Chamni 11: May mga mapanggulong Mystikan
Tiningnan ni Elder Cid ang silid nina Steffy. Wala silang makikitang kahit isang gamit ng mga bata.
"Ipasok na ang mga uniporme." Utos niya sa mga katulong. Nagsipasukan naman ang mga katulong at ipinasok ang mga uniporme na dala nila sa walking closet sa loob ng kwarto.
"Ang mga batang yon, parang mga walking space. Lahat nalang yata ng mga gamit nila may space." Sambit niya pa.
Kayang gumawa ng sinuman ng magic space ngunit marami ang mga Mysterian o Chamnian energy ang mababawas sa sinumang gagawa nito. Posible pang mababawasan ang level ng kanilang kapangyarihan kung malaki ang space na nilikha nila mula sa isang item, space ring ba o ibang spatial items.
Bawat isa sa mga bratty gang may mga space ring. Si Steffy lamang ang may dalawang space ring. Lilitaw lamang sa mga kamay niya kapag ginagamit niya ito. Hindi katulad sa space ring ng iba na nakikita ng sinuman.
Kaya lang, may kakaibang singsing siyang napansin na nasa kamay ni Steffy. Kung di siya nagkakamali, isa itong slave ring. Nakalagay ito sa hintuturo niya at nakikita ng sinuman. Kaya lang aakalain ng iba na ito ang kanyang space ring kung di nila alam ang totoo.
"Minsan kayang naging alipin ang prinsesa ng mga Zaihan?" Tanong niya pa sa isip.
"Nailagay na po namin ang mga uniporme Elder Cid." Pagri-report ng isa sa mga katulong.
"Sige makakalabas na kayo." Sabi niya bago umalis.
***
Naglilibot ngayon sa ang mga baguhang mga estudyante sa paligid ng CMA. Ang ilan sa kanila ay sakay ng mga flying beast. Samantalang sakay naman ng flying boat ang grupo ni Steffy kasama ang iilang mga estudyante.
"Alam mo bang gawa halos ng mga Perzellian ang mga sasakyan dito? Kahit itong sinasakyan natin ay gawa din nila." Sabi ni Miro.
"Kung sana'y kasama ko sina Mama Seyria, papa at kuya Ariel, ang saya-saya sigurong mamasyal sa lugar na ito at panoorin ang nagliliparang mga sasakyan." Sambit niya na ikinalungkot din ng mga kasama.
Lahat sila naghahangad na kahit minsan magkakaroon din sila ng buong pamilya katulad ng iba.
Iba man ang tunay na mga magulang ni Steffy ngunit hindi niya maiwasang mas mami-miss ang adopted family niya kaysa sa tunay niyang pamilya. Pareho niyang mahal ang mga ito pero mas nangungulila talaga siya sa adopted parents niya lalo na nang ibuwis nila ang kanilang buhay para lamang sa kanya.
"Wag kang mag-alala. Mahahanap din natin sila." Sabi ni Shaira.
May natanaw silang lugar kung saan may naglalabasan na mga estudyanteng nasa level 11 pataas. Ngunit karamihan sa mga pumapasok sa lugar na ito ay ang mga level 15 pataas na mga estudyante. Iilang mga level eleven to 13 ang napapagawi sa lugar na ito dahil hindi pa sila gaanong malalakas.
"Anong meron sa gusaling iyan?" Sabay turo ni Izumi sa gusali. Narinig naman ni Zin ang tanong niya. Lumapit ito at ipinaliwanag sa kanila kung ano ang meron sa gusali.
"Iyan ang mission guild. Makakapasok lamang kayo sa lugar na iyan kapag nasa level 11 na kayo." Sagot ni Zin.
"Gusto ko sanang pumasok. May ibang paraan ba para makapasok?" Tanong ni Steffy.
"Wala na bukod sa magiging level Eleven kayo." Sagot ng lalake.
"Kung gano'n paano kami magiging level eleven? Wala bang shortcut?" Tanong ni Steffy.
"Kailangan niyo lang mag-aral ng mabuti. Kapag dumating na ang monthly assessment, maaari na kayong sumali sa leveling assessment. Dito malalaman kung saang level kayo ulit mapupunta." Paliwanag ni Zin.
