97: Red Forest; Pagpaparusa
"Kriminal ka! Sinaktan mo ang professor namin." Sigaw ni Tan.
"Dean, mga kasabwat ang mga yan ni Sparr. Sila ang bumugbog sa amin na muntik na naming ikamatay. Inagaw din nila ang mga warrior beast namin." Pang-aakusa ni Tan.
"Pakiusap. Bigyan mo kami ng hustisya Dean. Sila din ang umatake sa iba pang mga examinee sa loob ng gubat." Iyan ang isa sa mga naisip na drama ni Tan para tuluyan ng mawala sa landas niya si Sparr at para makaganti sa mga kabataang ito lalo na kay Hyper na bumugbog sa kanya.
Ano naman kasi kung mga Naicronian sila? Mas marami ang mga sundalo ng Wynx na naririto at may mga kasama pa silang mga eksperto. Kahit mga Naicronian pa ang mga batang ito, mga bata parin sila at malamang hindi pa kontrolado ang mga kapangyarihan kaya malakas ang loob ni Tan at iniisip na magagalit ang Dean sa grupo ng mga kabataang tinatawag ang sarili na Naicronian.
Kaya lang, tumingin lamang ang Dean sa mga bata. Alam ng Dean na hindi maaaring pumatay ang mga Chamnian. Kung isa silang Naicronian ibig sabihin na may lahi silang Chamnian kaya imposibleng magagawa nilang pumatay. Katulad lang ng pagsipa ni Steffy kay Greg. Walang suklam or killing intent sa mga mata ni Steffy kaya malakas ang loob ng Dean na hindi mamamatay ang professor. Na balak lang talagang turuan ng bata ng leksyon ang professor dahil hindi man lang nito inalam ang totoo at agad na hinusgahan ang grupong ito. Higit sa lahat, binalak pang kunin ang mga alaga nila.
Hindi niya maintindihan kung bakit kay Steffy nakatuon ang atensyon niya. Kung tutuusin, mukhang si Arken ang leader nila dahil siya ang pinakamatanda at pinakaseryoso. Pero parang si Asana dahil siya palagi ang umaawat sa kanila at medyo mature mag-isip sa grupo. Kaya lang bakit parang mas sinusunod nila ang anumang sinasabi ng cute na batang ito? Lahat sila may maiitim na buhok at maiitim din ang mga mata. Pero hindi sigurado ang Dean kung ito nga ba ang mga tunay nilang mga hitsura.
Mukha silang mga inosente at may pagka-childish. Pero may kakaibang mga aura na hindi naman niya matukoy kung ano dahil hindi naman niya nakikita. At ang mas pinagtutuonan niya ng pansin ay ang mga suot nila. Isang black suit kay Sioji at may silver polo sa loob at may silver din na necktie. That necktie sa palagay niya ay isang pampigil ng kapangyarihan. Maging ang singsing, pulseras at kwintas na suot nito.
May nakatali namang pulang laso sa buhok ni Aya na alam niyang pampigil din sa pagamit ng kapangyarihan. Ang suot namang itim na boots ni Izumi ay pampigil din ng kapangyarihan. Maging ang earrings at kwintas niya. Saka niya napagtanto na lahat sila may mga suot na pampigil sa pagamit ng kapangyarihan. Pero ang mas ipinagtataka ng Dean ay ang lahat ng suot ni Steffy, mula sa brown na t-shirt maging sa flexible pants niya at ang kulay silver na rubber shoes, maging ang medyas at ang mabalahibong coat na ginamit para matakpan ang suot niyang t-shirt, lahat ng mga yon ay pampigil ng pagamit ng kapangyarihan sa sinumang Mysterian na makakapagsuot dito.
Aakalain ng iba na simpleng mga kasuotan lamang ito, pero dahil isa ring Chamnian ang Dean at sa Naicron Academy din gumraduate, alam niya ang mga bagay na gawa mismo ng dalawang head ng Naicron Academy. Iisang clan ang pumasok sa isip ng Dean habang nakatingin kay Steffy.
"Arizon Clan?" Ang tinaguriang legendary warrior clan.
"Arizonian." Mga nasasakupan ng Arizon clan.
“Nagbabalik na sila."
Natauhan siyang bigla nang magsalita si Steffy.
"Uy! Ikaw yong gumalit sa akin kanina a. Hindi pa ako nakakasuntok." Turo pa ni Steffy sa isa sa mga lalaking humabol sa kanya kanina. Kung hindi sana nagsalita si Tan, kakalimutan na sana niya ang mga estudyanteng ito. Wala sana siyang balak galitin pa silang lalo dahil maiinip lang siya.
"Ako din. Gusto ko din siyang sapakin." Sabi naman ni Aya na halatang natuwa.
May kasiyahan pala kanina sa loob ng gubat, hindi man lang siya tinawag ng mga kaibigan? Sinamaan niya ng tingin ang fire Phoenix. Kundi lang siya pinahirapan ng fire Phoenix na ito e di sana nakapanood siya sa laban o ba kaya na-videohan man lang sila? Ang fire Phoenix na nasa anyong maliit na pulang ibon na nakatayo sa balikat ni Aya ay nanginig sa takot. Ayaw niyang maletson ulit sa kulay pulang apoy ni Aya.
