78: Lost City; Celeptris 8, Asmagorn 1

Nagtungo ang grupo nina Shinnon sa isang Inn kung saan umuupa ang mga manlalakbay na mga tulad nila ng silid na matutulugan.

Uupo na sana ang kamahalan sa isang malambot na upuan kaso inusod ito ni Steffy at siya ang umupo rito. Kaya bumagsak ang puwet ng kamahalan sa sahig. Nagsiiwas agad ng mga tingin ang mga tagapagbantay niya para di niya mahuli ang pagpipigil nila ng tawa.

Maging sina Asana at Sioji tumingin din sa ibang direksyon. Ang kamahalan naman, sinamaan ng tingin si Steffy at tinuro pa ito.

"Chamnian Coin. Chamnian coin." Paulit-ulit na sinasabi ni Kurt sa sarili para hindi siya sumabog sa galit.

Uupo na sanang muli ngunit ipinatong ni Steffy ang dalawang paa sa isa pang upuan sabay smirked. Tuwang-tuwa kasi siyang makitang namumula ang mukha ng prinsipe sa galit.

"Ang cute talaga niya kapag napipikon." Sambit pa ni Steffy sa kanyang isip.

"Huy. Ikaw!" Di na napigilang sigaw ni Kurt habang paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kumalma siya.

"Kalma lang Kurt. Yung Chamnian Coins. Ayos lang iyan. Wag kang mapikon." Ngunit makita ang nanunuksong ngisi ni Steffy, kumulo na naman bigla ang kanyang dugo.

"Ako? Bakit?" Painosenteng tanong ni Steffy na lalong ikinapikon ng lalaki.

"Sumusobra ka na a. Isang akong prinsipe kaya dapat magbigay galang ka." Marahas siyang tumayo at naglakad palapit sa nakaupong babae.

"Wala namang kagalang-galang sa mukha mo e." Sagot ni Steffy na ikinunot pa ang ilong.

"Ang Chamnian coins mo. Kaya kumalma ka lang diyan." Kumbensi pa ni Kurt sa sarili.

"Ikaw- paparusahan na talaga kita." Huminga siya ng malalim. Umaakyat baba na rin ang kanyang dibdib.

Agad inalis ni Steffy ang mga paa sabay peace sign.

"Pagpagan mo. Nadumihan na." Utos ni Kurt kay Steffy. Ngunit tila wala itong narinig dahil nakatuon na ang tingin sa ibang lugar.

Nakatingin pa rin ito sa katawan ni Kurt ngunit, wala rito ang kanyang paningin dahil nakapokus ang kanyang paningin sa isang lugar na may mataas na pader at may mga malalakas na mga mysterian ang nagbabantay sa lugar na iyon. Nadaanan lang talaga ng tingin niya ang katawan ng prinsipe.

Nakikita niya kung ano ang nangyayari sa likod ng pader na iyon. At nakita rin niya na pumasok sa gate ang mga kalalakihan na may buhat na mga katawan. At ang mga katawang ito ay ang katawan ng mga Acrow members kanina na nakalaban nina Shinnon.

Ilang sandali pa'y napatayo si Steffy.

"Parang gusto kong pumunta don." Sambit niya at naglakad paalis. Nilagpasan ang pikon na kamahalan.

Ang kamahalan naman ay lalong nainis. Bakit siya nilagpasan lang? Naninigaw siya kanina di ba? Bakit parang hindi yata nakikinig ang isang to?

"Tara! Alis na tayo." Yaya ni Steffy kina Asana at Sioji.

"At sinong maysabing maaari na kayong umalis?" Cold na tanong ng kamahalan.

"Bakit? Gusto mong sumama?" Ilang sandali pa'y suminghap at nag-anyong nagulat.

"Naku! Kamahalan! Wag mong sabihing... Nahulog ka na sa akin kaya ayaw mo akong umalis? Ayiieh!" Sinundot-sundot pa ang tagiliran ng kamahalan.

Ang kamahalan naman, napahinga ng malalim at halatang nagkokontrol ng galit.

"Hindi kayo maaaring umalis dahil may atraso pa kayo sa amin." May diing pagkakasabi niya rito.