"Hintayin nalang natin ang next month." Sabi ni Asana makitang dismayado si Steffy.
Kasama naman ngayon ni Brix si Aneysia na sunod ng sunod sa kanya.
"Dinalhan kita ng miryenda." Nahihiyang sabi ni Aneysia habang nakataas ang hawak na basket na may mga cookies.
Kinuha ito ni Brix na ikinangiti ng dalaga at napayuko. Hinihintay ang sasabihin ng binata ngunit ilang minuto na ang nakalipas wala parin siyang naririnig na salita kaya napaangat siya ng tingin at natuklasan na wala na pala si Brix sa kinatatayuan.
Hinanap niya ito at nakitang naglakad ito palapit sa kinaroroonan nina Steffy. Inabot niya kay Steffy ang hawak na basket na ikinakunot ng noo ng dalaga.
"Para saan yan?" Tanong ni Steffy kay Brix. Kinuha ang basket at nagtatakang tiningnan ang mga cookies sa loob.
"Pasalamat ni Aneysia sa inyo." Sabi nito at umalis na. Nilagpasan ang naluluha ng si Aneysia.
Pagkaalis ni Brix isinuli naman ni Steffy kay Aneysia ang basket. "Wag ka ng malungkot. Mukha ka tuloy kaawa-awa." Sabi niya at iniiwan ang gulat na si Aneysia.
Hindi niya inaasahan na ibabalik ni Steffy ang basket sa kanya.
"Wag mo sanang mamasamain. Ibinalik ko lang sayo dahil para iyan sa iba at hindi para sa amin." Sabi ni Steffy at muli ng bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan.
"Himala. Nagsalita ng ganyan ang madalas nagnanakaw ng pagkain." Kantyaw naman ni Asana.
"Iba ang sitwasyon niya. Nasasaktan siya. Iba ang sakit at lungkot sa galit. Kapag nagagalit siya bakit ko isusuli?" Ang inaasar lang ni Steffy ay ang mga Mysterian na madaling magalit at nagagalit kapag ginagalit niya. Mas mahilig kasi siyang mangpikon pero sa kaso ni Aneysia, pansin niya ang sakit na nararamdaman ng dalaga makitang sa ibang babae binigay ang cookies na pinaghirapan niyang gawin.
Kahit si Brix hindi inaasahan na isusuli ni Steffy ang basket na may cookies kay Aneysia. Kung ibang babae pa yon kikiligin na dahil siya ang lumapit at nagbigay.
Siya ang pinaka hinahangaan at pinakagwapong lalaki sa Zaihan emperial City. At maituturing na Top young master ng Zaihan. May titulong Jumei na katumbas ng isang prinsipe ng Zaihan ang status at standby heir ng Zaihan kingdom.
Standby heir, na kung walang may gustong umupo sa Zaihan kingdom siya ang posibleng hahalili sa hari ng nasabing lugar. Emperador ng Chamni ang tumayong hari ng Zaihan ngayon pero hindi niya pinamamahalaan ang kaharian dahil ang mga malalaking problema lamang ang pinagtutuonan niya ng pansin. Ang pangkalahatang problema sa buong emperyo.
Independente ngayon ang kaharian ng Zaihan. Walang hari o reyna. Walang buwis o babayaran. Wala rin namang problema sa kahirapan ang mga mamamayan dahil wala namang nangyayaring kawalan sa kaharian.
Nakapokus din sila sa pagpalakas at panggagamot sa sinumang nagkakasakit. Payapa ang kaharian at di na nangangailangan pa ng hari o hara. Ngunit dahil kailangan parin ng isang pinuno ang isang bansa, nagsagawa ang hari ng malawakang pagsusulit. At ang mangunguna ay ang siyang hihiranging Jumei. Ang Jumei ang magiging pinuno ng kaharian sa pangalan lamang.
At kahit isang titulo lamang ang Jumei, marami parin ang humanga at itinuturing si Brix na tunay na Prinsipe. Ngunit hindi niya ikinatutuwa ang bagay na ito. Iyon ay dahil sa simula pa lang, may tunay ng nagmamay-ari sa kahariang hindi naman kanya. Nababalot siya ng paghanga at papuri kahit saan siya pupunta. Hanggang sa makilala ang bagong grupo ng mga kabataang may kakaibang mga aura.
