Chamni 35: Wala pang balak magpakamatay
Parami ng parami ang mga bitak sa katawan ng metal monster. Pinipilit nitong makaalis sa mga kadenang nakabalot sa buong katawan.
Hinila ng halimaw ang kadenang nakapaikot sa kanyang kanang kamay. Tumalon ang Chamnian na may likha sa kadenang ito. Napabitaw na rin ang iba sa mga kadena nila. Ilang sandali pa'y napigtas na ang mga kadenang nakabalot sa buong katawan nito.
Muli itong naglabas ng sound wave ngunit walang nangyari. Napalingon ang halimaw sa Chamnian na nasa paanan niya at nakita ang isang necktie na nakatali sa matulis niyang paa.
Ibinuka nitong muli ang bibig at sumigaw. Ang pagsigaw nito ang palatandaan nila na maglalabas na naman ito ng sound wave sa kanyang mga mata. Ang inaakala pa naman nila noon na mula sa bunganga niya ang sound wave ngunit sa mga mata naman pala.
Agad namang pinaputok ni Rujin ang malaking cannon sa tulong nina Geonei at Hyper na may balang isang bilog na kristal. Pumasok ang bala sa bibig ng halimaw.
"Bullseye." Sambit ni Rujin at nakipag-high five kina Geonei at Hyper.
Walang nakakaalam kung ano ang bagay na pumasok sa bibig ng halimaw ngunit nakita nilang napapaatras-atras ito at ilang sandali pa'y natumba.
Mabilis namang lumayo si Hyell para di madaganan ng higanteng katawan ng halimaw.
Napuno ng mga usok ang buong paligid kung saan naroroon ang halimaw. Ilang minuto rin ang lumipas bago unti-unting maglaho ang usok saka tuluyan ng mawala. At ngayon, kitang-kita na nila ang isang metal monster ngunit hindi na higante kundi kasing laki na lamang ito ng isang tao at may katawang katulad sa alimango. Ang dalawang mga kamay ay katulad sa pangsipit ng alimango at may dalawang paang bakal na matutulis ang dulo.
Napatingin si Hyell sa necktie na nakatali sa paa ng halimaw. May mga letrang nakasulat dito na gawa sa isang Chamnian energy.
"Isang ability nullifier na necktie?" Di siya makapaniwalang ang inaakala niyang ordinaryong necktie lang kanina ay isa palang ability nullifier. Nagpasalamat siya at nakinig siya sa anumang sinabi ni Steffy kaya naman di na nagagamit ng halimaw ang kapangyarihan nito.
Ang di lang niya maintindihan kung ano yung bagay na nalunok ng halimaw kaya nagiging maliit ang katawan nito.
Napalingon siya sa mga kabataang tumulong sa kanila. At natuklasang nagsialisan na pala ang mga ito.
Natuwa naman ang mga Chamnian makitang bumagsak na rin ang halimaw. Ngunit naalala nila na ang lahat ng ito ay dahil sa mga kabataang galing sa CMA. Kaya naman katulad ni Hyell nilingon din nila kung saan ang mga CMA students kaso nagsialisan na pala ang mga ito.
"Bakit pakiramdam ko mas malakas pa sa atin ang mga bata?" Tanong ng isang mandirigma.
Bahagyang nakadama ng hiya ang mga Chamnian na mula sa mga adventurer's guild, mission guild at mga military guild maisip na mas nalalamangan sila ng mga kabataang hindi man lang nakakalahati ang mga edad sa kanila. At ang mas malala, hindi man lang gumagamit ng mga kapangyarihan ang mga kabataang iyon kundi mga special items lang na meron sila. Samahan na rin ng isip at talino.
Maayos naman ang hininga ng halimaw ngunit pansin nilang tila ba wala na itong lakas para tumayo.
***
"Sabihin mo na kasi. Ano ba yung pinakain niyo don sa metal monster ha?" Pangungulit ni Brindon kay Rujin.
Hindi kasi siya sinasagot nina Steffy at patuloy sa paglalakad.
"Walang pangalan ang bagay na iyon pero ang sinumang hahawak nito, mawawalan ng enerhiya at lakas." Sagot ni Rujin.
