Chamni 25: Paglabas ng CMA
Sumulpot sina Steffy sa tapat ng isang matayog na pader. May matigas na bagay ding nakaharang dito na parang isang transparent glass.
Napaawang ang bibig nina Zin dahil ito ang unang pagkakataon na nakapag-teleport sila na hindi man lang nakaramdam ng pagkahilo. Saka nakatayo lang sila kanina nang bigla na lamang nagbago ang kanilang paligid. Iyon lang at nasa ibang lugar na agad sila.
Si Asana naman nagtatalon sa tuwa.
"Steffy. Steffy. Nakakapag-teleport na ako. Nakapag-teleport na ako di natin kailangan pang parang dumaan sa manhole." Halos pitpitin na si Steffy sa kakayakap kaya naman hinila ni Steffy ang pinsan para mabitiwan siya ni Asana.
Si Sioji na bigla nalang hinila nagtatakang nakatingin kay Steffy. "Ito na Asana. He's all yours to flatten. Wag ako. Ayaw ko pang mamatay." Sabi ni Steffy na ikinasimangot ni Asana at ikinabitaw sa kaibigan.
"Bakit si Sioji pa? May iba naman diyan na dapat mong hilahin e. Pwede rin si Zin." Sabi naman ni Rujin.
Napalunok naman ng laway si Zin nang maramdaman ang panlalamig sa paligid niya. Wala sa sariling napatago siya sa likuran ni Steffy habang iniiwasan ang matalim na tingin ni Sioji.
"Kapag nagselos si insan nang dahil sayo at bugbugin si Zin patay ka sa akin." Banta naman ni Steffy.
"Anong nagseselos?" Angal ni Sioji.
"Bakit ka umangal? Ikaw ba kausap ko?" Sagot naman agad ni Steffy sabay ikot ng mga mata.
"Mamaya na kayo magtatalo. Gumawa muna kayo ng paraan kung paano tayo makakalabas ng harang na ito." Sabi naman ni Izumi.
"Problema ba yon?" Tanong ni Hyper sabay hila kay Steffy.
"Bakit ako? Alam niyo namang tatagos lang ako o." Sabay taas ng kamay niya at lumusot ang mga daliri niya hanggang wrist sa kabilang harang.
"Kung basagin mo kaya." Suhestiyon ni Arken.
"Sandali lang susubukan kong lumabas." Sabi ni Steffy at tumawid siya sa harang.
Napapigil siya ng hininga at namilog ang mga mata dahil sumalubong sa kanyang paningin ang mga dibdib na nababalot ng pulang bakal na suot ng mga scarlet knight. Nakatulala rin ang dalawang scarlet knight na nakatingin sa isang magandang pares na mga mata na kumurap-kurap sa tapat nila. Bago pa man sila makapagsalita mabilis na bumalik si Steffy sa kinaroroonan ng mga kasama.
"Anong nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ni Asana makitang parang posteng nakapako sa kinatatayuan si Steffy. Ilang sandali pa'y bigla itong nagsalita.
"May mga kawal sa labas na may kulay pulang mga kasuotang pandigma." Dinukdok ang dibdib gamit ang isang kamao sa bilis ng tibok ng puso nito. Nabigla nga kasi siya kanina. Kaya halos tumalon na palabas ang puso niya sa sobrang bigla. Hindi kasi niya inaasahan na iba ang paligid na nakikita nila habang hindi pa nakakalabas sa harang at iba din kapag nakalabas na ng harang.
Sa likod ng harang kasi ay ang matayog na puting pader at ito ang nakikita nila ngayon. Hindi nila inaakalang iba pala ang nasa likod ng harang at hindi pader kundi mga kawal na nagbabantay sa bawat hangganan ng harang.
"Sayang talaga, hindi ko na nagagamit ang super vision ko." Sambit ni Steffy ngunit napatigil siya.
