Chamni 16: Kaiche
Pagkalipas ng dalawampung minuto, nakarating na sila sa tapat ng mission guild. Mabilis na nagsibabaan ang lima at agad namang sumunod ang kinakabahang mga Arkian. Kinakabahan sila dahil alam nilang hindi papapasukin ng mga bantay sina Steffy dahil hindi pa sila kabilang sa klase ng level eleven.
Kinakabahan sila na nasasabik din sa anumang maiisipang pakana ng mga kabataang ito.
"Nandito na pala kayo. Muntik na kaming mahuli a." Salubong ni Rujin kina Steffy kasama nito sina Arken at iba pa.
Walang kasamang mga tagapagbantay sina Rujin na halatang tinakasan nila.
"Sabi ko na nga ba palalayasin din kayo. At pag pinalalayas na kayo siguradong dito ang punta niyo." Proud na sabi ni Hyper. Ipinagmamayabang kasi na nahuhulaan niya kung ano ang mangyayari sa mga babaeng kaibigan nila.
Isang libong hagdan pa ang dapat nilang akyatin bago makarating sa pintuan ng mission guild. Kung saan may apat na Syanra level na mga kawal ang nagbabantay sa labas.
At gaya ng palaging ginagawa nina Steffy, pumasok na naman sila sa isang portal at nag-teleport sa ika-walongdaang hagdan. Saka naglakad ng muli hanggang marating nila ang pinakatuktok kung saan nakatayo ang gusali.
At gaya ng inaasahan, hinarang sila ng mga kawal dahil sa blue coat na suot nila na isa sa palatandaan na galing sila sa level ten class pababa.
"Bawal kayong pumasok sa guild na ito." Sabi ng isa sa apat na kawal.
"Bakit ba ipinagbabawal ang mga level ten class pababa? Paano kung may kakayahan din kaming tumapos ng isang misyon?" Tanong ni Aya.
"May isang pangyayari kasi sa Chamni na kumitil sa buhay ng mga estudyanteng kasama sa isang misyon. Marami sa mga kabataang tumanggap ng misyon na iyon ang namatay. At halos lahat sa kanila ay kabilang sa level ten class pababa. Kaya magmula non, ipinagbabawal na ng Headmaster na sumali sa isang misyon ang sinuman sa mga estudyanteng hindi pa nararating ang level eleven class." Paliwanag ni Zin.
"Anong misyon po ba iyon?" Tanong ni Steffy.
"Ang paghahanap sa mga iniwang yaman ni Jiro Heal." Sagot ni Zin. Hindi sekreto ang nasabing misyon. At alam ito ng halos lahat ng mga Chamnian maliban sa iilang mga Chamnian na hindi mahilig makinig sa mga bali-balita. Kaya naman, sinabi agad ni Zin ang tungkol sa bagay na ito.
Isa sa pinakadahilan kung bakit nandito ngayon ang mga Mystikan, iyon ay ang matagpuan ang yamang iniwan ng isang Mystikan na si Jiro Heal sa mundo ng Mysteria. Isa sa mga yamang ito ay ang destruction swords at ang golden swords, ang legendary shield, ang bato ng kalikasan, maging ang bato ng Ecclescia, at ang magic core ng Mysteria kung saan nagmumula ang mga kapangyarihan ng mga Mysterian. Isa ito sa mga hinahanap ng mga Mystikan ngunit hinahanap din nila kung sino-sino ang pito sa mga piniling magiging pinuno ng lahat ng mga piniling tagapangalaga ng mga elemento.
Marami pang yamang iniwan si Jiro Heal at ang lahat ng mga yamang iyon ay may malaking maitutulong para magiging mas malakas ang sinuman.