"Wag ka ngang makialam. Nakasapak na kayo kanina kaya ako na naman ngayon." Sabi naman ni Rujin at pinatunog pa ang mga daliri.
"Ang mga batang to. Hindi man lang inisip na nandito pa kami? Sa tingin ba nila may laban sila sa amin? Mga bata lang sila." Sambit ng isang sundalo sa isip.
Ang iba sa mga sundalo naman sa Wynx ang didilim ng mga mukha. Maging ang mga professor. Para rin kasing hindi nirespeto ng mga kabataang ito ang presensya ng Dean, ng heneral at ng buong emperyo ng Wynx kung saan sila galing, dahil sinaktan ng mga kabataang ito ang professor ng WMA sa harapan pa nila mismo at sa harap pa ng Dean.
Pero dahil sa lakas na pinakita ni Steffy at sa mga walang katakot-katakot na mababakas sa mukha ng mga kabataang ito, minabuti na lamang ng mga eksperto, ng mga professor, at maging ng heneral na huwag galitin ang mga bata. Dahil naniniwala sila na mga Naicronian nga sila. Lalo pa't may mga Naicronian ng nagpapakita sa labas ng Naicron mountain at tumutulong sa mga kahariang nangangailangan ng tulong. Higit sa lahat, halata sa mukha ng Dean ang gulat na may halong tuwa dahil sa presensya ng mga kabataang ito na hindi nila alam kung bakit.
Napatago ang lalake sa likod ng heneral. Ang lalaking tinuro ni Steffy kanina. Sinamaan ng tingin ng heneral ang lalake. Bakit kasi nila ginalit ang mga kabataang ito? At bakit pa kasi nagsalita si Tan? Inaakala ba niyang hindi malalaman ng Dean ang totoo? Hindi ba nila nakikita na takot nga ang mga royal sacred beast sa grupong ito, sila pa ba na sundalo lang? Hindi pa ba sapat na nakakapasok sila ng red forest at nakalabas ng ligtas bilang palatandaan na hindi sila nagsisinungaling? At hindi sila mga ordinaryong bata lang.
"Nasa pamamahala ko ang batang ito kaya kung maaari let me handle the punishment for him. Wag kayong mag-alala, paparusahan namin siyang mabuti." Sabi pa ng Dean.
Gusto man ng Dean na kunin ang loob ng mga kabataang ito kaso nasa hindi magandang pagkakataon ang pagkakatagpo nila, lalo pa't mukhang may kailangan pa siyang lutasing problema. Problemang likha ng mga estudyante niya. At mukhang bad first impression ang dulot ng pangyayaring ito sa mga kabataang ito.
"Hindi naman po siya sa inyo may atraso kundi sa amin. Kaya sa amin siya magbabayad." Sabi naman ni Hyper.
Bakit kasi akusahan silang nang-agaw ng sacred beast ng iba at ano daw yon, ibibigay nila ang mga sacred beast nila bilang kabayaran? Sino ba sila na may karapatang kunin ang anumang pinagmamay-ari nilang mga Naicronian?
"Ako ang magpaparusa sa mga gumalit sa inyo." Sabi naman ni Aya.
"Wala kaya siyang atraso sayo." Sagot naman ni Rujin.
"Wala silang atraso sa akin at wala rin akong atraso sa kanila. Kaya ako ang gagawa ng atraso sa kanila."
Si Asana naman, napahilot sa sentido. Itong Aya na to, nahawa na talaga 100 percent kay Steffy. Sinamaan niya ng tingin si Aya. Napasiksik naman si Aya kay Arken.
Ang Dean naman napahilot din sa sentido. Bakit ba kasi nila ginalit ang grupo ng mga kabataang ito? Magsasalita na sana siya pero sumabad na naman ang isa sa captain ng mga sundalo.
"Akala mo ba ganon lang kami kadaling apihin?" Sabi ng captain na nagsalita kanina. Gusto niyang turuan ng leksyon ang mga aroganteng mga kabataang ito. Humakbang palapit sa gawi nila Steffy. Pero tumilapon din na di man lang alam kung kailan sinipa.
Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng hiyaw. At nakita na lamang nilang nakabitin na sa isang sanga ng puno si Tan. Binalak na sanang tumakas ni Tan sa gulong ito nang maalalang may paraan ang Dean para malaman ang ginawa nila sa red forest. Paalis na sana siya kaso bigla nalang siyang umangat sa lupa at ngayon nakabitin na patiwarik.
Palihim siyang tumakas habang abala ang iba pero bakit napansin parin siya? At ito pa, tinataas-baba siya ng walangyang babae na nakahawak sa nakatali niyang binti at ilalapit sa bibig ng isang snow lion para sakmalin. Kapag tatalon ang ang snow lion, itataas naman ni Steffy si Tan kaya minsan paa lang nito ang nakakagat ng Leon minsan naman yung braso ng lalake ang nagagasgasan. Hindi nila alam kung kailan pumunta sa punong iyon si Steffy at kung bakit bigla na lamang niyang hawak si Tan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top