82: Lost City; Celeptris 12, tagakatay
Habang ginagamot ng kamahalan si Qin, nagdududa namang pinagmamasdan ni Shinju si Steffy. Paano kasi nito nalamang may healing ability ang kanilang prinsipe? Hinablot niya ang kanyang espada at itinutok kay Steffy. Kinalimutan ang anumang mga good impression niya dito maisip na posibleng kinuha lamang ang loob nila para sa isang malaking plano.
"Paano mo nalamang may healing power ang kamahalan? Isa ka nga talagang espiya ano?" Tanong ni Shinju na nakatutok ang espada kay Steffy kaso napaaray dahil sinapok lang.
"Tinatanong kita! Bakit mo ako sinapok ha?" Nakangiwi noyang sambit at napahimas sa likod ng ulong nasapok. "Mahina lang naman yon bakit ang sakit? Balak ba akong patayin ng batang ito para patahimikin?"
Muntik kasi siyang mapaluhod nang batukan ni Steffy. Pakiramdam niya, matatanggal na ang ulo niya.
"Kung mangi-interview ka kasi wag espada ang ginagawa mong microphone. Nala-loud speak ba yan? Di kaya. Di naman lalakas ang boses ko sa espadang yan e." Angal naman ni Steffy.
"Huy shidang nakakapikon. Itinutok ko ito sayo para patayin ka hindi para interviewhin. Saka ano yang interview?" Ano ba kasi yang interview? Pagapaparusa ba yan ng kamatayan? Saka ano yang microphone?
"Wala ka pa ngang naihandang kabaong papatay ka na. Saka bago mo ako patayin, kuhanan mo muna ako ng life insurance para maging maayos naman ang libing ko." Sagot naman ni Steffy.
"Anong life insurance?" Tanong ulit ni Shinju. Ano ba kasi iyang life insurance? Papapatayin na nga may life insurance pa?
"Para life insurance lang di mo na alam? May benepisyo ang makukuha ng namatayan." Sagot ulit ni Steffy.
"Ano naman ang benepisyo nito?" Patay na nga, paano magkakabenepisyo?
"Simple lang. Unang ilibing ang pumatay." Nakangising sagot ni Steffy.
Dumilim naman ang mukha ni Shinju sa narinig. Ibubuka na sanang muli ang bibig nang makita ang mga miyembro ng Acrow bandit na nakaluhod na ngayon.
"Teka lang naman. Bakit sila nakaluhod?" Tanong ni Steffy.
Kumunot ang noo ni Shinju sabay iling dahil hindi rin naman niya alam kung bakit. May iilan pang nagsibalikan at nagsiluhuran makitang nakaluhod ang iba nilang mga kasama.
Naibaba ni Shinju ang espada na nagtataka. May mga nagsidatingan ding mga mamamayan sa lugar na ito at nagsipagluhuran din.
"May patakaran sa lugar na ito, na ang sinumang makakatalo sa pinuno ang siyang magiging bagong pinuno." Paliwanag ni Karim makitang nagtataka ang mga kasamahan ni Steffy maging ng kamahalan daw'ng ito. "At ang di tutupad sa batas nila dito, ipapapatay."
"Nangangalay na ako. Tatayo nalang kaya tayo?" Sabi ng isang bandidong isa sa mga nakaluhod sa kanyang best friend.
"Sige, tumayo ka. Di mo ba kita ang lakas nila? At kapag papatayin ka nila, pagtatawanan pa kita." Sagot ng katabi.
"Bakit ka ganyan Harvey? Sino bang kaibigan mo ha?" Sagot ng unang nagsalita kanina.
"Syempre, hindi ikaw." Sagot ni Harvey.
"Sige, ganyan ka lang. Wag ka na ding lumapit sa akin g*go ka! Nga pala, may minatamis ka?" Inilahad pa ang kamay sa kaibigan. "Naglalaway ako."
"Langya to. Galit-galitan ka pa diyan, manghihingi ka naman pala ng minatamis. O ito, hati tayo." Kakagatin na sana ang isang parehabang minatamis pero hinablot ng kasama.
