72: Lost City; Celeptris 2, Libreng sakay
Nang makaalis na sa pagkakapatong ng sinumang bumagsak sa kanya, agad na tumayo lalaki. Pinagpagan ang alikabok na dumikit sa kasuotan habang ini-interrogate ni Rinju ang batang bigla nalang bumagsak mula sa itaas.
Matapos matiyak na malinis ng muli ang suot, tinanong niya si Steffy kung sino ito. Bahagya sa yang natigilan makita ang pamilyar na mukha.
"Ako? Ako si Steffy." Sagot ni Steffy na ikinakunot ng kanyang noo. Sa pagkakaalam niya Seyriel ang pangalan nito.
"Anong ginagawa niya sa lugar na ito? At sino na naman itong kasama niya?" Unasim ang mukha ni Kurt makita ang lalaking kasama ni Steffy. Hindi rin ito nakikitaan ng anumang takot o pagkabahala kahit may espadang nakatutok sa leeg nito.
"Pagkakataon na naman bs ito o sinusundan talaga ako ng batang ito? Hindi kaya espiya sila na nagkunwaring inosente?" Tanong ni Kurt sa kanyang isip.
Noong unang naghahanap sila ng Incenia, nakasalubong niya ang batang ito. Ngayon namang hinahanap nila ang bato ng Ecclescia nandito na naman si Steffy. Ang mas malala, naglahong bigla ang kapangyarihan ng bato na posibleng may kinalaman si Steffy rito. Nagdududa ang mga matang napatingin si Kurt kay Steffy.
"E kayo. Sino kayo?" Balik tanong ni Steffy maisip na baka magkaboses lang ang nakamaskarang lalaking nakatagpo nila sa Gubat ng Iceria at ang lalaking itong tinatawag na kamahalan. Tinitigan lamang siya ng kamahalan na may malalim na iniisip.
"Lapastangan! Magbigay galang ka sa kama-" Hindi natapos ni Rinju ang sinasabi dahil nagsalita ang kamahalan daw.
"Tama na yan." Awat ng kamahalan.
"Ako si Dremin. Ang heneral ng Wynx." Pagpapakilala pa ng kamahalan. Pagkatapos magsalita, gusto nitong bawiin ang sinabi dahil sa edad palang niyang ito, imposibleng may maniniwalang isa siyang Heneral lalo pa't tinatawag siyang kamahalan nina Rinju at Shinju.
"Weh, heneral daw e halata na ngang nagsisinungaling." Nakangusong sagot ni Steffy. Saka tiningnan ang mukha sa blade ng espada ni Rinju. Ginawa niya itong salamin at inayos pa ang naligaw na buhok sa kanyang noo.
Napatingin si Rinju sa kamahalan na nagtatanong ang mga mata kung ano ang dapat gawin kay Steffy. Tinutukan na nga kasi niya ng espada tapos ang ginawa, nanalamin lang sa espadang nakatutok sa leeg niya? Bakit di man lang ito natatakot?
"Wynx? Anong lugar ba iyan?" Tanong ni Steffy habang hinahanap sa maliit niyang utak kung saan niya narinig ang salitang Wynx na masyadong pamilyar sa kanya.
"Ang Wynx ang pinakasikat at tanyag na emperyo sa buong mundo. Tapos di mo alam?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rinju. Kaya naman pala parang tanga ang shidang ito, iyon pala wala itong kaalam-alam.
"Nagbibiro naman yata kayo. May pinakasikat bang hindi ko alam? Kala ko pagkain para matandaan ko. Hindi naman pala." Dismayadong sambit ni Steffy.
Lalo namang umusok ang ilong ni Rinju sa uri ng pananalita ng batang kaharap. Tila mabilis siyang mauubusan ng pasensya sa shidang ito. Tiningnan ulit niya ang kamahalan. Tinging humihingi ng permiso na kung maaari ay tatapusin na niya ang walang galang na batang kaharap. Kaya lang, tinitigan lamang siya ng kamahalan.