Si Jiro Heal ay isang misteryosong Mystikan na bigla na lamang susulpot at maglalaho sa Mysteria. Isangdaang taon na ang nakalipas magmula noong huli siyang makita ng mga Chamnian. Si Jiro din ang bumuo sa apat na kaharian ng Chamni at siya rin ang nagbigay ng pangalan dito. Siya din ang pumili sa kung sino ang magiging hari o reyna sa mga kaharian. Sa kanya rin nagmumula ang salitang pinili.
Nagbigay siya ng palatandaan ng mga pinili. At dahil sa kanya, nalalaman ng mga Chamnian kung pinili ba ang mga anak nila o hindi. May iba naman na saka pa nagiging pinili kung malaki na.
Walang nakapansin sa biglang pagbabago ng ekspresyon ni Steffy ngunit sandali lang ito. Kaya lang kapansin-pansin ang pagkuyom ng kanyang kamao.
"Gusto nilang makalabas ng Chamni? Kaya lang nandito na ang hinahanap nila." Sambit niya pa sa isip.
"Ano pa pong ibang paraan para maaari na kaming tumanggap ng misyon?" Tanong ni Arken.
Maari kasi nilang gamiting desguise ang pagtanggap ng misyon galing sa CMA para makapagmanman sa mga kaganapan sa paligid ng Chamni. At makapaghanap ng impormasyon tungkol sa kanilang tunay na pagkatao. At ang lihim ng kanilang pagkasilang kung bakit kailangang ipadala sila sa Mysteria upang magpakahirap at tugisin ng mga Dethrin at mga Superian noon.
Magagamit din nila ang identity nila bilang CMA students para hindi mapagdududahan ng iba kung sakaling saan-saang parte man ng Chamni sila makakarating.
"Meron. Dalawang kondisyon." Sabi ng isang kawal.
"Ano po yon?" Tanong ni Arken na halatang nabuhayan muli ng pag-asa.
"Ang unang kondisyon ay umalis na kayo at hintayin ang monthly examination at pangalawa, ay ang itapon ko kayo palayo." Sagot ng kawal.
"Kayo." Sabay turo ng isang kawal kina Zin.
"Alam niyo ng bawal sila dito bakit hinayaan niyo lang? Siguradong ipapaalam namin ito sa nakakataas at sabihing hindi niyo nagampanan ang inyong tungkulin." Matapang na sagit ng kawal.
Napayuko naman sina Zin. Alam nilang sa punishment hall ang bagsak nila sa pagsama sa mga kabataang ito kaya naman hindi na sila umangal sa sinabi ng kawal ng mission guild.
"Nasaan na ang mga yon?" Tanong ng isa sa mga kawal nang maglaho sa tapat nila ang sampong mga kabataan. Mabilis silang pumasok sa loob para matiyak na hindi nakapasok sina Steffy.
Napaungol si Steffy nang bumangga sa kung sino. Sumulpot kasi siya sa lugar kung saan may Chamnian na nakatayo rito.
Napatitig siya rito ganoon din ang lakake sa kanya.
"Kaiche. Nandito ka lang pala." Tawag ni Alora sa lalake. Mga level 17nth disciples sila at kilala sa top ten na pinakamalakas na estudyante ng CMA.
Napaatras sina Kaiche at Steffy mapansing masyado pala silang malapit sa isa't-isa.
Pamilyar sa kanya ang pangalang Kaiche na tila ba narinig na niya ito dati.
Tumalikod na siya para hanapin ang mission wall kung saan nakasulat ang mga mission na dapat lutasin ng mga mag-aaral ng CMA. Ngunit napapreno nang may maalala.
Bawal ang mga level ten class pababa pero kung may mga seniors o mga mag-aaral na galing sa level eleven pataas ang handang magdala sa kanila sa misyon maaari silang sumama.
"Anong misyon ang kinuha mo?" Tanong ni Alora kay Kaiche.
"Ang misyon sa Alastanya. May iilang mga halimaw ang nakapasok sa harang na galing sa monsterdom. Kaya naman kailangan ng lugar na iyon na ang tulong ng CMA para madagdagan ang harang at magapi ang mga nakawalang mga halimaw." Sagot ni Kaiche.
