80: Lost City; Celeptris 10, Nadamay sa laban
"Bakit mo ako dinadamay dito?" At paano nila nalamang nandito ako? Nagtatakang tanong ni Karim. Nakatago na ngayon sa likuran niya si Steffy at sumilip pa sa limang mga Acrow bandits na nakapaligid sa kanila.
Nakahanda na ang mga espada ng mga kalaban at nakaturo ang mga ito sa kinaroroonan ng tatlo.
"Sabihin mo nalang kasi kung takot ka. Kapag takot ka e di pagtulungan natin sila." Pang-eengganyo ni Steffy at tinapik-tapik pa ang balikat ni Karim.
"Bakit? Lalaban ka?" Tumakbo ka nga papunta rito, imposibleng lalaban ka. Karim thought.
"Hindi a. Kung takot ka sabay nalang tayong tumakbong dalawa." Nakangiting sagot ni Steffy.
Nagkatinginan tuloy sina Lhoyd at Karim. Hindi alam kung ano ang sasabihin sa full of confidence na shidang ito tapos wala naman palang ibang alam.
"Tatakbo ka rin naman pala, bakit mo pa kami idadamay?" Lhoyd thought.
Umatake ang dalawang Acrow bandits at hinarang naman agad sila ni Lhoyd. Ilang sandali pa'y naglabas ng kadenang bakal ang isa at hinampas sa kanila. Hinarang ni Lhoyd ang kadena na papunta sa kinaroroonan nila gamit ang kanyang espada habang si Karim naman hinila si Steffy palayo para hindi sila matamaan ng kadena ng kalaban.
May mga Acrow naman ang bigla na lamang sumulpot at nakaharang sa kanila. Saka napansin ni Karim na napapaligiran na sila ng maraming mga Acrow bandits. Mayron pang nakalutang sa hangin at hinihintay lamang kung ano ang gagawin nila. Habang si Lhoyd kinakalaban parin ang lima na unang dumating kanina.
Ilang sandali pa'y natalo na ni Lhoyd ang lima at agad na lumapit sa kanila.
"Ikaw na ang bahala sa kanya." Sabi ni Karim at siya na naman ang humarap sa mga bagong dating.
"May kapangyarihan ka ba? Apoy o tubig?" Tanong ni Lhoyd.
"Wala akong kapangyarihang apoy." Sagot ni Steffy na nakatingala sa mga lalaking nakalutang sa hangin.
"Sumuko na kayo dahil wala naman na kayong kawala." Sabi ng isa na nasa himpapawid.
"Anong user ka?" Tanong ulit ni Lhoyd na di pinansin ang lalaking nagsalita kanina. Umaasa siya na sana may panlaban ang shidang ito kahit kunti para di ito magiging gaanong pabigat.
"Wala." Sagot ni Steffy. Tuluyan ng nagbago ang ekspresyon ni Lhoyd.
"Susugod-sugod ka at manghahamon ng laban tapos wala ka naman palang kapangyarihan at hindi ka pa user." Hindi makapaniwalang bigkas niya. Tiningnan ni Lhoyd si Karim na nakipag-one on one battle sa mga Acrow bandits. Nanghihingi ng permiso na ipamigay na lamang ang shidang ito kaso umiling ito.
"May pinakamalakas naman akong sandata." Mayabang na sabi ni Steffy kaya natuwa naman kunti si Lhoyd.
"Ano yon?" Natutuwa niyang tanong.
"Paa."
Siguro malakas ang sipa niya. Sabi ko na nga ba, may espesyal sa kanya. Kung wala pa, bakit pa siya sinundan ng prensipe?" Sabi pa ni Lhoyd sa isip na nakahinga ng maluwag.
"Malakas ang binti ko at magaling." Tinapik pa ni Steffy ang binti.
"Di sipain mo na sila." Sagot agad ni Lhoyd.
"Magaling sa takbuhan. Hindi sa sipa." Gusto na tuloy itapon ni Lhoyd ang babaing ito.