"Ano bang meron sa munting shidang ito? Di naman kasingganda ng mga Haria at shida ng Wynx? Para makuha ang atensyon ng kamahalan." Sambit pa ni Rinju. Ngunit kumunot ang noo mahagip ang pamilyar na singsing sa isang daliri ni Steffy.
"Bakit kapareho yata sa nawawalang singsing ng kamahalan?" Tanong pa ni Rinju sa isip ngunit inalis din sa isip ang posibilidad na singsing ni Kurt ang suot ni Steffy.
"Nagugutom na ako. Pahingi naman ng makakain diyan o. Nagutom ako sa interview niyo." Reklamo ni Steffy. "Saka, di ka ba nangangalay sa kakatutok ng espadang yan sa leeg ko?"
At dahil nangangalay na nga si Rinju, ibinaba na lamang ang hawak na espada. Wala rin namang ibinabang kautusan sa kanila ang kanilang kamahalan.
"Bakit kayo nakarating dito?" Tanong ng kamahalan.
"Sasagutin ko yan pero pakain muna." Sabay lahad ng kamay.
"Wala kaming pagkain dito." Sagot naman ni Shinju.
"Pahingi nalang ng pera." Sagot ni Steffy na lalong ikinasama ng tingin nina Shinju at Rinju.
"Ngayon lang ako nakasalubong ng shidang sobrang kapal ng mukha." Sa isip-isip ni Shinju.
"Saka mababait naman kayo at ang kikisig at gwapo pa o. Sige na, pakain naman diyan." Pero sa halip na bigyan ng pagkain, ipinakulong sila ng kamahalan.
"Ikulong sila." Utos ni Kurt. Puro question mark naman ang pumasok sa ulo ni Steffy na halata naman sa mukha.
"Wala ba talagang alam ang batang ito o nagkunwari lang inosente para linlangin kami?" Sabing muli ni Rinju sa kanyang isip.
Nakuha na sana nila ang bato ng Ecclesia kanina mula sa emperyo ng mga Hanaru. Kaya lang, hindi napansin ni Kurt na nalalaglag pala ito kanina habang nakikipaglaban sila sa mga humahabol sa kanila.
Nagulat kasi si Kurt makita ang pamilyar na pigura nina Steffy at Asana dahilan upang hindi niya naiwasan agad ang atake ng kalaban. At sa mga sandaling iyon hindi niya napansin na tumilapon ang bato ng Ecclescia. Hindi kasi ito maaaring ipasok sa kanilang mga space ring dahil hindi kaya ng mga spatial items na meron sila ang malakas na enerhiyang inilalabas ng bato.
Natagpuan na sana nilang muli ang bato ng Ecclescia sa tapat ng nakaluhod na magic beast na may katawang oso. Kaya lang, wala ng kapangyarihan ang bato na hindi nila alam kung paano nangyari at bakit?Kaya gustong alamin ng kamahalan kung may kinalaman ba sina Steffy sa pagkawala ng kapangyarihan ng bato ng Ecclescia. Habang sinisisi naman ni Rinju ang kabiguan nila kina Steffy.
"Uwaaah!" Biglang nagngawa ni Steffy nang marinig na ipapakulong sila. Napatakip tuloy sila ng tainga.
"Ano ba! Titigil ka o tumigil ka?" Naiiritang sigaw ni Shinju na siyang naglabas ng prison cage. Isang malaking hawlang hugis kahon na ang sinumang maipapasok sa loob ay hindi makakagamit ng kapangyarihan.
"Pagkain muna." Sagot naman ni Steffy.
Dumukot naman ng bagay sa bulsa ang kamahalan at ibinigay kay Steffy. Nagtaka tuloy sina Rinju at Shinju. Bakit mabait ang masungit nilang prinsipe sa shidang ito? Kaya nga hindi ito natatakot sa kanila dahil hinayaan lamang ng kamahalan na sagut-sagutin sila.
"Ano to? Batong puti? Makakain ba to?" Kinagat ni Steffy ang paoblong na hugis ng batong puti at napangiwi dahil sa tigas.
