90: Red Forest; Hyper and Tan

Habang nagpapatuloy sila sa paglalakad, napansin nilang parami ng parami ang mga nakikita nilang mga bangkay. Madalas pang nagkahiwa-hiwalay na ang mga parte ng kanilang mga katawan.

"Hindi kaya tayo naligaw sa libingan ng mga kriminal?" Sambit ni Sioji.

Ang tinutukoy niyang libingan ng mga kriminal ay ang mass grave kung saan tinatapon ang mga makasalanang mga Mysterian. Buhay man o patay. Tinatapon ang mga kriminal sa mass grave at hinahayaang mamatay o ba kaya hinahayaang mabulok ang mga bangkay.

Isang flying beast ang nag-dive sa gawi nila at tinangay nito si Arken. Nagkatinginan lamang ang magkakaibigan at hindi man lang nag-alala.

"Buti pa si Arken, mukhang magandang sakyan yung nakita niya." Nakangusong sabi ni Steffy.

"Tinangay siya Steffy. Hindi niya nakita. Tinangay. Di ka man lang nag-alala?" Tanong ni Asana.

"Anong laban ng hayop na yon sa kanya? Baka nga lutuin pa niya e. Tara! Hanap din tayo ng magiging sasakyan natin." Niyaya na ang mga kaibigan.

"Sa susunod. Akin na naman." Masiglang sabi ni Hyper.

"Bakit hindi nalang ang katulad sa mala-pegasus na magic beast ang gawin mong sasakyan? May matutulis na pakpak at magaling makipaglaban." Suhestiyon ni Steffy.

"Gusto mo akong ma-barbecue? Masasakyan ba iyon? Ang tulis kaya ng mga pakpak. Baka matusok pa ako." Napailing-iling si Hyper maalala ang matutulis na pakpak ng magic beast kanina.

"Pansin ko lang ha. Bakit sobrang tahimik sa gawing to? Bakit wala man lang tayong makakasalubong na mga magic beast?" Tanong ni Izumi.

"Ibig sabihin lang non na malapit tayo sa kinaroroonan ng mga sacred beast." Paliwanag ni Asana.

"Sacred beast?" Panabay na tanong ni Izumi at Steffy.

"Ang mga magic beast ay nahahati sa limang kategorya. Ordinary magic beast na hinahati sa lower level, middle and higher level." Sagot ni Asana.

"Mga Ordinary beast ang mga flying beast ng blue forest. Hindi sila masyadong mapanganib." Dagdag ni Rujin.

"Tinatawag silang Bystre sa lugar na ito. Bystre pinakamahina at madaling kaibiganin, warbe pinaka mabangis at mahirap hulihin, legendra mas malakas at mas makapangyarihan kumpara sa Bystre at warbe at Mysticia na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat." Paliwanag naman ni Asana.

"Kung sa tao mga commoners ang mga Bystre at kapag sa mga mysterian, mga gelerian sila. Mga ordinaryong mysterian na may isang kapangyarihan at kakayahan. Kasunod ng ordinary magic beast or Bystre ay ang mga warrior magic beast na siyang parang sundalo at tagapagligtas ng mga mahaharlikang magic beast. Mapanganib sila at hindi basta-basta ang mga lakas. Then ang mga sacred beast na maituturing na siyang mga mahaharlika ng mga magic beast at nabibilang sa kategorya ng mga legendra."

"Hindi sila basta-bastang matatagpuan. At kapag makakatapo ka ng mga katulad nila, tumakbo ka nalang kung ayaw mong mamatay. Pero kung magiging kaibigan mo sila, maaari mo silang tawagin at handa ka nilang tulungan ano mang oras. Kaya nilang magkatawang tao kapag  marating na nila ang higher level ng kanilang kapangyarihan. Magsisimula din sila mula lower sacred beast patungo sa higher level magic beast."

"Nga pala, ang mga Sacred guardian beast. Isinilang sila para protektahan ang isang bagay. At kapag naglaho ang bagay na iyon, mamamatay din sila. Kapag isinilang sila para protektahan ang isang halaman, mysterian ba kaya o isang angkan ng mysteria so kailangan nilang protektahan ang anumang dapat nilang protektahan kung ayaw nilang mamamatay. Mas malakas sila kumpara sa mga sacred beast o warrior beast ngunit nakasalalay ang kanilang buhay sa kung ano mang kanilang binabantayan." Mahabang salaysay ni Asana.