"Nagtatampo ako kaya dapat buo ang ibigay mo." Mabilis na kinain ang minatamis.
"Binabati namin ang mga bagong pinuno ng Acrow." Sabi agad ni Qin na nakaluhod na rin. Hindi lang nila mawari kung sino sa mga Mysteriang ito ang dapat nilang batiin.
Nagsigayahan naman ang iba.
"Binabati namin ang bagong mga pinuno." Sabay-sabay nilang sabi.
"Bagong pinuno daw?" Patanong na sabi ni Steffy at tiningnan sina Karim, ang kamahalan at si Sioji.
Saka hinarap ang mga nakaluhod na mga Mysterian. Dito niya napansing, marami-rami rin palang mga tauhan si Asmagorn, makitang napuno ang buong bulwagan ng mga Acrow bandit members. Hindi nga lang tapat sa kanya.
"Makinig kayo." Panimula ni Steffy. Nagsitahimik naman ang lahat, at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Ang bagong pinuno niyo at siyang tatawagin niyong hari ay si (tingin sa kamahalan.) pangalan mo uy." Hindi si Sioji ang tinuro niya kundi ang kamahalan.
"Kurt." Walang ekspresyong sagot ng kamahalan.
"Ang dami mo namang pangalan. Sige na nga lang." Hinarap ulit ang mga mamamayan. "Ang hari niyo ay si Kurt. At ang regent niyo ay si Sioji. Habang ang prinsipe niyo ay si poge." Sabay turo kay Karim.
Panabay na dumilim ang mukha nina Sioji at Kurt daw.
"Karim." Sabi ni Karim.
"Okey. Karim. Ang prinsipe niyo ay si Karim."
Nagkatinginan naman ang mga nakaluhod na mga mysterian. Kaharian yata ang pamumunuan ng mga bagong pinuno at hindi bandido. Bakit kasi may prinsipe, hari at Regent pa? Pero dahil iyon ang sabi ng babaing ito na mukhang kinatatakutan ng mga bagong lider nila, hindi na sila aangal at babatiin na lamang ang mga bagong lider.
"Binabati namin ang Bagong Regent ng Acrow na si Regent Sioji."
"Binabati namin ang bagong hari ng Acrow na si Haring Kurt."
"At binabati namin ang bagong prinsipe ng Acrow na si Prinsipe Karim."
Ang Acrow ay dating angkan ngunit nang sakupin ng mga Hanaru ang Celeptris, nagiging bandido ang ilan sa kanila at siyang founder ng Acrow bandit. Ngunit nang matalo ni Asmagorn ang dating pinuno, si Asmagorn na ang namumuno sa Acrow bandit. Nakipag-alyansa rin sa mga Dethrin si Asmagorn at ang ilan sa mga Acrow bandit members ay kabilang sa Dethrin Organization.
"At ako naman ang..." Pabitin na sabi ni Steffy.
"Prinsesa siguro?"
"Baka naman, reyna? Siya kaya lider ng mga lider natin?"
"Baka emperatris?"
Nagkanya-kanyang hula naman sila habang mas marami ang nagsasabi na siya ang magiging emperatris.
"Ako naman ang... Tagakatay ng mga hari't prinsipe."
"Tagakatay!" Panabay na tanong nilang lahat maging nina Asana
"Ano na namang tagakatay iyang pinagsasabi mo?" Tanong naman ni Asana.
"Anong gusto mo, maging emperatris ako? Emperatris na ako sa kalokohan, reyna sa kagandahan at prinsesa sa kakyutan. Lider sa kayabangan. Kaya ayaw ko ng dagdagan pa. Nakakapagod ng ang dami kong titulo. Kaya tama na kung ano man ang meron ako ngayon." Ipinaypay pa ang mga kamay sa mukha.
"Ang hangin talaga ng babaing ito. Walang laman ang utak kundi puro na lamang hangin." Sambit ni Kurt kaya sinamaan siya ng tingin ni Steffy.
