96: Red Forest; Bratty vs Military Prof
Ang mga kalalakihang gumalit kina Steffy kanina ay napaupo. Maging ang tatlong kasama ni Icen. Si Icen naman ay hindi makapaniwala. Naalala niya ang sinabi niya kay Izumi na kumampi ito sa mga Dethrin para maging malakas. At naalala niya ang reaksyon ng kapatid.
Dati, mababakasan pa ng lungkot ang mga mata kapag may nasasabi siyang ikinasakit ng damdamin nito. Pero nong pagsabihan niya si Izumi kanina, wala ng lungkot ang mababakas sa kanyang mga mata. Yung tipong parang estranghero lamang siya sa paningin niya? Hindi ito ang dating kapatid na naghahanap ng paraan para makuha ang kanyang atensyon. Hindi na siya si Izumi na mukhang mahina at umaasa palage sa proteksyon ng nakakatandang kapatid.
Inakusahan niya nitong kumampi sa mga Dethrin, pero ang totoo, isa na pala siyang Naicronian. Hindi Dethrin. Kundi Naicronian! Ibig sabihin, estudyante na siya ng Naicron Academy. Ang legendary school ng Mysteria.
Oo. Mga military students sila galing sa Wynx Military Academy. Pero ano ba ang laban nila sa mga Naicronian? Ang pangaraping makapasok sa Naicron Academy ay katulad lamang sa pangarap na hindi nila kayang abutin. Kumbaga, hanggang pangarap lang ang mga tulad nilang mga Mysterian kaya paanong nakapasok si Izumi sa Naicron Academy? O baka naman nagsisinungaling lamang ang mga kabataang ito. Iyon ang nasa isip ni Icen.
"Hindi totoo yan. Nagsisinungaling lang kayo." Sigaw ni Fu. "Matagal ng naglaho ang mga Naicronian kaya wag na kayong magpanggap na Naicronian para lang linlangin kami at matakasan niyo ang mga kasalanan niyo sa amin." Dagdag niya pa.
Sabay-sabay namang napatingin ang lahat sa lalaking sumigaw. Kanina lang ay halos di na nito maigalaw ang katawan, pero sa tulong ng mga healer, maayos na ang kalagayan niya at wala na ang mga pasa niya na likha ni Hyper.
"Prof! Siya po ang bumugbog kay leader Tan at siya din po ang bumugbog sa amin." Sabi pa niya sa kanyang guro.
Napasimangot naman si Prof Greg. Gaano ba kalakas ang isang magfi-fiteen na lalakeng ito at natalo ang mga estudyante niya? Sinamaan niya ng tingin si Fu. Isang binatilyong mas bata pa sa kanila hindi man lang nila matalo-talo? Hindi pa ba palatandaan iyon na hindi nga sila pangkaraniwang mga kabataan at maaaring isa nga silang Naicronian?
Napatago si Fu sa mga kasama niya makitang ang sama ng tingin ng professor nila sa kanya.
Nadismaya man sa mga estudyante niya si Prof Greg pero hindi naman niya hahayaang may mang-api sa kanila. Dahil para sa kanya, para na ring sinampal ang kanyang pagkamysterian kapag may magpaparusa sa mga estudyante niya sa harapan pa niya mismo. Kaya tiningnan niya ang papaalis na sanang mga grupo ng mga kabataan at naglakad palapit sa gawi nila.
Hindi siya naniniwalang mga Naicronian sila dahil mga mukha naman silang mahihina. At para sa kanya, kaya sila nakalabas ng buhay sa red forest iyon ay dahil sa tulong ni Sparr. Iniisip niyang nakipag-alyansa si Sparr sa mga kabataang ito para mang-agaw ng mga flying beast ng iba at para guluhin ang mga estudyante niya.
"May mga kasalanan pa kayo sa mga estudyante ko kaya kailangan niyo iyong pagbayaran. At kung totoong Naicronian kayo, hindi niyo dapat inaapi ang mas mahina sa inyo." Sabi niya habang nakatingin kay Arken na sa hinala niya ay leader ng grupo.
"At kung maaari ay isuli niyo ang anumang inagaw niyo sa kanila. Hindi ba kayo nahihiya, na nagpakahirap ang mga kapwa niyo para makuha ang bagay na yan pero inagaw niyo lang dahil lang mas malakas kayo?" Dagdag pa nito.
Natuwa siya maisip na natakot ang mga bata at ibibigay na sa kanya ang mga hawak nilang mga sacred beast bilang kabayaran. Natahimik kasi sila at nakatingala sa kanya.
"Mabait naman kaming mga taga-Wynx kaya papatawarin naman namin kayo pero iiwan niyo sa amin ang mga sacred beast na hawak niyo." Sabi pa niya na nakangiti. Iniisip niyang mas matatakot ang mga kabataang ito kapag malaman nilang galing sila sa Wynx Empire. Ang pinakamalakas na emperyo sa mga panahong ito.
