99: Red Forest; Isinumpang pangalan
Sa huli, naamin din ni Tan ang mga ginawa niya at ng iba pa niyang mga kasama. May nilagay pala silang powder sa mga suot ng kapwa nilang mga military examinee. Isang powder na makakaagaw ng atensyon ng mga sacred beast o ba kaya guardian beast. Kaya sa halip na mga warrior beast ang makakasalubong dapat ng mga examinee sa outer part ng red forest, mga sacred beast at mga higher level guardian beast ang nakakasalubong nila.
Ninakaw din nina Tan ang mga teleportation stone na hawak nila, kaya hindi nila magawang makapag-teleport palabas. Ang iba naman na sinubukang lumabas na hindi gumagamit ng teleportation stone, hindi na nakarating sa labas ng gubat at napatay na ng mga lower level warrior beast.
Ang iba naman ay namatay dahil sa tindi ng pagod sa pakikipaglaban at pagtatago. Dahil kahit saan sila magtatago, natatagpuan parin sila ng mga warrior magic beast na di nila alam kung bakit. Hindi pa nga sila nakakaisip ng mga bagong strategy may umatake na naman sa kanila. Kaya sa huli, namatay silang lahat.
Ang tanging nakaligtas, ay ang grupo nina Icen dahil lahat sila may kakayahang magteleport kahit na hindi gumagamit ng teleportation stone. Natatakasan din nila agad ang mga high level warrior beast kapag pansin nilang hindi nila ito kayang talunin. Hanggang sa makasalubong nila ang sacred beast na may katawang usa ngunit may malalaking pakpak.
Sugatan na ang sacred beast na iyon bago pa man nila matagpuan kaya sinamantala nila ang pagkakataong mahina pa ito upang kontrolin. Hanggang sa dumating si Izumi maging sina Arken at Asana. Nang magising muli si Icen, wala na silang nakakatagpo pang mga magic beast na ikinapagtataka nila, hanggang sa maisipan na lamang nilang lumabas ng gubat dahil sa nanghihina na rin sila.
Isa sa mga nakaligtas ay ang grupo na humabol kay Steffy dahil sa gintong itlog. Iyon ay dahil tatlong araw silang nakatuon lang ang pansin sa itlog na nakasabit sa ugat ng mga halaman. Hindi lang silang tatlo ang nag-aagawan para makuha ito. Sila din ang nakapatay sa apat pang examinee dahil sa pag-aagawan nila sa kung sino ang magmamay-ari sa gintong itlog. Ang tatlong survivor na ito ang nag-unahan sa pag-akyat sa bangil pero iniisip na ang sinumang mauunang makakakuha sa itlog, papatayin nila upang sila na ang magmamay-ari rito. Hanggang sa dumating si Steffy at kinuha ang itlog na ikinagalit nila. Pero kung hindi si Steffy ang nakakuha rito siguradong patuloy parin sila sa pagpapatayan.
"Hindi ba't ang pagliligtas ng buhay ang isa sa mga tungkulin ng mga sundalo pero bakit nagpapatayan ang mga estudyante ninyo?" Tanong naman ni Sioji na isa sa mga nakasaksi sa mga ginawa ng mga estudyante.
Nang malaman ng Dean ang totoo, kung bakit halos lahat ay namatay sa loob ng red forest ay dahil sa contribution ng mga estudyante ni Prof Greg at sa pagpapatayan ng mga examinee, dahil sa pag-aagawan ng gintong itlog, hindi na ngayon mahitsura ang mukha sa tindi ng galit at pagkadismaya.
"Kung namatay sila, paano sila nakalabas ng buhay?" Nagtatakang tanong ni Prof. Fernan.
Sigurado siyang naglaho na ang mga life force ng mga estudyante niya at ng iba pa pero bumalik ang life force ng kanyang estudyante maliban sa iba.
"Iniligtas po kami ng mga batang iyan." Sagot ng lalaking ka-team ni Sparr.
Ikinuwento nila ang naging karanasan nila sa loob ng red forest at kung paano sila napunta sa yungib ng warrior beast na nakalaban nila kanina.
"Matapos nakawin nina Tan ang aming mga teleportation stone, nilaglag nila kami sa bangil." Pagkukwento nito na lalong ikinadilim ng mukha ng Dean at ng iba pa.
"Ang alam namin patay na kami. Parang isang himala at nagising kaming muli na buo na ang mga katawan at buhay ng muli." Napatingin siya sa grupo nina Steffy. Hindi man niya maananinag ang mukha nina Steffy ngunit natatandaan pa niya ang mga boses na nagligtas sa kanila.
