Chamni 32: Prince Daniel

"Gumaganti lang yung magic beast sa  ginawa ng kapatid mo. Hindi ko alam na bubugahan niya ng apoy. Bakit sa akin ka nagagalit?" Sagot ni Steffy at sinamaan ng tingin ang lalake. Wala naman kasi siyang ginawang masama saka di niya inaakalang susunugin ng red flame fox ang mukha ng haria.

"Naiinggit lang naman yung kapatid niya sa ganda natin tapos dumating naman ang nakakatanda niyang kapatid tapos ayan, kinampihan agad yung kapatid niya." Bubulong-bulong naman ni Aya kaya napalingon sa gawi nila ang lalake at bahagyang natigilan.

May mga ganda ang mga kabataang ito na hihigit pa sa ibang mga kilalang mga Chamnian. Kahit ang mga kalalakihan sa grupo ng mga kabataang ito ay may mga mukhang tiyak na kakainggitan ng mga kalalakihan. Ang ikinaestatwa lamang niya ay ang babaeng kahawig niya. Hindi na niya iyon pinagtuonan ng pansin. Dahil kailangan pa niyang turuan ng leksyon ang sino mang nanakit sa kapatid niya.

"Mga kawal kayo ngunit di niyo man lang nagawang protektahan ang Haria?" Sermon ni Daniel sa mga kawal na nagbabantay kay Daniella.

Nagsiyukuan ang mga ito at hinintay ang anumang ihahatol sa kanila ni Daniel.

"Dalhin niyo sa Vergellia ang babaeng ito." Utos niya sa mga kawal sabay turo kay Steffy.

Kapag hindi nila maihaharap sa hari ng Vergellia ang babaeng dahilan kung bakit nasunog ang mukha ni Daniella siguradong papatayin sila ng hari. At si Daniel naman, tiyak na ipapatapon na naman sa battle ring. Na walang ibang pwedeng gawin sa lugar na iyon kundi makikipaglaban sa mga nagkasalang mga Vergellian sa loob ng isang buwan.

Kung maihaharap nila sa hari ang tunay na salarin, siguradong mapapababa ang parusa sa kanila.

Nakarating naman sina Brix kasama ang iilan sa mga estudyanteng pinayagang lumabas ng CMA. Kasama niya sina Travis at Brindon at iilan pang mga level 16 at level 17 na mga estudyante.

Napahinga sila ng maluwag makita ang grupo nina Steffy na kasama sa mga nagkukumpulang mga Chamnian ngunit ang di nila inaasahan na makaaway ng grupong ito ang isang prinsipe ng Vergellia.

Nagkatinginan naman ang mga kawal. Sa halip na sumunod ay nagsiluhuran ang mga ito.

"Patawad po kamahalan. Parusahan niyo po kami." Mabilis nilang sambit. Masyadong malakas ang pressure na binibigay sa kanila ng mga kabataang ito at sa pressure pa lang, wala na silang laban.

Hindi inaakala ni Daniel na hindi man lang lalaban ang mga kawal nila at mas piniling sumuko at tanggapin ang kaparusahan kaysa kalabanin ang mga kabataang ito.

Habang gulat pa si Daniel, nilapitan ni Steffy ang lima pang mga magic beast. Hindi na siya nag-abala pa na buksan ang mga nakakandadong mga hawla kundi tinanggal na ang mga rehas at kinausap ang mga ito.

"Umalis kayo o sasama sa akin, kayo na ang bahalang magpasya." Sabi ni Daniel sa grupo nina Steffy.

"Welcome ba kami sa palasyo niyo?" Tanong naman agad ni Steffy.

"Halata na ngang kaparusahan ang naghihintay sa inyo itatanong niyo pa kung welcome ba kayo?" Ito naman ang halos nasa isip ng mga manonood at siyang saksi sa mga nangyayari kanina.

Naaawa sila sa grupo ng mga kabataang ito na mapapahamak lang nang dahil sa pagliligtas sa mga magic beast at dahil sa ginawa ng red flame fox.

"Marami bang pagkain don?" Tanong din ni Hyper.

"Saka may magaganda bang view don? Kung wala, salamat nalang." Sabi naman ni Rujin.

Si Daniel naman nakabuka-tikom ang bibig. Gustong magsalita pero di makahanap-hanap ng tamang salitang dapat na sasabihin. Lalo lamang naningkit ang mga mata sa narinig na mga katanungan ng kabataang ito.

"Sadyang inosente ba kayo o sadyang tanga lang?" Di na napigilang sabi ng lalaking kasama din ni Daniel.

Sina Zin naman at ang iba pang mga kawal natatawa lang. Ano naman kung prinsipe ng mga Vergellian ang lalaking ito? Mga may dugong bughaw din naman ang mga pinagsisilbihan nila.

Pinagbilinan sila ng mga kabataang ito na lalapit lang kung magbibigay ng sign ang sinuman sa kanila ngunit ngayon, pansin nilang walang balak sina Steffy na tawagin sila. Kaya naman minabuti na lamang nila na magiging kabilang sa mga audience.