Wala talaga silang naisip na ipangalan sa mga items o magic treasures na nalilikha nila. Saka kadalasan sa mga gawa nila may mga sangkap na galing sa katawan nilang magkakaibigan. Katulad na lamang kanina, ang kristal na ginawa nilang bala ay ang kristal na nabuo mula sa dugo at kapangyarihan ni Steffy at ilan pang mga sangkap na kinolekta ni Rujin at Geonei para makagawa ng isang magic artifact version ng kakakayahan ni Steffy. Para kung may gusto silang tanggalan ng enerhiya hindi na kailangan ni Steffy na gamitin ang abilidad nito. At kung ano ang tawag sa bagay na iyon? Wala silang naisip na ipangalan.
Ang ginamit nina Rujin kanina ay posibleng malalabanan ng kapangyarihan ng sinumang target ngunit kapag hindi nito magagamit ang kapangyarihan wala na itong pag-asa pang labanan ang kapangyarihan na nakapaloob sa kristal kaya naman, kinakailangan nila ang ability suppressor or ability nullifier para di magagamit ng target ang kanyang kakayahan at kapangyarihan. Nang sa ganon hindi nito malalabanan ang kapangyarihan ng kristal.
"May magic artifact bang ganon? Ngayon lang ako nakarinig na may magic artifact na nakakahigop ng lakas or nakakawala ng lakas at enerhiya." Sambit ni Brindon.
"Bakit ang yaman-yaman niyo yata sa mga magic treasures? May mga healing potion kayo, may barrier stone, teleportation stone, ability nullifier? Mga bagay na bihira lang nakukuha ng mga Chamnian." Tanong naman ni Travis.
"Iyon nga din ang mga tanong namin e." Sagot ni Aya.
"Na mayaman kayo?" Travis asked again.
"Na mga mukha kayong mayaman ngunit parang ang hirap hirap niyo naman. Saka akala pa naman namin ang lakas-lakas niyo kasi nga mga Chamnian kayo at pagkasilang palang nasa Invincible level na agad kayo pero bakit parang ang hihina niyo naman yata?" Tanong din ni Aya na nagtataka din at may halong disappointment ang tono ng boses.
CMA students: "..." Kasi normal kami. Kayo lang talaga ang abnormal.
"Saka parang umaasa lang kayong lahat sa Chamnian Tzi? Paano kung mauubusan kayo ng Chamnian Tzi, ibig bang sabihin wala na kayong lakas para makipaglaban?" Tanong naman ni Hyper.
Travis and the gang: "..." Di ba dapat kami ang magsasabi na mahina kayo dahil wala kayong kapangyarihan?
Nasabi ito ni Hyper dahil sa ilang buwan nilang paninirahan ni Steffy sa Monsterdom, hindi sila nakakagamit ng kapangyarihan ngunit may mga special ability namang nagsilabasan. Katulad na lamang ng superspeed, at mas nagiging enhance din ang kanilang mga senses. Hindi rin sila gumagamit ng kapangyarihan sa pakikipaglaban sa mga halimaw na umaatake sa kanila ngunit natatalo din naman nila ang mga ito kahit na kapalit non ay ang mga sugat na kanilang natatamo, or let us say mga sugat na natatamo ni Hyper. Kahit na di man sila gaanong gumagamit ng kapangyarihan, nasanay na silang makipaglaban gamit ang diskarte, utak at lakas. Hindi sila umaasa sa kapangyarihan o sa mga elementong kaya nilang gawing sandata.
"Kahit na may mga magic artifacts kayo mas maganda pa rin na may mga kapangyarihan." Katwiran naman ni Alora.
"Hindi pa ba tayo babalik? Utos ng Headmaster na ibalik kayo sa CMA pero kung di kayo makakabalik paano kami?" Tanong ni Kaichi.
"May tatapusin pa kaming misyon. Bakit di nalang kayo kumuha ng mga misyon? May mga extra mission kaming kinuha, gusto niyong manghingi ng list? Malalaki ang pabuya." Masiglang sabi ni Steffy at naglabas ng limang SS class na misyon na nakasulat sa isang makintab na tela at ipinakita sa grupo ni Kaichi.
