77: Lost City; Celeptris 7, Chamnian Coins

Hindi inaasahan nina Mundo na lalabanan sila ng mga dayuhang ito. Narinig kasi ng lider nila na malalakas ang mga dayong ito at maaring mga mysteriang nagpunta sa lugar na ito para makapagtago tulad ng iba. Kaya inutos sa kanila ng kanilang pinuno na pilitin silang magpasapi sa grupo ng mga bandido kung ayaw nilang mamatay o ba kaya mapilitang umalis sa lugar na ito.

Kaya lang, sa halip na magpasakop kinalaban pa sila.

"Tapusin sila." Ito ang lumabas sa bibig ng kamahalan at ilang sandali pa'y tumilapon sina Mundo palabas ng gusali.

Ni hindi man lang sila nakapagsalitang muli dahil sa mga atakeng tumama sa kanila na di man lang nila alam kung ano o saan galing. Hanggang sa malagutan silang lahat ng hininga na di man lang nakalaban.

Pinunsan ni Shinnon ang kamao. Kundi lang talaga siya nag-alala na baka matakot sina Steffy, kanina pa niya ginamit ang kanyang espada sa pagtapos sa mga bandidong ito. Napilitan na lamang siyang gamitin ang kanyang kamao at syempre may kasamang kapangyarihan iyon para mawasak ang anumang nasa loob ng katawan ng bawat atakehin niya. Hindi makikita sa labas ang mga sugat ng mga bandido ngunit wasak ang mga laman ng mga ito sa loob.

"Pinatulog mo?" Tanong ni Steffy kay Shinnon. Yung mga inatake kasi nina Shinju at Rinju may mga sugat pero ang kay Shinnon walang makikitang kahit pasa man lang.

"Oo." Sagot lang niya.

"Dapat nag-iwan naman kayo kahit isa lang. Gusto ko ding sumuntok e." Reklamo ni Steffy, at napanguso.

Napaawang tuloy ang bibig nila sa narinig. Ilang sandali pa'y bigla na lamang dumukot sa bulsa ng kamahalan.

"Anong ginagawa mo?" Nakatagpo ang kilay na tanong ni Kurt.

"Naghahanap ng pera."

"At bakit sa bulsa ko pa?"

"E di sa storage ring mo nalang." Tiningnan ang daliri ng kamahalan kung may storage ring ba kaso wala siyang makita.

"Mapangahas! Bakit mo hinawakan ang kamahalan?" Itinutok ulit ni Rinju ang espada sa leeg ni Steffy.

"Gusto mo ikaw nalang ang hawakan ko?" Sabay tingin kung may storage ring ba si Rinju at nakitang may singsing sa kamay nito.

Bago pa man makapagsalitang muli, nasa kamay na ni Steffy ang singsing ni Rinju. Nakaawang ang bibig ng kawal habang pinagmamasdan si Steffy na hinahalungkat ang laman ng kanyang storage ring. Pinagtatapon pa sa labas ang mga gamit niya. At nang makita ang perang hinahanap, lumapit agad si Steffy sa may-ari ng kainan at inabot ang isang pouch na pera ni Rinju.

"Kamahalan. Kahit ngayon lang. Pagbigyan niyo ako. Papatayin ko na ang shidang to pakiusap." Disperadong sambit ni Rinju na halos maiyak na sa galit at hiya.

Gulat siya dahil madali lang para kay Steffy ang halungkatin lahat ng gamit niya sa storage ring na dapat ay hindi ito mabubuksan ng kung sinong hindi nito may-ari. At mas nagulat siya dahil sa kakapalan ng mukha ng isang to dahil makapanguha ng mga gamit kala mo sa kanya. Pero ang hindi matanggap-tanggap ni Rinju ay ang ipinagtatapon palabas lahat ng mga gamit niya na parang mga basura. Higit sa lahat, naka-display pa sa sahig ang mga kasuotan niyang pangloob na mga walang laba. Hindi lang yon. Ang perang ipinamigay ni Steffy ay ang perang inipon niya galing sa kanyang sahod simula pa bata tapos pinamigay lang ng walangyang shidang ito? Pera niya yon at pinaghirapan niya.

Kahit si Shinnon hindi alam ang sasabihin. Napatingin sila kay Steffy na kakabalik lang at abot tainga pa ang ngiti.

"O, problema mo? Ayaw mong siya ang hawakan ko di ba? Pinagbigyan lang naman kita." Sabi pa ni Steffy.

