91: Red Forest; Aji Icen

Tatlong minuto lamang ang lumipas, bugbog sarado na rin ang tatlong kagrupo ni Tan.

"Hindi mo ba kita ang badge namin?" Sigaw ng isa kahit na nakagapang na lamang sa lupa.

"Wynx Military Academy? Tsk. Alin ba sa lakas niyo ang karapat-dapat magiging sundalo ng kontinente niyo?" Sagot niya bago lapitan ang magic beast at pinakawalan.

"Kapag tatakas ka. Kakarnehin ka ng kaibigan ko. Kapag sasama ka sa akin ng kusa gawin lang niyang pamaypay ang balahibo mo." Sabi ni Hyper sa aatake sanang muli na ibon.

Nang marinig ang sinabi niya lalo lamang itong nagalit. Nagsitayuan ang mga balahibo nito at aatakehin na sana si Hyper nang maramdaman ang malakas na aurang pinakawalan ng lalaki. Agad bumalik sa dati ang nakatayong mga balahibo at masama ang loob na sumunod sa papalayong pigura ni Hyper.

Hindi inaasahan ng sacredbbeast na ito na nasa Invincible level ang kapangyarihan ni Hyper. Isang level na bihira lamang makikita sa mga Mysterian. Kaysa magiging alipin siya ng mga mahihinang mga Mysterian, mas pipiliin niyang maging sunod-sunuran sa katulad ni Hyper na may malakas na kapangyarihan.

"Kung alam ko lang na mapapaamo ko pala ang Bysteria na ito sa aura lang e di sana ako nagpapagod kanina." Ito naman ang nasa isip ni Hyper. Kung hindi sumunod sa kanya ang sacred beast, mapipilitan siyang atakehin ito gamit ang kanyang kapangyarihan.

Nagpasalamat siya at napasunod rin niya ang sacred beast na ito gamit lamang ang kanyang aura na walang seryosong labanang nangyayari.

Habang naglalakad, may nahagip ng tingin niya si Steffy. "Sandali lang. May nakita ako." Sabi niya at tumakbo na palayo. Ilang sandali pa'y hindi na nila nakita.

"Saan na naman yon pupunta?" Kunot-noong tanong ni Sioji at susunod sana kaso pinigilan siya ni Rujin.

"Bakit mo siya susundan? Malay mo, naiihi lang siya." Sabi pa nito kaya muntik ng batukan ni Asana.

Ilang minuto ang lumipas at nakabalik na si Steffy na may dala ng kulay gintong itlog na kasing laki ng bola ng basketball.

"Tingnan niyo. May nakita akong gintong bola. Ibenta natin." Tuwang-tuwa niyang sambit.

"Hindi yan gintong bola, itlog yan ng isang Bysteria." Sagot naman ni Rujin.

"Saan mo yan galing? Buti nalang hindi ka hinabol ng may-ari niyan." Sagot naman ni Asana.

"Kinuha ko na dahil wala namang nagbabantay. Pero may humahabol talaga sa akin." Sabay nguso sa papalapit na mga grupo ng mga military students.

"Ibalik mo yan!" Hinihingal na sigaw ng isa sa tatlong lalake.

Natagpuan kasi nila ang itlog na ito na nakabitin sa mga halaman sa gilid ng bangil. Nagtatalo pa sila kung sino ang dapat magmay-ari na nauwi sa labanan at nag-unahan pa sila sa pag-akyat nito, tapos nang makuha na sana ng isa sa kanila, bigla nalang sumulpot si Steffy at kinuha ang itlog at lumipad na paalis. Mabuti nalang at mabibilis silang tumakbo, kaya nasundan nila kung saan nagtungo si Steffy.

"Ayoko nga. Lulutuin ko ito mamaya." Sagot ni Steffy at tinago pa sa likuran ang itlog.

"Itlog ng Bysteria iyan, bakit mo lulutuin? Malay mo baka flying beast ang loob niyan o ba kaya sacred beast?" Sagot naman ni Izumi.

"Ibigay mo yan sa amin kung ayaw niyong mapilitan kaming saktan kayo!" Banta ng isa.

