Chamni 39: Misteryosong mga nilalang
Napalunok-laway sina Kaichi at iba pa makitang hindi man lang kumurap si Steffy nang tapusin ang buhay ng lider ng mga assassin.
Ramdam nila ang malakas na enerhiyang nanggaling sa espadang may pulang aura.
Ang grupo ng mga kabataang walang may gustong tumanggap sa CMA ay mga kabataang kayang patayin ang mga Mystic elites na mga assassin. Mga assassin na kahit ang mga Mystic rank novice level na mga Chamnian ay walang laban.
"Kaya naman pala kampante lang sila kahit pa noong nakaharap nila ang prinsipe ng Vergellia. Dahil may mga lakas at kakayahan silang wala tayo." Sambit ni Kaichi.
Kahit ang mga kawal nila nagulat din sa natuklasan. Samantalang ang mga kawal naman na kasama ni Zin, medyo nasasanay na sila sa mga nakakagulat na lakas at kakayahan ng grupo ng mga kabataang ito.
Napatingin si Steffy kina Zin at agad namang napayuko ang mga kawal dahil napansin nilang seryoso itong nakatingin sa kanila.
"Sa susunod kapag sinabi naming tumabi kayo, tumabi kayo. Iyon ay dahil posibleng ikakapahamak niyo. At kapag sinabi kong tumakbo tayo, ibig sabihin mas malakas ang kalaban kaya kailangan nating lumayo." Paliwanag ni Steffy na agad namang ikinatango ng mga kawal.
Hindi lalaban si Steffy kung nakikita niyang kaya naman ng iba ang mga kalaban pero iba ang sitwasyon kanina. Masyadong mapanganib ang mga kalaban, kaya naman hindi niya pinaharap ang iba na alam niyang mapapahamak lamang.
Kanina pa rin siya nakapansin ng ibang mga presensya ngunit wala siyang nararamdamang masama sa mga presensyang ito.
Napatingin siya sa isang direksyon.
Ang mga naka-invisible na mga nilalang at nakatago sa isang malaking tipak na pader nagkatinginan at nagtataka. Mabilis silang nagtago sa sirang pader na ito nang makitang napatingin sa gawi nila si Steffy.
Napatingin na rin sa gawing iyon ang iba dahil nagtataka sila kung bakit tinitingnan ni Steffy ang bahaging iyon.
"Nakikita ba niya tayo?" Tanong ng lalaking may gintong buhok.
"Naka-invisible na tayo bakit pa tayo nagtatago?" Tanong naman ng nakaitim na buhok.
"Ewan ko sayo. Bakit ka nagtago tapos nanghila ka pa?" Sagot ng may silver na buhok.
Sumilip silang muli at natuklasang kausap na ni Steffy ang mga kasama at nagtungo na sina Steffy at iba pa sa underground ng isang sira-sirang gusali.
"Ah, nararamdaman lang niya pero di niya tayo makikita. Sino ba kasing mga Mysterian na naninirahan sa mundong ito ang may kakayahang makita tayo?" Sagot ng nakaitim na lalake.
"Kung may mga Mysterian na makakakita sa akin kahit na naka-invisible ako maliban sa inyo, tatawagin kong panginoon." Mayabang na sagot ng nakaitim.
"Kung may makakakita talaga sa atin, titingnan ko lang kung di mo ba siya tatawagin na panginoon." Sabi ng may gintong buhok.
Ngunit napatigil sila sa pag-uusap mapansing may aninong lumilim sa likuran nila kaya naman napalingon sila at muntik ng matumba sa sobrang gulat.
Nakita nila sina Sioji at Steffy na nakaupo sa isang debris. Dinuduyan ni Steffy ang mga paa niya habang kinakagat ang isang kulay pulang prutas na sagana sa Mystic energy. Habang naka-smirked naman si Sioji at nakapatong ang dalawang siko sa tuhod. Nakatingin ang dalawang mga kabataan na ito sa tatlong mga misteryosong mga nilalang.
"Nakikita niyo kami?" Tanong ng lalaking may gintong buhok at kinaway ang isang kamay. Nakita niyang nakatingin ng diretso sa mga mata niya sina Steffy at Sioji.
"Nakikita nga nila tayo." Sambit nito na nakaawang pa ang bibig.