Tumingin naman si Rinju sa kamahalan na nakikiusap kung maaari bang tadtarin na niya ang lapastangang shidang ito.

"Am... Dodoblehin ko nalang ang sahod mo ng sampung ulit." Nakaiwas tingin na sabi ng kamahalan kaya napabagsak na lamang sa sahig si Rinju.

"Kamahalan. Hindi sahod ang gusto ko. Gusto ko lang makaganti sa shidang ito?" Gustong-gusto na talagang umiyak ni Rinju dahil sa galit at dismaya.

Sinamaan niya ng tingin si Steffy. " may ginawa talaga ang shidang ito sa kamahalan kaya nagkakaganyan siya. Siguro ginayuma niya ang kamahalan o ba kaya kinontrol niya. Tama. Kinontrol niya. Kung hindi pa, bakit palage na lamang pinapalampas ng kamahalan ang mga pagkakamali ng shidang ito?" Tumango-tango pa siya nang maisip ang bagay na ito.

"Kaya kailangan kong makahanap ng paraan para mailigtas ang kamahalan at makawala sa mga kamay ng shidang ito." Habang iniisip yon, makikitaan naman ng determinasyon ang kanyang mga mata.

Nang marinig niyang ilang ulit na nagpasalamat ang may-ari ng kainan kay Steffy at halos lumuhod pa sa sobrang tuwa, gusto na niyang masuka ng dugo sa tindi ng galit.

Pero nang marinig niya ang sagot ni Steffy.

"Sa kanya po kayo magpasalamat dahil kundi po sa kanya, hindi po kayo makakapagsimula ng panibagong buhay. Magagamit niyo po ang perang yan kapag umalis kayo sa lugar na ito at makipagsapalaran sa ibang bayan. Umalis na po kayo habang hindi pa dumating ang mga kasamahan ng mga bandidong ito."

Nagpasalamat ang lalake kay Rinju at sinabing handa itong tumulong sa abot ng kanyang makakakaya kapag may kailangan sila sa kanya sa hinaharap. Bago nagpaalam para makalayo na sa lugar na ito.

Napatingin tuloy si Rinju kay Steffy. Kanina kasi tingin niya rito, isang halimaw. Napakasamang halimaw. Bakit tingin niya rito ngayon, isa ng munting dyosa?

"Paumanhin po sa inasal ko kanina kuya. Gusto lang talaga kitang pikonin. (Nagpeace sign)Pero wag kang mag-alala, babayaran kita kapag may pera na akong katulad ng Wynx currency." May pera man siya na nakapaloob sa storage pouch na nilagay niya sa loob ng storage ring pero Chamnian Currency iyon at iba sa pera ng mga Mysterian. Lalo pa't iba-iba ang pera na ginagamit ng bawat emperyo. At di niya alam kung nagagamit ba ang perang ito sa labas ng Chamni at Arizon Kingdom.

"At dahil may kasalanan ako sayo, ito ang pampalubag loob ko." Inabot ang isang teleportation stone na kulay blue kay Rinju. Kasing laki lamang siya ng hinlalaki.

"Makakapag-teleport ka na mula rito patungo sa ibang kontinente. Tatlong beses mo nga lang iyan magagamit. Wag kang mag-alala. Kapag makakakita ako ng mas magandang item dadagdagan ko yan. Promise!" Tinaas pa ang isang palad.

Kung kanina gusto ng sumabog ni Rinju sa tindi ng galit, ngayon naman, gusto ng mahimatay sa sobrang gulat.

Ang kulay bughaw na teleportation stone ay ang isa sa mga pinakabihira at pinakamahalagang items na pinag-aagawan ng mga Mysterian. Kahit kasi may mga ability ang iba na mag-teleport sa ibang lugar pero yung iba, ilang metro lang ang layo ng mapag-teteleport-an nila. Ang iba naman hanggang isang kilometro lamang. At ang maituturing ng pinakamagaling ay mga hundred kilometers lang ang kayang puntahan.

Kaya kapag malalayong lugar, kailangan nila ng teleportation stone na kayang mag-teleport sa kanila sa kahit saan basta nasa loob lang ng kontinenteng kinaroroonan. Kaso kadalasan, isang beses lamang itong nagagamit. At hindi rin nito nararating ang ibang kontinente. Pero may iba namang teleportation stone na nararating ang ibang kontinente at isa na dito ang blue at red colored teleportation stone pero bihira na lamang matatagpuan sa mundong ito.

