74: Lost City; Celeptris 4, slave ring
May apat na Mysterian na may parehong kasuotan ang sumalubong kina Kurt. Nagbigay pugay ang mga ito bago bigyang daan ang lalaki.
Inutusan ni Kurt na buksan ang hawla kaya napalingon sina Rinju at Shinju sa kinaroroonan nina Steffy ngunit nagulat na lamang sila dahil wala na roon ang tatlo.
Nakarinig sila ng hagikhik. Agad silang napalingon kay Steffy na nilalaro-laro na ang tubig sa fountain. Samantalang pasipol-sipol namang naglalakad si Sioji habang nakalagay sa likuran ang mga kamay. Patalon-talon naman si Asana habang inililibot ang paningin sa buong paligid.
"May kagandahan din ang lugar na ito ha." Sambit niya pa. Naglakad palapit sa gawi ni Steffy at dumungaw sa tubig sa gilid ng fountain, sabay tingin sa kanyang repleksyon.
"Buti nalang, hindi ako naalikabokan. Pero maganda pa rin naman." Lumikha pa ng iba't-ibang facial expression bago muling ibinaling ang tingin kina Kurt na ngayon nakaawang ang mga bibig na nakatingin sa kanila.
Palipat-lipat naman ang tingin ni Rinju sa nakasara pa ring hawla at sa tatlong mga batang dapat sana'y nasa loob pa rin.
Napatingin naman si Shinju sa hawak na susi na siyang susi para mabuksan ang hawla.
"Wala na bang kapangyarihan ang hawla na ito?" Tanong niya. Hindi maintindihan kung bakit nakalabas sina Steffy gayong nakasara pa rin naman ang hawla. Higit sa lahat, hindi nagagamit ang anumang uri ng kapangyarihan o kakayahan sa loob ng hawlang ito.
"Kamahalan." Sambit ni Rinju na nagtatanong ang mga mata habang nakatingin kay Kurt.
Naalala naman ni Kurt kung paanong nakakain nina Steffy ang Prisya noon na hindi namamatay sa lakas ng enerhiyang ibinibigay ng prutas. At kung paanong hindi naaapektuhan ng lasong meron ang punong Gaines si Steffy kaya posibleng hindi rin ito naaapektuhan sa kapangyarihang taglay ng hawlang meron sila. Ngunit mas lumakas ang kutob niyang sinusundan siya nina Steffy.
Lumakas din ang kanyang kagustuhan na kilalanin kung sino nga ba sina Asana at Steffy lalong-lalo na ang bago nilang kasama na si Sioji.
"Kalaban ba sila o kakampi? Pinili ba sila o may mga special magic artifact lang talagang dala?" Kurt thought.
Napagpasyahan niyang hindi niya hahayaang makaalis sa lugar na ito sina Steffy hangga't hindi niya masisigurong kakampi ba sina Steffy o isa sa mga espiya ng mga Hanaru.
Kumunot ang noo ni Steffy nang may pinasuot na namang singsing sa kanya si Kurt.
"Singsing ulit? Hindi pwedeng pagkain nalang?" Tanong niya pa.
"May libre kayong pagkain kapag sinuot niyo ang mga singsing na iyan." Sabi ni Kurt kina Asana at Sioji.
Makitang suot na rin ni Steffy ang singsing na galing kay Kurt isinuot na rin nina Asana ang singsing na inabot sa kanila ni Shinju.
Ang mga singsing na suot nila ngayon ay isa sa Chamnian artifact na kayang pigilan ang kakayahan at kapangyarihan ng sinumang susuot nito. Ginagamit lamang ang mga ganitong uri ng singsing sa mga Mysterian na may uncontrollable powers katulad ng mga pinili, at ng mga Mysteriang nagkasala at pinagbabawalan ng gumamit pa ng kapangyarihan habang buhay.
Tinatawag ang singsing na ito na Chamnian slave ring. At may kapares ang mga slave rings na tinatawag na Master's ring. Magiging slave ng sinumang may hawak ng Chamnian Master's ring ang may suot ng slave ring. Hindi rin maaaring aalisin ng mga may suot ng slave ring ang singsing dahil tanging ang may hawak lamang ng Master's ring ang makakatanggal nito.
Napapailing naman si Shinju makitang tila hindi alam ng mga batang ito ang ibig sabihin ng pagsusuot nila ng slave ring.
"Mga bata nga naman. Dahil lang sa pagkain, pumayag na silang makapagsuot ng slave ring." Iiling-iling na sambit ni Shinju.
"Bigyan sila ng silid na matutuluyan." Utos ni Kurt sa apat na mga alipin.
"Masusunod po kamahalan." Magalang na sagot ng lalaking alipin, bago lapitan sina Steffy.
"Sumunod kayo sa akin." Sabi nito sa tatlo at nauna ng naglakad papasok. Agad naman silang sumunod.
"Mukhang, isa nga yatang maharlika ang lalakeng yon. Panay tawag nila ng kamahalan sa kanya e." Sabi ni Asana at sinulyapan ang kamahalan na nauna ng pumasok sa loob ng bahay. "Pero bakit pamilyar ang kanyang pigura na di ko maalala kung saan ko nakita?" Tanong niya pa habang nakatingin pa rin sa likuran ni Kurt.