"Paano ko malalaman kung di ko pa nasusubukan di ba?" Sambit niya sa isip at ipinukos muli ang tingin sa iisang direksyon kaso nadismaya siya dahil walang nangyari.
"Isa kang Zaihan. Hindi ka naapektuhan ng ano mang mga restriksyon, harang, ilusyon o anupaman." Sambit niya sa isip.
Pumikit siya habang paulit-ulit na sinasabi sa sarili ang katagang iyon bago dahan-dahang ibinuka ang mga mata.
Nakita niya ang harang ngunit sa likod ng harang ay ang grupo ng mga scarlet knight na nagkakakampo sa labas ng CMA.
Napangiti siya ng matamis dahil nagagamit parin niya ang kakayahan niyang ito.
Sa labas naman, nagkatinginan ang dalawang kawal.
"Nakita mo ba ang nakita ko?" Tanong ng isa sa dalawang nakaharap ni Steffy kanina.
"Akala ko pa naman ako lang yung nakakakita ng magandang Haria." Sagot naman ng isa.
"Pero galing siya sa CMA."
"Oo nga no?"
"At di siya naaapektuhan sa harang?"
"Sabihin natin sa heneral. Kailangan niyang malaman na may disipulo sa CMA ang di naaapektuhan sa harang."
***
Sa loob ng gusali kung saan naroroon ang tanggapan ng heneral ng Scarlet knight, matalim ang tingin na ibinibigay ng heneral sa dalawa niyang knight.
"Mga Mystikan nga di nakakalabas o nakakapasok sa harang na iyan tapos sasabihin niyong may napakagandang babaeng lumabas mula sa harang? Mukhang kulang yata kayo ng pagsasanay ano." Napatigil sa panenermon ang heneral.
Nagkatinginan naman ang dalawang kawal at napayuko na lamang.
"Magsilayas na nga kayo." Sigaw ng heneral. Mabilis namang nagsialisan ang dalawang kawal sa takot na maparusahan.
Natuklasan ng Headmaster ang nangyari sa compound ng mga tagapagbantay at nalamang balak lumabas ng CMA ang mga kabataang pinagtutuonan niya ngayon ng atensyon.
"Babalik ang mga yun dito dahil hindi sila makakalabas." Sabi ni Headmaster Nehan. Tinawagan na niya ng mga bantay sa main gate maging ang mga nagbabantay sa lagusan sa himpapawid na wag hahayaang makalabas sina Steffy kaya kampante siyang makakabalik ang mga kabataang ito.
"Paano kung makakalabas sila?" Tanong ni Elder Cid.
"Magiging anak muna sila ng Emperatris bago mangyayari yun." Ang emperatris lamang ang may kakayahang dumaan sa mga harang na likha nilang mga Chamnian. Kaya naman, naniniwala sila na anak lang nito ang isa sa posibleng makakagawa noon dahil kahit ang Emperador nila hindi rin nakakadaan hangga't hindi nito babasagin ang harang na gawa ng may-ari ng CMA.
"Kung gano'n ibig sabihin lang non na nakalabas na sila." Sagot ni Elder Cid.
"Anong nakalabas? Saka kahit makakalabas ang isa sa kanila hindi makakasama ang iba." Dagdag pa ni Headmaster Nehan. "Maliban nalang kung..."
"Kung ano?" Tanong ni Elder Zisu.
"Kung... Kung may kakayahan siyang katulad ng batang yon." Natigilan siya maalala ang tawag ng mga kabataang iyon sa isa sa kanilang mga kasamahan. Biglang napatingin kay Elder Cid. "Ano nga ulit ang ability ng mga batang yon?"
"Superstrength, superspeed, teleportation, walang harang ang nakakapagpigil sa kanila sa loob ng Academy na ito." Sabi ni Elder Cid maalalang nakarating sa mission guild sina Steffy kahit may mga harang sa bawat compound at mga students teritory.
Naalala din ito ni Headmaster Nehan lalo na nang mapasok ng mga batang iyon ang storage room ng mga level 16 students.
