdam ko nadagdagan ng isang level ang kapangyarihan ko?" Sambit ni Hoffer. Sinuri niya ang kanyang kapangyarihan at natuklasang mula novice Mystic level nagiging average Mystic level na siya.
Pinalibutan na sila ng limampung mga assassin.
"Kayo ng bahala sa kanila. Sabihin niyo lang kung di niyo na kaya at kung kailangan niyo na ng tulong." Sabi ni Steffy.
Naglaho siya sa paningin ng iba maliban sa mga kaibigan niya, wala ng makakakita sa kanya.
"Handa na ako." Sabi ni Shaira.
Kinakabahan naman ang sampung mga kawal. Ito na yata ang unang pagkakataon na makikipag-laban sila sa isang Mystic stage grandmaster level.
Sumigaw ang mga assassin palatandaan na sumugod na sila. Hindi katulad ng bratty gang na tahimik lamang kung aatake.
"Bakit ba kapag makikipaglaban sila may pasigaw style pa? E di nalalaman tuloy ng kalaban nila na aatake sila." Sambit pa ni Steffy na prenteng nakaupo sa hangin at naghahanap na naman ng makakagat na pagkain.
Fast forward.
Sa isang magarang palasyo, nakaupo ang isang lalaking may korona sa ulo na gawa sa makapangyarihang jade stone. Sa ibaba ng trono ay isang lalaking may red dot sa noo at nakaluhod.
"Napatay niyo ba silang lahat?" Tanong ng lalaking nasa trono sa lalaking nakaluhod. Napataas ang kilay niya makitang hindi maganda ang ekspresyon ng mukha ng pinaka magaling niyang assassin.
"Bakit? May nakatakas sa kanila?" Tanong pa nito.
"Mas nararapat po sigurong sabihin kung may nakatakas ba sa mga ipinadala natin Master. At kung may nakatakas ba sa mga assassin natin." Nanginginig ang mga kamay na sagot nito. Butil-butil ng pawis rin ang namumuo sa kanyang noo.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Nakataas ang kilay na tanong ng may korona. Lalo namang lumamig ang buong paligid pagkatapos niyang magsalita.
"Wala pong nakatakas sa mga assassin natin kamahalan. At kung nakita nila ako, wala ng pag-asa pang makakatakas ako mula sa kanila."
Napatayo ang lalaking nasa trono sa narinig.
Mahigit dalawang daang assassin ang ipinadala niya, pero wala man lang ni isa ang nakabalik maliban sa kausap niya ngayon?
"Master, masyado pong malalakas ang mga kabataang iyon at hindi ko alam kung hindi ba nila ako nasundan. Kung wala akong teleportation ability, malamang hindi na ako makakabalik pa."
"Ang mga assassin sa Alastanya at ang assassin organization sa Bernaya bakit di mo sila ginamit? Para matapos na ang sampung mga kabataang iyon?"
"Wala na po ang mga assassin organization natin. Walang natira kahit isa." Mahinang sambit ng lider ng mga assassin.
Napahawak sa dibdib ang lalaking may korona dahil sa narinig.
"Patay na po silang lahat." Dagdag pa ng lider ng mga assassin.
"Mga walang kwenta!" Sigaw ng lalaking may korona na ikinaigtad ng lalaking nakaluhod.
"Tipunin mo ang lahat ng mga natitira nating mga assassin at sabihan na kung may kliyente na gustong ipapatay ang sampung mga kabataang iyon, tanggihan niyo. At isa pa, wag na muna kayong magpapakita baka matuklasan kayo ng mga batang iyon." Sabi nito.
Nang makaalis na ang tauhan niya napaupong muli sa kanyang trono si Rushka.
"Anong uri ba ng mga kabataan ang kayang patayin ang aking mga trained assassin?" Maalala ang kliyente na nag-utos para patayin ang mga kabataang iyon, dumilim pang lalo ang kanyang mukha.
"Hindi kaya sinadya nilang magbigay ng misyon na katulad nito sa mga assassin guild ko para ubusin ang aking mga tauhan?" Kamakailan lang may naglagay ng order na ipapatay ang sampung mga estudyante ng CMA at dahil mga estudyante lang, iniisip nilang madali lang ang misyon.
Malaking halaga ang ibinigay ng nagbigay ng misyon na ito na inaakala nilang napakalaki na para sa pagpatay lamang sa mga kabataang nasa six class pa lamang. Iyon pala dahil mapanganib ang mga kabataang ito na kayang wasakin ang dalawa niyang assassin guild.
"Gusto kong makilala ang mga kabataang ito at kung matiyak kong magiging hadlang sila sa mga plano ko, papatayin ko sila." Sambit niya.
Tinawag niya ang isa sa mga alalay niya.
"Sabihin mo sa pinuno ng mga Mystikan na kailangang bayaran nila ang nawala sa akin. At kung hindi, guguluhin ko ang buhay nila." Utos niya sa kanyang alalay.