Nagkatinginan ang magkakaibigan. Balak sanang magpaliwanag ni Sparr pero nauna ng magsalita si Sioji.
"Kaya naman pala mahihina at talunan ang mga estudyante ng Wynx Military Academy. Mababaw pala ang pang-unawa ng guro nila." Nag-tsk pa siya na ikinapula ng mukha ni Prof Greg sa galit.
"Bata ka pa nga kaya hindi mo pa alam kung ano ang tama at mali. Kaya kailangan mong maturuan ng leksyon." Ginalaw ang kamay at magpapakawala na sana ng internal energy para ipatama kay Sioji pero hindi pa nga niya nagagawa, tumilapon na siya sa malayo.
Nabutas pa ang lupang binagsakan niya at rinig ng lahat ang pagkabali ng kanyang mga buto. Lumuwa siya ng dugo hanggang sa mawalan ng malay. Wala man lang nakapagsalita sa sobrang gulat at wala ring nakagalaw. Nakatulala ang lahat habang nakatingin sa batang nasa 14 years old na nakataas ang paa.
Tiningnan ni Steffy ang kanyang paa at ilang sandali pa'y nagtatalon sa tuwa. "Asana! Tingnan mo! Kontrolado ko na ang lakas ko. Yoohooo!" Lumapit pa kay Asana.
"Kita mo yon? Nakokontrol ko na ang lakas ko." Halos yugyugin na niya si Asana sa sobrang tuwa.
Ang mga saksi naman napangiwi. Kontrolado ang lakas? May hihigit pa sa lakas na yon? Nag-aagaw buhay na agad ang professor sa isang sipa lang tapos ano daw yon? Kontrolado na ang lakas? Agad na nilapitan ng mga estudyante niya ang professor at nilapitan naman agad ito ng mga healer upang gamutin. Nagawa man nilang iligtas ang buhay ni Prof Greg sa bingit ng kamatayan pero hindi parin ito nababalikan ng malay.
"Bakit mo ginawa yon? Gusto mo ba talagang maparusahan?" Sigaw ng isang captain na kakampi ni Prof Greg.
Ngiti lang ang sagot ni Steffy. Ngiti na akala mo inosente.
"Sabi niya nang-aapi kami ng mga mahihina di ba? O ayun. Tinotoo ko lang. At saka nang-agaw ng mga sacred beast? Sila ang walang kakayahang magmay-ari ng sacred beast tapos kami pa sisihin dahil mahina sila? Fine. Mang-agaw di ba?" Tinaas ni Steffy ang kamay.
Nagliwanag ang pulseras ng walang malay na professor at nagiging isang giant goshawk ang liwanag. Inaakala nilang aatakehin nito si Steffy pero lumipad lang pala ang giant goshawk at lumapag sa tabi niya. Alam nilang ito ang warrior beast ni Prof Greg kaya nagtataka sila kung bakit masunurin itong nakatayo sa tabi ni Steffy.
"Ang cool non. Pulseras tapos nagiging magic beast?" Manghang sambit ni Aya. At napatingin sa singsing ni Sioji at Rujin. Iniisip na isa rin siguro itong magic beast na nasa anyong singsing.
"Kapag itinuturing ka ng master ng isang magic beast, napapasunod sila sa anumang gusto mo. May ibang magic beast na nasa higher level ang may kakayahang magpalit ng anyo base sa kung ano ang anyong gusto nilang maging. Pwede gamit o ba kaya mga accessories."
"Pero may iba rin na kaya nilang manggaya ng anyo ng iba o ba kaya mag-anyo silang magical weapon. Ang ibang mysterian naman, gumagamit ng mga space dimension at doon tinatago ang mga magic beast nila kapag hindi pa nila kailangan." Paliwanag ng walking encyclopedia nilang si Asana.
"Space dimension? Bakit wala ako non?" Tanong agad ni Steffy.
"Dahil hindi ka naman space master. Mga mysteriang may kakayahang gumawa ng dimensional space. Out of billions baka may dalawa lang ang may hawak sa kakayahang ito." Sagot agad ni Asana.
"Mukhang kailangan kong makakatagpo ng space master nito."
Ang mga professor at mga bisitang kasama ng Dean, hindi alam kung ano ang nasa isip ng Dean at ng Heneral na ito na wala man lang ginawa upang protektahan si prof Greg at pagsabihan man lang ang mga kabataang ito.
"Inatake niyo ang professor ng Wynx Academy. Kaya kailangan niyong magbayad." Sabi ng lalaking kakampi ni Prof Greg.
"Kapag mas mahina kami sa inyo, papahirapan niyo kami, kapag mas malakas kami sa inyo sasabihin niyong wag kaming mang-api ng mga mahihina? Hindi kami nang-aapi ng mga mahihina pero nambubugbog kami ng mga katulad ng tinatawag niyong professor na iyan." Sabay turo ni Arken sa walang malay na professor.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top