"Naririnig niyo kami?" Tanong naman ng may silver na buhok at naglakad palapit sa gawi nina Steffy.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Steffy makita ang tatlong mga lalaking sobrang puti ng mga balat at may napakagwapong mga mukha. Sobrang kinis din ng mga mukha nila at halos kuminang na sa kinis. May mga aura silang hindi nabibilang sa mundong ito.
"Nakikita niyo nga kami? Pero paano?" Gulat na tanong ng lalaking may itim na buhok.
"Pamilyar ang mukha ng batang ito." Sabi naman ng lalaking may silver na buhok. Pinag-isipan kung saan nga ba niya nakita si Steffy.
"Tama." Biglang sabi ng lalaking may gintong buhok kaya napatingin ang dalawang lalake sa kanya.
"Siya yung batang nagligtas sa atin sa Gubat ng Iceria." Biglang sabi ng may gintong buhok.
"Kilala mo ang mga to?" Tanong ni Sioji kay Steffy.
Nagtungo sila dito kasi gusto nilang tiyaking hindi banta ang misteryosong mga nilalang na ito sa kanila. Ngunit di niya inaasahan na kilala ng mga misteryosong mga nilalang na ito si Steffy.
"Hindi. Pero nakita ko na sila sa forbidden forest. Sila ang mga nilalang na nagbabantay sa mga yaman sa gubat na iyon. Hindi ko alam na nandito na pala sila at nasa anyong imortal na." Sagot ni Steffy. Noong una niyang nakita ang mga nilalang na ito ay nasa anyong halaman. Ngunit tandang-tanda naman niya ang presensya at boses nila. Na kahit sa ibang katawan pa sila papasok, makikilala at makikilala pa rin sila ni Steffy.
"Ikaw nga. At nakikita mo nga kami noon." Sagot ng lalaking may gintong buhok at nakaturo pa ang isang daliri kay Steffy.
Naka-invisible kasi sila noong manmanan nila ang grupo nina Steffy noon. Hindi nila inaasahan na nakikita nga sila nito kahit hindi naman siya isang imortal. Tanging mga kapwa nilang imortal lamang ang makakakita at nakakaramdam sa kanilang presensya kapag naka-invisible sila. Ngunit nakikita sila ng batang ito na isa lamang Mysterian.
"Ang bata-bata mo pa non at medyo mahina pa." Dagdag pa ng may gintong buhok.
Maalalang si Steffy ang batang nagligtas sa kanila noon at tinulungan silang gumaling kahit nasa anyong halaman sila sa mga oras na iyon agad silang nagpasalamat kay Steffy.
"Salamat sa tulong mo. At kung di dahil sayo, hindi kami makakabalik sa dati naming mga anyo at di makakabalik sa lugar na ito." Sabi ng may gintong buhok.
"Pano yan? May panginoon ka na." Sabi naman ng may silver ang buhok sa lalaking may itim na buhok.
Napanguso naman ang lalake at sinulyapan sandali sina Steffy at Sioji. Tatawagin niyang panginoon ang mga batang mga mas bata pa sa kanya? Siguradong pagtatawanan siya ng kapwa niya imortal. Gusto tuloy niyang sampalin ang bibig kung bakit kasi nanumpa pa siya kanina.
Makitang parang natatae na naiihi ang kasama, nagtawanan naman ang dalawang kaibigan.
Ngunit maalala ang ginawa ni Steffy na pagamot sa kanila noon gamit ang dugo ng dalaga at ang pagkabasag ng soul sucker swords ngayon gamit din ang dugo ni Steffy, naisip ng may itim na buhok na worth it namang tawaging panginoon si Steffy.
Bago pa man magsalita, naglaho na agad sina Steffy.
"Teka lang. Iniwan lang tayong bigla? Di man lang nagpaalam?" Reklamo niya nang maglaho sina Sioji at Steffy.
"Ayaw mo non? Di mo na sila kailangan pang tawaging panginoon?" Sagot ng may gintong buhok.
"Pero gusto ko silang tawaging panginoon." Sagot ng may itim na buhok.
Nagkatinginan tuloy ang dalawang kaibigan.
"E bakit ang sama ng mukha mo kanina tapos gusto mo rin naman pala?" Sagot ng may silver ang buhok.
"Kanina yun, ngayon gusto ko na siyang tawaging panginoon." Sagot naman ng may itim na buhok.