"Ang sakit. Bakit matigas?" Takang tanong niya sabay haplos sa ngipin.
"Seryoso?" Gulat na tanong ni Rinju.
"Totoo ba ito?" Sagot naman ni Shinju.
Ang kamahalan naman nagtagpo na ang kilay. Unang-una, hindi siya nakilala ni Steffy. Pangalawa, nakarating sina Steffy sa lugar na ito nang walang mabigat na dahilan. Pangatlo, kainin ba naman ang perang bigay niya?
"Saang lupalop ba ng mundo galing ang shidang ito?" Di makapaniwalang tanong ni Rinju.
"Hindi iyan pagkain kundi pambili ng pagkain." Natatawang sambit ni Asana sa isip ni Steffy na kanina pa tahimik. Wala naman kasing pumansin sa kanya dahil wala namang nakakakita sa kanya kanina dahil nagkatawang hangin siya.
"Ganito pala ang pera nila rito? Magkano naman ito?" Sinuri ni Steffy ang hitsura ng pera sinasabi ni Asana.
"Parang jade stone na may nakaukit na mga simbolo. Ngayon lang ako nakakita ng ganito a." Sabi naman ni Sioji na nakarating na sa tabi ni Steffy na di man lang napansin ni Shinju.
"Nagbibiro ba kayo?" Di makapaniwalang tanong ni Rinju sa mga walang alam na mga shidang ito.
"Ganon ba yung biro sa inyo?" Inosenteng tanong ni Steffy pero ikinagalit naman ni Rinju samantalang napatingin naman si Shinju sa dating kinaroroonan ni Sioji pagkatapos kay Sioji na nasa tapat na ni Steffy.
"Nalusutan ako na di ko man lang namalayan?" Naguguluhan niyang sambit. At mas lalong naging alerto dahil sa bilis na ipinamalas ni Sioji.
"Kamahalan papatayin ko na ba to?" Tanong ulit ni Shinju.
"Sabi ko, ikulong sila." Sabi ng kamahalan at sumakay na sa kanyang white unicorn.
"Dapat kalesa naman. Bakit hawla pa? Saka palagay na din ng upuan." Di tuloy alam nina Shinju at Rinju ang sasabihin. Ngayon lang sila nakakakita ng bihag na nga, siya pa'ng demanding.
Binuksan niya ang malaking hawla at inutusan ang dalawang bata na pumasok sa loob. Nagsipasukan naman agad ang dalawa na walang tanong-tanong.
Pagdating sa loob, naglabas nga carpet si Steffy na siyang inupuan nila ni Sioji. Narinig pa nilang bumulong si Sioji.
"Wag ka ng magreklamo, nakiki-free ride lang tayo. Free ride to. Libreng sakay." Mahinang sagot ni Steffy na rinig naman nilang tatlo.
"May bihag nga ba talaga tayo o may pasaherong nakilibreng sakay?" Pabulong na tanong ni Rinju kay Shinju.
Isinara ng muli ni Shinju ang hawla saka sumakay na sa kanyang warrior beast. Kumunot ang kanyang noo makarinig na may extra pang boses sa loob ng kanyang kulungang hawla. Napalingin siya at nakita si Asana bigla naang sumulpot sa tapat nina Steffy kanina at umupo sa nakalatag na carpet.
"Hindi ba't dalawa lang ang ipinasok natin? Bakit naging tatlo na?" Naguguluhan niyang tanong kay Rinju sabay kusot sa mga mata.
Katulad niya, nagulat din si Rinju na nagiging tatlo bigla ang mga batang nasa loob ng hawla.
Tila nagdududa na sila kung ligtas bang dalhin ang tatlong mga batang ito lalo pa't tila may tinatagong panganib sa likod ng inosenteng mga mukha.
Napatingin sila kay Kurt ngunit tila alam na nito na may isa pang kasama sina Steffy at Sioji. Dahil hindi man lang ito nagulat makita ang pagsulpot ni Asana.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top