83: Lost City; Pagsasanay
Nakatayo ngayon sa harap nina Sioji, Asana at Steffy si Haring Yuji na matalim na nakatingin sa kanilang tatlo.
"Sinabi ng wag magpagala-gala sa kung saan-saan." Itinaas ang kanang kamay at akmang sapukin sina Steffy at Sioji. Agad namang iniharang ng dalawa ang mga braso sa mukha at sabay na nagtago sa ilalim ng mesang yari sa white jade.
"Kamahalan, nagmukha na po kayong halimaw. Nakakatakot." Sambit ni Sioji na niyakap pa ang sarili at isiniksik pang lalo ang katawan sa ilalim ng mesa.
"Wag naman po kayong magagalit tanda. Wala pong gamot sa high blood sa lugar na ito." Nakanguso namang sagot ni Steffy na lalong ikinaasim ng mukha ng hari.
"Tinawag ba talaga akong halimaw at ano yon? Tanda daw? At huwag ma-high blood? Sino bang hindi maha-high blood pressure sa dalawang ito?" Napahawak na lamang sa dibdib si haring Yuji sa mga apong ito.
Huminga siya ng malalim at ilang ulit na nagbuga ng hangin. Nang kumalma na ang sarili saka ito muling nagsalita.
"Kailangan niyong makontrol ng mabuti ang inyong kapangyarihan kaya magsanay kayong mabuti. Paghihiwalayin ko kayo ng mga lugar para hindi niyo masasaktan ang inyong mga kasama sa inyong pagsasanay."
Walang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod sa utos ni haring Yuji.
Ipinasok silang dalawa ni Sioji sa magkaibang portal na di nila alam kung saan papunta. Wala na sina Rujin, Aya at Izumi na ipinasok rin ni haring Yuji sa isang portal bago pa man dumating sina Steffy. Si Asana naman at Arken na may light magic, ang siyang naiwan at siyang personal na tinuturuan ng hari.
Dinala si Steffy ng portal sa isang gubat.
"Gubat na naman? Bakit palage na lamang gubat?" Angal niya. Pero napanganga sa ganda ng mga halaman at mga bulaklak na nakikita sa paligid. May mga prutas din siyang nakikita na parang ang sasarap kainin.
Kaya lang, sa unang tingin palang, alam niyang may mga lason ang mga prutas at mga halamang ito. May ugat ng mga halaman ang bigla nalang humaba at mabilis na nagtungo sa kanyang kinaroroonan. At may parang cannon ball ang tumilapon sa kanya. Sobrang bilis nito at wala na siyang panahong umilag kaya sinalubong na lamang niya ito ng kanyang kamao.
Narinig niya ang pagkabasag ng shell ng cannon ball na iyon. Saka natuklasang isa itong higanteng pagong na may itim na malabakal sa tigas na talukab. Nabasag ang talukab nito at nawasak rin ang laman sa loob. Ihahakbang na sana ni Steffy ang mga paa, mapansing hindi niya ito maigalaw. Ibinaba niya ang paningin at nakita ang mga ugat ng mga halamang nakapaikot na sa mga paa paakyat sa kanyang binti.
Muli niyang inihakbang ang mga paa na may kasamang pwersa at napigtas ang mga ugat na malakas na nakakapit sa kanya. May mga dahon ng mga halaman ang lumipad sa gawi niya na ang matatamaan nito, mahihiwa. Agad siyang lumutang sa hangin upang makaiwas, ngunit bigla na lamang dumilim ang langit na ikinatingala niya.
Nakita niya ang napakalaking tuka na papunta sa kanyang kinaroonan.
"Aaah!" Napahiyaw siya sa sobrang bigla. Isang sound wave ang lumabas sa kanyang bunganga na ikinatunaw ng matutulis na mga dahon na tatama sana sa kanya. Natunaw rin ang mga halaman at mga punong dinaanan ng sound wave, maging ang higanteng ibon na tutuka na sana sa kanya. Nagiging abo ang mga ito at tinangay ng hangin palayo sa kanya.
Napakurap-kurap siya ng ilang beses. Ganito ang nangyari sa mga humahabol sa kanila ni Asana noon. Inilapit niya ang dalawang palad sa bibig at sinubukang sumigaw.
"Waaah!"
"Wala naman a."
"Di kaya nalusaw sila sa amoy ng aking hininga?" Inamoy niya ang sariling hininga.