"Mukhang kulang yata ng disiplina ang mga estudyante ng military academy. Nawala lang ako ng ilang taon, at nagiging ganito na ang mga estudyante ng military academy? Na sa halip na magtulungan, nagpapatayan pa para sa pansariling hangarin?" Kalmadong sabi ng Dean pero halata sa namumulang mukha at nakabuka tikom na mga kamao ang tindi ng galit.
Hinuli nila ang mga estudyante na may kinalaman sa pagkamatay ng iba pang mga examinee.
"Paano mo nalaman ang ginawa ng grupo ni Tan?" Tanong ni Dremin kay Steffy.
"Kasi naaamoy ko yung mga powder na nilagay sa mga gutay-gutay ng kasuotan ng mga bangkay. Saka may nakita akong sachet non sa loob ng space sack nong tinatawag niyong Tan. Kaya naisip kong may kinalaman siya sa nangyari sa mga natatagpuan naming mga katawang nagkahiwa-hiwalay na. Saka nong pagdating namin, may nakita kaming grupo na inaatake ng higher level warrior beast." Sinabi ni Steffy ang anumang nalalaman niya.
"Kung ganoon, kayo ba ang nagligtas sa kanila?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hisren ngunit naisip niyang baka may kasama sina Steffy na mas malakas na nilalang at may kakayahang bumuhay ng patay.
"Nga pala, pinaramdam ko lang kay Tan ang isa sa mga bagay na nakita ko sa kanyang ala-ala. At dahil na rin may kasalanan siya sa kanyang kaibigan na tinraydor niya. Niligaw kasi niya si Sparr para mamatay. At kung hindi pa ako dumating baka wala na siya ngayon. At saka, kung magpaamo kayo ng mga magic beast, dapat magpaamo lang, hindi sila dapat pinapatay o pinipilit. May damdamin din sila at nasasaktan." Katahimikan ang namamagitan pagkatapos niyang magsalita ni Steffy.
Natahimik dahil sa gulat nang malamang namatay na sana dapat ang mga estudyanteng nakalabas sa red forest at bigla dahil sa mga nalaman.
Nagpasalamat ang Dean sa kanila at balak pa sanang magpaulan ng maraming tanong ang Dean ngunit nagpaalam na sina Steffy. Nagpaalam din si Steffy kina Sparr at Knight. Bago ito tuluyang umalis nilingon pa ni Steffy si Heneral Dremin. Bumalik na ang dating ekspresyon ni Steffy at hindi na cold gaya kanina.
"Kuyang sundalo. Ngayon nakita ko na ang totoong heneral Dremin. Hanggang sa muli nating pagkikita." Kumaway pa.
"Totoong heneral Dremin?" Isang mysterian ang pumasok sa isip ni Heneral Dremin dahil sa sinabi ni Steffy.
"Ang batang yon, ginamit na naman yata ang pangalan ko. Wag naman sanang panget na hitsura ang ginagamit niya habang nagpapakilalang ako." Sambit pa niya sa isip.
Pinagmasdan na lamang nila ang papalayong pigura ng pitong mga kabataan. At dahil naiwan si Sparr, ito ang binomba nila ng mga tanong. At syempre, tinanong din kung bakit may kasama siyang tarsier.
"Nagbalik na ang mga Naicronian. Kung ganon, nagbabalik na ang mga Arizonian. Kaya lang, ang tanong, makikialam ba sila sa alitan ng mga superian at mga hanaru? Sino ang kanilang kakampihan? Ang Superian o ang mga Dethrin? O manonood lamang sila sa kung ano man ang mga mangyayari sa Celeptris at Hariatres?" Biglang tanong ng Dean.
"Hindi kaya, lumabas na sila dahil nagsisimula ng umatake sa emperialta ang mga Dethrin?"
"Posible yon. Ang mga Arizon parin ang nagpapakahirap para panatilihin ang kapayapaan sa kontinente ng Emperialta. Hindi sila makikialam sa bawat desisyon ng mga hari ng bawat kaharian ng Emperialta pero kapag nalalagay sa panganib ang kontinenteng ito, hindi sila uupo lang at manonood. Kaya siguro sila lumabas na at nagpakita dahil nagsisimula ng palawakin ng mga Hanaru ang teritoryo nila palabas ng Celeptris at nagsisimula na rin sila sa kontinenteng ito na dapat ay hindi nila ginawa." Sagot ni Hisren.
