Chamni 2: Brix
"Lumipad tayo." Suhestiyon ni Rujin habang tumatakbo. Mabuti nalang talaga at mabilis parin siyang tumakbo.
"Kaya mo?" Tanong ni Steffy.
"Hindi e. Hindi ko na nagagamit ang ability kong iyon. Kaya ikaw nalang." Sagot ni Rujin sabay pekeng ngiti.
"Tumakbo ka nalang." Sagot ni Steffy na ikinanguso ni Rujin.
"Hindi ka naaapektuhan ng restriksyon di ba?"
"Hindi rin gumagana ang kakayahan ko sa lugar na ito. Kung nakakalipad pa ako e di sana kanina ko pa ginawa."
"Oo nga naman. Sa katamaran mong iyan, baka kanina ka pa lumipad palayo." Sagot ni Rujin sabay tango ng kanyang ulo.
May nadadaanan silang limang mga Chamnian na nagkakampo sa isang espasyo at may iniihaw sila sa isang bonfire. Makitang malalakas sila, tumigil sina Steffy at binitiwan na ni Rujin ang hawak na Chamnian.
"Isang Deiyo beast." Sambit ng matangkad na lalaki at inihanda ang kanyang flying swords.
"Deiyo beast?" Takang sambit ni Steffy. Hindi niya inaasahan na may mga Deiyo beast din sa lugar na ito. Ang mas nakapagtataka dahil may malakas na Chamnian Tzi ang Deiyo beast na paparating.
"Umalis na kayo dito. Mapanganib ang Deiyo beast na ito." Sabi ng isang magandang babae sa kanila.
Kinuha ang sandata niya na may hugis crescent moon at tumakbo na ang babae papunta sa higanteng Deiyo beast.
"Tumakbo na kayo mga bata." Sabi ni Dennis makitang nakatayo lamang sina Steffy. Iniisip niyang baka matindi pa ang pagka-shock nito kaya napako sa kinatatayuan.
"Wag kayong mag-alala. Magiging maayos din ang lahat. Pero sa ngayon kailangan niyo na munang umalis." Sabi ni Dennis at ginulo ang buhok ni Steffy sa tuktok ng ulo niya. Saka ito umalis at sumakay na sa flying swords nito.
"Aish! Bakit ba ang hilig-hilig nilang manggulo ng buhok?" Reklamo ni Steffy. "Kapatid yata to ni kuya Histon e. Makagulo kasi ng buhok wagas."
"Tingnan niyo. Ang galing nila." Manghang sabi ni Rujin at naghanap pa ng magandang lugar para makapanood ng magandang eksena sa nagaganap na labanan ng limang mga Chamnian laban sa Deiyo beast.
"Hindi ba kayo aalis? Mapanganib kaya dito?" Nag-aalalang tanong ni Brindon. Ang lalaking nakasama nila.
"Manonood pa kami. Intense na ang laban e." Sagot ni Steffy.
Hindi tuloy alam ni Brindon kung aalis ba siya o maghihintay nalang din na matapos ang laban.
Iilang mga nakaunipormeng kabataan pa ang dumating at nakisali sa laban. Pagkatapos ng isang oras napatumba rin nila ang Deiyo beast. Ngunit labing isa sa mga kabataan ang nasugatan.
Nasugatan din ang limang mga adult na nakikipaglaban sa Deiyo beast kanina ngunit isa lang sa kanila ang may malubhang sugat.
Matapos kunin ang crystal core ng Deiyo beast, bumalik na sila sa kinaroroonan nina Steffy.
Dumilim ang mukha ng ilan sa kanila makitang wala na ang mga pagkain na inihanda nila para sa mga kabataang nandirito sa gubat na ito, pati ang iniihaw nilang magic beast nawala na rin.
Saka narinig nila ang pagnguya na ikinaangat nila ng tingin. Nakita nila sina Steffy at Rujin na dinuduyan pa ang mga paa habang nakaupo sa isang sanga ng puno. Inosenteng nakatingin sa kanila habang patuloy sa pagkagat sa mga hawak na inihaw na karne.
Inaakala nilang umalis na ang mga batang to pero mukhang nag-ienjoy pa kahit intense na ang labanan kanina.
"Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ni Lyka. Ang babaeng may crescent moon blade kanina.
"Kumakain." Sagot ni Steffy. "Maganda kasi ang view dito. Kitang-kita ang buong paligid."
Ang punong kinaroroonan nina Steffy ay ang pinakamatayog na puno sa lugar na ito kaya nakikita nga ang ibang bahagi ng buong lugar. Kaya lang, hindi ito naaakyat dahil sa madulas na katawan ng puno. Maliban na lamang kung lumipad sila.
"Bumaba na kayo diyan. Wala na ang Deiyo beast." Sabi ni Dennis.
Lumabas naman mula sa likuran ng puno si Brindon. Si Rujin naman tumalon pababa. Sumunod naman agad si Steffy. Humawak muna siya sa inaapakang sanga kanina at nakabitin na siya ngayon. Akmang bibitaw pero hindi itutuloy.
"Di kaya ako mamamatay? Di naman siguro di ba?" Tanong niya pa habang nakatingin kay Rujin na maayos naman ang pagkakabagsak sa lupa.
"Kinakatakot mo? Kung mamamatay ka, ililibing naman kita ng maayos e." Sagot naman ni Rujin na ikinainis ni Steffy at binato sa gawi ki Rujin ang butong hawak pa rin niya.
"I hate you!"
"Aylabyutsu muah muah." Pang-aasar naman ni Rujin na lalong ikinasimangot ni Steffy.
Bumitaw na rin siya at bumagsak sa lupa.
"Sabi ko na nga e, di ako mamamatay." Masiglang sabi niya matuklasang kahit di sila nakakagamit ng kapangyarihan hindi naman nawawala ang kanilang mga kakayahan at lakas.
"Brix, maraming dugo ang nabawas kay Aneysia." Sabi ni Sheena na tinatakpan ng kamay niya ang sugat sa dibdib ng isang babae.
Ang tinatawag na Brix ay ang lalaking dinaanan lang si Steffy noong dumating siya sa lugar na ito at nakabitin sa isang sanga.
Nakapamulsang nilapitan ni Brix ang dalawang babae. Kapansin-pansin ang crescent moon badge sa gilid ng mga suot nilang long sleeves. Iniluhod ang isang tuhod at itinapat ang kaliwang palad sa dibdib ng babaeng nakahiga.
Isang kulay asul na liwanag ang lumabas mula sa mga kamay ni Brix at unti-unti namang naghilom ang sugat ng babaeng nakahiga. Unti-unti ring bumalik ang kulay sa namumutla nitong mukha.
Nagising naman ang babae at tuwang-tuwa na makitang si Brix ang nagligtas sa kanya ni di na niya napansin si Sheena na labis na nag-alala sa kanya.
"Maraming salamat Jumei Brix." Pagpapasalamat ng babae na nahihiyang tingnan ang binata.
Si Steffy naman napatingin kay Brix. Cold ito ngunit habulin ng mga babae ang dating at hitsura. Matanda lang sa kanya ng dalawang taon at may healing ability itong katulad kay Izumi.
Kundi rin dumating si Brix kanina baka hindi na mapapatumba nina Dennis ang Deiyo beast. Mas malakas ang Deiyo beast kanina kumpara sa mga Deiyo beast na nakakasalubong nina Steffy sa Deiyo mountain ng Arciana. Pero natalo ito ni Brix at ng mga Chamnian na ito. Ibig sabihin, mas malakas nga ang mga Chamnian na ito kumpara sa kanila nina Rujin at iba pa.
"Bakit hindi kayo umalis nang sabihin kong umalis kayo kanina?" Tanong ni Dennis sa tatlong mga kabataan. Napayuko naman si Brindon habang si Rujin naman timingin kay Steffy.
"Nagugutom ako. Kaya naisipan naming kumain muna." Sagot ni Steffy na ikinatahimik ni Dennis.
Sino ba kasing mga Chamnian na nanganganib na nga ang buhay naisipan pang kumain? Saka nila naaalala na wala ng natitira sa mga nakahandang pagkain para sa mga batang kasama nila.
