Chamni 29: Nanggugulo
Hinihintay ni Headmaster Nehan ang pagbabalik nina Steffy ngunit isang mensahe mula sa Scarlet knight ang dumating sa opisina niya at natuklasang nakalabas na ng Chamni ang pasaway na grupo ng mga baguhang disipulo ng CMA.
"Ngayon ano na?" Tanong ni Elder Cid.
Tiningnan ng Headmaster ang Elder. "May anak ba sa mga batang iyon ang nakakataas?" Nakatataas. Ayaw na niyang banggitin ulit ang salitang Emperatris.
Sa totoo lang, ang sinumang magsasalita ng di maganda sa Emperador at Emperatris sa lugar na ito bigla na lamang mamalasin. Higit sa lahat, wala ring ni isa ang maaaring magsalita ng masama sa tatlong mga anak ng mga Emperador at Emperatris na ito. Hindi rin sila basta-bastang napupuri ng hindi taos-puso dahil tiyak na may mangyayaring di maganda sa kanila. Pero kung pupurihin nila ng may katapatan siguradong maraming mga biyaya ang darating sa kanila.
Isa sa pinaka-ipinagbabawal banggitin ay ang pangalang Steffy o Myrtle sa buong Mysteria. Magmula noong maparusahan ang munting prinsesa ng Chamni, lahat ng babanggit sa pangalang ito mamalasin. Kaya naman, wala ng kahit sino ang bumabanggit ni gumagamit ng ganitong pangalan.
Kaya nang marinig ng Headmaster na may ganitong pangalan ang isa sa mga baguhan, naisip niyang ang tapang nila para hindi palitan ang pangalang ito. Natutuwa na rin dahil walang nangyayaring di maganda sa mga bumabanggit sa pangalang ito.
Ngunit, nang marinig na nakalabas ang mga baguhang disipulo, naisip niyang di kaya ang batang 'yon na kapangalan ng prinsesa ng Chamni ay ang batang pinarusahan noon sa altar ng mga Zaihan? Ang ikalawang anak ng Emperador ng Chamni? Ang pinaka-spoiled na anak ng Emperatris?
"Patingin ng record ng mga batang yon. Bilis." Utos niya kay Elder Cid.
Nangangati na siyang malaman kung ano ang mga special backgrounds ng mga batang iyon. Gusto niyang malaman kung paano sila nakalabas lahat at pati pa ang mga kawal na pinabantay sa kanila. Paparusahan niya ang mga bantay na yon dahil sa ginawa nilang paglabag sa batas ng CMA pagbalik nila.
Inabot naman ni Elder Cid ang isang tablet kung saan nakalagay ang impormasyon nina Steffy.
Bago pa man mabasa ng Headmaster, may sugo ang dumating at ipinaalam na may mga Mystikan Elders ang gusto siyang makausap.
Isinantabi na muna ng HM ang tablet at pinuntahan ang mga bisita.
***
"Kung hindi niyo ibibigay ang mga batang iyon para maparusahan at pagpapahiya sa mga kabataan namin mapipilitan kaming guluhin ang lugar niyo." Banta ng isang Elder ng mga Mystikan.
"Sinabi ko na nga di ba? Tumakas ang mga kabataang iyon at nawala na lamang bigla sa Academy." Pag-uulit ni HM Nehan.
Nagpasalamat na rin siya na wala na sa Academy ang mga batang yon sa pag-aalalang baka pipilitin ng mga Mystikan na ito na kunin sila at parusahan.
"Kapag natagpuan ko ang mga batang yon, titiyakin kong magbabayad sila sa ginawa nila." Banta pa ng Elder.
Ang isang Elder naman in-interrogate sina Elder Millian at ang mga estudyanteng mga kasamahan ni Kenichi.
Inaakala nilang nagsisinungaling lamang si Kenichi nang sabihin nitong level six students lamang ang nakatalo sa grupo nila. Iniisip ng mga Mystikan na ito na may makapangyarihang master ang tumulong sa grupo nina Steffy.