Nakakunot ang noo ni Steffy. Naipaliwanag na sa kanya ang tungkol sa mga magic beast sa lugar ba ito ngunit isa yata sa mga nabura sa mga alaalang meron siya.

"Parang sina Aragon?" Tanong ni Steffy.

"Ang mission nila ay protektahan ang Arizon clan." Sagot ni Sioji. Hindi niya gusto ang magkaroon ng buhay tulad sa mga sacred guardian beast. Na walang kalayaan at karapatang pumili kung anong buhay ang gustong tahakin. Mamamatay ang mga guardians kapag namatay o nasira ang mga bagay o buhay na binabantayan. Katulad nina Aragon at iba pa.

"Ang astig pala kapag may guardian beast." Sambit ni Steffy. "Pero ang hirap ng ganoong buhay." Mahinang sambit niya lalo na nang maalala si Arken na mula sa Guardian clan.

"Ang mas malala ay iyong isa kang guardian. Guardian beast ka ba or Mysterian guardian. Kapag hindi mo nakikita o hindi kilala kung sino ang dapat mong bantayan at alagaan, paano mo sila mababantayan? Kapag may nangyayaring masama sa kanila, may matatanggap na kaparusahan ang mga guardian. Posibleng ikamamatay nila o ba kaya ikakapahamak lamang." Sambit ni Rujin.

"Kung ganoon, malalagay sa panganib ang buhay ni Arken hangga't hindi niya matagpuan kung sino ang dapat niyang bantayan?" Tanong ni Steffy.

"Posible." Sambit ni Asana.

"May mga hari din ba sila? Lider or mga emperador?" Tanong ni Steffy.

"May mga pinuno rin sila. Pero wala ng nakakaalam kung nasaan na ang mga pinuno ng mga sacred beast. Maaaring nakikisalamuha na sila sa mga Mysterian o nasa anyong Mysterian na sila ngayon at hindi nagkakatawang hayop. Kaya hindi sila nakikilala ng mga Mysterian." Sagot ni Asana.

"Gusto kong makakita ng mga hari ng mga sacred beast. Siguro ang ku-cute nila tulad nina Aragon at Wolvino. Maging nina Gurdina. Teka, anong  clan kaya ang binabantayan nina Gurdina?" Tanong muli ni Steffy.

"Zaihan clan." Sagot ni Sioji.

"Clan namin? E bakit siya nagtatago sa forbidden forest? Bakit siya natatalo ng mga Mysterian?" Nagtatakang tanong ni Steffy.

"Iyan ang hindi ko alam." Sagot ni Sioji.

Napatigil sila makaramdam ng kakaibang lamig sa paligid.

"Dito tayo." Sabi ni Steffy. Naglaho sila sa kinatatayuan at sumulpot sa isang lugar.

Nakita nila ang isang sacred beast na may katawang ibon at may buntot na katulad sa peacock. Iba't-iba nga lang ang kulay ng buntot nito. May mga snow pang naiiwan sa bawat daanan ng nasabing hayop.

Tumigil ito mga twenty meters ang layo sa mula sa kinaroroonan nila. Halatang alam ang pagdating nila at masama ang tinging nakatingin sa kanila.

"Parang may binabantayan siya sa lugar na ito." Sabi naman ni Izumi.

"Para siyang chicken peacock. Babae yata yan kaya maganda." Sabi naman ni Steffy.

"Sinong may gusto niyan?" Tanong ni Asana.

"Ayaw ko non. Gusto ko yung mukhang malakas." Sabi naman ni Sioji.

"Parang hindi naman yan masasakyan. Hanapin na lamang natin yung mama niya baka mas malaki yon at komportableng sakyan." Sagot naman ni Steffy at nilingon si Hyper.

"Hyper. Kunin mo yon sa akin. Gawing kong pamaypay ang buntot niya." Masiglang sambit ni Steffy.

"Bakit di nalang ikaw?" Nakakatakot kaya ang tingin ng hayop na yan. Hindi naman yata yan baby magic beast dahil sobrang lakas ng aurang nakapaligid sa kanya. Hyper thought.

"Sabihin mo nalang kasi kung mahina ka." Sagot ni Steffy.