"Anong atraso? Wala kaya?"

"Meron. Kundi ko kayo nakita, hindi sana mawawala ang bato ng Ecclescia at hindi sana mawawala ang kapangyarihan non. At posibleng may kinalaman kayo sa pagkawala ng kapangyarihan ng bato ng Ecclescia." Kundi nga kasi siya nagulat nang makita sina Steffy, hindi sana mawawala ang atensyon niya sa bato kaya sinisisi niya si Steffy dahil dito.

Habang si Steffy naman, naisip na kasalanan nga niya ang nangyari dahil kundi niya hinawakan ang batong yon, di sana mawawala ang kapangyarihan nito.

"Kasalanan mo kung bakit mo nilaglag. Bakit ako pa ang sisihin mo? Diyan ka na nga." Sagot niya at hinawakan na sina Asana at Sioji at sabay-sabay silang naglaho sa harapan mismo nina Shinnon at ng kamahalan.

"Nagagamit nila ang kanilang kakayahan, kahit na suot nila ang slave ring?" Gulat na tanong ni Rinju.

"Mukhang hindi pangkaraniwan ang mga kabataang iyon." Sambit naman ni Shinju.

"Halata naman. May Chamnian coins sila na pinag-aagawan ng mga Mysterian at nasira ang bahay na pinagawa ng Emperatris sa isang padyak lang. Hindi nagagawa ang ganoong bagay ng isang ordinaryong Mysterian lang." Sagot naman ni Rinju.

"Kaya kamahalan, dapat kunin mo ang loob nila. Wag mong ginagalit. Kahit para nalang sa blue teleportation stone at sa Chamnian coins." Sabi pa ni Rinju.

"Sa tingin mo ba madadala ako sa Chamnian stone na iyan? Paano kung mga espiya sila? Paano kung galing sila sa kalabang angkan? Kaya hindi sila maaaring umalis." Tumalikod na para hanapin sina Steffy nang hawakan siya ni Shinnon.

"Hayaan mo na lamang sila." Sabi ni Shinnon.

"Anong hahayaan? Paano kung makita sila ng mga Dethrin? Alam mo namang mapanganib ang lugar na ito." Sagot ni Kurt at naglaho na.

Nagkatinginan tuloy sina Shinnon at Shinju.

"Bakit hindi nalang niya sabihing nag-alala siya?" Iiling-iling na sambit ni Shinnon.

"Sa tingin ko sa mga batang iyon, mas nag-aalala pa ako sa mga pipikunin nila. Mukha namang mababait, wag mo lang pagsalitain." Sambit naman ni Shinju na ikinatango ng mga kasama.

Ilang sandali pa'y naglaho rin sila at sinundan ang kamahalan.

Sa isang bulwagan naman ng napakalaki at magarang tahanan. Nakaupo ang isang lalakeng may mga muscles at may peklat sa mukha. Siya ay walang iba kundi ang ex-general ng Wynx Empire na si ex-general Asmagorn. Sa tapat niya ay ang nanginginig na lalaking nakaluhod.

"Dahil sa lakas ng loob mong di pagsunod sa aking utos kailangan mong mamatay." Inutusan kasi niya ang nanginginig na lalakeng ito na patayin ang sinumang mga pinatapon sa Celeptris na ayaw magpaalipin kay Asmagorn.

Tumayo si heneral Asmagorn at kumuha ng espada. Tinaas niya ito at handa ng pugutan ng ulo ang nakaluhod na Mysterian.

"Ganito ang mangyayari sa mga hindi sumunod sa aking utos." Ibaba na sana ang espada para pugutan ng ulo ang lalake nang may tumama sa likod ng kanyang ulo.

Pak!

"Aray! Sinong bumato sa akin?" Galit niyang sigaw at nanlilisik ang mga matang inilibot ang paningin sa buong paligid.

Ang lalake naman na pumikit kanina at hinintay ang pagkahiwalay ng ulo sa katawan ay napadilat ng mga mata. Nagtataka kung bakit sumigaw si Asmagorn.