Pero ang isang to, isang kulay bughaw pa? Tanging mga pinakamalalakas at makakapangyarihan lamang ang nakakahawak ng ganyan. Higit sa lahat, mga pinakamayayamang Mysterian dahil sila lang ang nakaka-afford sa ganitong item. At bakit may ganito ang isang to? Saka naisip ni Rinju ang sinabi ni Steffy kanina na wala siyang Wynx currency, ibig ba nitong sabihin na may pera siya kaso hindi katulad ng perang hawak niya?

Bago pa man makuha ang teleportation stone hinablot na ito ng kamahalan.

"Ginalit mo rin ako kanina. Bakit siya binigyan mo ng pampalubag loob, tapos ako hindi?"

"Kamahalan, akin yan!" Kukunin sana ni Rinju ang bato kaso tinago agad ng kamahalan. "Sinuwerte na sana ako, bakit minalas na naman? Kaya pala, kinakampihan niya ang isang to kasi magkaugali sila. Nangunguha ng hindi kanila." Gusto man niyang magreklamo kaso wala siyang magawa. Bantay lang siya at master naman ang isang to kaya kay Steffy na lamang siya magpapatulong.

"Di mo kasi kinuha agad e. Ayan tuloy. Hayaan mo, kapag makakuha ulit ako ng ganyan kay lolo, bibigyan kita." Natuwa namang muli si Rinju.

Naglabas ng ilang piraso ng Chamnian currency si Steffy. Isang gintong barya na may nakaukit na gintong pakpak sa gitna. Sa kabilang bahagi naman nito ay dalawang letra na Z.A.

Tila napaso ang mga palad ni Rinju sa limang gintong baryang hawak.

"Siguro hindi nagagamit ang ganyang gintong barya dito Steffy. Ito nalang muna." Sabi ni Asana at dumukot ng gintong barya na may nakaukit na korona sa isang bahagi at infinite symbol sa likuran. Isa sa Universal currency ng Mysteria. Ngunit tanging mga piling mga Mysterian lamang ang nakakahawak ng ganitong uri ng pera. Kadalasan ding ginagamit na pera sa kontinente ng Emperialta.

"Sapat na ito. Sapat na sapat na." Sambit ni Rinju habang pinagmamasdan ang Chamnian coins na galing kay Steffy. Pinaghalik-halikan at halos maiyak na sa tuwa.

"Ngayon ko lang nalaman na hulog ka pala ng langit. Sige galitin mo na ulit ako. Hindi na ako magrereklamo."

Wala tuloy nakapagsalita. Sino ba ditong may gustong ginagalit at mag-request pa na galitin ulit?

"Kung ayaw mo nito, akin na." Sabay kuha ni Kurt sa perang hawak ni Asana at ipinasok agad sa kanyang storage ring.

Namimilog ang mga mata ng tatlong kawal habang nakatingin sa kanilang kamahalan.

"Bakit kinuha mo na naman ang para sa kawal mo? Pwede namang manghingi ka nalang din sa akin e." Sabi ni Steffy.

Nag-iwas naman ng tingin si Kurt na nakanguso na ngayon.

"Bakit kasi siya pa ang nilapitan mo? Kung may kailangan ka, sa akin ka lumapit. Kapag may ibibigay ka, sa akin ko dapat ibigay." Sagot ni Kurt.

"Saka bakit mo niyayakap si Shinnon ha? Kung ayaw mo ng makipag-duelo sa akin sabihin mo ng maayos hindi yung nangyayakap ka ng iba." Dagdag pa nito.

Steffy: "???"

Nagkatinginan naman sina Shinnon, Shinju at Rinju.

"Magkakilala na ba sila ng kamahalan dati pa?" Tanong ni Shinju kay Shinnon.

Tumango naman si Shinnon. "Nakilala namin sila sa gubat ng Iceria. At siyang tumulong sa amin para makakuha ng halamang Incenia."

Namilog naman ang mga mata ni Shinju. "Kung ganoon galing sila sa Emperialta? Paanong napadpad sila sa lugar na ito?"

Napatingin si Rinju sa Chamnian coins na hawak. Ramdam na ramdam niya ang Chamnian Tzi na nagmumula sa coins na ito. Kinuha ni Shinnon ang isang coin na hawak ni Rinju at tiningnang maigi.

Kapag i-auction ang baryang ito sa alinmang auction house ng Mysteria tiyak na mabibinta ito sa malaking halaga. Ngunit pinamigay lamang ni Steffy.

"Hindi ba nila alam ang tunay na halaga ng isang Chamnian coin?" Tanong niya pa. Napatingin siya kay Sioji na may kakaibang aura kumpara kina Steffy at Asana.