"Monsterdom?" Sambit ni Steffy at bumalik sa kinaroroonan nina Kaiche at Alora.
Napatingin sina Alora at Kaiche makitang bumalik sa kinaroroonan nila si Steffy.
"Senior, pupunta kayo ng Alastanya?"
"Bakit?" Nakakunot ang noo na tanong ni Alora lalo na nang mapansin na ang blue coat na suot ni Steffy.
Purple red ang kulay ng mga coat ng mga nasa level eleven pataas para sa lecture class nila. Pero blue ang suot ng babaeng ito at nakapagtataka kung bakit nakapasok ito sa loob ng mission guild.
"Galing ako sa Alastanya at nag-aalala ako sa kalagayan ng aking pamilya sa lugar na iyon kaya naman pinilit kong nakapasok sa mission guild. Gusto kong makalabas ng CMA para malaman kung ano na ang kalagayan ng pamilya ko sa labas. Kung maaari sana isama niyo ako please." Pakiusap niya at nakadaop palad pa.
Ngayon alam na nila kung bakit desperado si Steffy at pumasok ng mission guild na walang paalam. Nag-alala ito sa pamilya niya sa labas na naiintindihan naman nila. Kung sila pa ang nalagay sa sitwasyon ni Steffy baka lumuhod na sila sa Headmaster na payagang makalabas ng CMA at sumama sa misyon. Hindi nila alam na nagsisinungaling pala ang mukhang inosenteng babaeng ito.
Hindi ugali ng mga Chamnian ang magsinungaling. Kaya hindi nila inaakala na nagsisinungaling si Steffy.
"Maaari ka naming isama kaya lang, kailangan pa namin ang approval ng Headmaster." Sagot ni Kaiche.
"Pero isa lamang siyang level 6th class student." Kontra ni Alora makita ang 6 na naka-pin sa dibdib ni Steffy. "Maaapektuhan ang misyon natin." Sagot ni Alora.
"Kung ikaw ang nasa kalagayan niya ano ang gagawin mo?" Tanong ni Kaiche kay Alora.
Napaisip si Alora. Kung ang pamilya niya ang nalagay sa alanganin at mababa pa ang level niya para makasama sa misyon para makalabas ng CMA siguradong makikiusap din siya sa mga seniors nila na sana isasama sa misyon.
Napayuko na lamang siya at di na nagsalita pang muli.
Napapailing naman si Steffy sa kabaitan ng mga Chamnian na ito. Di na siya nagtataka kung bakit naiisahan sila ng mga Mystikan. Ang bilis kasing lumambot ng mga puso nila at ang bilis ding maniwala.
"Wag kang mag-alala, kakausapin namin ang Headmaster tungkol sa bagay na ito. Sabihin mo lang ang pangalan mo para maisali kita sa listahan ng mga isasama ko." Sabi ni Kaiche.
"Steffy. Steffy ang aking pangalan." Sagot ni Steffy. Makita ang papalapit na mga kawal manilis siyang umalis.
"Steffy?" Nagtatakang tanong ni Kaiche.
"Steffy! Bumalik ka dito." Ang naalala niyang sigaw ng isang guro nila noon habang hinahabol ang isang pasaway na batang ginawang ahas ang sinturon ng kanyang guro.
Nagtago ang bata sa loob ng palda ng kanilang lecturer sa level 3 class noon para di matagpuan ng galit na galit na level one class lecturer.
Kulay ginto ang buhok ng batang iyon kabaliktaran sa kulay itim na buhok ng Steffy na nakatagpo nila ngayon.
"Bakit kapangalan niya ang batang iyon?" Tanong niya pa.
"May nakita ba kayong mga kabataang nakasuot ng blue coat dito?" Tanong ng kawal sa kanila.
"Meron pero umalis na." Sagot ni Kaiche. Mabilis namang nagsialisan ang mga kawal.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top