84: Lost City; Power Level
Isang pabilog na bakal na may nakaukit na mga letra ang nakatayo sa gitna ng entablado. May kulay puting bato sa gitna nito at may rectangular screened sa tuktok.
"Suntukin niyo ang batong ito. Lalabas sa miliskren ang status niyo." Sabi ni Haring Yuji sabay turo sa kahon sa tuktok ng stone pillar. Ang tinatawag nitong miliskren ay ang kahon na parang flat screened TV.
Isa-isa ng sumubok ang anim.
Sinuntok ni Aya ang puting bato. Nagliwanag naman agad ang miliskren sa tuktok ng stone pillar. Mula roon nakasulat ang tunay na pangalan ni Aya.
Name: Ayesha Aya Zhiu.
Age: 14 years old.
Heritage/Clan/Tribe: Ecclescian
Family status: Royal clan
Strength measured in Mysterian: Maximum.
Strength measured in Chamnian: Average.
Strength measured in Mystikan: weak
Level of Ren: 10 equipment to beginner level
Level of Tzi: 100 equivalent to average level
Level of Ki: 10000 equivalent to invincible level
Types of ability: (Main ability only) Elementalist
Types of power: (Main power only) Scarlet flame
Inborn Power level: Invincible stage, invincible grandmaster level.
Overall Power level: Syanra stage, grandmaster level.
Napakurap-kurap si Aya makita ang overall power level niya.
"Syanra naman pala ako, bakit ba ako nagtatago at natatakot sa mga humahabol sa akin? Mga grandmaster lang naman sila at mas mababa pa pala sa akin." Sambit niya pa. Ngunit bumagsak ang kanyang balikat maalala na hindi nga pala niya kayang kontrolin ang kanyang kapangyarihan noon. Mas marami siyang napinsala dulot ng kapangyarihang hindi niya alam kung paano gamitin at kontrolin.
Sumunod naman agad si Sioji.
Name: Sinichi Jio Arizon
Age: 16 years old.
Heritage/Clan/Tribe: Mixed Blooded
Family status: Royal clan
Strength measured in Mysterian: Maximum.
Strength measured in Chamnian: Strong
Strength measured in Mystikan: Average
Level of Ren: 100 equivalent to average level
Level of Tzi: 1,000 equivalent to elite level
Level of Ki: 100,000 equivalent to godly level
Types of ability: (Main ability only) Elementalist
Types of power: (Main power only) Purple flame
Inborn Power Level: Invincible stage
Overall Power level: Mystic soul. Zero level.
Nagsusunuran na rin ang iba pa.
Name: Asana Minju
Age: 15 years old.
Heritage/Clan/Tribe: Arizonian
Family status: Warrior clan
Strength measured in Mysterian: Maximum.
Strength measured in Chamnian: Strong.
Strength measured in Mystikan: average
Level of Ren: 50 equivalent to beginner level
Level of Tzi: 500 equivalent to average level
Level of Ki: 15,000 equivalent to invincible level
Types of ability: (Main ability only) Elementalist
Types of power: (Main power only) Wind
Inborn Power Level: Invincible stage, Invincible Novice
Overall Power level: Syanra stage, grandmaster level.
Name: Arken Cid
Age: 17 years old.
Heritage/Clan/Tribe: Chamnian
Family status: Guardian clan
Strength measured in Mysterian: Maximum.
Strength measured in Chamnian: Strong.
Strength measured in Mystikan: average
Level of Ren: 40 equivalent to beginner level
Level of Tzi: 400 equivalent to average level
Level of Ki: 14,000 equivalent to invincible level
Types of ability: (Main ability only) Elementalist
Types of power: (Main power only) Light
Inborn Power Level: Invincible stage, Invincible Novice
Overall Power level: Syanra stage, elite level.
Name: Izumi Zi Vermin
Age: 15 years old.
Heritage/Clan/Tribe: Mixed Blood
Family status: Royal clan
Strength measured in Mysterian: Maximum.
Strength measured in Chamnian: Strong.
Strength measured in Mystikan: average
Level of Ren: 30 equivalent to beginner level
Level of Tzi: 400 equivalent to average level
Level of Ki: 17,000 equivalent to invincible level
Types of ability: (Main ability only) Elementalist
Types of power: (Main power only) Water
Inborn Power Level: Invincible stage, Invincible Average
Overall Power level: Syanra stage, grandmaster level.
Name: Rujin Bree Aliho
Age: 16 years old.
Heritage/Clan/Tribe: Perzellian
Family status: Royal clan
Strength measured in Mysterian: Maximum.
Strength measured in Chamnian: Strong.