Hindi sila humanga sa kanya ni pinupuno siya ng papuri. Iniisip nga niya na sa halip purihin siya baka lalaitin pa. Hindi niya napansin na nakuha na ng grupong ito ang atensyon niya.
"Tingnan mo. Mga Arkian iyan di ba?" Sabay turo ni Arken sa mga libo-libong nakahanay na mga nakahelmet at battle armor na Chamnian sa ibaba ng kanilang kinaroroonan.
"Mukhang ang cool sigurong tingnan kapag nakaganyan tayo." Sabi naman ni Rujin.
"Mas gusto ko yung katulad sa mga nakapula." Sabad naman ni Geonei habang nakatuon ang pansin sa mga mandirigmang nagsasanay sa ibaba.
Napataas naman ang kilay ni Sioji mapansin ang isa sa mga training field na naglalaban-laban. Pansin nilang hindi na yata pagsasanay ang ginagawa nila dahil pinapahirapan ng isang parte na may kulay pulang mga kasuotan ang kabilang parte na nakasuot ng kulay sky blue na uniporme.
"Nandito na naman sila." Sambit ni Zin.
"Sino-sino ang mga yan?" Tanong ni Asana.
"Mga Mystikan ang mga nakapulang mga estudyante. Mga level 16nth naman iyang mga naka-blue. Ang city na ito ay ang paaralan ng mga level 16 disciples." Paliwanag ni Zin.
"Mga Mystikan? Bakit sila nakarating dito?" Tanong ni Aya.
"Nandito sila bilang exchange students ng Immortal college at CMA. Ang immortal college ay ang paaralang pinatayo ng mga Mystikan five years ago."
"Halos lahat ng mga estudyante ng CMA hinahamon na nila. At isa sila sa nagbibigay problema sa CMA. Kaya kung maaari, iwasan niyo ang grupong iyan." Pagkasabi niya non napansin niyang isa-isang naglaho ang mga kausap.
"Gusto naming makakita ng mga Mystikan kaya bababa na muna kami." Sabi ni Asana bago ginamit ang isang teleportation scroll na mula sa loob ng space pouch niya.
Makitang isa-isang naglaho ang mga kabataang nasa tapat niya hindi tuloy alam ni Zin kung matutuwa ba siya o maiiyak.
Napasilip naman si Miro sa ibaba. Nag-alala siya na baka mapano sina Steffy kaya naman ginamit niya ang kanyang dala-dalang red teleportation stone at naglaho na rin.
Makitang naglaho sina Steffy agad namang sumunod si Brix. Gusto niyang malaman kung ano ang gagawin ng mga batang ito.
"Headmaster Nehan. Nanggugulo na naman ang mga kabataang Mystikan." Pagbabalita ni Reynold sa Headmaster ng CMA. Isa siyang Mystic Level Chamnian at nasa second stage na. Maituturing na isa siya sa pinakamalakas na Chamnian sa buong kontinente.
"Sabi ko na nga bang walang magandang mangyayari kung papayagan kong makapasok ang mga Mystikan na yon sa teritoryo natin." Sambit ng Headmaster.
Palage silang ginugulo ng mga Mystikan in the pretense of training. Kunwari nagpapaturo sila o humihingi ng advice sa ibang estudyante at ang resulta mabubugbog ang estudyanteng hinihingan nila kunwari ng advice.
Hindi bawal makipag-duelo sa CMA basta ba hindi namamatay ang hinamon sa laban hindi mapaparusahan ang nanghamon. Walang nilalabag na batas ang mga Mystikan kaya naman walang dahilan ang Headmaster para ibalik sila sa Immortal college.
Saka lalo lamang iisipin ng mga Mystikan na natatakot sa kanila ang mga Chamnian sa CMA dahil pinauwi nila ang mga Mystikan na wala man lang sa mga CMA disciples ang nakakatalo sa kanila.
Nasa mission parin ang mga top students ng CMA kaya wala ang mga Chamnian na siya sanang makakatalo sa mga kabataang Mystikan na ito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top