"Mas madaling kontrolin ang mga itlog pa lamang dahil ang sino mang unang makikita ng mga baby beast ay ang ituturing nilang ina. Kaya mas maraming may gustong makakuha ng itlog ng magic beast kaysa magpaamo ng mga malalaki na." Paliwanag ni Asana.

Pinasok agad ni Steffy ang itlog sa loob ng kanyang space ring para hindi makuha ng mga Mysteriang ito. Nagalit ang tatlong lalake at inatake siya pero tumilapon nang matamaan ng kamao ni Sioji.

Makitang tumilapon ang kasama, agad na nagpakawala ng kapangyarihan ang dalawa pero bago pa man tuluyang maipalabas ang kapangyarihan, tumilapon din sila palayo.

"Ano ba naman yan? Magtira ka naman kahit isa." Angal ni Rujin. Bakit kasi sinolo ni Sioji, ni di man lang siya hinayaang makapagpakitang gilas?

"Para matapos agad." Sagot naman ni Sioji na hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan. Saka tumingin kay Steffy.

"Ibalik mo iyan sa mga magulang niya. Siguradong nag-alala na ang mga iyon sa pagkawala ng itlog nila." Sabi niya kay Steffy.

"Di ko naman alam ang mga magulang nito. Teka lang, may puso ka din pala inzan? Sabi ko na nga ba e hindi ka pusong diablo. Pinsan talaga kita." Pamumuri niya sa pinsan.

Ang tatlong lalaking halos hindi makatayo, gustong ipabawi kay Steffy ang sinabi niya. Anong may puso? Sinaktan nga sila na di man lang nila alam kung paano sila tumilapon? At bakit mas nagmamalasakit pa ang lalaking to sa mga magulang ng itlog ng isang magic beast?

Ang mga magic beast ay isinilang para pagsilbihab ang mga Mysterian. Mga hayop lamang sila na kinakain o ba kaya pinapakinabangan ng mga Mysterian. Hindi sila dapat kaawaan. Ito ang paniniwala ng mga Mysterian. Kaya nanghuhuli sila ng nga Magic beast.

Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng huni ng plawta.

"Ang musikang ito ay ang musikang ginagamit nila para kontrolin ang mga magic beast." Sambit ni Izumi at agad na tumakbo paalis.

Susunod sana si Steffy nang may makita na naman ang mga mata sa ibang parte ng gubat.

"Sandali lang." At naglaho na naman.

Sinundan na lamang ni Asana si Izumi pero napatigil nang makakita ng isang kulay silver na flying beast na dumaan sa himpapawid. Agad siyang lumipad at sinundan ito.

Naisipan nina Rujin at Sioji na maghanap nalang din ng mga flying beast nila kahit na may mga flying beast na sila. Hindi sila nag-aalala sa mga kaibigan at mas nag-alala pa sila sa mga makakalaban ng mga ito. Kaya nagkanya-kanya sila ng direksyong pinuntahan.

Nagtagpo ang kilay ni Izumi makita ang isang lalake na kinukontrol ang isang kulay puting magic beast na may sungay at katawan na katulad sa usa pero may pakpak na katulad sa ibon, gamit ang magic flute nito.

Sugatan ang usa at alam niyang mamamatay ito kapag hindi agad nagagamot sa mga oras na ito. Kahit nahihirapan ang usa pero pinipilit parin nitong nilalabanan ang kapangyarihang pilit na kumukontrol sa katawan niya.

Nang ilibot ang paningin, nakita niya ang tatlo pang lalaking sugatan. Isa sa kanila ang gumagamit ng latigo at pinaghahampas sa sugatang usa. Ang isa naman, binalot ang mga paa ng usa gamit ang kadena na hawak. Ang healer naman sa grupo, ginagamot pa ang sarili.

"Ang mga mababang nilalang na ito, inaakala ba nilang magpapaalipin ako sa kanila? Mas mabuti pang mamatay kaysa magiging alipin ng isang Mysterian." Sambit ng magic beast sa isip na nabasa naman ni Izumi at naunawaan.