Ang mga Acrow bandits sa himpapawid na di pinansin, agad na inatake ang dalawa. Ang isa nagtapon ng apoy, ang isa naman, mga matutulis na bakal at patungo na ito sa kinaroroonan nina Steffy kaya gumawa agad ng wind shield si Lhoyd para hindi sila matamaan.
"Umalis na kayo kung ayaw niyong mamatay." Seryosong sambit ni Karim.
"Hahaha! Wag mo kaming tinatakot bata. Hindi mo ba nakikita, wala na kayong kawala. At dahil kasama mo ang shidang ito, kailangan mo ring mamatay." Maglalabas na sana ng kapangyarihan ang lalaking nagsalita kaso nakaramdam siya ng panlalamig galing sa mga paa. Ibinaba agad niya ang mga tingin at nakitang unti-unting naging yelo ang mga paa, paakyat sa binti hanggang sa maging yelo na ang kanyang buong katawan.
Ang lahat ng matingnan ni Karim ay nagiging yelo, at ilang sandali pa'y nagiging yelo na ang lahat ng mga Acrow bandits na pumaligid sa kanila kanina.
Naging yelo ang kalaban kaya napasimangot si Steffy.
"Isa akong tiatros." Sabi ni Karim na inaakalang nagtataka si Steffy kung bakit niya nagawa ang bagay na yon kaya nakasimangot ito.
"Tiatros? May ganon-ganon ba?" Tanong niya na nakalimutan kung ano iyang tiatros.
"Saang lupalop ng mundo ba galing ang shidang to?" Bulong naman ni Lhoyd.
"Akala ko nagtataka ka kaya ka nakasimangot." Sagot ni Karim.
"Kailan pa naging palasalita ang prinsipeng ito? Bakit naririnig ko lang ang boses niyan kapag ang shida ng ito ang pag-uusapan?" Lhoyd thought.
"Bakit mo sila tinapos agad? Wala man lang ka-challenge-challenge. Saka bigyan mo naman sila ng mukhang maihaharap. Hinayaan mo naman sana na magpakita sila ng kahit isang moves o ability nila nang di sila magsisi sa pagkawala nila sa mundong ito ng ganon lang kasimple."
Muli tuloy napaawang ang bibig ng dalawa.
"Kaya ka nakasimangot dahil tinapos ko agad sila?" Nakataas kilay ng stanong ulit ni Karim.
"Oo."
"Bakit? Gusto mo tayo ang matatapos?" Sigurado naman kasing papatayin sila ng mga bandidong iyon.
"Oo. Ay syempre kayong dalawa lang. Ayaw kong matapos no. Bata pa ako."
Langyang shidang to, gagawin ko na kaya tong yelo. Sambit ni Karim na kahit si Lhoyd umasim na ang mukha. Kaya ba pinapunta ng babaing ito ang mga bandido para mamatay sila?
"Dapat di mo muna tinapos ang laban natin. Wala man lang ka thrill thrill." Nakangusong sabi pa ni Steffy.
"Laban natin? Di ka naman sumali sa laban." Angal ni Lhoyd.
"Kasali ako. Kasaling manood." Nakataas noo pa niyang sagot.
"Kamahalan, maari ko na bang patayin ang mapangahas na shidang ito?" Kaya lang, bago pa man matapos ang request, hinila na ni Steffy si Karim.
"Dali, may laban pa doon. Nood tayo." Sabi ni Steffy na hila-hila ang laylayan ng damit ni Karim.
Tumigil siya sandali at hinawakan ang space ring.
"Sandali lang, kukunin ko muna ang video ko at ng mavideohan ko sina insan at Asana."
Si Karim walang imik. Si Lhoyd, nakaawang ang bibig.
"Bakit parang excited pa ang isang to? Ano ba sa akala niya ang sitwasyon nila? Isa lamang laro?"
"Alam mo bang isa itong buwis buhay na labanan Shida?" Tanong ni Karim kay Steffy.
"One sided fight lang ito at hindi buwis buhay." Katwiran ni Steffy na ikinatikom na lamang ng bibig ni Karim.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top