"Di naman mabaho."
Ilang sandali pa'y napahikab siya.
"Inaantok na naman ako. Hindi pwedeng matulog sa lugar na ito. Baka mamaya pagising ko, nasa impyerno na ako."
Mabilis niyang tinanggal ang kanyang pulseras at isinabit sa isang maliit na sanga. May mga halimaw pang nagsidatingan at handa na sanang umatake kaso bigla na lamang silang nanigas at hindi na makagalaw. Iilang flying monster din ang papunta sana sa direksyon ni Steffy kaso bigla na lamang silang nanigas at bumulusok pababa.
Ang mga may mahihina namang mga kapangyarihan na mga halimaw, ay nagsipagtakbuhan palayo sa lakas ng aurang nararamdaman. Ang sinumang mapapalapit sa aurang ito, nagiging bato sa loob lamang ng kalahating segundo.
Naikuyom ni Steffy ang kamao. Dati kasi, ang mga nagiging bato ay ang mga natitingnan lamang niya. Pero bakit ngayon, nagiging bato na rin ang lahat ng naaabot sa kanyang aura.
Ang natatandaan niya. Scarlet at black ang kulay ng kanyang aura. Scarlet ay dahil sa kanyang kapangyarihang scarlet flame at dark dahil isa siya sa mga dark magic user. Ngunit sa pagkakataong ito, naging malabahaghari ang kanyang aura. Mas matingkad ang pula at mas malabo ang puti kumpara sa iba pang mga kulay na nakikita niya.
May nakita siyang flying monster sa himpapawid. Itinaas niya ang kamay at ikinuyom ang kamao. Bigla na lamang nabasag ang flying beast.
"Pampatay ba talaga ang kapangyarihang taglay ko? Wala man lang bang panglikha? Bakit palage na lamang pangsira?" Ang malungkot niyang sambit. Napatingin siya sa kanyang pulseras. Ang halaman na sinabitan niya rito ang hindi naaapektuhan sa kanyang aura.
"Kung ganoon, ang sinumang makakapag-may-ari ng ganitong pulseras ay hindi maaapektuhan ng kapangyarihan ko?"
Isinandal niya ang likod sa isang punong tumigas na rin na parang bato. Higit sa lahat, nagiging brown din ang mga dahon, halatang namatay bago pa man nagiging bato.
"Ah!" Ungol niya maramdamang may tumusok sa kanyang likod. Napaatras siya at hinaplos ang bahaging humapdi, saka tiningnan ang kanyang palad na may bahid ng dugo.
Kumunot ang kanyang noo makitang unti-unting muling nagkaroon ng buhay ang puno. Nagsimula ito sa bandang nalagyan ng kanyang dugo hanggang sa bumalik na sa dati ang kulay at buhay nito.
Napatingin siya sa kanyang daliring may dugo at pinahid sa isang maliit na halaman na nagiging bato kanina. Kumislap ang kanyang mga mata natuklasang dugo niya ang solusyon kapag may nagiging bato dahil sa kanyang kapangyarihan.
"Isang isinumpang prinsesa ang inyong anak."
"Hindi siya nararapat mabuhay."
"Isa siyang halimaw."
"Kailangan siyang ikulong nang sa ganoon, wala ng mapapamak na iba nang dahil sa kanya."
Naikuyom ni Steffy ang mga kamao, nang may pumasok na alaala sa kanyang isip.
"Kalimutan mo na iyon Steffy. Kalimutan mo." Sambit niya sa sarili.
Ilang sandali pa'y naglaho rin ang mga alaalang iyon sa kanyang isip.
Uupo na sana siya sa lupa ngunit napatayo rin agad dahil sa matulis na bagay na tumusok sa kanya. Saka niya naalala na nagiging bato nga pala ang nakapaligid sa kanya ngayon.
Sinugatan niya ang kanyang daliri gamit ang kanyang kuko at pinatak sa isang halimaw na naging bato. Bumalik nga ito sa dati kaso nagiging bato ulit. Pero natutuwa siya dahil alam na niya kung paano ibalik sa dati si Hyper.
Sa gubat na iyon, nagpatuloy sa pagtuklas si Steffy sa kung ano pa man ang kaya niyang gawin. At kung ano pa ang kanyang mga kapangyarihan.