Sina Steffy naman, hinintay ang paglabas ng mga kasamahan mula sa loob ng underground. Nang makalabas ang mga ito, kasama na nila ang mga CMA students na nakakulong kanina sa loob.
"Kailangan nilang magamot agad at magpahinga. Dalhin agad natin sila sa CMA." Sabi ni Yushin.
Ngunit makita ang labing anim na mga kabataan na sugatan at hinang-hina naisip nilang hindi nila kayang iuuwi ang mga ito gamit ang flying swords nila.
Nagsulat ng salitang portal si Asana sa lupa. Isang liwanag ang lumabas mula sa kanyang sulat at ilang sandali pa'y may pintuan na gawa sa liwanag ang lumitaw.
"Isipin niyo lang kung saan kayo pupunta at doon kayo ihahatid ng portal na iyan." Paliwanag ni Asana sa gulat na mga estudyante at mga kawal.
Nag-aatubiling pumasok ang iba dahil hindi nila alam kung mapupunta nga ba sila sa kung saan nila gustong pumunta. Paano kung hindi?
"Paano namin masisiguro na sa CMA kami mapupunta?" Paninigurado ng isang lalaking sugatan. Ilang beses na silang nalinlang, kaya nga sila nakulong sa lugar na ito. Paano kung malilinlang na naman sila?
"Pumasok man kayo o hindi nasa inyo ang pasya. Basta iyan lang ang maitutulong ko sa inyo." Sagot ni Asana.
"Bakit di nalang kayo ang mauuna?" Tanong naman ng isa pa.
"Wala kaming balak bumalik." Sagot ni Asana at hinabol na sina Steffy na papalayo na pala.
"Sandali. Saan kayo pupunta? Pinapabalik kayo ng Headmaster." Tawag ni Brindon.
"Babalik kami kung tapos na ang aming misyon." Sagot ni Steffy.
"Hindi mo ba sila maaaring gamutin?" Tanong ni Travis maalala na may kakayahang manggamot sina Steffy.
"Kaya namin silang gamutin pero sino sila para gawin namin iyon? Hindi namin sila kilala at ano ang mapapala namin kung ginamot namin sila?" Balik tanong ni Sioji. Naka-cross arms ito at malamig ang mga matang nakatingin sa mga sugatang Chamnian.
"Ginawan na kayo ng portal pero may naniwala ba? Kapag ginamot namin sila iisipin lang nila na trabaho namin yun at nararapat lang naming gawin. Pero bakit naman namin gagawin? Magagamit namin ang mga gamot sa ibang paraan." Dagdag pa nito.
Nang makita kasi nila ang grupo ng mga sugatang ito, nakikita nila ang distrust sa mga mata ng mga estudyante at ang tinging nagmamaliit sa iba dahil lang sa mas mababa ang level nila.
Minamaliit ng grupong ito ang mga estudyanteng mas mababa ang class level kaysa sa kanila. At kung may gagawin mang kabutihan sa kanila ang sinumang itinuturing nilang mas mababa ang level sa kanila, ite-take for granted lang na kala mo'y kung sino ang tumulong siya pang nagawan ng pabor.
"Hindi kami nagpapagod tumulong sa mga nilalang na di nangangailangan ng aming tulong." Sabi din ni Aya.
"Sino ba sila sa akala nila? Kala mo naman magagaling na e mga wala namang mga kapangyarihan." Sabi ng isang lalake sa kanyang isip.
"Ang swerte na nga nilang may maitutulong sila kahit kunti tapos para pa kung sino kung umasta?" Sabi naman ng isang babae na mula sa level 19th class.
"Kayo na nga ang nangangailangan ng tulong kayo pa ang parang nagbigay ng pabor?" Naiinis ng sabi ni Asana at inalis ang ginawa niyang portal.
"Ang swerte niyo na nga e may naitulong kayo sa tulad namin. Isang karangalan para sa mga mababa ang level na katulad niyo ang matulungan at mapagsilbihan kaming mas nakakataas sa inyo." Sagot naman ng isa pa na ikinamula ng mukha ng kalmado sanang si Asana. Akala pa naman niya kay Sioji lang iinit ang ulo niya pati din pala sa mga walang utang na loob na mga Chamnian na ito.