"Anong mahina? Tingnan mo lang." Agad na naglakad palapit sa magic beast.

"Sige, ikaw na ang bahala diyan. Hahanapin pa namin mga magulang niya." Kumaway pa si Steffy at iniwan na din nila si Hyper na nag-iisa.

Sa di kalayuan naman napangiti si Tan. Nang mag-teleport kasi siya gamit ang teleportation stone ni Sparr, dito siya napunta. Naisip niyang mga walang alam ang mga kabataang ito. Ipain ba naman ang kasama sa isang sacred beast?

Isa sa mga captain sa mga warrior ng mga magic beast na tinatawag ni Steffy na Chicken peacock ang hayop na ito. Masyado itong malakas at hindi kayang talunin ng mga malalakas na Mysterian. Kung sino mang Mysteriang makakakuha ng ganitong uri ng magic beast ay maaari ng makakakuha ng mataas na posisyon sa isang kaharian o emperyo.

"Magpapakamatay ba ang batang to?" He said mockingly.

Pero nanlaki ang mga mata makita kung gaano kabilis kumilos si Hyper. Hindi nito inatake ang hayop kundi tumakbo si Hyper paikot-ikot sa paligid nito. Iniisip niyang mahihilo si Hyper pero ang hayop ang napaikot-ikot ang mga mata. Minsan naman susulpot sa tapat ng ibon at maglalaho. Lilitaw na naman sa likuran. At kapag hindi gagalaw ang nasabing hayop babatuhin ni Hyper ng maliit na sanga kaya hahabulin nito si Hyper.

At magpaikot-ikot ang dalawa na patuloy sa paghahabulan. Si Tan na nanonood, siyang nahihilo. Nang luminaw ulit ang paningin nakita niyang ikinampay ng ibon ang pakpak. Nabalot agad ng niyebe ang buong paligid na natamaan ng hangin na likha sa pakpak nito.

Naglaho si Hyper at sumulpot sa kinaroroonan nina Steffy na papasok sa isang yungib.

"Steffy, pahiram ng jacket." Agad namang naglabas ng makapal na jacket si Steffy na kinuha naman agad ni Hyper at naglaho na naman.

Hinanap ng ibon si Hyper at nang sumulpot ulit agad na naman niyang ginalaw ang mga balahibo. This time, mga icy blades na ang lumabas at inatake nito ang naka-jacket ng si Hyper.

"Dahan-dahan naman. Hindi pa ako nakapaghanda." Reklamo niya habang iniiwasan ang mga maliliit na mga ice blades na nagliliparan sa gawi niya.

Naduduling-duling tuloy si Tan sa sobrang bilis kumilos ni Hyper at naiiwasan nito ang lahat ng mga pinapalabas ng ibon. Nagiging mga yelo ang lahat ng mga halamang natamaan ng ice blades. Si Hyper naman napahalukipkip sa lamig habang palipat-lipat ng posisyon. Takot kasing matamaan ang pinakamamahal niyang mukha.

"Ano bang dapat kong gawin para hindi mo na ako atakehin?" Nag-isip pa ito at nang makita ang isang malaking bahayan ng gagamba, napangiti siya. Muli siyang nagpahabol sa ibon. Una, ginaya niya ang ginawa niya kanina na tumakbo paikot dito at kapag mainis na ang ibon hahabulin siya. At hinabol nga siya. Tumalon-talon siya sa mga sanga at palipat-lipat sa mga puno.

Hinabol parin siya ng ibon at lumipad pa ito at nag-dive sa gawi niya pababa. Nang mag-dive ang ibon, nag-iba agad ng direksyon si Hyper kaya dumiretso ang ibon sa nakaharang na mga giant spider web.

Pumasok ang ulo nito sa mga gap ng spider web saka kinontrol ni Hyper ang mga halaman at binalot sa katawan ng ibon.

Si Tan naman, napangiti. Naisipan kasi niya na agawin ang magic beast na ito kapag nakikita niyang manghihina na ang hayop.

"Yohoo! Nahuli rin kita sa wakas." Nagtatalon pa si Hyper sa tuwa bago taasan ng kilay ang isang kulay asul na higanteng ibon.

"Ano ngayon? Lalaban ka parin ba?" Tinapik-tapik pa ang makintab na balahibo sa bandang likuran ng magic beast na ito.