Napalunok ng laway ang sampung CMA students.
"Salamat nalang. Wala pa kaming balak magpakamatay." Mabilis na sagot ni Travis na pinagpapawisan ang noo.
"May mga list of missions na kami. Isa na ang paghahanap sa inyo. Ngunit dahil sa ayaw niyo pang bumalik tatapusin na muna namin ang mga misyon namin. Ngunit kailangang ipaalam niyo sa amin kung nasaan kayo. Nang sa ganon, matutulungan natin ang bawat isa sakali mang may mangyayaring di maganda." Paliwanag ni Yushin.
Sumang-ayon naman ang bratty gang. May mga communication device naman sila na magagamit. Para makausap ng bawat isa ang iba pang mga kasama kahit na nasa malayo.
"May common mission tayo. Iyon ay ang pag-ubos sa mga Deiyo beast at mga halimaw sa Alastanya. Kaya hanapin na natin ang iba pang mga halimaw." Sabi ni Asana.
"May iba pang misyon ang nakuha namin. At ito ang ikalawa naming misyon kasunod sa misyon naming paghahanap sa inyo." Sabi ni Kaichi.
"Ano yon?" Tanong ni Aya.
"Ang pagtulong sa mga CMA students na na-trap sa isang village ng Alastanya." Sagot ni Kaiche.
Agad nilang hinanap kung saan ang nasabing village.
Sumakay sila sa kanilang mga flying swords at napatingin kina Steffy.
"Mas mabuti kung may sasakyan tayo para madali lang ang paghahanap sa kanila." Sabi ni Brindon.
Ngunit naalala nilang hindi nga pala nakakagamit ng kapangyarihan ang Bratty gang kaya paano sila makakasakay sa flying swords na nangangailangan ng enerhiya para makalipad?
"Sumakay na lamang kayo sa mga flying swords namin." Suhestiyon ni Brindon na sinang-ayunan naman ng lahat.
Si Sioji piniling makisakay kay Zin kaysa makisakay sa mga estudyante. Si Steffy naman napunta kay Brix. Si Asana ay napunta kay Alora. Si Aya ay nakisakay kay Travis. At ang iba naman nakisakay sa iba pang mga estudyante.
Inaakala nilang matatakot ang Bratty gang pagdating nila sa himpapawid. Hindi nila inaasahan na kahit gaano kasama ang paglipad ng mga flying swords, hindi man lang nataranta ang mga bratty gang at ini-enjoy pa ang mga scenery na nakikita mula sa himpapawid.
Tulad na lamang ni Rujin na naka-cross legs na nakaupo sa espada ni Brindon. Shaira na dinadama ng mga kamay ang mga ulap na makakasalubong. Si Izumi na nakasakay sa flying swords ni Yushin na nakaupo ngayon at dinaduyan ang mga paa habang nakatingin sa mga scenery sa ibaba ng kanilang kinaroroonan.
Si Steffy na nilalaro ang hawak na slingshot at tila may tinitira sa ere ngunit naglalaho ang mga balang ginagamit niya na di alam ni Brix kung saan napupunta. Si Sioji naman nakatayo at nakacross-arms lang. Nakapamulsa naman si Arken na diritso lang ang tingin.
"Nakasakay na ba kayo ng flying swords?" Tanong ni Brix.
"Hindi pa." Hindi naman kasi nila kailangan ng flying swords ngunit walang balak si Steffy na magpaliwanag.
"Pero base sa mga kilos niyo parang sanay na sanay na kayo." Sagot ng lalake.
"Sanay na kaming lumipad. May sasakyan man o wala." Pagtatapat ni Steffy.
Iniisip naman ni Brix na siguro madalas na sumasakay sina Steffy gamit ang ibang flying artifact at di flying swords kaya sanay na silang lumipad sa himpapawid.
Habang nasa himpapawid ang dalawampung mga CMA students kasama ang dalawampu nilang mga tagapagbantay, may mga mata namang nagmamasid sa kanila.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top