"Huwaw ha? Isang karangalan ang pagtulong sa mga mahihinang katulad niyo at mga walang utang na loob? Eww." Sagot ni Aya sabay dura at tumalikod na sa inis. Iniiwasang matuluyan niya ang mga walangyang mga Chamnian na ito.
Lalong dumilim ang mukha ng ilang mga sugatang Chamnian sa narinig. Gustong umangal ng iba ngunit pinigilan sila ng mga kasama.
"Tama naman sila. Dapat pa nga magpasalamat tayo sa kanila." Sagot ng babaeng estudyante habang tinatakpan ang bibig ng kasama sa pag-aalalang may masasabi na naman itong ikakagalit pang lalo ng mga nagligtas sa kanila. Kitang-kita kasi nila ang paninilim ng mukha nina Brix at ng iba pa lalo na sa mga kawal na kasama nila dahil sa sinabi ng kaibigan niya.
"Dapat pala hinayaan nalang natin silang makulong sa loob habang buhay." Sambit naman ni Shaira na napipikon na rin.
"Tutulungan niyo ang grupong iyan o hindi bahala kayo. Aalis na kami." Inis na sabi ni Asana at muli na silang naglakad paalis. Isa sa mga sugatan ang humarang at nakiusap.
"Sandali lang. Patawad sa inasta ng mga kagrupo ko." Sinamaan niya ng tingin ang mga kasama.
"Humingi kayo ng tawad ngayon din." Utos niya.
Takot sila sa kanilang lider kaya mabilis silang nanghingi ng tawad na labas sa ilong.
"Naririnig namin ang anumang nasa isip niyo kaya wag na kayong manghingi ng tawad kung di niyo gusto." Sagot ni Arken saka sinamaan ng tingin ang mga lalaking kakaiba kung makatitig sa mga kababaihan ng bratty gang.
"May paparating na naman. Kung di pa kayo makakaalis ngayon din hindi na namin natitiyak ang kaligtasan ninyo. Dahil wala na kaming balak na tulungan kayo." Sabi ni Sioji maramdaman ang malakas na death aura sa paligid.
Namutla naman sina Brix at iba pa. Ganitong aura ang naramdaman nila noong dumating ang mga assassin kanina at ang mas malala, mas malakas ito kaysa sa mga nauna.
"Paano na tayo niyan?" Tanong ni Alora at sinamaan ng tingin ang mga mayayabang na level 19th class na gumalit kina Steffy.
Kundi lang ginalit ng mga ito sina Steffy e di sana'y kanina pa sila nakaalis.
"Maaari bang ibalik mo ang portal kanina? Kung ayaw nilang pumasok bahala na sila. Kami nalang." Pakiusap ni Alora. Di bale na kung saan sila dadalhin ng portal. Ang mahalaga sa kanya ay ang makaalis sila sa lugar na ito.
Ibinalik naman ni Asana ang portal. Nagsipasukan naman sina Travis at Alora. Wala ng pakialam sa iba.
"Kung ayaw niyong pumasok bahala kayong mabulok dito." Sabi ni Brindon at sumunod na kina Travis.
"Hindi kayo aalis?" Tanong ni Brix kina Steffy.
"Wag kayong mag-alala sa amin. Alam namin kung kailan kami aatras at lalaban." Sagot naman ni Rujin.
Makitang nakapasok na sa loob ang iba pa, at maramdaman ang palakas na palakas na aura ng death energy mabilis na nagsipasukan sa portal ang mga sugatang estudyante kanina. Saka pa sumunod sina Brix at panghuli si Yushin.
"Pero kayo?" Tanong ng kawal ni Brix kina Zin.
"Ayos lang kami. Nandito ang mga binabantayan namin." Sabi ni Zin sa mga kawal nina Brix.
Pumasok na ang mga kawal sa portal at nang makapasok na ang lahat saka inalis ni Asana ang portal at hinarap nila ang bagong dating na mga assassin.
Hindi na katulad ng dati na lima lang sila. Ngayon naman nasa limampu na silang lahat.
Sa halip na matakot, humaba ang bawat sulok ng mga labi ng bratty gang.
"May pag-eensayuhan na rin tayo." Masiglang sabi ni Aya at inilabas ang kanyang pulang laso na siyang pinakapaborito niya sa lahat ng mga sandatang meron siya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top