81: Lost City; Celeptris 11, Qin

Pagdating nina Steffy at Karim sa kinaroroonan nina Sioji, tapos na ang laban sa pamamagitan nina Asmagorn at Sioji at sa iba pang mga tauhan ni Asmagorn.

Pinagpapawisan naman sina Shinnon at ang dalawa niyang mga kasama maliban sa kanilang kamahalan. Napasali din kasi sila sa laban dahil inaakala ng mga Acrow bandits na kasamahan sila nina Steffy at siyang nag-utos kina Steffy na manggulo sa teritoryo ni Asmagorn.

Nakita ni Steffy ang lalaking paparusahan sana ni Asmagorn kanina. Sugatan ang lalake at nanghihina na. Tumakas agad ito nang matuon ang atensyon ng mga Acrow bandit kina Steffy. Kaya lang nahagip parin siya sa mga kapangyarihang pinakawalan ni Asmagorn kanina, kaya ayan, nasugatan siya at nanghihinang lalo. Nakatago siya ngayon sa likod ng isang malaking bato malapit sa kung saan nakatayo sina Shinnon at ang grupo niya kanina.

"Huy, Sungit! Gamutin mo nga yon o." Tawag ni Steffy sa kamahalan na nakaupo lang sa tuktok ng isang tipak na bato. Sa kanilang lahat, siya lang ang hindi naalikabukan ang damit kaya iniisip ni Steffy na siya lamang ang hindi napagod at walang ginawa kundi manood. Kaya, siya ang inutusan niya na kala mo, siya ang boss.

"Ang lakas ng loob ng shidang ito. Gusto na ba niyang mamatay? Utusan ba naman daw ang kamahalan e prinsipe yan." Rinju thought.

"Magsisindi na yata tayo ng kandila dahil sa munting babaing ito." Sambit pa ni Rinju.

"Inuutusan mo ba ako?" Cold na sagot ng kamahalan na nakatingin ng masama kay Steffy.

"Sinasabi ko lang naman. Sige gamutin mo na." Parang nagsasabi lang ng tara, pasyal tayo.

"Sabi lang ba yan, nang-uutos ka e." Nandidilat na ang mga matang sagot ng kamahalan.

"At saka sabi lang di ba? Ba't kita susundin?" Dagdag pa nito.

"Ay ganon? Utos lang ba ang dapat sundin? Palibhasa sungit." Sagot niya at umirap. Binalingan ng tingin si Sioji na nakasandal na sa butas-butas na pader.

"Lapastangan! Bakit mo inuutusan at sinasabihan ang kama—" Angal ni Shinju at lalapitan na sana si Steffy at binubunot pa ang espada kaso pinigilan siya ni Rinju.

"Hayaan mo na. Yung Chamnian Coins tandaan mo. Chamnian coins." Pampakalma ni Rinju. "Saka nilalait din naman tayo ng kamahalan. Sa wakas may nangahas ng kumalaban sa kanya. Tingnan mo, pulang-pula na siya sa asar. At saka, tingnan natin kundi rin ba siya mauubusan ng pasensya." Natutuwang sagot ni Rinju.

Sa totoo lang, gumaganti siya dahil wala man lang kumampi sa kanya noong mapikon siya kay Steffy kaya gustong-gusto niyang makita kung gaano kapikon ang kamahalan nila ngayon.

"Sige, para kapag malaman ito ng kanyang ina, ihanda mo na ang kabaong." Sagot naman ni Shinju.

"O ba. Dadalawahin ko pa para tig-iisa tayo." Sagot ni Rinju.

Si Shinnon naman, tahimik lang. Sa kanilang tatlo, siya lamang ang palaging kalmado.

Habang nag-uusap sina Shinju at Rinju, kausap naman ni Steffy si Sioji gamit ang isip.

"Sioji. Ang sama ng tingin niya sa akin. Ano ang dapat kong gawin?" Tanong niya. Malay ba niyang mapipikon ang kamahalang ito sa sinabi niya.

"Takutin mo." Suhestiyon ni Sioji at tumango-tango pa. Hindi man lang inisip na ang pinsan talaga niya ang may mali.

"Ano namang ipanakot ko?" Naguguluhang tanong ni Steffy. Pero napangiti nang maisip ang palaging ipinanakot ni Sioji kay Asana kaya natatalo palage si Asana kapag nagtatalo sina Sioji at Asana.

"Alipin lamang kita kaya dapat gumalang ka!" Pasigaw na sabi ng kamahalan dahil napipikon na talaga nang tawagin siyang sungit. Sa kontinente ng Hariatres, lahat nagbabow at ang iba lumuluhod pa kapag nakikita siya at wala pang sumasagot-sagot lalo na ang magtatakang mang-utos sa kanya na parang isa lamang siyang utusan. At sa bago pa niyang alipin.

Para kasi sa kanya, ang sinumang mapapasuotan ng slave ring na pinagmamay-ari niya ay alipin na niya. Kaya, dapat, alipin na sina Steffy. Pero bakit parang siya pa itong itinuring na parang alipin? Mukhang kailangan na yata niyang turuan ng leksyon ang babaing ito.

May kulay blue na apoy ang lumitaw mula sa kanyang palad. Wala siyang balak itapon ang apoy kay Steffy, balak lamang niya itong takutin nang gumalang naman ito kahit kunti.