"Kaya lang, ang tanong ko lang, hindi kaya sila isa sa mga pinili?" Tanong naman ng heneral.
Kung totoong isa sa mga pinili ang mga kabataang iyon, then kailangan nilang mag-ingat kahit na gaano man sila kalakas.
"Ang batang yon." Napalingon sila sa kanina pang tahimik na si Prof. Fernan.
"Ang kanyang mga tingin kanina, may naalala ba kayo sa kanya?" Tanong pa nito. Napaisip naman ang Dean pero agad ding nanlaki ang mga mata.
"Kung buhay siya, ibig sabihin na nakaligtas siya sa parusa?" Tanong agad ng Dean.
Alam nilang parusang kamatayan din ang ipaparusa sa mga Chamniang nakakapatay ng mga kapwa Mysterian. Alam ng Dean na dinala na sa altar ng mga Chamnian ang batang yon kaya paanong mabubuhay parin siya? Maliban lang kung isa siya sa piniling tagapaghatol o tagapagwakas ng lahat?
Bawal pumatay ang mga Chamnian o gumawa ng mga makamundong kasalanan maliban sa dalawang pinili. Ang chosen destroyer na may karapatang sirain ang dapat sirain, tanggalin ang dapat tanggalin at wasakin ang dapat wasakin. At patayin ang dapat patayin. At ang chosen Leader of all chosen ones na maituturing ring piniling tagapaghatol. Siya ang maghahatol sa lahat ng naiwan sa mundo ng Mysteria. Nasa kamay niya ang kinabukasan ng lahat. Maari niyang wakasan ang buhay ng sinumang mga mysteriang nagkakasala.
Pero alin sa dalawang ito ang batang yon? Siya ba ang nakakuha sa kapangyarihan ng yumaong dating tagapagwakas o isa siyang tagapaghatol?
This two chosen ones role is to destroy or guide others to avoid their destructions or the ending of this world. If that girl is the chosen leader also known as the chosen judge, then it's their doomsday. Alam nilang galit ang batang pinarusahan noon, sa mga Mysterian. Dahil ang mga Mysterian ang pumatay sa dating piniling tagapagwakas. Ang yumaong asawa ng hari ng mga Hanaru.
"Hindi kaya, isang piniling tagapagligtas ang isa sa kanila na siyang bumuhay sa mga namatay na mga estudyante?" Tanong naman ng isa sa nga professor.
"Kung nasa Naicron Academy ang piniling tagapagwakas at tagapagligtas, may posibilidad na lulusubin ng mga Dethrin ang Naicron." Sambit naman ni Hisren.
Sa kontinente ng Celeptris...
"Narinig mo yon, buhay pa siya. Buhay pa si Steffy Karim. Makakapaghiganti na rin tayo sa mga Dethrin." Masayang sabi ng ama.
"Ama, sa palagay mo ba magugustuhan ni Steffy ang mga ginawa natin? Sa palagay mo ba matutuwa si ina kapag malaman niya na ang mga buhay na niligtas niya ay pinapatay mo?"
"Hindi ko sila pinapatay."
"Para mo na rin silang pinapatay dahil kinokontrol mo sila. Ama, tama na." Pakiusap niya sa ama. "Nagbalik na ang mga Naicronian. At alam kong hindi nila magugustuhan ang ginawa mo sa mga may lahing Chamnian." Pagkasabi non ni Karim agad siyang umalis.
Sa kontinente naman ng Hariatres.
"Nagbabalik na ang mga Naicronian? Sa palagay mo kakampi ba sila sa mga Dethrin?"
"Kamahalan, isang Chamnian ang batang yon. At kung buhay pa siya, ibig sabihin lang nito na hindi siya pinarusahan ng poong maylikha."
"Iisa lang ang ibig sabihin nito. Isa siya sa dalawang pinili. Magpadala kayo ng mga tauhan sa Emperialta at hanapin si St- ang batang iyon." Utos ng emperador ng Wynx. Pagkatapos ng paglilitis ng batang iyon, hindi na nila maaaring banggitin ang pangalan ng bata at ang sinumang babanggit nito tatamaan ng sumpa.
Tanging mga Mysterian lamang na binigyan ng pahintulot ng batang iyon ang maaaring bumanggit sa kanyang pangalan. Dahil din doon, wala ng kahit sino ang gumagamit sa kaparehong pangalan dahil ang pangalan ng batang iyon ay tinatawag na nilang isinumpang pangalan.
"Hindi siya maaaring makuha ng mga Hanaru." Sambit pa niya sa sarili.
***
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top