Ilang buwan na rin ang lumipas magmula noong pumasok si Steffy sa portal na patungo sa monsterdom. Nakabalik na ang mga kaibigan niya mula sa mga lugar na napuntahan ngunit hindi parin nakakabalik si Steffy.
"Ayos lang kaya siya?" Nag-aalala ng sambit ni Aya.
Limang buwan na ang lumipas, bakit wala parin si Steffy?
"Kailangan ko ng bumalik sa Naicron Academy dahil may nangyayaring hindi maganda sa Emperialta." Sabi ni Reyna Stella.
"Wag kang mag-alala, kami na ang bahalang maghintay kay Steffy." Sabi ni Haring Yuji.
"Habang hinihintay natin si Steffy, tingnan ko kung hanggang saan ang inyong kapangyarihan ngayon." Sabi ni Haring Yuji.
Pinaglaban niya sina Aya, Izumi, Rujin at Sioji. Ang sinumang masusugatan, gagamutin nina Asana at Arken.
"Ang susunod, Asana at Arken, palakasin niyo ang sinumang manghihina. Tingnan natin kung hanggang ilang level ang kaya niyong ibigay sa inyong mga kasama at kung gaano kalakas ang kapangyarihan nila pagkatapos niyo silang pasahan ng panibagong lakas at kapangyarihan."
Mula sa labas ng space dimension na likha ni Haring Yuji, nakikita nina Aragon, Wolvino at Diragon ang labanan nina Aya, Izumi, Sioji, Asana at Arken.
"Buti nalang pala talaga, hindi pa nila gaanong kontrolado ang mga kapangyarihan nila noon. Dahil kung sanay na silang gamitin ito, baka namatay na tayo." Sambit ni Wolvino.
Naalala pa niya kung paano siya bugbugin ni Asana.
Napayakap naman si Diragon sa sarili makita ang tunay na lakas at bilis ni Rujin. Sa kanilang anim si Rujin ang pinakamabilis kumilos ngunit hindi rin siya makalapit sa sinuman kina Aya na nababalot ang katawan ng scarlet flame, at Sioji na may Purple flame shield. Mukhang si Izumi lang ang kaya nitong lapitan ngunit hindi rin patatalo ang kapangyarihan nitong komontrol ng tubig at lupa.
Napaluhod si Izumi nang tamaan ng kidlat ni Rujin. Nakalimutan niyang gamitin ang lupa para harangan ang kapangyarihan ni Rujin. Tubig ang ginamit niya gayong mas lalong nagpapalakas sa lakas ng kidlat na dahilan upang makuryente siya.
Ngunit mabilis ring tumayong muli at tila mas lumakas pa.
Napapatango si Haring Yuji. Maituturing na pinakamahina ang taglay na kapangyarihan ni Izumi sa kanilang lahat ngunit pinaka-bihira naman ang abilidad nito.
Mas lalong lumalakas si Izumi kapag nakikipaglaban lalo na kung nahihirapan. Kung gaano siya pahirapan ng kalaban, sampung ulit naman siyang lumalakas sa bawat hirap na mararanasan.
"Ngayon ko lang napansin. May kakayahan din si Izumi na katulad ni Steffy. Kung alam ko lang e di sanay ipinadala ko din siya sa monsterdom. Kung saan, hindi pwedeng magpahinga ang sinumang mapapadpad doon." Sambit pa ni Haring Yuji.
Iniisip na bawat oras nakikipaglaban ang sinumang mapapadpad sa monsterdom dahil nga, kaharian iyon ng mga halimaw.
"Izumi, Asana at Arken. Kayo na naman ang magiging attacker. Sioji at Rujin, kayong dalawa ang defender. Aya, ikaw ang healer nila."
"Bakit ako lang isa? Destruction ang abilidad ko." Sagot ni Aya. Batid niyang nakakagamit lamang siya ng healing ability kapag nasa malapit lamang si Steffy.
"Mas gusto kong umatake kaysa mag-defend lang." Angal naman ni Sioji.
"Kapag mahina ang defense ability mo, ibabalik kita sa training dimension." Banta ni Haring Yuji kay Sioji.
"Magsasanay na nga. Tsk." Pumwesto ng muli sa gitna ng training field.
Pagkalipas ng ilang buwan nilang muling pagsasanay, dinala sila ni Haring Yuji sa leveling pillar. Isang artifact na magsasabi kung anong level ang kapangyarihan na meron sila.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top