Ilang sandali pa'y napansin niyang may pulang liwanag ang lumabas galing sa katawan ng magic beast na ikinalaki ng mata ni Izumi

"Self-destruct. Mamamatay ang magic beast maging ang mga mysteriang ito." Sambit niya.

Kaya hinubad niya ang kanyang kwintas at nagpakawala siya ng water wave na may kasamang hangin saka pinatama sa usa at sa apat na Mysterian. Tinangay sila ng water wave at napadpad sa isang lugar, mga fifty meters ang layo sa kung saan sila kanina.

Naglaho ang pulang liwanag galing sa katawan ng magic beast kaso hinahabol na rin nito ang hininga.

Agad na nilapitan ni Izumi ang magic beast at itinapat ang palad sa katawan nito. Isang puting liwanag ang lumabas sa mga palad niya at pumasok sa katawan ng magic beast. Hanggang sa unti-unting naghilom ang mga sugat nito.

Nahihirapang bumangon ang may-ari ng magic flute. Hinanap niya kung sino man ang umatake sa kanila at nakita si Izumi na ginagamot ang magic beast na kinalaban nila kanina.

"Sino ka? Bakit mo kami inatake?" Tanong niya at dinampot ang magic flute na nasa lupa.

Hindi siya pinansin ni Izumi na seryoso sa pagamot sa magic beast.

Naglabas ang lalake ng espada at itinutok kay Izumi. Nang mapansin ni Izumi na maayos na ang kalagayan ng magic beast saka nito inangat ang tingin sa lalake. Sabay silang nagulat.

"Izumi?"

"Aji Icen?"

Nabitiwan ni Icen ang hawak na espada. Ilang taon na rin ang lumipas nang marinig niyang sumama si Izumi sa mga Dethrin.

Pamilyar para kay Izumi ang technique ng mga Vermin clan sa pagkukontrol ng mga kapwa Mysterian o magic beast. Iyon ay ang pagamit ng magic artifact katulad ng magic flute. Kaya niya sinundan kung saan nanggaling ang tunog ng flute kanina. Pero hindi niya pinagtuunan ng pansin kung sino man ang lalaking gumagamit dito kasi ang inaakala niya, mga malalayong kamag-anak lamang sila ng Vermin clan.

Hindi pumasok sa isip niya na kuya niya pala ang gumagamit nito at may badge pa ng Wynx Military Academy ang suot na damit. Tagapagmana ng Vermin clan si Icen. Bakit ito pumasok sa WMA? Hindi ba ayaw nitong mag-aral sa WMA dati?

Pinagmasdan ni Icen ang kapatid. Ibang-iba na ang aura ni Izumi. Hindi din niya maiwasang pagpawisan sa malakas na pressure na nararamdaman sa paligid na sa hinala niya'y mula kay Izumi.

"Kaya ka ba sumama sa mga Dethrin dahil ito ang gusto mo? Gusto mong maging malakas?" Puno ng hinanakit ang boses nito.

Cold na mga tingin ang isinukli ni Izumi sa kanya.

"Alam mo, matalino ka sana. Pero uto-uto at mas pinapaniwalaan mo ang ibang nilalang kaysa sa tunay mong kapatid." Sagot niya at nilagpasan na ang kapatid.

"Diyan ka lang." Pigil ni Icen sa kanya pero hindi siya nakinig.

Hahabulin sana siya ni Icen nang dumating sina Arken at Aya. Inaakala nilang balak saktan ni Icen si Izumi kaya pinatulog ni Arken ang lalake. Sinundan agad si Izumi habang sumunod naman sa kanila ang magic beast maging si Aya.

"Ayos ka lang? Nasaan na ang iba?" Tanong ni Arken kay Izumi.

Ang dalawang kasama ni Icen, agad na nagpatay-patayan nang maramdaman ang malalakas na presensya ng mga bagong dating. Kaya lang, para silang binagsakan ng naglalakihang bato sa bigat ng pressure na nararamdaman.

"Sino ba ang mga batang yon? Bakit napakalakas ng mga aura nila?" They thought.

Nang tuluyan ng makaalis sina Izumi, Aya at Arken saka pa nila nilapitan si Icen.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top