Ngunit nang makita ang isa sa mga records na kuha ng mga estudyante ng CMA, natuklasan nilang mga level six students nga lang talaga ang nakatalo sa mga estudyante nila. Hindi tuloy mahitsura ang mukha bg dalawang Elder.
Gustong-gusto nilang bugbugin ang mga estudyante nilang ito na mga walang kwenta. Mas lalo lang umasim ang mga mukha nila makitang mga bata pa ang grupo ng mga kabataang tumalo sa mga estudyante nila at kay Elder Millian at wala ring mga kapangyarihan na maaaring magamit.
"Mga walang kwenta. Mga bata lang natatalo na kayo? At ano yun level 6? Level six lang? Anong silbi ng kakayahan niyo at pinag-aralan na kahit level six naiisahan kayo?" Sabi ng ikalawang Elder.
"Bilis lang ang meron sila tapos di man lang kayo nakaisa? Nabugbog ka kayo?"
Dinala nila pabalik sa Immortal college ang mga estudyante nila at ibinalik naman ang mga estudyante ng CMA.
Ilang araw na ang nakalipas, hindi pa rin nakabalik ang grupo nina Steffy. At may mga Mystikan ang dumadalaw sa CMA in desguise of exchanging techniques sa mga estudyante ng CMA. Kaya nga lang palaging nadedehado ang mga estudyanteng matuturong makipag-exchange technique.
Kahit natatalo man sila o nahihirapan, bumibilis din naman ang pag-angat ng level ng kanilang mga kapangyarihan. Kaya naman kahit pinapahiya na sila ng mga Mystikan hindi sila umaatras.
Dumadalaw ang mga Mystikan isang beses sa isang linggo. Nagiging punching bag nila ang mga CMA. Hindi na rin umangal pa ang Headmaster dahil nakikita niyang mas napapabilis ng sampung beses ang pag-angat ng kapangyarihan ng mga estudyanteng nakipagpalitan ng mga atake sa mga Mystikan kumpara sa ibang mga estudyante.
At sa halip na madidismaya ang mga estudyante ng CMA dahil palagi silang natatalo mas pinagbubutihan pa nila ang pag-aaral at pagsasanay sa pagnanais na balang araw, magagantihan din nila ang mga Mystikan at maipapakita din sa kanila na malalakas din sila at mas lalakas pa. Para balang araw, mahihigitan din nila ang mayayabang na mga Mystikan at hindi na sila maaapi pang muli.
Ipinadala din ng Headmaster ang mga magagaling niyang estudyante sa misyon at para na rin mahanap sina Steffy sa pag-aalalang baka makukuha sila ng mga Mystikan.
Ikalabing limang araw mula ng lumabas sina Steffy sa CMA saka naalala ng Headmaster ang tablet.
Napahilot pa siya sa sentido maalala ang problemang iniwan ng mga batang 'yon tapos hanggang ngayon hindi pa sila nakakabalik. Pero deep inside nagpapasalamat na rin siya dahil atleast may maidadahilan siya kung bakit di niya isinuko ang mga bata. At kung makakabalik naman ang mga batang iyon maghahanap na lamang ulit siya ng maidadahilan para hindi maisuko ang sinuman sa mga estudyante niya sa mga Mystikan.
Kunwari lang ang dahilan niya na wala ang grupo nina Steffy kaya di niya ito maihaharap sa mga Mystikan. Pero wala talaga siyang balak isuko ang sinuman sa mga estudyante maging baguhan man o hindi. May kasalanan man o wala.
Estudyante ng paaralan niya bakit niya isusuko para maparusahan ng iba? Hinding-hindi niya iyon gagawin.
Sa ika-21 days hindi na nagbabalik pa ang mga Mystikan na ipinagtataka niya at ng mga estudyante na nasanay ng may nanggugulo sa kanila sa bawat ikapitong araw. Pero ngayon, walang anino ng mga Mystikan ang dumating.
***
Nasa Alastanya ngayon sina Steffy. Nakitira muna sa tirahan ni Miro at nakigulo na rin sa paaralan ng iba.