Habang nakikipagtalo ang grupo ni Steffy sa grupo ni Daniel, may mga adventurers naman ang nanonood sa mga kilos nila.

"Ang mga batang ito, hindi ko makikita ang level ng kanilang kapangyarihan." Sabi ng isang lalaking may silver na buhok.

"Base sa ipinapakita niyang kakaibang lakas posibleng isa siyang Zaihan. At ang mga kasamahan niya, tila ba hindi sila mga ordinaryong mga kabataan." Sagot naman ng isang lalaking may kulay pulang buhok.

Sa ibang sulok naman ay ang grupo ng mga misyonaryo na binubuo ng mga sundalo ng Chamni na nandito ngayon dahil sa paghahanap kay Grand Prince Rushka. Nakatuon ang atensyon nila sa mga kabataang ito na tila ba walang pakialam kahit isang maharlika ang kanilang binabangga.

Isa sa dahilan kung bakit nakuha ng grupong ito ang kanilang atensyon, iyon ay dahil napapasunod ni Steffy ang mga magic beast at hindi lang iyon, nakakausap niya ang mga ito. Masyadong bihira ang mga beast controller at beast tamer sa lugar na ito. Lalong-lalo na ang nakakapag-paamo ng mga magic beast kahit na hindi gumagamit ng Chamnian energy para magkontrol o magpaamo.

Kung nauutusan ng babaeng ito ang isang magic beast, naisip nilang may maipanlalaban na sila kay Rushka. Kaya nga lang, alam nilang napakalakas ni Rushka, kaya anong laban ng isang babaeng hindi pa nga yata nagdadalaga?

"Binigyan ko na kayo ng pagkakataon na sumuko ng matiwasay kaya lang ayaw niyo." Itinaas ni Daniel ang isang paa at ibinagsak sa lupa. Kasunod nito ang pagtubo ng mga halaman sa kinatatayuan ni Steffy.

May mga halaman din ang bumalot sa katawan nina Sioji ngunit hindi sila umangal.

Mahirap putulin ang mga halaman na likha ng mga mula sa royal clan ng Vergellia. At wala ring makakahigit pa sa mga Vergellia sa larangan ng pagkokontrol o paglikha ng mga halaman.

"Steffy!" Tawag ni Travis na balak sanang lumapit kaso naglaho na agad sina Steffy kasama ang prinsipe at ang mga kawal nito.

Gusto din sanang lumapit ni Brix at ng iba pa ngunit hindi nila kaya ang malakas na aura na nakaharang sa kanila.

"Paano na tayo niyan? Kailangan nating masabi ito kina Headmaster." Sabi naman ni Brindon.

Kahit sina Kaichi at Yushin at anim pang mga estudyante hindi rin agad nakakilos dahil sa bilis ng paglalaho ng grupo.

"Tawagan niyo ang Headmaster para mailigtas agad sila." Sabi ni Yushin.

Kumuha naman ng isang communication device si Aries at tinawagan ang Headmaster. Ngunit bago pa man makatawag may kumalabit sa kanya kaya napatingin siya kay Yushin. Kaso may tinuro ang kaibigan. Pansin din niya na nakatulala ang mga kasamahan habang nakatingin sa iisang direksyon na ikinabaling ng tingin niya sa gawing iyon.

Nakita nila ang grupo ng mga kabataang ‘dinala’ ng prinsipe ng Vergellia kanina. Nakaupo ang mga ito sa isang kainan at nagtatawanan pa. Kasama ang mga bantay na nanggaling sa Chamni.

"Excited na ako kung ano ang magiging mukha ng prinsipeng iyon pagdating sa kaharian nila." Natatawang sambit ni Aya.

Sabay-sabay na napalingon sina Brix at ang iba pang mga kasama sa kung saan nakatayo sana sina Steffy. Wala na ang prinsipe sa lugar na iyon at sigurado silang dinala na sina Steffy sa prinsipe ng Vergellia sa kaharian nito pero sino naman ang mga kabataang nasa kainan at kumakain na?

"Namamalikmata ba ako?" Tanong ni Travis at binatukan si Brindon.

"Ano bang problema mo?" Angal ni Brindon.

"Wala. Tinitiyak ko lang kung nanaginip ba ako o namamalikmata lang." Sagot ni Travis ngunit may tumama ring kamao sa batok niya. "Problema mo rin ha?"

"Tinitiyak ko lang din kung namamalikmata lang ba ako. Ano masakit ba?" Tanong din ni Brindon.

"Mukhang namamalikmata pa rin ako." Akmang batukan ulit ang kaibigan para makaganti kaso may nambatok sa kanilang dalawa na muntik na nilang ikasubsob sa lupa.

"Ano ba Brix?" Panabay nilang tanong na may nagrereklamong mga tingin.

"Bakit? Di parin masakit?  Nananaginip parin ba kayo? Gusto niyo tulungan ko kayong mabugbog?" Banta ni Brix kaya naman naitikom agad ng mga kaibigan ang mga bibig.