"Pagkain namin yon, bakit mo inubos?" Tanong ni Travis kina Steffy. Nahihirapan kasi silang maghanap ng makakain sa lugar na ito tapos kinain lang ng di nila kilalang mga Chamnian.
"Iniwan niyo na e. Kung di namin kinain kanina pa sana nilalangaw. Saka sa palagay niyo ba nakakain parin yun. Balot na balot na yon ng alikabok at mga dumi bago pa kayo matapos sa pakikipaglaban." Katwiran ni Steffy.
Nagkakalat na nga ang mga dahon at mga alikabok sa pinaglagyan nila ng mga pagkain kanina. At kumalat na rin ang mga kahoy na ginawa nilang bonfire kanina. Kundi ito binuhusan ng tubig nina Steffy baka kanina pa kumalat ang apoy.
"Pero kahit na. Dapat sana nagtira ka." Nakangusong sagot ni Travis.
"Nagtira ako." Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Travis. "Buto." Sabay pakita ng buto ng kinain niyang karne na ikinaasim ng mukha ng lalake.
"Tama na yan. Mas mabuti pang ayusin niyo na ang mga tent niyo." Sabi ni Axsen. Isa sa limang adult na kasama ng labing isang mga kabataang ito.
Aalis na sana sina Rujin at Steffy nang mapansin sila ni Dennis.
"Saan kayo pupunta? Mapanganib ang lugar na ito kaya wag kayong gumala sa kung saan-saan." Sabi ng tahimik na si Phairo. Isa sa limang adult.
"Dito lang kayo habang hinahanap pa namin ang iba." Sabi ni Dennis na ipinagtataka nina Steffy.
"Kailangan naming mahanap ang mga kaibigan namin." Sagot ni Steffy.
"Alam namin. Pero mapanganib ang lugar na ito lalo na sa gabi kaya maghintay kayo at sabay-sabay natin silang hahanapin." Sagot ni Dennis.
Umupo na lamang sina Steffy sa gilid ng puno at nagkatinginan.
"Di kaya akala nila na kasamahan nila tayo?" Tanong ni Rujin sa isip ni Steffy.
"Mukha nga. Pero mukha naman silang mababait kaya sumama nalang tayo sa kanila. Isa pa, maliligaw lang tayo sa lugar na ito. Hindi na nga natin nagagamit ang kapangyarihan natin hindi pa tayo pamilyar sa lugar na ito. Baka mamaya sa halip na tayo ang maghahanap tayo pa tuloy ang mawawala." Sagot ni Steffy.
Walang nakakarinig sa pag-uusap nila dahil nag-uusap sila gamit ang isip.
Ginagamot na ngayon ng grupo si Brindon at tinanong din kung bakit hinahabol ito ng Deiyo beast kanina.
"Naligaw ang grupo namin sa isang pampang. Hindi namin inaakala na sa kabilang bahagi ng pampang natutulog ang Deiyo beast." Sabi ni Brindon at hindi na muling nagsalita pa. Halata ang takot at sakit maaalala ang sinapit ng mga kasama niya.
Ang mga kabataang napadpad sa Jinoma mountain ay mga kabataang kasali sa Chamnian continental exam. Sa outer part ng Jinoma mountain ang punta nila at hindi sa pinakasentro ng Jinoma.
Hindi nila inaasahan na nang buksan na ang portal patungo sa Jinoma mountain, bigla na lamang naglaho ang harang na nakapaligid sa buong lugar at ang mga Deiyo beast mula sa inner part ng Jinoma nakalabas na ngayon at nagkakalat na sa buong kabundukan. Walang ibang nagawa ang mga nakakataas na Chamnian kundi ang balutin ng harang ang buong Jinoma kahit ang mga nayon sa paligid ng bundok. Bago nagpadala ng mga eksperto para mailigtas ang mga kabataang pumasok sa loob.
Isa sa mga pinadala ay sina Dennis at iba pang mga guro at iba pang mga malalakas na mga Chamnian tulad nina Dennis at sa iba pa nitong mga kasama.