"Woah! (Sabay takip ng bibig na parang nagulat na na namangha) Balak mo ba akong letsonin? Alam ko namang alam na ulam ang dating ko. Katawan palang yummy na." Pinadaan pa ang kamay sa mukha pababa.

"Ulam ba iyang parang buto at palito ng puspuro? Parang panggatong na masarap sindihan." Sagot ng kamahalan na mas lumaki pa ang blue flame sa palad.

Sina Karim at Lhoyd naman, may kanya-kanyang iniisip.

Sa pagkakatanda nila, isang cold at may pagka-cool ang Prinsipe ng Wynx at hindi childish na mabilis mapikon. Ngunit nang maisip kung paano mampikon si Steffy mukhang naiintindihan nila kung bakit mawawala ang pa-cool aura ng prinsipe ng Wynx dahil kahit sila halos mauubusan na rin ng pasensya.

"Ang kapal ng mukha niyang laitin ang pinsan ko. Laitin ka na wag lang siya." Nangngingitngit na sagot ni Sioji at akmang susugurin ang kamahalan kaso humarang si Asana.

"Loko ka pala e. Ako ipapalait mo tapos siya hindi?"
Inis na sagot ni Asana.

"Syempre siya pinsan ko ikaw hindi. Pag sinabihan siyang panget nadadamay ako dahil magkadugo kami. Alam mo yon." Lalagpasan na sana si Asana kaso natigilan nang marinig ang sinabi ni Steffy.

"Gagamutin mo siya o hahalikan kita?" Banta ni Steffy na tinuro pa ang sugatang lalaking nakasilip sa kanila.

Si Karim muntik ng maubo sa narinig. Si Lhoyd, nagtataka.

"Eh? Sabi ko takutin niya ang lapastangang lalaking yan, bakit ganyan ang sinabi niya? Linya ko yan a." Nagtatakang tanong ni Sioji sa isip.

"Linya yan ng mga lalake." Kontra ni Kurt.

"Ah, ayaw mo siyang gamutin." Nakapameywang ng sagot ni Steffy.

"Makapagbanta na nga, iyon pa talaga? Sa tingin niyo, magpapahalik kaya ang kamahalan?" Tanong naman ni Rinju kay Shinju. Hindi naman sumagot ang kausap.

"Kung ako pa sa kamahalan, hindi ko gagamutin ang lalaking iyon." Shinju thought.

"Hindi. Hindi mo ako mauutusan. Humpp." Pinal na sagot ng kamahalan.

"Bakit si Asana natatakot kapag pinagbantaan ni Sioji ng ganyan? Bakit siya hindi? Nagtatakang sambit ni Steffy sa isip bago matapang na hinarap ulit ang kamahalan na nakatayo parin sa tuktok ng tipak na bato.

"Gagamutin mo siya o hahalikan ko siya." Banta ulit ni Steffy na nakaturo parin sa lalaking sugatan. Natapilok tuloy ang lalake at muntik pang mangudngod ang mukha sa bato.

'Pfft! Parang gusto kong tumawa sa dalawang to.' Muntik ng mapatawa si Shinnon sa narinig. Inubo na lamang niya para mapigilan ang tawa.

Kahit si Karim ay napayuko ng wala sa oras. "Bakit ngayon ko lang napansin na nakakatuwa pala ang batang ito?" He thought.

"Prinsipe to hindi utusan!" Buo na ang desisyong sagot ng kamahalan na nasa palad parin ang blue flame.

"Sige." Sagot ni Steffy at naglakad palapit sa sugatan. "Mukhang ako nalang ang manggagamot nito. Sabi pa naman ni Lolo hindi namin dapat ipapakita sa kung sino ang mga kakayahan namin kaso wala na akong ibang choice." She thought.

Ang lalake naman, hindi alam kung magtatago ba o tatakbo. Hahalikan ba talaga siya ng cute na batang ito? Kaya lang, paano siya makakatakbo kung may pilay siya at masyado na rin siyang nanghihina.

Twenty one years old pa lamang siya. Bata pa siya nang ipatapon ang pamilya niya sa lugar na ito at napilitang sumapi sa Acrow bandits. Pero kahit ganon hindi niya kayang manakit ng mga inosente kagaya ng inutos sa kanya ni Asmagorn. Maraming inutos sa kanya na hindi niya sinusunod kaya mukhang napuno na si Asmagorn at binalak na siyang patayin bilang babala sa iba pang hindi sumusunod sa utos nito.

Tumigil si Steffy sa tapat ni Qin. Ang lalaking sugatan. Nakangiti siyang tiningnan ang lalaking nahihirapang panatilihin ang posisyon.

"Sandali. Hahalikan ba talaga niya?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Rinju.

Hindi lang naman siya ang nagtatanong ng ganon, kundi lahat sila.

Yumuko si Steffy since nakaupo si Qin, mas matangkad na siya rito. Kaya yumuko siya ng kunti para magkapantay na sila ng height.

"Sandali! Ito na. Gagamutin na." Pigil ng kamahalan na hinila pa si Steffy kaya muntik ng matumba. Napaatras na lamang ito ng ilang metro.

"Ba't mo ko tinulak?" Reklamo ni Steffy na kinakamot na ang paa.

"Bakit mo kasi siya hahalikan?" Sigaw naman ng kamahalan.

"Anong hahalikan? Kinagat ako ng langgam kaya kakamutin ko sana." Sagot ni Steffy na sinamaan ng tingin ang kamahalan.

Sabay-sabay tuloy silang napa- ha?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top