Mabilis silang tumakbo sa kung saan naroroon sina Steffy.

***

Kaharap na ngayon nina Steffy sina Brix at iba pa.

"Maaari bang ipaliwanag niyo ang nangyayari? Inaakala ko kasi nababaliw na ako." Sabi ni Travis.

"Matagal na kaya." Angal naman ni Brindon. Sinamaan siya ng tingin ng kaibigan.

Napatingin naman sina Asana sa mga kabataang ipinadala ng Headmaster para hanapin sila. Halatang binigyan sila ng importansya ng Headmaster na iyon.

"Clone. Iyon ang ginawa namin. Habang kinakausap namin siya gumawa na kami ng mga clone namin." Sagot ni Asana.

Namilog naman ang mga mata nina Travis at sa sampu pang mga kasama. Na kahit si Brix ay nagulat din.

"Sampu kayong may kakayahang mag-clone?" Di makapaniwalang tanong ni Alora. Napasinghap pa siya.

"Woah! Ngayon lang ako nakakakita ng isang grupo na halos lahat kayang mag-clone. Nagsasama pa talaga sa iisang lugar?" Sa kanila kasi, bihira lang ang may pagkakapareho ng mga kakayahan. Alam nilang may superspeed sina Steffy ngunit di nila alam na bukod sa superspeed na isa sa common ability nilang magkakaibigan may iba pa pala.

Hindi naman umimik sina Asana. Hindi naman nila maaaring sabihin na may isa sa kanila ang may kakayahang gawing kakayahan ng isa ang kakayahan ng iba. At kung ano ang kakayahan ng isa ay magiging kakayahan ng lahat. Magkakaiba nga lang ang level ng mga ito at magkakaiba din ang mga epekto ng mga kakayahan sa bawat isa sa kanila dahil hindi naman sila magkakapareho ng level ng enerhiya at kapangyarihan. Magkakaiba din ang kondisyon ng pangangatawan ng bawat isa sa kanilang magkakaibigan.

Si Yushin naman, nag-aalala na baka makakaagaw ng atensyon ang ipinapakitang gilas nina Steffy kanina. Hinanap na rin ang anim na mga magic beast kaso hindi na mahanap pa.

"Nasaan na ang mga magic beast?" Tanong naman ni Brindon bago pa man makapagtanong si Yushin.

"Somewhere safe." Sagot ni Steffy.

"At dahil nandito naman na kayo. Tapusin na lamang natin ang mga misyon natin mula sa mission guild." Sabi ni Izumi at inilabas naman ni Sioji ang lahat ng mga list ng mga mission na kinuha nila.

"Teka, teka lang. Gusto niyo bang magpapakamatay?" Di makapaniwalang sambit ni Aries makita ang labing isang daang mission na nasa level S class pataas. At may mga Superdangerous level pa. Mga level ng misyon na kahit ang mga makapangyarihang Chamnian ay di kinukuha.

"Wag kang matakot. Kapag malapit ka ng mamatay gagamutin ka nalang namin. Kaya wala kang dapat ikakatakot." Sagot ni Arken sa gulat na gulat na si Aries.

"Bakit di mo nalang sabihin na hindi mo ako hahayaang mapahamak? Aantayin pa talagang kapag malapit ng mamatay?" Sagot pa ni Aries.

"Pinapunta kami dito para maibalik kayo sa CMA na ligtas. Kaya kung maaari bumalik na tayo." Sabi naman ni Yushin.

Umiling naman si Asana.

"Nakalabas na nga kami ng maayos bakit kami babalik?" Ito ang nasa isip niya. Ngunit di niya sinabi.

"Tatapusin na muna namin ang mga kinuha naming misyon." Sagot naman ni Shaira.

"Pero sobrang mapanganib ang mga misyon na pinili niyo." Kontra naman ni Alora.

"Sanay na kami kaya wag kayong mag-alala." Sagot naman ni Rujin na nakapokus sa panonood ng mga eksena sa miliskren na nasa tapat niya.

Nakatingin din sina Steffy, Geonei at Hyper sa screen na ito. Maya-maya pa'y sabay-sabay na napatawa ng malakas. Kahit sina Brix, Yushin at Brindon na nakasilip sa kung ano ang nasa flat screen na ito ay napapangiwi.

Nang malaman ng hari ng Vergellia na nasunog ang mukha ng anak, galit na galit ito. At nang maibalita ng mga kawal na nahuli ang mga salarin excited na excited na itong magparusa.

Kaya lang, nang parusahan na ang mga salarin bigla na lamang itong naging usok. Ayos lang kung usok lang ngunit mabahong usok na ikinahimatay ng mga kawal at ng hari sa kakapigil ng hininga at sa tindi na rin ng galit.

Si Daniel naman nagngingitngit sa galit. "Naisahan ako?" Di makapaniwala nitong sambit. Hindi niya alam na pinapanood pala nina Steffy at ng iba pa ang mga anumang nangyayari sa kanila.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top