Strength measured in Mystikan: a little bit strong
Level of Ren: 100 equivalent to beginner level
Level of Tzi: 1,000 equivalent to average level
Level of Ki: 19,000 equivalent to invincible level
Types of ability: (Main ability only) Elementalist
Types of power: (Main power only) Lighting/Thunder
Inborn Power Level: Invincible stage, Invincible Average
Overall Power level: Syanra stage, grandmaster level.
"Sioji, Mystic Soul ka na pala? Kung ganoon, pwede ka ng lumipat ng ibang katawan?" Tanong ni Rujin kay Sioji.
Napahawak naman si Sioji sa mukha. "Ayaw kong magpalit ng katawan no. Sayang ang gwapo kong mukha." Sagot ni Sioji.
Mystic soul. Isang level na parehong kinatatakutan ng mga Mysterian at Chamnian. Isang level na kahit mamamatay ang orihinal na katawan ay maaaring lumikha ng panibagong katawan ang isang Mystic soul level na Chamnian o Mysterian.
Godly level or Immortal level na ito para sa mga Mysterian ngunit second level lamang ito para sa mga Chamnian.
"May mga kapangyarihan kayong hindi nabibilang sa labas ng Chamni. Kaya kailangang hindi niyo basta-bastang ipaalam o ipakita sa iba ang mga kapangyarihang taglay niyo. Mas mainam na iyong aakalain nilang mahihina kayo." Paalala ni Haring Yuji.
Nagpagawa si Haring Yuji ng mga kagamitang makakatulong sa pagtatago sa kakayahan at kapangyarihan nina Asana at iba pa.
Makalipas ang ilang buwan hindi pa rin nakakabalik si Steffy.
"Lolo, bakit wala pa rin si Steffy?" Tanong ni Sioji.
"Oo nga Lolo, tatlong buwan na ang nakalipas a. Kinakalawang na ako dito o-aray naman." Sinamaan ni Rujin si Sioji ng tingin.
"Anong Lolo ka diyan? Hindi ka namin kadugo." Kontra ni Sioji.
"Lolo ko na rin siya." Sabay dila kay Sioji.
"Tumigil na nga kayo diyan. Kung magsanay nalang kaya kayong muli." Sabi ni Asana saka muling ibinalik ang tingin sa librong binabasa.
"Maghanap nalang kayo ng mga sangkap. Gagawa ulit kami ng mga potion." Sabi naman ni Aya.
"Oo nga. Paubos na ang mga sangkap natin. Kung mas marami tayong nagawang mga potion mas maraming paparating na pera." Sagot naman ni Izumi.
"Kailangan niyo pa rin ng pera? Ang dami doon sa kaban ni Lolo. Kahit bilhin niyo pa ang buong Emperyo ng mga Mysterian." Sagot naman ni Sioji.
"Anong kaban ko ha? Bakit hindi mo nalang irekomenda ang sayo? Bakit ang akin pa talaga?" Sagot naman ni Haring Yuji na abala sana sa panood sa isang screen kung saan makikita ang mga pangyayari sa ilang mga Mysterian na gusto niyang subaybayan.
"Hindi mo na kasi iyon magagamit kasi matanda ka na." Agad nagtago sa likod ng sofa, makitang tumalim ang tingin ng kanyang Lolo.
"Loko ka talagang bata ka. Saka ano bang ginagawa niyo dito ha? Opisina ko ito hindi tambayan. Magsilayas nga kayo." Pagtataboy ng Hari sa mga pasaway na mga batang kanina pa siya kinukulit.
"Uy Sioji, lumayas ka na daw." Sabay tulak ni Asana kay Sioji.
"Tayo sabi niya, tayo." Kontra naman ng lalaki.
"Tayo mukha mo. Ikaw ang gumagalit kay Lolo. Kaya ikaw ang lumayas." Sagot naman ni Asana.
"Kailan pa dumami ang mga apo ko? Kasing ingay pa talaga ng batang iyon." Iiling-iling niyang sambit na ang tinutukoy na kasing-ingay nila ay si Steffy. Dati kasi tahimik lamang si Sioji at palagi pang galit o ba kaya napaka-cold kung makipag-usap. Ngunit ngayon, bibo na nga sana, pinapataas naman lagi ang blood pressure niya.
"Tumahimik kayo o manahimik kayo?" Mariing tanong ni Haring Yuji. Agad namang tumahimik ang buong paligid.
Isang liwanag ang lumabas mula sa tapat ni Haring Yuji na ikinatayo nilang bigla.
"Bumukas na ang portal." Masiglang sambit ni Sioji. Ang dahilan kung bakit ginugulo nila ang Hari dahil sa tapat nito magbubukas ang portal ng Monsterdom.
Isang itim na may halong scarlet na aura ang lumabas mula sa palaki na palaking portal. Napaatras sila sa nararamdamang pressure.