"Steffy! Umuwi na kayo. Papatayin na kami ng lolo mo." Rinig niyang sambit ni Aya sa kanyang isip.
Saka naalala ni Steffy ang oras. Medyo dumidilim na rin at hindi pa sila nakakabalik.
"Uwi na tayo. Galit na galit na yata si lolo." Sabi ni Steffy at hinawakan sina Asana at Sioji.
"Bye! Bye mga kuya. Hanggang sa muli nating pagkikita." Bago pa man makapagsalita sina Kurt at Karim, naglaho na sina Steffy.
Gulat na gulat naman sina Kurt. Bakit kasi walang epekto ang slave ring sa tatlo? May special items ba sila na nagpipigil sa kapangyarihan ng slave ring o may ginawa sila sa mga bagay na yon?
Nagkatinginan sina Karim at Kurt. Alam ni Karim na ang nakamaskarang nakalaban niya dati sa forbidden forest ay ang lalaking ito. Si Kurt naman na nagpakilalang Zaifer sa forbidden forest, nakatingin ng masama kay Karim.
"Ano bang kailangan mo kay Seyriel?"
"Ano bang kailangan mo kay Steffy?" Panabay nilang sabi.
Seyriel, tawag ni Kurt kay Steffy. Steffy naman ang tawag ni Karim dito.
"Layuan mo siya." Panabay ulit nilang sabi.
"Maglalaban na ba ang hari at prinsipe para sa emperatris ng kalokohan?" Tanong ng mga mysteriang nanonood sa dalawa. Emperatris lamang ng kalokohan ang natatandaan nilang pakilala ni Steffy dahil sa ang emperatris daw ang may mas mataas na titulo.
May hinala si Kurt na isang Hanaru si Karim at may hinala rin si Karim na isang Superian si Kurt.
Dalawang magkasalungat na pinagmulan na magkaparehong mga chosen protectors.
Parehong napadpad sa lugar na ito sa paghahanap ng bato ng Ecclescia, kaya lang ang pinag-aagawang bato, wala ng kapangyarihan. Parehong may sinusunod na superior.
Si Kurt na inutusang patayin o dakpin ang mga chosen keeper ng forbidden ability at protektahan ang ibang mga chosen keeper habang si Karim naman, pinoprotektahan ang mga chosen keeper ng forbidden ability at dinadakip ang ibang mga chosen keeper para eksperimentuhan.
May hinala si Karim na isang Chosen ones din sina Steffy at ang mga kasamahan nito. Ganoon din ang paniniwala ni Kurt kaya pareho nilang gustong bantayan sina Steffy. Ngunit kung paano sila biglang susulpot ganoon din sila kung biglang nawawala. Walang kahit anong bakas kung saan sila napupunta at hindi rin sila mahahanap gamit ang anumang mga magic artifact. Para silang parang bula.
"Magkikita pa kaya tayong muli?" Tanong ni Kurt sa isip habang nakatingin sa kung saan naglaho sina Steffy kanina.
Bago umalis, binigyan ng karapatan ni Kurt si Qin na siyang mamuno sa mga Acrow bandit. Nagpasa rin siya ng kapangyarihan dito para magagamit sakali mang may panganib itong kakaharapin.
Inutusan naman ni Karim ang dalawang nagtatalong magkaibigang bandido kanina na siyang magiging assistant ni Qin at binigyan din ito ng kapangyarihan para magagamit ng dalawa.
"Gampanan niyong mabuti ang inyong tungkulin. Kapag nagbabalik na ang batang iyon, sabihin niyo agad sa akin. Siya ang tunay niyong pinuno." Sabi ni Karim.
Umaasa siyang babalik sa lugar na ito si Steffy. At posibleng pamumunuan ang lugar na ito.
Matapos magbigay ng instruction nagsialisan na rin sina Kurt maging sina Karim.
Si Qin naman, halos hindi pa rin makapaniwala. Kanina lang iniisip niyang katapusan na niya tapos ngayon, nagiging pinuno siyang bigla sa mga bandidong kinatatakutan niya kanina lang?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top