Iniisip kasi niya na kaya pala ang assassin guild niya ang binayaran ng mga Mystikan para mawala ang mga batang iyon, ito ay dahil batid ng mga Mystikan na malalakas ang mga kabataang ito at para hindi mapapano ang mga kapwa nila Mystikan, at kung may mangyayaring di maganda, ang assassin guild ang maaagrabiyado at siya ring sasalo sa paghihiganti ng mga kabataang iyon.
At kung may sisihin man ang CMA sa pagkamatay ng mga kabataang iyon at sa dalawang jumei, ang assassin guild ang mapagbibintangan. Naka-link sa kanya ang mga assassin guild kaya naman kung naging matagumpay ang plano, siya ang sisihin ng mga CMA at hindi ang Immortal college.
"Magaling magaling. Naisahan niyo ako a. Kala niyo hindi ako gaganti? Ako si Rushka. Walang kinatatakutan at walang hindi pinagbabayad sa sinumang nakagawa sa akin ng kasalanan." Sabi niya pa habang ini-imagine na kung paano magantihan ang bratty gang at ang mga Mystikan.
***
Nasa isang Inn na naman sina Steffy at dito nagpalipas ng oras.
"Mas maganda nga talaga ang maging malakas." Sambit ni Izumi. Dati kasi sila ang tumatakbo at nagtatago ngayon naman sila ang naghahanap.
"Hindi na tayo takbo ng takbo at tago ng tago." Sagot naman ni Aya.
"Ginulo nila ang buhay natin noon, guguluhin din natin ang buhay nila." Sabi ni Steffy.
"We will let them feel what it feel like living with fear and helpless." Sagot naman ni Asana. Palagi nalang siyang nakakaramdam ng takot at pangamba dati. Takot na mahuli at makita ng mga kalaban kaya ngayon, oras na para sila na naman ang manggugulo.
"First target." Sabi ni Steffy
"Immortal college" Panabay na sabi ng grupo.
Nang marinig nina Zin ang plano nina Steffy sila ang kinabahan at pinagpapawisan. Pero maalala na ang Immortal College ang nag-utos para patayin sina Steffy, naisip nilang nararapat lang na gantihan ang mga ito para magtanda at di na manggugulo pang muli.
***
Sa nagdaang mga araw, sunod-sunod na mga kaguluhan ang nangyayari sa loob ng Immortal college. Mula noong nawala bigla sa sarili ang kanilang pinuno at ang pagsabog bigla ng kanilang main building, sunod-sunod na kamalasan na ang naranasan nila.
"Master, hinabol po kami ng mga Deiyo beast." Pagbabalita ng isang estudyante sa kanyang guro.
"Nasugatan po ang iba, mayroon namang di na nakaligtas at ako lamang ang nakatakas." Sila ang mga estudyante na nagsasanay sa labas ng Immortal college at nangolekta ng mga Deiyo beast core.
"Pinuno, inatake po ng mga halimaw ang mga estudyanteng nagtungo sa Alastanya."
"Wala pong namatay pero imposibleng magkakaroon pa uli sila ng kapangyarihan."
"Pinuno, bigla na lamang naglaho ang mga kapangyarihan namin."
"Pinuno, nasunog ang Immortal library."
"Pinuno, naglaho ang mga makapangyarihang sandata natin."
"Pinuno, ang lahat ng lalabas sa Immortal College naglalaho ang mga kasuotan."
"Pinuno, hinabol po ng mga daga at mga bubuyog ang mga estudyante. At may mga lason po ang mga daga at bubuyog na ito na ang makakagat ay namamatay agad."
"Pinuno..."
"Aaaah!" Di na nakapagpigil ang pinuno nila at napasigaw na habang nakatakip sa magkabilang tainga ang mga kamay.
"Master! Master nalang kayo ng master. Pinuno ng pinuno! Simpleng bagay lang di niyo na mahuhuli kung sino ang may pakana nito?" Sigaw niya sa tindi ng galit.
Ang Elder na magbabalita sana dahil sumabog ang main gate nila, mabilis na napabalik sa dinaanan sa takot na siyang mapagbuntunan ng galit.
"Sino bang nanggugulo sa atin?" Saka naalala si Rushka.
Naalala niyang pinagbantaan siya ni Rushka at sinabing kung di niya babayaran ang nawala sa assassin guild nito guguluhin nito ang kanilang paaralan. At dito na nagsimula ang misunderstanding ng dalawang grupo.
"Rushka. Ang lakas ng loob mong atakehin kami?" Sambit ng pinuno ng mga Mystikan.
Si Rushka ang main suspect nila dahil siya lang ang kilala nilang may kakayahang magkontrol ng maraming mga halimaw at Deiyo beast. At siyang nagbanta sa kanila.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top