Sasagot na sana si Steffy ngunit naunahan siyang magsalita ni Sioji.
"Ano naman kung isa siyang maharlika o ba kaya isa siyang prinsipe? Maiikumpara ba siya sa amin?" Sagot naman ni Sioji na nasanay na tinitingala dahil sa pagiging Arizonian prince niya.
"Syempre naman. Siya may kaharian. Ikaw ba meron?" Agad napatakip si Asana sa bibig. Halatang nagsisi sa mga nasabi. Napasulyap siya kay Sioji at nakitang dumilim ang mukha nito habang naikuyom ng mariin ang mga kamao.
Alam ni Asana na nasaktan niya si Sioji sa kanyang mga nasabi dahil kahit isa man si Sioji sa crowned prince ng Arizon kingdom pero hindi na nila napamahalaan ang buong kaharian dahil sa pagkakulong nila sa Arizon city. At kahit sakop man nila ang mga lungsod na malalapit sa dagat, pero hindi na katulad ng dati na may namamahala pa rito. Ang mga bayang sakop ng Arizon kingdom ay malalaya at ang mga namamahala rito ay ang mga city mayor at ang iba naman, ay nakikipag-alyansa na sa mga malalapit na kaharian at gustong doon na magpasakop.
"Wala man kaming koneksyon sa outside world dati, pero hindi na ngayon. At kahit hindi man namin napamahalaan dati ang buong kaharian, hindi ibig sabihin nito na mahina na ang aming impluwensya sa iba." Cold na sagot ni Sioji.
Matatawag mang kaharian ang Arizon kingdom ngunit ang tunay na kabuuan ng pinamamahalaan ng mga Arizonian ay ang buong Emperialta mismo. Ang Woles, Perzeton, Norzian, Zilcan, Azran kingdoms ay ang mga kaharian nasa pamamahala ng Arizon Empire. Ngunit dahil mas pinili ng Emperador na magkaroon ng mas maliit na teritoryo at mas magaang responsibilidad, hinati ng unang Arizonian Emperor ang buong Emperialta into a kingdom. Hanggang sa mabuo ang mga kahariang nabanggit at umusbong ang iilan pang maliliit na mga kaharian na sana'y sakop rin ng Arizon Empire.
Dahil lumiit ang dating malawak na teritoryo ng Arizon Empire, tinawag nila itong Arizon kingdom. Maituturing mang kaharian na walang malawak na teritoryo, ngunit ang mga Arizonian pa rin ang maituturing na tunay na lakas ng mga Emperialta. Siyang sandalan, tagapagligtas at tagapaghatol ng Emperialta.
Nakagat ni Asana ang bibig makitang nagiging cold ulit si Sioji. "Sorry." Pagpaumanhin niya.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ng binatilyo at napabuntong-hininga na rin. "Totoo naman ang sinabi mo. At mali din naman ako dahil sa pagmamaliit ko sa iba. Pero, hindi mo din dapat maliitin ang isang Arizoninian na hanggang ngayon ay kinatatakutan parin ng buong Mysteria."
Habang naglalakad, nakasunod naman sa kanila ang tatlo pang mga alipin. Nagbubulungan ang mga ito.
"Pfft! Mukhang nasa pantasya ang mga utak nila. Nakuha pang pag-usapan ang isang angkan na matagal ng naglaho sa mundo." Bulong nito sa katabi, habang natatawa.
"Mga bata lang yan. Natural lang mag-isip ng kung anu-ano. Pero sa hitsura mukha ngang galing sa hindi ordinaryong pamilya." Sagot ng kasama.
"Marami kayang mga gwapong alipin sa mundo. May suot silang slave ring, ibig sabihin mas mababa pa sila sa atin." Sagot ng ikatlo.
"Alam ba nilang tanging ang may-ari lang ng Master's ring ang makakatanggal nito? At kapag namatay ang may-ari ng slave ring, mamamatay rin ang may suot ng slave ring." Bulong ng ikalawa sa dalawang kasama.
"Malamang nagpapasalamat pa sila dahil kinupkop sila ng kamahalan. Sa hirap ba naman ng buhay sa mundong ito. Mahirap ng makahanap ng trabaho at bahay na matutuluyan. Lalo pa't magulo ang mundo." Sagot ng isa.
"Slave ring pala ito Steffy. Sigurado ka bang susuotin natin to?" Tanong ni Sioji kay Steffy gamit ang isip.
"Walang ganito ang mga chamnian dahil di sila mahilig mang-alipin, kaya mapapakinabangan natin to." Sagot ni Steffy habang pinagmamasdan ang ikalawang singsing sa kanyang daliri.
"May Chamnian Tzi ang singsing na ito. Kung isa itong slave ring, may Chamnian bang gumagawa ng ganito? O may kakayahan na rin ang mga Mysterian na gumawa ng artifact na may Chamnian Tzi?" Sambit ni Asana sa kanyang isip.
Inaakala ng iba na tahimik lamang sina Steffy ngunit ang totoo'y nag-uusap ang tatlo gamit ang isip.
"Ito ang magiging silid niyong dalawa. Tandaan niyo, simula ngayon, magiging alipin na kayo ng kamahalan." Sabi ng alipin sabay tingin kina Asana at Steffy.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top