Nakaupo ngayon si Sioji habang hawak ang isang puppet. Pinapasayaw niya ang puppet na ito at kung ano ano na ang pinagagawa niya dito.
Sa tapat niya ay ang puting usok ngunit sa puting usok ay may makikitang imahe ng isang middle age na lalake na ginagawa ang anumang ikinikilos ng puppet na hawak ni Sioji.
Kapansin-pansin din ang parang sinulid na mga enerhiya na nakatali sa iba't-ibang parte ng katawan ng middle age man na nito at sa inaapakan naman ng middle age man kapansin-pansin ang maliit na portal na dinaanan ng maliliit na enerhiya na tumama sa katawang ng lalake. Hangga't hindi naglalaho ang sobrang liit na portal na ito, hindi rin maglalaho ang enerhiyang kumukontrol sa katawan ng lalake.
Sa Immortal college naman, hindi na alam ng mga Mystikan kung paano pipigilan ang umaatake nilang lider. Ang lider sa lahat ng mga Mystikan na nandito sa Mysteria. Ang lalaking ito ang pinakamalakas sa lahat ng mga Mystikan ngunit bigla na lamang itong nagwala at di na makokontrol ang sarili.
Inaatake nito ang mga Elders at iba pang mga makapangyarihang mga Mystikan. Masyado itong malakas kaya ano ang laban nila sa kanya? Bigla-bigla na lamang itong aatake tapos bigla-bigla na lang ding titigil. At di nila mahulaan kung kailan na naman ito aatake.
"Pinuno. Humihon kayo." Sigaw ng isang Elder at umiwas sa kamaong tatama sana sa kanya ngunit di niya naiwasan ang sipang bigla na lang tumama sa kanya. Tumilapon siya at ramdam na ramdam ang pagkawasak ng mga buto at laman niya sa loob ng katawan.
Isa lamang siya sa sampung Mystikan na nabiktima ng nagwawalang pinuno nila.
"Lumayo kayo. Hindi ko kontrolado ang katawan ko kaya lumayo kayo." Sigaw ng lalake.
Isang babae ang nakapansin sa maliit na portal mula sa bahaging aapakan ng kanilang pinuno kaya gumawa siya ng ball of energy at pinatama rito.
Mabilis na isinara ni Sioji ang portal kaya nawala ang kontrol niya sa pinuno ng mga Mystikan.
"Sayang naman. Nalaman na nila ang dahilan ng pagkokontrol ko." Dismayadong sambit niya.
"Ayos na yon. Medyo kinakabahan na sila. Hahaha." Sagot ni Steffy saka tumawa.
Ilang araw din nilang pinagtitripan ang pinunong iyon. Gusto lang naman nilang matiyak kung hanggang saan ang lakas nito. Natuklasan nilang walang hindi Mystic level sa mga Elder ng Mystikan. At ang pinakamalakas sa kanila ay may immortal stage na kapangyarihan. Immortal stage, isang stage na maaabot lamang ng mga Mystikan.
Kaya naman, minabuti na lamang nina Steffy na itago ang mga kapangyarihan at kakayahan nila saka palihim na manggugulo sa mga Mystikan na ito na di nagpapakita at nagpapahuli.
Kung sila gusto lang manggulo, ang mga Mystikan naman ay nababahala. Inaakala kasi nilang mayroong isang God level controller sa Chamni dahil sa nakukontrol ng kontroler na ito ang isang nag-iisang immortal level na Mystikan. Hindi nila alam na umaasa lamang sina Sioji sa mga portal na nagagawa nila anumang oras kung saan pwede nilang ilabas ang mga enerhiya nila para kumontrol ng iba.
"Steffy, natapos ko na ang ginagawa kong pampasabog." Sabi ni Geonei.
Kinuha ni Steffy ang maliit na ball of flames na mula sa pinaghalo-halo nilang mga fire magic. Hindi niya inaasahan na makakagawa si Geonei ng pampasabog gamit ang mga enerhiya ng iba.