"Lumayo kayo sa portal." Utos ni Haring Yuji. Ilang sandali pa'y nasa likuran na niya ang mga bata.
"Ano ba? Sabi ko lumayo kayo hindi ang magtago sa likuran ko." Napabuga na lamang siya ng hangin makitang nakatago na sa likuran niya sina Sioji. Gumawa na lamang siya ng harang sa kanilang paligid para hindi tamaan ng malakas na aurang nagmumula sa portal.
Lumabas mula roon si Steffy na nakasuot pa ng summer hat, black eye glass, white tube top at black mini-short. May suot ding high-heeled black boots.
"Galing ka ba sa training o galing ka lang mag-summer outing?" Tanong naman ni Asana makita ang bagong outfit ni Steffy.
Inalis naman ni Steffy ang suot na eye glass sabay kindat.
"Ang daming white sand beach sa monsterdom kaya sinulit ko na." Sagot ni Steffy. Kundi lang sa malakas nitong aura, baka sabihin nilang namamasyal lamang ito sa loob.
"Si Seyriel ba talaga iyan?" Tanong ni Rujin sabay tingin kay Steffy mula ulo hanggang paa. "Tumangkad siya ng 2 inches." Sabay tingin kay Aya na hindi yata tumubo kahit dalawang taon na ang nakalipas mula noong nagkita sila sa Gubat ng Iceria noon.
Sa kanilang lahat si Aya lang ang nanatili sa dating height. Mas tumangkad naman sina Sioji at Arken lalo na noong manatili sila ng halos isang taon sa lugar na ito.
"Boots lang ang nagpapatangkad sa kanya no." Angal ni Aya.
"Kapag isasali ko ang taas ng takong niya e di 5 inches dapat. Binawas ko na ang 3 kaya 2 inches lang. Palibhasa di nagbago ang height mo kaya akala mo, ganoon din ang iba." Tukso naman ni Rujin na ikinapikon naman ni Aya. Napaigtad na lamang si Rujin nang makatanggap ng pinong kurot sa tagiliran.
Lalapit na sana sa kanila si Steffy nang magtaas ng kamay si Haring Yuji.
"Suotin mo muna ang inihanda kong kasuotan mo." Sabay turo sa isang kahon.
Napalingon si Steffy sa parehabang kahon at dinampot ito. Pumasok sa isang silid. Ilang sandali pa'y naglaho na ang malakas na aura sa paligid.
"Sabi ko na nga ba, mangyayari to." Sambit ni Haring Yuji at napaupo. Naglaho rin ang harang na bumalot kina Sioji kanina.
"Lolo." Nag-aalalang tawag ni Sioji.
Agad namang nag-abot ng potion si Izumi. Ininom ng Hari ang potion at agad namang nanumbalik ang kanyang lakas.
"Sa simula palang, malakas na talaga ang kapangyarihan niya. Kaya hindi niya maaaring alisin ang suot niyang pampigil at pangkontrol ng kapangyarihan. Buti nalang talaga at nakagawa agad kami ng mga kasuotang makakapagtago sa kanyang kapangyarihan." Sabi ng Hari.
"Paano kung may makakaharap siyang mas malakas na Mysterian e di baka masaktan o mapahamak pa siya?" Tanong naman ni Arken.
"Ikakapahamak naman ng lahat kapag hindi niya makokontrol ang kapangyarihan niya. Ang level ng kanyang kapangyarihan ay mas mataas pa sa kung anong dapat kakayanin ng kanyang katawan. Kaya kailangan itong pigilan at kailangan ding itago. Kailangan muna niyang magkaroon ng maraming karanasan at tuklasin kung paano niya kontrolin at pasunurin sa kanya ang kapangyarihan na hindi manganganib ang kanyang buhay at ang buhay ng ibang nakapaligid sa kanya." Mahinang sambit ni Haring Yuji.
"Kaya niyo ba siya pinatapon sa mundo ng mga tao at danasin ang mga masasakit na mga karanasang iyon?" Tanong bigla ni Sioji na ikanatigil nilang lahat.
"Hindi lang siya, kundi lahat kayong mga Chamnian na isa sa mga pinili." Ito ang gustong sabihin ni Haring Yuji ngunit hindi niya binigkas dahil alam niyang magpapaalala lamang ito sa mga masasakit na alaalang dinanas ng mga batang ito.
Bumukas muli ang pinto at niluwa nito sina Steffy at Hyper.
"Hyper?" Halos masamid si Rujin sa kanyang sariling laway nang magsalita. Hindi inaasahang makikita niyang muli ang kaibigan. Si Hyper ang kanyang pinaka-inspirasyon kung bakit sinikap niyang mas maging malakas. Dahil gusto niyang mabawi si Hyper mula sa mga kamay ng mga Dethrin.