Sa kinaroroonan naman nina Steffy, abala ngayon si Asana sa pagawa ng portal. Sumulat ng salitang 'pintuan' si Asana sa harang. Ilang sandali pa'y nagkaroon ng maliit na pintuan ang harang.
"Ang astig. Magagamit ko ang bagong kakayahang ito." Nagtatalon sa tuwang sambit ni Asana. Ngunit natigilan makitang may pintuan nga kaso kamay lang nila ang kakasya.
Naglabas naman si Sioji ng isang magic staff at itinutok sa harang. May lumabas na blue na liwanag mula sa dulo ng magic staff at tumama sa harang. Isang portal ang nabuo sa gawing tinamaan ng kapangyarihan ng kanyang magic staff.
Saka naalala ni Steffy na meron palang magic staff si Haring Yuji kaya hindi imposibleng meron din nito si Sioji.
"Bakit ngayon mo lang iyan inilabas?" Tanong ni Steffy.
"Dahil ngayon lang natin kailangan." Sagot ni Sioji. Sa pagkakaalam kasi niya hindi naman sila nagkakaproblema sa mga harang dati e. Pero di niya inaakala na may ganitong uri ng harang na maliban kay Steffy hindi sila makakasama sa pagdaan. Nasanay sila na kahit anong uri pa ng harang kapag gustuhin ni Steffy matatawiran din nila pero iba ang harang na ito. Hindi sila nakakatawid kahit gustuhin man ni Steffy. Kaya inilabas na lamang niya ang magic staff na isa sa mga sandata nilang mga Arizonian.
Nakasunod na ngayon ang heneral sa dalawa niyang kawal. Titingnan niya kung wala bang problema sa mga trainee niya ngunit napatigil makita ang grupo ng mga kabataang naglalakad sa training field nila. Mga kababaihan ang nauna at mga lalaki sa likuran na parang mga bodyguards.
"Meron talaga isang magandang Haria e. Hindi talaga yon panaginip." Sambit pa ng isa sa dalawang mga kasamahan. Nang biglang sumabad ang heneral nila mula sa likuran.
"Mga loko. Anong isa lang? Marami." Mabilis sambit ng heneral at tumakbo sa kinaroroonan ng grupong nakita niya kanina ngunit nawala na lamang bigla sa kanyang paningin.
Napapreno siya sa pagtakbo. "Dito lang yun e. Nasaan na sila?"
"Heneral. Anong hinahanap niyo diyan?" Tanong ng nagsasanay na isang kawal makita ang heneral nila.
"Wala ba kayong nakitang mga kabataang naglalakad sa gawing ito kanina?" Tanong niya sa mga kawal na tumigil sa oag-eensayo nang makita siya.
"Baka mga baguhan ang tinutukoy niyo heneral?" Ang tanong naman ng isa sa tatlong captain niya.
"Hindi. May mga babae sa kanila. Magagandang mga babae at mga gwapong mga lalake." Sagot ng heneral.
Nagkatinginan naman ang mga kawal.
"Baka kailangan niyo na pong mag-asawa." Nanunuksong sagot ng ikalawa niyang captain.
"Oo nga po heneral. Kasi nakakakita na kayo ng magagandang babae sa lugar na ito gayong puro lalake tayong nandirito." Sagot ng ikatlo.
Gusto tuloy bugbugin ng heneral ang mga captain niyang ito. Iniisip kasi nila na dahil sa pag-iisip niya sa mga babae kaya siya namamalikmata.
"Hindi ako maaaring magkamali dito nga sila nakatayo kanina." Sambit pa niya.
"Sabi ko sa inyo e. Meron nga kaming nakita kanina heneral. Mabilis lang bumalik sa loob ng Academy." Sabi ng kawal na nakasalubong kanina ni Steffy.
"Kailangang maipaalam natin ito sa Academy." Seryosong sagot ng kanilang heneral.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top