92: Red Forest; Sparr

Napaungol si Sparr ng tamaan ng kuko ng isang black wolf. Tatlong araw na wala siyang pahinga at palage pa siyang nakakatagpo ng mga malalakas na mga magic beast na hindi kayang labanan ng kanyang limitadong kapangyarihan. Kaya niyang kumuntrol ng bakal pero hindi niya kayang magtawag ng bakal. Kaya hindi niya nagagamit ang ability na ito kapag walang metal sa paligid.

Kaya niyang tumawag ng tubig pero wala na siyang sapat na lakas ngayon dahil sa sobrang pagod. Wala na siyang espada para magamit, at wala na rin ang teleportation stone niya na inagaw ni Tan noong nakaraang araw. Naalala niya ang nakangiting mukha ng kaibigan nang makitang hawak siya ng isang snake magic beast, lalo siyang nakaramdam ng galit at mas lumakas ang determinasyon niyang hindi hahayaan ang sariling mamamatay sa lugar na ito. Kailangan niyang ipaalam sa kahat kung anong klaseng nilalang si Tan.

Nagpatulong si Tan sa kanya dahil inatake ito ng lion beast na di niya alam kung paano napunta sa kinaroroonan nila. Natalo nila ang lion beast at napaamo rin sa huli. Binigay niya kay Tan ang magic beast na iyon dahil si Tan naman ang unang nakakita. Habang hinahanap ng team niya ang nawawala nilang ka-miyembro, nakasalubong nilang muli ang grupo ni Tan at sinabi na nakita niya ang nawawalang ka-team nila kaya sumunod siya kay Tan.

Sino bang mag-aakalang iligaw pala siya patungo sa mas mapanganib na parte ng gubat at iwan nang makitang pinaikutan na siya ng higanteng ahas? Matagal na palang nainggit si Tan sa kanya kung bakit siya na lamang palage ang nagta-top sa WMA at palaging paborito ng lahat. Kaya, binalak niyang mawala sa landas niya ang kaibigan na itinuring ding kaaway at karibal sa lahat ng bagay.

Ngayon lang napagtanto ni Sparr na balat-kayo lamang pala ang pagpapakita ng kabutihan sa kanya ni Tan. Kaya lang ano pa ba ang magagawa niya ngayong mamamatay na siya sa mga kuko ng mga itim na lobo na ito? Kung nasa lima lang ang mga lobong ito, siguro may pag-asa pa siyang manalo, pero nasa tatlumpo ang mga itim na lobong ito. Hinang-hina na rin siya lalo pa't nagka-impeksyon na ang mga sugat niya noong isang araw.

Tinalunan siya ng pinakamalaki sa mga itim na lobo. Hindi siya agad nakaiwas dahil sa halos di na niya maigalaw ang katawan sa sobrang pagod kaya hinintay na lamang niya ang paglapat ng mga matutulis nitong mga kuko sa kanyang balat. Pero nagulat siya nang tumigil ang hayop at bigla na lamang nagsitakbuhan palayo.

Naramdaman niya ang paparating na malakas na aura. Kasunod nito ang pagtama ng isang bagay sa katawan niya na ikinatilapon niya at bumagsak ang kanyang katawan sa lupa. Rinig pa niya ang tunog sa mga nabali niyang mga buto sa likod. Napaungol na lamang siya. Kung kanina ay kaya pa niyang tumayo ngayon naman hindi na niya maigalaw ang katawan.

Pinilit niyang ibuka ang inaantok ng mga mata na halos gusto ng pumikit sa sobrang pagod at hina ng katawan. Nakita niya ang munting agila na may puting balahibo na gumulong sa lupa at nabalot ng mga lupa at tuyong dahon ang katawan.

"Iyan lang ang tumama sa akin tapos mukhang mapupunta na ako sa kabilang buhay?" Hindi makapaniwalang sambit niya sa isip. Sinikap niyang mabuhay sa loob ng tatlong araw kahit na marami siyang nakakasalubong na mga mababangis na mga magic beast. Tapos isang munting agila lang pala ang papatay sa kanya?

Hinihila na siya ng antok pero pilit niya iyong nilalabanan habang sinasabi sa sarili na hindi pa siya mamamatay. Na kailangan pa niyang makapagtapos. Hinding-hindi siya mamamatay.

Sinamaan naman ng tingin ng puting agila ang nakaratay na Mysterian. Kundi dahil sa Mysteriang ito, hindi daw sana siya magpagulong-gulong sa lupa at mapaligo ang lupa at mga tuyong dahon. Umikot-ikot pa ang paningin niya dahil sa impact ng pagkagulong na parang bola. Aatakehin na sana ang natutulog na mysterian para makaganti pero napatigil dahil sa babaing dumating.