"Steffy, kaya pala ang tagal mong nawala? Nakipag-date ka lang pala?" Hindi makapaniwalang tanong ni Asana.
"Sabi ko na nga ba, gumala ka naman sa ibang lugar." Iiling-iling namang sagot ni Aya.
"Ito lamang ang natatanging portal patungo sa monsterdom, kaya paanong makakalabas si Steffy at mapunta sa ibang lugar at makilala ang batang kasama niya?" Nagtatakang tanong ni haring Yuji habang nakatuon ang atensyon kay Hyper.
"Hyper! Bakit mo kasama si Steffy? Sinikap ko pa namang maging malakas para lamang mailigtas ka sa mga Dethrin, nakipagtanan ka lang pala?" Umakto pang nasaktan si Rujin.
Lalo tuloy namula ang mukha ni Hyper dahil sa mga akusasyon ng mga Mysteriang ito at dumagdag pa talaga ang kanyang kaibigan?
"Ganito ba kayo sumalubong sa nawawala niyong kaibigan? Di ba pwedeng maghanda naman kayo ng napakarami-raming pagkain? Soooobrang gutom na talaga ako." Sambit ni Steffy na humawak pa sa tiyan.
Napatingin tuloy silang lahat kay haring Yuji. Ito kasi ang nagsabi na nabubuhay ang mga Chamnian gamit ang pagsagap ng enerhiya sa kalikasan o pagnanakaw ng enerhiya sa iba. At nabubuhay sila kahit hindi kumakain. Lalo na sa mga Chamnian na may malakas na kapangyarihang katulad nila. Wag mong sabihing masyadong mahina ang kapangyarihan ni Steffy? Kung mahina e bakit nakalabas siya ng buhay sa monsterdom?
"Hindi ba't kakain lang natin kanina? Nag-barbecue pa nga tayo e. Gutom ka na agad?" Sagot naman ni Hyper. Naitikom ang bibig makitang sinamaan siya ng tingin ni Steffy.
"Hindi siya gutom. Matakaw lang talaga." Sagot ng hari.
"Di ba pwedeng namimimiss ko ng kumain?" Angal ni Steffy. Tiningnan ulit siya ni Hyper ng kakaiba.
"Iba ang pagkain doon at dito. Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Steffy makitang nakatingin sa kanya si Hyper na parang nakakita ng multo.
Hindi mawala-wala sa kanyang alaala na nagkakandarapa sa pagluluto ang mga halimaw at mga Mysterian sa Monsterdom sa takot nila kay Steffy.
Kapag napapadaan na si Steffy sa palasyo ng Hari ng Monsterdom, nagpapahanda agad ito ng masasarap na pagkain. Napilitan pa silang mag-aral kung paano magluto ang mga Mysterian at kung ano-ano ang mga masasarap na putaheng matatagpuan sa buong Mysteria. Mabuti nalang talaga at may magaling na Chamnian chef ang naligaw sa Monsterdom at siyang tumutulong sa Hari ng mga halimaw para ma-satisfy ang cravings ni Steffy.
Kanina lang, inutusan ni Steffy na maghanap ng maiihaw ang mga halimaw at ang mga ligaw na Mysterian naman ang naatasang maghanap ng mga pampalasa. May naatasang tagaluto at si Hyper ang tagapahid ng sauce, si Steffy naman ang tagakain.
Sa nagdaang dalawang buwan, hindi na nakikipaglaban sa mga halimaw si Steffy dahil wala ng pumapatol sa kanya. Manginginig agad sa takot ang mga ito kapag nakikita siya. Kaya naman, naglibot-libot sila sa buong Monsterdom na parang nagbabakasyon lang.
Halos araw-araw namang dinadasal ng mga halimaw na sana umalis na sa mundo nila si Steffy. At nagdiwang pa nga ang mga ito nang malamang aalis na ang kinatatakutan nilang nilalang. Dinadasal din na sana hindi na babalik pa sa mundo nila.
Naghanda naman ng isang magarbong salu-salo ang hari para sa kanilang lahat. Pinaalalahanan din ang pito na huhubarin lamang ang mga kasuotang bigay niya kapag kinakailangan na.
Lahat ng mga kasuotang bigay ng Hari ay may kakayahang itago sa mga mata ng iba ang kanilang mga kapangyarihan at may kakayahan ding pigilan ang paglabas ng kanilang kapangyarihan. Maliban sa physical ability, or combat ability, hindi nila magagamit ang kanilang Chamnian Tzi kapag hindi nila hinubad ang suot nilang nagpipigil sa pagamit nila ng Chamnian Tzi. Ganoon din sa Mysterian Ki or Mystikan Ren.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top