Kung may childish vibe si Steffy may princely vibe naman si Sioji. Hindi rin niya makita ang level ng kapangyarihan nito. Dalawa lang ang ibig sabihin, mas mataas ang level ng kapangyarihan ni Sioji o wala itong taglay na kapangyarihan.

"Alam mo ba kung ano ang halaga ng baryang hawak mo?" Tanong ni Kurt kay Steffy.

"Kinuha ko lang iyon sa storage room ni Lolo kasi nakakalat sa sahig."

"Ilang piraso ba ang dala mong Chamnian coins?"

"Mukhang marami yata. Bakit?"

"Wag mong basta-bastang inilalabas ang ganoong barya. Baka hahabulin kayo ng ibang mga Mysterian na may masasamang loob. Ang isang Chamnian coin ay maaaring maibenta ng ilang bilyong Yang sa Mysteria. Ang isang barya ay maaaring gawing sandata ng mga Mysterian. Isang sandata na ang matatamaan ay hindi nagagamot ng sinumang mga healer maliban sa mga Chamnian healer dahil sa Chamnian Tzi na maiiwan sa sugat ng sinumang target." Paliwanag ni Kurt.

Naglabas si Steffy ng isa pang Chamnian coin at tiningnan.

"Isang piraso lamang niyan, maaari ka ng bumili ng isang kaharian sa Mysteria. Sabihin mo, saan mo galing ang baryang ito?"

"Bakit ko sasabihin? Ikaw nga hindi mo sinasabi ang totoo mong pangalan, bakit gusto mong maging tapat ako sayo?"

"Hindi mo rin naman sinabi ang tunay mong pangalan a."

"Anong hindi? I'm Seyriel and I'm Steffy. Totoong pangalan ko ang mga iyon."

"Totoo namang Zaifer ang pangalan ko a."

"Sabi mo Dremin."

Napaiwas ng tingin si Kurt. Bahagyang tumikhim.

"Nakamaskara ako, bakit nakikilala mo pa rin ako ha?"

"Bakit? Binago mo ba ang amoy at aura mo?" Kahit anong mukha pa ang ipapakita sa kanya, makikilala at makikilala niya ang sinuman base sa amoy at sa aura ng mga ito.

Inamoy agad ni Kurt ang sarili. "Naligo naman ako a." Agad niyang sagot maalalang sinabi noon ni Steffy na nakaamoy siya ng amoy na walang ligo.

"Bawat nilalang may unique na amoy at unique na aura. Magbabago man ang kanilang pisikal na katawan at magbabago man ang kanilang kapangyarihan ngunit hindi ang aura na nagmumula sa kanilang mga kaluluwa. Lilipat man sila ng vessel o katawan, hindi mababago ang kanilang amoy at aura." Sambit ni Steffy.

"Nakikita mo ba maging ang bawat kaluluwa ng iba?" Tanong ni Kurt. May mga Mysterian kasi na may kakayahang tingnan ang mga kaluluwa ng iba.

Umiling si Steffy. "Hindi pero nararamdaman ko ang kanilang mga enerhiya."

"Kaya kahit ilang mukha pa ang gagamitin mo, makikilala at makikilala pa rin kita. Maliban nalang kung makakalimot ako." Sabi ni Steffy.

"May ilang Yang ka ba diyan? Kailangan kasi namin ng perang magagamit kapag napadpad kami sa ibang lugar. May pera kami galing sa Emperialta pero hindi ko alam kung magagamit ba namin sa ibang kontinente." Sabi ni Steffy kay Kurt.

Inilabas ni Kurt ang isang pouch ng Yang coin. "Kung kukulangin ang baryang ito, gamitin mo ang perang ibinigay ko kanina. Mas mataas ang halaga noon kaysa sa barya."

Agad na kinuha ni Steffy ang isang pouch at ibinigay kay Kurt ang isang supot na may lamang Chamnian coins.

"Sabi mo napakahalaga ng barya na iyan sa mga tulad niyo pero barya lang iyan sa mga tulad namin kaya kunin mo na."

Napatingin si Kurt sa supot na may lamang Chamnian coins. Kitang-kita niya ang kulay gintong enerhiyang lumalabas mula sa bibig ng supot.

"Sobra-sobra naman yata itong bigay niyo Shida." Ibabalik na sana ang supot kay Steffy ngunit umiling ito.

"Ayos lang iyan. Mas kailangan niyo iyan kaysa sa amin." Sagot ni Steffy.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top