Agad na nilapitan ni Steffy si Sparr at sinuri ang katawan. Nagulat pa siya makitang may pagkakahawig ito sa kuya Ariel niya. Mas matanda nga lang ng dalawang taon ang lalaking ito sa kuya niya. Nasa seventeen or eighteen years old na ang lalaking ito at ang kuya Ariel naman niya ay dapat nasa sixteen ngayon. Agad na sinugatan ni Steffy ang daliri at ipinatak sa labi ng lalaking nakikipaglaban sa kamatayan.

"Hindi ako mamamatay. Makapagtatapos pa ako." Iyon ang paulit-ulit na sambit nito sa isip.

"Hindi po kayo mamamatay." Sagot naman ni Steffy.

Ilang sandali pa'y unti-unting naghilom ang mga sugat nito at dahan-dahang bumalik ang kulay ng namumutla nitong balat.

"Mauubusan yata ako ng dugo kapag palage akong nanggagamot nito." She thought.

Nakita niya sa peripheral vision niya na nakatayo ang mga balahibo ng munting agila na halatang balak umatake kaya nilingon niya ito.

"Umayos ka diyan kung ayaw mong ihawin kita." Pananakot niya dito. Lalong tumalim ang tingin nito sa sinabi niya pero agad na tinakpan ang ulo gamit ang pakpak makitang pinandilatan niya ito ng mata.

Ilang sandali pa'y mabilis na tumakbo sa gawi niya ang munting agila at sumiksik sa kanyang mga paa na parang nagtatago. Inaakala pa naman niyang aatakehin siya nito, iyon pala'y nagtago lang.

Saka napansin ni Steffy ang malakas na hangin at ang aninong lumilim sa buong paligid. Lalo pang lumakas ang hangin kaya naitakip niya ang isang palad sa mga mata para hindi mapuwing sa mga nagliliparang mga dahon at mga bagay galing sa paligid.

"Ibigay mo sa akin ang lapastangang nilalang na iyan!" Ang narinig niyang boses gamit ang lengwahe ng mga ibon. Kaya inalis niya ang palad na nakatakip sa mga mata at napatingin sa pinanggalingan ng boses.

Lalo namang sumiksik sa mga paa niya ang munting agila marinig ang boses na iyon.

Nang mag-angat ng tingin si Steffy, nakita niya ang isang malaking agila na mas malaki pa sa mga tao at may kulay ginto itong balahibo. Nakatingin ito ng masama sa puting munting agila na nakayakap na ngayon sa binti ni Steffy gamit ang pakpak nito at mga paa. Dito napansin ni Steffy na hindi ang natutulog na lalake ang pakay nito kundi ang munting agila na kulay puti ang mga balahibo.

"Ano po bang kasalanan niya sa inyo?" Curious niyang tanong mapansing sobrang galit na galit ang gintong agila na ito sa maliit na agila.

"Sinipa niya ang kapatid niya at tumilapon sa malayo na di na namin alam kung saan napadpad." Sagot agad ng gintong agila.

"Niyaya ko lang kaya siyang maglaro." Reklamo ng munting agila.

"Niyaya lang naman po pala niyang maglaro. Wag na po kayong magalit." Sagot naman ni Steffy.

"Itlog palang ang kapatid niya. Hindi pa maaring maglaro." Sagot ng gintong agila na ikinatahimik ni Steffy.

"Teka lang, bakit mo kami naiintindihan?" Gulat na tanong ng gintong agila.

"Dapat po ba hindi?" Naguguluhan ding tanong ni Steffy. Habang ang munting agila naman sumagot sa sinabi ng ama kanina tungkol sa kapatid niyang itlog pa.

"Sabi niyo po maaari ko na siyang makalaro kapag napisa na siya kaya sinipa ko para mapabilis. At para pagkapisa ng itlog niya makakalipad agad siya. Ako nga tinapon niyo ko sa bangil para matuto akong lumipad." Taas noo nitong sagot na lalong ikinagalit ng ama.

"Ipapakain talaga kita sa mga leon." Banta ng gintong agila.

"Takot po sa akin ang mga leon." Sagot ng munting agila.

"Ipapakain kita sa mga dragon."

"Wala na pong dragon sa Mysteria. Nasa Chamni po silang lahat."

"Ipapaihaw kita sa kanya." Sabay turo ng gintong agila kay Steffy.

Agad namang tumingala ang munting agila kay Steffy at nagmakaawa ang mga mata.

"Wag mo po akong kainin pakiusap. Di ka mabubusog sa akin. Si ama ihawin mo, malaman siya at malaki pa." Sabi nito na may nagsusumamong mga tingin.

"Bakit parang pamilyar sa akin ang ugali ng munting pipit na ito?" Sambit ni Steffy sa isip at dinampot ang agila saka pinatong sa palad niya. Saka niya naalala ang gintong itlog.

"Di kaya ang itlog na tinutukoy nila ay ang itlog na nakuha ko?"

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top