Mula sa isa sa ground floor ng pinakamalaking gusali ng mga Mystikan, isang portal ang bigla na lamang sumulpot at mula sa portal na ito lumabas ang isang bolang apoy na may iba't-ibang kulay.
Ilang minuto pa'y sumabog ito na ikinawasak ng gusali.
Ang heneral na abala sa pagsasanay sa mga kabataang Mystikan, nagulat na lamang makitang sumabog ang gusali kung saan nakalagay ang kanilang mahalagang mga kagamitan. Wala namang nasawi sa nangyaring pagsabog ngunit marami ring mga sugatan at syempre anong mangyayari sa pinakamalaki nilang gusali? Ang ilang daang taong pinaghirapang buuhin ng mga sinaunang Mystikan ay wasak na ngayon.
Sigurado silang walang mga Chamnian ang may kakayahang pumasok sa Immortal college na di nila namamalayan kaya paanong sumabog bigla ang kanilang gusali?
Isa pa, kahit mga Mystic level na mga Mysterian hindi magagawang pasabugin ang gusaling ito. Kaya buo na ang paniniwala nila na may iba pang Godlevel Mysterian ang nakapasok sa Chamni at nagkataong hindi nila kakampi.
Una, kinontrol ng God level Mysterian ang pinuno nila at ngayon naman, pinasabog ang main building nila na pinaghihinalaan nilang isa itong paalala sa kanila na di guguluhin ang mga Chamnian.
"Nagbalik na ba si Jiro? Pero wala pang isang daang taon a." Sambit ng isang Elder.
Ang alam nila, bawat isang daang taon babalik sa Mysteria si Jiro na hindi parin tumatanda. Sabagay, isang buwan lang naman sa Mystika ang isang daang taon ng Mysteria. Ngunit, wala pang ilang taon bakit nangyayari na ang mga bagay na ito?
Dahil sa nangyari tinigilan na muna nila ang panggugulo sa CMA habang pinag-iigihan nilang mabuti ang pag-iimbistiga sa kung sino ang palihim na umaatake sa kanila.
Samantalang nagiging abala na ring muli sa ibang bagay sina Steffy.
***
Patungo na ngayon sa isa sa bahagi ng Alastanya kung saan nanggugulo ang iilang mga halimaw at Deiyo beast ang grupo nina Steffy.
Walang pinagkaiba ang Alastanya sa modern country ng mga tao. May mga naglalakihang mga tindahan din at mga shopping malls ang nakakalat sa paligid. Wala nga lang makikitang mga parking area ng mga sasakyan dahil ang mga parking area ay para sa mga magic beast lamang.
Medyo crowded din ang mga kalsada dahil sa dami ng mga dumadaan. Kung titingnan mabuti, aakalain ng sinuman na walang nangyayaring panganib sa lugar na ito.
Kapansin-pansin din ang mga misyonaryo at mga mandirigma na may mga dala-dalang mga sandata na pakalat-kalat sa daan at ang iba nasa mga restaurant at iba naman namimili ng mga magic weapon sa mga maliliit o malalaking magic weapon store.
May mga adventurer din na makikita sa kung saan-saan. Makikilala sila sa mga badge na mga suot nila. Ang iba naman aakalain lang na mga ordinaryong mga mamamayan.
"Akala ko pa naman, ang tahimik dito." Sambit ni Shaira.
"Sandali lang, may mga tindang mga magic beast sa gawing iyon." Sabay turo ni Aya sa isang lugar kung saan may mga nalalakihang mga hawla.
Medyo malayo ito sa kinaroroonan nila at kailangan pa nilang tumawid ng ilang nagkaka-crisscross na mga kalsada.
"Magsitabihan nga kayo. Isa akong Haria sa Vergellia kaya tumabi kayo." Sigaw ng isang babae na nakasakay sa kanyang Magic beast.
Nagkatinginan ang magkakaibigan nang marinig na galing sa Vergellia ang babae at isa pang Haria.
"Haria ng Vergellia?" Sambit nina Izumi at Asana.
Agad nilang hinanap ang pinagmulan ng boses.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top