Pinilit ng hayop na igalaw ang katawan at ikampay ang mga pakpak pero hindi ito makakilos.

Umupo na muna si Hyper sa natumbang kahoy. Ilang sandali pa'y may metallic whip na ang nakapaikot sa katawan niya. Naikunot niya ang noo at napalingon sa papalapit na yabag.

"Ang sacred beast na ito ay mapapasaakin na." Naka-smirk na sabi ni Tan. Kanina pa niya pinagmamasdan si Hyper at naisipang hintaying mapagod si Hyper at manghina ang magic beast bago siya magpakita. Tapos huhulihin niya ang sacred beast at painumin ng magic slavery potion. Isang potion na nilikha ng mga Mysterian na kapag in-inject or ipainom sa mga magic beast, magiging alipin na sila ng mysteriang nagpainom sa kanila ng potion na ito.

Si Hyper naman nagtataka. Sacred beast daw. Kaya naman pala nahihirapan siyang iwasan ang mga atake nito. Buti nalang talaga at na-itrain siya ni Steffy sa loob ng monsterdom. Hindi talaga siya ni train, pinahabol siya ni Steffy sa mga halimaw sa lugar na iyon. At dahil don, bumilis na ang takbo niya. No'ng magising kasi siyang muli, si Steffy ang una niyang nakita at ilang buwan din silang nagkasama sa loob ng monsterdom.

Sa lugar na iyon, marami siyang natuklasan at natutunan. Ang ipinagtataka lamang niya ay nararamdaman niya kapag nasasaktan si Steffy. Malalaman niya agad kapag may nangyayaring masama rito. Na sa hinala niya ay dahil sa pagliligtas sa kanya ni Steffy o ba kaya dahil sa pag-eksperimento ng mga Dethrin sa kanyang katawan.

At natuklasan din niyang napapasa sa iba ang sakit na dapat sana'y maramdaman ni Steffy. Mapapasa sa mga nilalang na nailigtas ni Steffy. Nararamdaman niya kapag nanganganib ang buhay ni Steffy ngunit hindi naman napapasa sa kanya ang sakit. Hindi katulad sa mga nilalang na nailigtas nito na tila konektado ang mga buhay nila kay Steffy na siyang nagligtas sa kanila.

Papainumin na sana ni Tan ng potion ang sacred beast pero hindi niya maipasok sa tuka ng blue bird na ito ang potion. Naisipan niyang patayin na lamang muna si Hyper para wala ng makakaalam sa ginawa niyang pang-aagaw ng sacred beast ng iba.

Isang matulis na metal ang lumabas galing sa hintuturo niya at tinapon sa dibdib ni Hyper. Napangiti siya makitang tatama na sa dibdib ni Hyper ang bakal, ngunit nanlaki ang mga mata niya dahil bigla na lamang naglaho si Hyper sa kinaroroonan.

"Balak mo akong patayin? Tsk!tsk!tsk!" Gulat na napaatras si Tan dahil sa biglaang pagsulpot ni Hyper sa tapat niya. Bago pa man makapagsalitang muli, may tumama ng kamao sa kanyang mukha.

"Alam kong kanina ka pa nanonood. Ito pala ang balak mo?" Naka-smirked na tanong ni Hyper sabay apak sa likod ni Tan na napasubsob na ngayon sa lupa.

"Arrgh! Papatayin kita." Pinilit gumalaw pero hindi maikilos ang katawan.

"Galing ako sa Wynx military academy. Kaya kung ayaw mong maging kriminal na pinaghahabol ng Wynx humingi ka ng tawad sa akin ngayon din at pakawalan ako." Mayabang nitong sabi.

"Pinaghahabol na kriminal? Matagal ng pinaghahabol ang mga magagandang nilalang na katulad ko. Sino bang hindi hahabol-habol dito?" Sagot niya at binigyan ng isang sipa si Tan.

Hindi siya nananakit ng walang dahilan pero buhay niya ang balak kunin ng isang to kaya tuturuan niya ito ng leksyon. Ilang sandali pa'y maririnig ang malakas na hiyaw ni Tan sa paligid.

Dumating naman ang ka-team ni Tan nang marinig ang umalingawngaw na sigaw ng lider nila.

"Pakawalan mo ang lider namin." Sigaw ni Fu at inatake si Hyper.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top