"SABIHIN NIYO!" Ang dumagundong na sigaw ulit ni Asmagorn ngunit may tumama na naman sa kanyang ulo. Naramdaman niyang may dumaloy na likido sa kanyang noo. Hinimas niya ang noo at may nahimas siyang mainit na likido. Tiningnan niya ito at nakita ang preskong dugo na galing sa kanyang noo.

"Hanapin ang bumato sa akin!" Utos niya sa mga kawal niya.

Agad tumalon pababa ng pader sina Steffy at tatakbo na sana kaso naharang na sila sa mga tauhan ni Asmagorn.

"At saan naman kayo pupunta mga pangahas?" Tanong ni Asmagorn na naglakad palapit sa kanila habang nakalutang sa hangin. Lumapag ito sa tapat nila at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanila. Umatras naman ng kunti ang mga kawal.

"Anong panga- has? Panga na parang ahas? Kayo kaya ang may pangang ahas?" Sagot naman ni Steffy.

"Tama!" Panabay namang sagot nina Asana at Sioji na lalong ikinasama ng tingin ni Asmagorn sa kanila.

=====

"Kamahalan, bakit ba natin sinusundan ang mga yan?" Di makapaniwalang tanong ni Rinju.

"Bumalik ka kung ayaw mong sumama." Sagot naman ng kamahalan. Nagkatinginan tuloy ang tatlo na sina Shinnon, Shinju at Rinju.

Pero nagtaka sila kung bakit umakyat ang tatlo sa pader at nag-high five pa pagdating sa tuktok. Pagkatapos naglabas ng maliit na bagay si Steffy galing sa bulsa at may tinirador sa loob.

"Kaalis lang naghahanap na agad ng gulo?" Tanong ng kamahalan.

Nakita nilang mabilis na tumalon pababa ang tatlo. Tatakbo na sana kaso napalibutan na ng mga kalaban.

"Mga tauhan iyan ng dating heneral Asmagorn." Gulat na sambit ni Shinnon.

"Gusto ba nilang mamatay? Sa dinami-rami ng dapat galitin ang namumuno pa ng lugar na ito?" Tanong din ni Rinju. Alam nilang isang Tiatros ang heneral na ito at hindi basta-bastang natatalo ng mga makakapangyarihang Mysterian. Na kahit sila mahihirapang talunin ang heneral na ito, sina Steffy pa ba?

"Alam niyo ang daya niyo. Di ba kayo nahihiya? Mga bata lang ang kalaban niyo tapos kayo malalaking tao tapos kakalabanin niyo kami?" Sabi naman ni Asana na pinagpapawisan na sa kaba.

"Oo nga. Bakit di nalang tayo mag-one on one battle?" Sagot naman ni Steffy na ikinadismaya nina Asana at Sioji.

"Sabi ko na nga ba Asana. Maghuhukay na tayo ng sarili nating libingan. Kapag nasaktan ang isang yan mapapatay rin tayo ng kanyang ama at ni lolo." Sagot ni Sioji.

"Pero dami-damihan na natin." Sagot din ni Asana.

"Tama. Para isama na natin si lolo." Tumango-tangong sagot ni Sioji.

"Hindi. Isama na rin natin ang mga Mysteriang iyan."

Kay Steffy naman.

"Matapang ka ha. Sige pagbibigyan namin ang gusto mo. Silva, ikaw na ang bahala sa kanya." Sabi ni Asmagorn. Para sa kanya nakakawala sa kanyang karangalan ang patulan ang mga mahihinang batang ito. Kaya mas mabuti pang ibigay sila sa kanyang mga tauhan. Nag-step forward naman ang isang lalakeng may dalang espada.

"Ayaw ko diyan. Gusto ko yung may bukol. Yung binato ko?" Sabay turo ni Steffy kay Asmagorn.

Kina Shinnon naman.

"Gusto na nga talagang mamatay ng shidang iyan." Sambit ni Shinju.

Tiningnan nila sina Asana.

"Mukhang exciting to. Maglalaban sina Steffy at ang pinuno ng bayang to?" Rinig nilang sambit ni Sioji.

"Tila isinilang yata ang mga batang ito para mangpikon ng mga Mysterian." Naiiling na sambit ni Kurt na ikinatango naman ng mga kasama.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top