Ang Jinoma mountain ay maituturing na siyang pinakamapanganib na lugar ng Chamni ngunit pinakamagandang lugar para mas mapapabilis ang pagpapalakas ng mga Chamnian. Iyon ay dahil sagana sa Chamnian energy ang bundok at nakakatulong din ang mga crystal core ng mga Deiyo beast para sa pag-angat ng kapangyarihan ng mga Chamnian. Nabibilang lang ang mga Chamnian na naliligaw sa inner part ng Jinoma mountain ang nakakauwing buhay. Kaya naman labis na nabahala ang buong kontinente nang malamang naglaho ang harang ng inner part ng Jinoma mountain. At marami sa mga kabataang Chamnian ang nakapasok sa loob at marami ring mga Deiyo beast ang nakalabas mula sa loob.
Kundi lang sa abnormal na panahon noong nakaraang mga araw, at sa biglaang paglalaho ng mga harang sa iba't-ibang parte ng kontinente ng Chamni, hindi sana magiging magulo ang continental exam nilang ito.
Ang Chamnian continental exam ay isang paligsahan para sa lahat ng mga kabataan ng Chamni mula 25 years old pababa. Ang top 100 na makakakuha ng may pinakamaraming crystal core ng Deiyo beast ang siyang hihiranging mga bagong Hero ng kontinente. Mabibigyan ng maraming pribilehiyo sa pamahalaan ng Chamni at siyang mabibigyan ng tsansang pumasok sa CMA o Chamni Mystic Academy na para sa mga pinakatalentadong mga kabataan ng Chamni.
Ang Akademiyang pinapangarap pasukan ng mga kabataang Chamnian. Dahil ang paaralang ito ang tumutulong sa mga batang Chamnian para magiging isang Mystic cultivator.
Nakahanda na ang tent ng lahat maliban kina Steffy, Rujin at Brindon. Dumidilim na rin ang buong paligid. Umalis naman sina Brix para makahanap ng makakain nila.
Sina Steffy at Rujin naman tinatawag sina Asana at iba pa kaso walang sumagot ni isa sa mga kaibigan.
"Hindi ba kayo gagawa ng matutulugan niyo?" Tanong ni Brindon.
"Maya-maya na." Sagot ni Steffy.
Kahit malamig ang pakikitungo ng iba sa kanila, hindi nila nararamdaman ang anumang negatibong emosyon mula sa grupong ito. Ibig sabihin walang sino man sa grupong ito ang may masamang binabalak sa mga kapwa maging sa katulad nina Steffy na hindi nila kasamahan.
Gumawa na ang dalawa ng mga tent nila na naiiba sa mga Chamnian.
"Kulay itim ang mga tent ng mga chamnian na ito ngunit kulay puti kina Steffy.
"Alam niyo bang mas madaling makita ng mga kalaban kung puti ang ginawa niyong tent?" Tanong ni Sheena.
"Di bale na. Ang kalaban ang takot sa mukha namin." Confident na sagot ni Steffy.
"Bahala nga kayo diyan." Sabi ni Sheena at iniwan na sila.
Nang makabalik na sa kanyang tent lumingon siya sa gawi nina Steffy. Napakunot ang kanyang noon makitang wala na ang tent ng dalawa. Kanina lang ay nakatayo ito sa tapat nina Steffy.
"Hindi mo makikita ang tent nila kung malayo ka sa kinaroroonan ng tent. Hindi iyan ordinaryong tent lang. Ganyan tent ang ginagamit ng mga Arizonian kapag nagka-camping sila sa gitna ng labanan. Isa din sa dahilan kung bakit hindi matagpo-tagpuan ng mga kalaban ang kanilang kampo." Sabi ni Phairo habang nakatingin sa kinaroroonan nina Steffy.
Napaawang naman ang bibig ni Sheena. Hindi niya inaakala na ang tent na iniisip niyang hindi dapat gamitin ay siya palang pinakakakaibang tent at pinakamagandang gamitin para magtago sa mga kalaban.
"Wala naman silang mga Chamnian Tzi pero bakit may ganyang uri ng tent sila?" Tanong niya pa. Ngunit naisip din niya na siguro isa ito sa dahilan kung bakit naka-survive parin hanggang ngayon sina Steffy sa loob ng pitong araw sa kabila ng panganib ng lugar na kinaroroonan nila. Hindi niya inaakala na unang araw pa lamang nina Steffy sa lugar na ito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top